Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

1. Ano ang panitikan?

Magbigay ng kahulugan ng panitikan, ayon sa paborito mong


manunulat at ipaliwanag.
 Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, “ang panitikan ay pagpapahayg
ng mga damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa “Dakilang Lumikha”. Dahil
ang panitikan ng Pilipinas ay ang “pagpapahayag na pasalita pasulat man ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa kanilang mga gawit at kaugaliang panlipunan, pamumuhay, sa politika at
sa kanilang pananampalatay. Ang bawat anyo ng panitikang umiiral noong panahong bago pa
dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Sa tatlong wika ng Pilipinas, sa Ingles at sa Kastila.
Ang Florante at Laura ay nasusulat sa tagalog , isang wika sa Pilipinas, ang Noli Me Tangere,
sa Kastila at ang Like the Molave ay halimbawa ng panitikan sa Pilipinas na nakasulat sa Ingles.
Sa ganitong pagbibigay- katuturan, kung gayon, ang panitikang tagalog ay ang “pagpapahayag
ng mga damdamin ng mga Tagalog tungkol sa kanilang pamumuhay, sa politika at sa kanilang
kaugnayuan sa Diyos.”

2. Ano ang kasaysayan? Paano ito na uugnay sa panitikan?


 Ang kasaysayan ay istorya ng isang bayan, bansa o nasyon kasama ditto ang lahat ng kuwento
ng lipunan tulad ng kabuhayn, politika, mga kilalang tao na nagging bahagi ng bansa, mga
hoegrapiya, heolohiya at iba pa. ang kasaysayan ang isang pinagmulan ng mga kaalaman o
impormasyon at nagsisilbing tagapagsalaysay sa kasalukuyang henerasyon tungkol sa
nagdaang panahon.
 Malaki ang kontribusiyon ng panitikan sa kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano
ang buhay ng mga tao noon. Sa pagmamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o Talumpati
nalalaman kung ano ang obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga
buhay. Ang Panitikan din ang nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng
mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong
panahon ng kastila.

3. Ano-ano ang iba’t ibang paraan sa pagpapahayag ng panitikan? Ipaliwanag ang bawat
isa.
 Ang mga iba’t ibang paraan sa pagpapahayg ng panitikan;
 Pagsasalaysay: Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito
ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pagsulat man o pasalita. Tinuturing ito
na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat ditto nagsimula ang
alamat, epiko at mga kwentong bayan.
 Paglalarawan: Naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o nakikinig sa pamamgitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan,
gaya ng pang-uri at katangian.
 Paglalahad: Isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag.
Sinasagot ito ng katanungang “Bakit”.
 Pangangatwiran: Nagbibigay ng sapat na katibayn o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
4. Bakit dapat pag aralan ang panitkan?
 Bilang Pilipino, dapat na magkaroon ng pagmamalasakit sa katutubong panitikan. Tanda ito ng
pagkamakabayan ng isang tao. Ang mga Pilipino lamang ang dapat tatangkilik sa ating
panitikan ng bansa. At bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.

5. Ano ang alamat? Magbigay ng dalawang halimbawa ng alamat.


 Isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at
pook. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay
kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno.

Halimbawa:
Alamat ng Bawang
Mapag-aruga at mapagmahal na ina si Uganda. Hinahangaan siya ng lahat sa pagsisikap na
mapalaking mabait ang kaisa-isang anak na si Kulala.
Ulila na sa ama si Kulala. Bata pa siya nang matuklaw ng ahas sa bundok ang kaniyang ama.
Totoong mahirap lumaking walang ama. Para kay Kulala, hindi buo ang pamilya nila kung
patay na ang isa sa mga magulang niya.
Noong una ay hirap din si Uganda. Ina lang sana ang papel na ginagampanan niya. Nang
mamatay ang asawa, siya na ang ina, siya pa rin ang naging ama. Pero kahit nag-iisa na siya ay
hindi na niya inisip mag-asawa. Pinagsikapan niyang palakihin sa mabuting asal si Kulala. Sa
sobrang hirap na dinadanas, may ambisyon ding gustong maipakamit si Uganda sa anak. Nais
niyang makapag-asawa ito ng mayaman upang malayo sa karalitaang kanilang naranasan.
Sa pakiwari ni Uganda, marapat lamang na bumuti ang buhay ni Kulala.
May kasabihang ang kagandahan at kabaitan ay maaaring maging kasangkapan upang
makapamili ng kakasamahin sa buhay. Kung maganda ang isang dalaga, maaaring makapag-
asawa siya ng binatang may sapat na karangalan at sapat ding kayamanan. Ito ang naging
pamantayan ni Uganda para sa anak.
Ang kagandahan ni Kulala ay lalong napag-usapan nang magdadalaga na siya. Makinis ang
kutis at balingkinitan ang katawan niya. May mabibilog at nangungusap na mga mata siya. Ang
mga labi niya, kahit di kulayan ay sariwang rosas ang katulad. Ang tinig niya ay may lambing na
dala lalo't kapag siya ay nagtatampo na.
Sapagkat marunong makipagkapwa tao kaya siya ay kaibigan ng bata at matanda. Mahirap at
mayaman ay pantay lang sa kanya. Mabuti mang tao o masama ay pinakikiharapan niya. Wala
siyang pinipili. Para sa kanya, ang pagpapakatao ay isang mabuting pag-uugali at sapagkat
tayong lahat ay galing sa isang tipak na lupa, mauuwi rin daw tayo sa pinanggalingang lupa ni
Bathala.
Hanga si Uganda sa paniniwalang ito ni Kulala. Pero kahit lahat ay pinakikiharapan ng anak,
nangangarap pa rin ang ina na sana ay mayaman at makapangyarihang binata ang
mapangasawa ng kaniyang magandang dalaga.
May sariling puso at isip si Kulala. Totoong maraming naghahain ng pag-ibig sa kaniya pero
wala pa siyang napipili kahit isa. Upang matawag ang pansin ni Kulala, lahat nang manhhgaw
niya ay nagpapakiramdaman at nagpapayabangan mapaniwala lamang ang dalaga sa inihahain
nilang pagmamahal. Sa kasamaang palad, lagi at laging sinasamang palad ang lahat ng
mangingibig na nagpapasikatan.
Naririyan si Hashim na buong giting na nagmamalaking kukunin niya sa ilalim ng karagatan
ang pinakamalaking perlas na iaalay niya sa paanan ng minamahal. Madaling araw pa lang ay
mayabang na itong lumusong sa tubig at sumisid na parang barakuda sa kailaliman. Pero
sinamang palad siyang mabagok ang ulo sa nakausling bato sa ilalim ng dagat na ikinamatay
niya kaagad.
Nanginginig sa takot ang buong katawan ni Kulala nang dalhin sa tahanan nila ang lumaylay na
katawan ng mangingibig.
Nasundan ito ng abenturerong si Perot na sa pagnanais na mabigyan ng tuwa si Kulala ay
mayabang na lumusong sa ilug-ilugan na kinaroroonan ng pinakamababangis na buwayang
kinatatakutan ng mga kalalakihan. Nawakwak nga niya ang tiyan ng pinakadiyus-diyosan ng
mga buwaya subalit nahagip ang dibdib niya ng matatalim na mga ngipin ng damulag.
Pinapanghina siya sa sobrang dugong umagos sa hapong katawan. Una siyang nalagutan ng
hininga bagu tuluyang namatay ang diyablo.
Napaurong si Kulala sa takot nang dalhin sa kanilang bahay ang bangkay ng nagmamahal na
mangingibig. Namatay ang binata sa pagnanais na mapasagot ang kagandahang pinag-
aagawan ng kabinataan.
Naisip ni Uganda na panahon na upang siya na ina ni Kulala ay siyang pumili ng
mapapangasawa ng anak niya.
Sa mga anak ng datu, dalawa ang masusugid na mangingibig ni Kulala. Naririyan si Anturo na
anak ni Datu Basti at naririyan si Madur na anak ni Datu Tawilis. Sapagkat kayamanan ang
tanging pamantayan ni Uganda, binuo niya sa sariling matira sa matibay ang dapat na
paglabanan ng dalawa. Minsang nagkasabay sa panliligaw ang dalawa ay nagparunggitan sila
sa isa't-isa. Nagkapikunan at nagkainisan hanggang sa nagbunutan ng sandata. Sapagkat kapwa
gusto nilang makamit ang kagandahang pinag-aawayan, ang pakikipaglaban ay nagwagi sa
pakikipagkaibigan na nauwi sa dalawang kaluluwang naging bangkay.
Humahagulgol si Kulala sa sinapit ng dalawang mangingibig. Punung-puno ng kalungkutan ang
katauhan niya. Lalong nangamba ang dalaga nang sunud-sunod pang naglaban ang marami
pang mangingibig na handang mag-alay ng buhay mapagwagian lamang ang kaniyang
pagmamahal. Sa dami ng dugong dumanak ay lito ang isip na tinalunton ni Kulala ang daan
patungo sa ituktok ng bundok.
"Bathala ng Kabundukan!" nakalahad ang mga kamay na sigaw ni Kulala, "Kunin na po Ninyo
ako sa daigdig na kinaroroonan ko! Hirap na po ang kalooban kong maging instrumento upang
pag-awayan ng mga mangingibig ko. Marami na pong dugong dumanak sa mga sakim na
pagnanasang maangkin ako ng mga pagmamahal na lubhang makasarili at materyoso. Kunin na
po ninyo ako. Maawa na po kayo!" pagmamakaawa ng lumuluhang dalaga na hindi nakadama
ng pag-ibig na nakauunawa at sagrado.
Ilang sandali lamang ay dumilim ang kalangitan at bumuhos ang malakas na ulan.
Nagsalubungan ang mata talim na kidlat at dagundong ng kulog sa kabundukan. Ang hapong
katawan ni Kulala ay bangkay na napalugmok sa ituktok ng bundok. Nang sumikat ang araw ay
natagpuan ng mga tao si Kulala na bagamat wala nang buhay ay may ngiti ang mga labi sa
katuwaan.
Niyapos ni Uganda ang bangkay ng anak. Alam niyang ginusto ni Kulalang lisanin ang daigdig.
Maligaya si Kulala sa kinaroroonan ni Bathala. Sa tuktok ng Bundok ipinalibing ni Uganda ang
bangkay ng anak.
Lagi niya itong dinadalaw hanggang sa isang araw ay may halamang tumubo dito. Inalagaan
niya ang halaman. Nang magbunga ay napansin niyang kahawig ito ng mapuputing ngipin ni
Kulala. Tumingala sa langit si Uganda at malinaw na narinig ang tinig ni Bathala.
"Nasa kaharian Ko na si Kulala at masayang-masaya.
Ang halamang iyan ay magpapaalala sa iyo sa mapuputing ngipin ng anak mo. Alagaan mo at
ipakilala sa mga tao."
Kumuha ng mga bunga ng halaman si Uganda at ipinatanim sa mga kapitbahay niya. Magmula
noon ang mapuputing ngipin ni Kulala ay nakilala bilang rekado sa mga lutuing bahay na
tinatawag ngayon bilang Bawang

Alamat ng Kawayan
Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at laging taas-
noo. Ipinagmamalaki nito ang makinis na katawan.
Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang-sariwa ang kulay nito lalo na kapag
nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag
nalalaluan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang
mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handang maghiganti upang maiangat lang ang
narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa
kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan
nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga.
Inilapag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na Santol at berdeng-berdeng mga Bayabas.
Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at
pulang-pula ang mga Makopa. Hinog na hinog na rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang mga prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit
naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na maipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas
ang pag-uusapan.
Sa galit ni Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin. Pinakamalakas na ihip ang higanti
ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Bayabas, Santol, Caimito at Makopa. Tuwang-
tuwa si Kawayan.
Minsan ay may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang
makitang walang bulaklak na mapupupol sa puno ng Kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila
nang malingunan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-daling namupol ng
mababangong bulaklak ang binata. Ang mahalimuyak na Rosal at Sampaguita ay handog na
nakapagpaligaya sa dalaga. Dahilan sa magagandang bulaklak ang magkasintahan ay lalong
pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis na naman si Kawayan. Wala siya kahit isang bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya
sa sarili, tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang
mga patak. Nasira sa mga tangkay ang magagandang bulaklak na Rosal at Sampaguita. Palihim
na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang
makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na
sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga
dahon nito. Natuwa sila nang matanawan ang puno ng Banaba. Talagang malalapad ang mga
dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitan ng sikat ng araw. Napansin ito ng
nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lola Jovita at Lolo Guillermo ay tinawag ni
Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si
Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-
awang puno na lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin at
mapagmataas nito. Bilang parusa, ang laging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni
Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin. Ang pagyuko ni Kawayan ay pagbibigay halaga
na anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat
mamugad sa puso ninuman. Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

6. Ano ang bugtong? Magbigay ng limang halimbawa.


 Isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga
nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.

Halimawa:
Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.


Sagot: Banig

Nang sumipot sa maliwang, kulubot na ang balat.


Sagot: Ampalaya
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: Anino

Isang butyl ng palay, sakot ang buong buhay.


Sagot: Ilaw

7. Ano ang palaisipan? Magbigay ng limang halimbawa.


 Isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Sa
karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.
Halimbawa:
Isang balong malalim, puno ng patalim.
Sagot: Bunganga
Dala ako niya, dala ko siya.
Sagot: Sapatos
Matapang ako sa dalawa, duwag ako sa isa.
Sagot: Kawayang Tulay
Ate mo, Ate ko, Ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
May bintana Nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan

8. Ano-ano ang nais nating maala kapag mayroong senakulo? Ipaliwanag.


 Pagsasadula ng mga pangayayri sa pagpapakasakit ni Hesus. Kadalasan ginaganap sa
lansangan o sa bakuran ng simbahan.
 Ginagawa ang Visita Iglesia ng pag punta sa pitong simbahan upang dasalin ang
labing apat na estasyon ng krus.

9. Ano-anong mga kilalang mga awiting dito sa Calbayog ang masasabing bahagi ng ating
panitikan? Magbigay ng tatlong halimbawa.

Calbayognon Ko
( Jose Gomez)

Sa may sidlangan, bungto ko guinpaura


Mutya inagak, mga bukid ug dagat
Bisan an adlaw sa mga kakurolpon
Gikan magpahuway, nabilin sin hiyum
Panamilit lus-ay.
Sa imo butkon katam-is pumahuway
Upod an awit sa dughan naglunay
Sa kagab-ihon, sa atup mong bitoon
Na arig an bulan paghatag sin lamrag
Basi ka mahimyang.
Sanglit ayaw hiusa,
Pananglit naabot an takna
Sa dughan nasantop, tungod san gugma
Na abid luha sa mata
Bungto ko ig-ongara
Tiunob sadton kakurolpon
Iton yana inup nala
An nabilin sa dumdum.
Calbayog ko, mutya ka nga pinili
An dagway mo labi sin kahamili
Burabod ka san kahimyang
Langit nga kahimtang ug kalinaw
Tugahan an imo ngaran sa bisan diin
Calbayog sangyaw.
Baraan ka, minahal ka san adlaw
Kay bisan la an bugnaw nga harupoy mo
Nakakapukaw sadton may inup
Sa pisngi nakablit ug naharuk
Bulahan nga puroy-an
Sadang kamatyan ko.

Kairo ko man
(Naty Mancol & Mike Ayong)
Na ano daw la ini nga akon kapalaran
Hasta yana wra gud papa na bibilngan
May nasarit pan liboryo
Wara man ak nataypan
Gabay nala siguro nga ako mag inusahan
Kairo ko man (3x)
Permi nag inusahan
Kairo ko man (3x)
San’o daw la maabot akon leading man
Kalalamot sin inga pitik san akon dughan
Sobra ka himilis wara na hiagian
Damo an ariskado pero wra ak naruyagan
Hulat nala ako mahulog si Superman
Mayda liwat nag sarit kanda Nanay ug Tatay
Pastilan diri ako bisan pa siya mayaman
Puno man ngani san bulawan an iya kalawasan
Pero an nawong nge baga an tadtaran
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man pirmi nag inusahan
(Maan)
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
San-o daw la maabot an akon leading man
Mayda man liwat gwapo kaitsurahan ni Dao Ming Zu
Sobra ka mayaman may Mercedes Benz tulo
Pinsar ko asya an swerte na hatag san Ginoo
Kilig to the bones inin inaabat ko
Napara an tanan san siya akun gin updan
Didto sa may discohan mayda ak nahikit-an
Dako nga remalaso an akun nabuko
Ayyy kalahi man diay ni Fanny Serrano
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man pirmi nag inusahan
(Harin)
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
San-o daw la maabot an akon leading man
Na ano daw la in inga akon kapalaran
Hasta yana wra gud papa na bibilngan
May nasarit pan liboryo
Wara man ak nataypan
Gabay nala siguro nga ako mag inusahan
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man pirmi nag inusahan
Kairo ko man (kay kapilian)
Kairo ko man (kay kapilian)
San-o daw la maabot an akon leading man

Kon Harapit Na An Adlaw Matunod


(Jose Gomez)
Kon Harapit Na An Adlaw Matunod
Ngan ha imo hirayo ako
Pagputok han kakulba han dughan
An kamingaw asay gud ako
Pagtikang han panuro han tun-og
Mga dahon, bukad paghumog
Inin luha daw burabod
Waray hunong hin pagtubod
Kon nadangat na an gab-i
Nadugang an kamingaw
Lab ikon nabati, an huni han kalaw
Pagpula han sidlangan
Pagpuni-as han adlaw
Pagkalpad han maya
Dinumdom ko ikaw…
Inin luha daw burabod
Waray hunong hin pagtubod
Kon nadangat na an gab-i
Nadugang an kamingaw
Lab ikon nabati, an huni han kalaw
Pagpula han sidlangan
Pagpuni-as han adlaw
Pagkalpad han maya
Dinumdom ko ikaw…

10. Ano-anong mga kaugalian/paniniwala ang mayroon ang ating mga Calbayognon?
Magbigay ng limang halimbawa.

Sarakiki Festival
Parade of Lights

Karakul ( Soleda Festival)


Hadang Ritual

Senakulo

You might also like