Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Repleksyon

Noong ako ay isang paslit pa lamang, itinuro na saakin ng aking


mga magulang kung paano magtipid, kung paano ang tamang paghawak ng
pera. Isa akong taong magastos yung tipong kahit hindi kailangan binibili
ko pa rin. Ngunit saaking paglaki at pagiging isang mag-aaral sa
sekondarya natutunan ko na hindi ganoon kadaling magkaroon ng pera,
hindi mo alam kung paano ka kikita. Kaya, sa pagkakaroon ng proyektong
ito sa ESP, ang pagtitipid ay nakakatulong upang tayo ay maging handa
sa anumang haharapin na hamon sa buhay.Isa itong daan upang ang ating
pera ay mapunta sa tamang paraan.

Hindi naman ganoon kalaki ang allowance na ibinibigay saakin ng


aking mga magulang, sa kadahilanan na ayaw nila akong masanay na
gumastos ng malaki. Ngunit sa kabila noon, ako ay nagipon pa rin at
iniimpok ang kakaunting perang natitira sa pang araw araw kong
gastusin. Ang naipon ko ngayong taon ay hindi naman gaanong nagiba
kaysa sa aking naimpok sa nakalipas na taon.

You might also like