Noong ako ay isang paslit pa lamang, itinuro na saakin ng aking
mga magulang kung paano magtipid, kung paano ang tamang paghawak ng pera. Isa akong taong magastos yung tipong kahit hindi kailangan binibili ko pa rin. Ngunit saaking paglaki at pagiging isang mag-aaral sa sekondarya natutunan ko na hindi ganoon kadaling magkaroon ng pera, hindi mo alam kung paano ka kikita. Kaya, sa pagkakaroon ng proyektong ito sa ESP, ang pagtitipid ay nakakatulong upang tayo ay maging handa sa anumang haharapin na hamon sa buhay.Isa itong daan upang ang ating pera ay mapunta sa tamang paraan.
Hindi naman ganoon kalaki ang allowance na ibinibigay saakin ng
aking mga magulang, sa kadahilanan na ayaw nila akong masanay na gumastos ng malaki. Ngunit sa kabila noon, ako ay nagipon pa rin at iniimpok ang kakaunting perang natitira sa pang araw araw kong gastusin. Ang naipon ko ngayong taon ay hindi naman gaanong nagiba kaysa sa aking naimpok sa nakalipas na taon.