Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Rasyonal:

Maraming mga haka-haka kung bakit may barayti ng wika. Lahat ng mga
paniniwalang ito ay may nakaangklang teorya. Ang mga teoryang ito ang nagiging
batayan upang ang paniniwalang ito tungkol sa paksa ay sasang-ayunan o hindi.
Ang mga mananaliksik ay pumili ng dalawang teorya tungkol sa barayti ng wika:
teoryang sosyolingguwistik at teoryang akomodasyon. Ang mga pahayag sa
bawat teorya ay batay sa iba't ibang eksperto.

Teorya:

A. Teoryang Sosyolingguwistik
1. Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang instrumento o
kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay
hindi iiral kung wala ito. Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang
simbolo ng solidaridad na mag-iisa sa mga indibidwal ng
tagapagsalita ng naturang wika.
2. Para naman kay Saussure (1996), ang wika ay hindi kompleto sa
sinumang tagapagsalita, umiiral lamang ito sa loob ng isang
kolektibo. Ayon rin sa kanya, ang wika ay binubuo ng dalawang
paralel at magkaugnay na serye, ang sigfier (langue) na isang
kabuuang set ng mga galawang pangwika na nagbibigay ng daan sa
indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole) na
gamit ng wika sa pagsasalita. Pinakamahalaga ang langue para sa
kanya dahil ito ay isang produktong sosyal na may kakayahang
magsalita at isang koleksyon ng mahahalagang kumbesnyon na
binuo at ginamit ng isang grupo para magamit ng mga indibidwal.
3. Ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na
ginamit ng indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin kung
hindi isang kolektibong puwersa, isang pagsasama-sama ng mga
anyo sa magkakaibang kultural at sosyal na mga gawain ayon kay
Venuti (1998).
4. Ayon naman kay Fishman (1971), may dalawang dimensyon ang
pagkakaroon ng baryalidad ng wika: heograpiko at sosyal. Ang
dalawang ito ay nagkakasama-sama sa isang komunidad.
5. Kaugnay sa toeryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng
wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo.
Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento
ng komunikasyon kung hindi isang pagsasama-sama ng mga anyo
sa isang magkakaibang-kultura.
B. Teorya ng Akomodasyon
1. Ang teoryang ito ay ayon kay Howard Giles (1984) na kung saan ito
ay nakabatay sa linguistic convergence at linguistic divergence. Ang
mga ito ay teorya sa pagkatuto ng pangalawang wika. Ang linguistic
convergence ay ang pakikipaginteraksyon sa ibang tao at
nagkakaroon ng tendensiya na gumaya sa pagsasalita ng kausap
para makisama. Habang ang linguistic divergence ay ang pilit na
iniiba ang pananalita sa kausap para ipakita ang pagkakaiba sa
sariling kakayahan at identidad.
2. Tinalakay din dito ang Interference Phenomenon at Interlanguage.
Ang interference ay ang pagbuo ng mga varayti ng wikang Filipino.
Ang interlanguage naman ay tinatawag na mental grammar na
nabubuo ng tao sa pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto
niya sa panagalawang wika. Mahalaga ang mga teoryang ito sa pag-
aaral ng varayti ng wikang Filipino lalo na kaugnay na atityud sa
paggamit ng inaakalang “mas mataas” na varayti kumpara sa
paggamit ng inaakalang “ mas mababa” depende sa istatus ng
kanilang unang wika sa lipunan.

Karanasang Natutunan:

A. Teorya
Natutunan ng mga mananaliksik na may iba't ibang
pinagbabatayang teorya ang barayti ng wika. Una na dito ay ang teoryang
sosyolingguwistik. Ang teoryang ito ay pumapalagay na ang wika ay isang
panlipunang penomena. Nagiging makabuluhan ang anumang pahayag,
aksyon, salita ng jsang indibidwal kung ito ay nakapaloob sa lipunan at
ipinapapahayag sa ibang indibidwal o grupo. Anumang pahayag ay may
kaakibat na kahulugan na naayon pa rin sa lipunan.
Natutunan din ng mga mananaliksik na ang wika ay isang
instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon, ayon kay Sapir (1949). Kung
wala ang wika ay wala ring sosyalisasyon. Ang wika ang ginagamit ng tao
upang makisalamuha at makipaginteraksyon sa ibang tao. Ito ang tanging
paraan upang magkaintindihan ang tao sa kanyang kapwa. Sa
pamamagitan din ng wika ay tinatali nito ang bawat tao na humuhubog sa
kanilang relasyon bawat isa.
Ang natutunan ng mga mananaliksik kay Saussure (1966) ay hindi
magiging buo ang isang wika kung hindi isang pangkat o lipunan ang
gumagamit nito. May dalawa itong pararel na magkaugnay sa bawat isa,
ang signifier at signified. Ayon sa pagkakaintindi ng mga mananaliksik, ang
signifier ay tumutulong sa mga tao upang maintindihan ang nais ipahiwatig
ng isang wika. Ito ang nagbibigay daan upang maintindihan at makaintindi
ang isang indibidwal sa isang pahayag. Ang signified naman ay ang gamit
ng wika sa pagsasalita. Ito ah ang layunin ng isang tao kung paano niya
gagamitin ang wika. Ito ay maaaring magsalaysay, magturo, manghikayat,
magbigay puna, magmungkahi, maglabas ng galit at iba pa. Ito ang
nagiging kasangkapan ng tao kung sa anong paraan niya ilalahad ang
kanyang saloobin.
Napag-alaman din ng mga mananaliksik kay Venuti (1998), na ang
wika ay hindi lamang nagsisilbing instrumento ng mga indibidwal upang
makipag-usap sa kapwa para makamit ang sosyalisasyon kung hindi ito ay
ginagamit ng isang lipunan na isang kolektibong pwersa na pingsama-sama
ang iba't ibang kultural ay sosyal na gawain ng mga tao. Sa pinagsamang
pwersa ay makakabuo ng isang komunidad na may iisang wika, may
sariling kultura at pamayanan na may sosyalisasyon sa lugar gamit ang
sariling wika.
Para naman kay Fishman (1971), natutunan ng mga mananaliksik
na ang barayti ng wika ay nahahati sa dalawang dimensyon, ang
heograpikal at sosyal. Ang dalawang dimensyon na ito ay magkakasama
sa isang komunidad. Ang bawat dimensyon ay nakakaapekto sa
pagkakaroon ng barayti ng wika.
Sa teoryang akomodasyon, natutunan ng mga mananaliksik na ito
ay nakabatay sa linguistic convergence at linguistic convergence. Ito ay
mga pagpapalagay sa pagkatuto ng tao sa kanyang pangalawang wika.
Ang una ay ang linguistic convergence, natututo ang tao ng kanyang
pangalawang wika sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa ibang tao at sa
kanyang pakikinig ay ginagaya niya ang kanyang kausap. Kung paano ito
magsalita, anong mga termino ang ginamit at ang tono ng kanyang
pananalita. Hindi maiiwasan sa linguistic convergence na gayahin ang
wikang mayroon ang kanyang kausap.
Sa kabilang banda, ang liguistic divergence ay kasalungat ng
linguistic divergence. Natutunan ng mga mananaliksik na sa paniniwalang
ito ay hindi ginagaya ng tao ang wika kanyang kausap sa halip ay iniiba
niya ang kanyang tono at pananalita upang ipakita ang pagkakaiba sa
identidad at kakayahan. Iniiwasan ng indibidwal na malagyan ng anumang
wika ang kanyang wika. Pinipilit ng tao na hindi umayon at umangkop sa
wika ng kanyang kausap.
Sa interference phenomenon at Interlanguage, natutunan ng mga
mananaliksik na ang dalawang paniniwala ay nakapokus sa mga wikang
kasangkot. Ang impluwensiya ng unang wika sa pangalawang wika ang
kapansin pansin dito ang interference phenomenon ay binabagay ang wika
sa pananalita ng indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na ang tao nay
nakikibagay sa pananalita ng isang lugar na kung saan ito ang kanyang
unang wika. Para matuto ng kanyang pangalawang wika ay natutunan sa
pamamagitan ng pakikibagay pa rin sa kapaligiran. Halimbawa ang isang
tao ay pupunta sa ibang lugar, ang wikang ginagamit ng mga taong nakatira
sa lugar na iyon ay ginagamit na rin niya dahil nakikibagay sa mga
pananalita ng mga taong nakatira sa lugar na iyon.
Ang interlanguage naman ay isang proseso para matutunan ng tao
ang kanyang pangalawang wika. Ito ay ang pagbabago, pagdagdag at
bagbago ng alituntunin ng wika. Ang wika ay daynamiko. Isa itong proseso
bagkus ang unang wikang ginamit ng tao ay may posibilisad na ang mga
terminong kanyang ginamit ay magbago. Halimbawa nito ang salitang
madalas na ginagamit ng isang indibidwal, dahil sa sobrang dalas ay
nadagdagan ito ng gamit. Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar
sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago o ng mga
alituntunin.
Sa pamamagitan ng mga teoryang ito ay naliwanagan ang mga
mananaliksik kung bakit umusbong ang barayti ng wika.

You might also like