Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

3 Pebrero 2020

Reaksyong Papel #4

Teorya

Rasyonal:

Teorya:

Sa teoryang sosyolingguwistik, inilahad ni Sapir, na ang wika ay instrumento ng


tao upang siya ay kumonekta sa kanyang kapwa. Ika pa niya niya walang sosyalisasyon
kung wala ang wika. Nahinuha ng mga mananaliksik ng tama ang pahayag na ito ni Sapir
bagkus wika ang ginagamit ng tao upang magkaroon ng kaibigan sa pamamagitan ng
pakikisama, makipag-usap sa kapwa at makipaghalubilo. Tinatanggap din ng mga
mananaliksik ang pahayag ni Sapir na kung wala ang wika ay wala ring sosyalisasyon
dahil walang magagakit ng instrumento ang tao kung paano siya makikipag-ugnayan sa
kanyang paligid. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang wika ang siyang nagsisilbing
kasangkapan ng tao upang mabuhay ang aspetong sosyal sa sarili at maging sa kapwa
tao.

Sa pahayag naman ni Saussure, natutunan ng mga mananaliksik na may


dalawang magkakaugnay na serye ang wika: signifier at signified. Batay sa sariling
pagpapakahulugan ng mga mananaliksik, ang signifier ay siyang tumutulong sa isang
indibidwal upang umintindi at maintindihan. Ito ang nagsisilbing daan upang
magkaintindihan ang dalawang taong nag-uusap. Sa kabilang banda, ang sinified naman
ay ang gamit ng wika sa pangungusap. Ito ay maaaring ginamit ang wika upang
manghikayat, magbigay-aral, makiusap, magpaliwanag, magsalaysay, magmungkahi,
mang-insulto at iba pa. Ito ay tumutulong sa isang indibidwal upang malaman kung
papaano niya ipapahiwatig ang wika sa naaayong paggagamitan.

Sa ikatlong pahayag tungkol sa teoryang sosyolingguwistiko, ipinahayag dito na


ang wika ay hindi lamang isang simpleng instrumento sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
gamit ang alituntunin ng wika kung hindi ito ay nagaganap sa paraang kolektibo. Ito ay
ang pinagsama-samang mga salik kultural at sosyal ng isang lugar na kung saan hindi
lamang iisang taoa ng gumagamit ng wikang ito. Sa pagkaintindi ng mga mananaliksik
ay kailangang gamitin ang wika sa paraang kolektibo upang itoy higit na mas
maunawaan. Kung maraming tao ang alam ng wikang sinasalita ay tiyak na mayroong
pagkakaintindihan. Ang ikatlong pahayag na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik.

Ang pahayag naman ni Fishman tungkol sa baryalidad ng wika ay sinasang-


ayunan ng mga mananaliksik. Aniya, may dalawang dimensyon ito, ang heograpikal at
sosyal. Ito ay dalawang magkaugnay na magkasama sa isang komunidad. Ang
heograpikal ay ang kulturang mayroon ang isang pamayanan pati na ang kanilang gawi
ng pamumuhat at interes. Ang sosyal naman ay ang istatus sa buhay at edukasyong
natamo ng isang tao.

Batay sa iba't ibang pahayag ay mahihinuha na ang sosyolingguwistik ay


nagsasaad na mayroong barayti ng wika dahil sa pagkakaiba ng salik panlipunan ng
bawat lugar. Ang bawat lipunan ay magkakaiba sa gawi ng pamumuhay, sosyal status,
kultura at interes. Ang mga salik na ito ay nakakaapekto sa pananalita ng isang indibidwal
at ang wikang kanyang ginagamit. Masasabi ng mga mananaliksik na may punto ang
teoryang ito kung pagbabatayan ang kalagayang heograpikal at sosyal ng Pilipinas.

Sa aspetong heograpikal ay binubuo ng kapuluan ang bansa. Ang isang pulo ay


may sariling kultura na nakakaapekto sa kanilang wikang ginagamit. Hindi magkatulad
ang pamamaraan ng pamumuhay ng isang pamayanan sa isang pulo kung ikukumpara
sa ibang rehiyon. Sa kabilang banda, ang aspetong sosyal ng bawat rehiyon ay hindi rin
magkatulad. Hindi parehong maunlad ay mayaman o pantay ang bawat rehiyon sa bansa.
Isa rin ito sa masasabing salik kung bakit hindi magkatulad ang wikang sinasalitang wika
ng bansa.

Sa teoryang akomodasyon, ayon kay Howard Giles ito ay nakabatay sa linguistic


convergence at linguistic divergence. Tinatanggap ng mga mananaliksik ang pahayag na
ito ni Giles. Ang linguistic convergence ay ang panggagay ng isang tao sa kanyang
kausap kung paano ito magsalita at ang wikang ginagit nito. Sa linguistic divergence
naman ay salungat sa convergence bagkus na imbes gayahin ay pilit ng isang indibidwal
na ibahin at gamitin ang sariling wika upang maiwasang gumaya sa kausap. Ito ay
pagpapakita ng pagkakaiba ng kakayahan at identitad. Ang dalawang pananaw ay
sinasang-ayunan ng mga mananaliksik. Hindi mapipilit ang isang indibidwal kung paano
niya tatanggapin ang wikang ginagamit ng kanyang kausap. Maaaring ito ay kanyang
gayahin at maaari ring hindi.

May mga salik din naman na nakakaimpluwensya rito para sa mga mananaliksik
base sa naobserbahan sa paligid. Maaaring sa pakikipag-usap ng indibidwal ay gayahin
niya ang pananalita ng kanyang kausap dahil ngayon lang niya ito narinig, bago ito sa
kanya, interesado siya sa wikang ginamit at para sa kanya ay superyor ang wikang ito.
Samantalang maaari rin niya itong hindi gayahin dahil hindi nakakaintindi sa mga
terminong ginamit at pinaniniwalaan na mas superyor ang wikang kanyang ginagamit.
Nakadepende lang talaga sa tao kung paano niya tatangapin ang wika ng kanyang
kausap.

Inilahad din sa teorya ng akomodasyon ang interference phenomenon at


interlanguage. Sinang-ayunan ng mga mananaliksik ang dalawang pananaw na ito. Ang
interference phenomenon ay ang pagkatuto ng barayti ng Filipino. Ginagamit ng tao ang
sariling kakayahan upang matamo at matuto ng iba't ibang barayti ng Filipino. Sa
pagkaintindi ng mga mananaliksik ay ginagamit ng tao ang sariling kakayahan at
intelektwal para makaintindi.

Sa kabilang banda, ang interlanguage naman ay isinasaad dito na ang pagkatuto


ng tao ng pangalawang wika ay isang proseso na kung saan hindi niya ito natututunan
basta basta. Hindi inilahad ni Howard Giles kung anong proseso ito pero para sa mga
mananaliksik ay malaking impluwensiya rito ang kanyang kapaligiran. Natututo ang isang
tao ng panibagong wika batay sa nakakahalubilo niya sa pang-araw-araw. Maaaring
maimpluwensyahan ang tao rito. Pag may bagong kaalaman na ang tao na natanggap o
panibagong wika ay bibigyan muna ng sariling pagpapakahulugan sa sariling wika bago
ito lubusang matutunan at matamo.

Ang dalawang teoryang ay may sariling punto kung bakit at papaano nabuo ang
barayti ng wika. Ang teoryang sosyolingguwistiko at akomodasyon ay magkaparehong
tinanggap ng mga mananaliksik at naglalahad na ang barayti ng wika ay nag uugat sa
pagkakaiba-iba ng heograpiya, salik panlipunan, tono ng pananalita, mga terminong
ginamit at maaari rin itong bunsod sa pagkatuto ng pangalawang wika.

Kongklusyon:

Sa kabuuan, ang teoryang sosyolongguwistiko at akomodasyon ay kapwa


nagsasaad na ang barayti ng wika ay bunga ng pagkakaiba ng tao sa heograpikal at
sosyal na salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng tao ng pangalawang wika.

Mga Sanggunian:

You might also like