Buod (Onono

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Kabanata 10: Ang Pagsaklolo (saknong

126-135)
Hindi nagdalawang-isip si Aladin na sagipin si Florante, na nakatali
sa puno at nawalan ng malay. Bagama’t magkaaway ang kanilang
bayan at hindi sila magkarelihiyon, agad niyang pinatay ang
dalawang leon na nakaabang lapain si Florante.

Kabanata 11: Mabuting Kaibigan (saknong


136-145)
Pagkatapos patayin ang mga leon, agad kinalagan ni Aladin si
Florante na sa sandaling iyon ay wala pang ulirat. Nang
magkamalay, ang naging bukambibig ay ang kanyang sinisintang
si Laura.

Kabanata 12: Batas ng Lahat ng Relihiyon


(saknong 146-155)
Nang matauhan si Florante, sinabi ni Aladin na huwag siyang
mag-alala dahil ligtas na siya. Sa di inaasahan, sinabi niya sa
gererong Moro na sana ay hinayaan na lamang siyang mamatay.
Hindi akalain ni Aladin na ganito ang sasabihin ng binata sa
kanya.

Kabanata 13: Ang Magkaibigan (saknong


156-172)
Inalagaan ni Aladin si Florante ng magdamag. Pinakain ng
kanyang baon ang dalawang araw na nakagapos sa gubat, bago
dinatnan ng saklolo o tulong. Ito'y binantayan ng Moro habang
natutulog dahil sa laki ng panghihina ng katawan. Sa pagkagising
ni Florante ay pinagsaulian ng kaunting lakas. Lubos na
nagpasalamat sa Maykapal at sa kanyang tagapagligtas na
butihing kalaban. Tinanong ng Morong si Aladin kung ano ang
suliranin o problema sa buhay ni Florante. Hangad daw ng Moro
na makatulong siya.

Kabanata 14: Ang Kabataan ni Florante


(saknong 173-196)
Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Na sanggol pa lamang
siya sa bakasyunang malapit sa bundok ng kanyang mga
magulang na Duke Briseo at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay
muntik sa siyang dagitin ng isang buwitre na mabuti na lamang ay
napana ng pinsan niyang si Menalipo na taga-Epiro. Ang kanyang
ama ay tagapagpayo ni Haring Linseo ng Albanya. Kaya’t kahit na
siya ay anak ng prinsesa sa Krotona, siya ay isinilang sa Albanya.
Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay sinambilat ng isang
alkon ang kwintas niyang may palawit na diyamante o kupidong
diyamante. Noo’y bago pa lamang siyang lumalakad (ang alkon ay
isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit sa makikintab o
kumikinang na mga bagay). Nang siyam na taong gulang siya’y
pamana ng ibon at ibang mga hayop ang kanyang libangan.

Kabanata 15: Pangaral sa Magulang


(saknong 197-204)
Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya
dahil kapag ito'y namihasa, kapag lumaki na ay mahihirapan.
Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin at maramdamin.
Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11
taong gulang upang doon ay mamulat ang kanyang kaisipan.
Kabanata 16: Sa Atenas. Si Adolfo
(saknong 205-214)
Ang guro ni Florante sa Atenas ay si Antenor, isang mabait at
matalinong guro doon. Sa Atenas niya nakilala ang kababayang si
Adolfo, anak ni Konde Sileno, na tampulan ng paghanga ng
kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag-aral dahil sa
katalinuhan at kagandahang-asal nitong pinapakita.

Kabanata 17: Kataksilan ni Adolfo


(saknong 215-231)
Sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay
nahigitan niya si Adolfo kaya’t lumabas ang tunay na pagkatao
nito. Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula sa
palatuntunan ng kanilang eskwela. Ito’y tungkol sa magkakapatid
na sina Etiocles (ginanap ni Florante) at Polinese (bahagi ni
Adolfo) na naglaban ng espadahan upang mapasiyahan kung sino
sa dalawang prinsipeng mga anak ni Reyna Yocasta (papel ni
Menandro) ang papalit sa namatay nilang ama na si Haring Edipo.
Sa kunwaring ispadahan na ito, talagang matitinding taga ang
hinandulong kay Florante ng may masamang balak na si Adolfo.
Mabuti na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang
ang espada ni Adolfo at ang kataksilan niya’y nabigo. Kinabukasan
ay lumisan sa Atenas at umuwi sa Albanya ang napahiyang si
Adolfo. May hangad pala itong maagaw si Laura kay Florante na
siyang iniibig ng dalaga upang maging hari kung maging reyna na
si Prinsesa Laura, sakaling yumao o mamatay si Haring Linseo.
Kabanata 18: Kamatayan ng Isang Ina
(saknong 232-239)
Namalagi pa si Florante ng isang taon sa Atenas hanggang
tumanggap siya ng isang liham mula sa Albanya. Ibinalita ng
kanyang ama na pumanaw na ang kanyang ina. Laking sama ng
loob ang idinulot nito kay Florante.

Kabanata 19: Paalaman at Habilin


(saknong 240-253)
Pagkaraan pa nang dalawang buwan, may sasakyang lumunsad
sa pantalan ng Atenas na may pahatid-liham mula sa ama ni
Florante na nagsasabing siya daw ay umuwi agad sa kanyang
bayang Albanya. Nagpaalam siya sa kanyang gurong si Antenor at
ito nama’y nagpaalalang siya’y mag-ingat sa banta sa kanyang
buhay. Pinayagan ni Antenor na sumama si Menandro kay
Florante na yumayakap sa kanya ng mahigpit nang siya’y
magpaalam sa kanyang amain.

Kabanata 20: Pagdating sa Albanya at


Paghingi ng Tulong ng Krotona (saknong
254-263)
Pagdating sa Albanya ay sinalubong sila ng kanyang ama. Kapwa
sila namighati sa nangyari sa kanyang ina. Siya namang pagdating
ng sugo mula sa lolo ni Florante na hari ng Krotona, nanghihingi
ng saklolo sapagkat ang bayan nila ay sinalakay ng hukbo ng
Persyanong si Heneral Osmalik.
Kabanata 21: Heneral ng Hukbo (saknong
264-274)
Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linseo at sa
pagpupulong ng mga pinuno ay napagpasiyahang si Florante ang
mamumuno sa hukbo ng Krotona.

Kabanata 22: Si Laura (saknong 275-287)


Nakilala at naakit si Florante sa kagandahan ni Laura, anak ni
Haring Linseo.

Kabanata 23: Isang Pusong Sumisinta


(saknong 288-295)
Nagkaroon ng tatlong araw na piging para kay Florante. Sa piging
na iyon ay sandali lamang silang nagkasarilinan ni Laura at
ipinahayag ang kanyang damdamin sa dalaga. Nang pupunta na si
Florante upang makidigma, nagbaon ng luha si Laura sa kanyang
pag-alis.

Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Osmalik


(saknong 296-313)
Sa digmaan, halos masira na ang kuta nila. Si Florante at
Menandro ang kapwa nagtulong mamuno sa hukbo. Naglaban si
Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng limang oras na
paglalaban ay nagapi niya ito. Nabawi nila ang kaharian ni Haring
Linseo.
Kabanata 25: Pagbabalik sa Albanya at
Pagsagip Kay Laura (saknong 314-323)
Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik
agad sa kanyang bayan sapagkat sabik na sabik na
siyang makita si Laura. Pagdating nila sa Albanya ay namangha
siya sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay
bandila ng mga Moro. Niligtas ni Florante si Laura sa kamay ng
isang pangkat ng mga Moro na magpaparusa at pupugot ng ulo
sa kanyang kasintahang si Laura dahilan sa pagtanggi nito sa
pagsuyo ng Emir o gobernador ng mga Morong sumasakop sa
kanilang bayan.

Kabanata 26: Ang Pagtataksil ni Adolfo


(saknong 324-343)
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at nailabas
sa piitan ang hari, ang kanyang ama at si Adolfo, na ikinulong sa
karsel ng palasyo kasama ng ibang kaginoohan sa Albanya. Labis
ang kagalakan ng hari at si Adolfo lamang ang nagdadalamhati sa
kapurihang tinanggap ni Florante. Muling sinalakay ng pangkat ni
Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga
kalaban. Labimpitong kaharian pa ng mga Moro ang
pinagtagumpayan nila ni Menandro. Sa Etolya, may sulat na
nagtatagubilin kay Florante ang Haring Linceo na iwanan ang
hukbo kay Menandro at umuwing nag-iisa sa palasyo
nito. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip agad siya ng
may 30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyang ikinulong sa
bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay
sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Nalaman din niyang
malapit nang ikasal si Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais na
niyang mawalan ng sariling buhay.
Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin
(saknong 344-360)
Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at saka dinala siya
sa nakalulunos na gubat at iginapos sa punong kinatagpuan sa
kanya ng Morong si Aladin. (Dito nagwakas ang salaysay ni
Florante.)
Pagkatapos ni Florante sa kanyang kuwento ay si Aladin naman
ang nagsalaysay ng kaniyang naging karanasan sa buhay. Anak
siya ni Sultan Ali-adab ng Persya, at siya ang namuno sa hukbong
Persyano na kumupkop sa Albanya. Ngunit pagkatapos ay nilisan
niya ang bayan ni Florante upang umuwi sa kaharian ng kanyang
ama. Ipinakulong siya sa karsel ng palasyo nang malamang siya’y
lumisan sa kanyang hukbo. Nang mabalitaan sa Persya na
nailigtas ni Florante ang Albanya, ay isinisi ito sa kanyang
pagkakalisan sa kanyang hukbo, kaya’t hinatulan siyang
papugutan ng ulo ng kanyang sariling ama. Nguni’t isang heneral
ang nagdala ng patawad kay Aladin pero may pasubaling siya’y
umalis na sa Persya kung hindi siya susunod sa bagong utos na
ito, buhay niya ang magiging kapalit. Mabigat ang loob na
tumupad si Aladin sa pagpapalisang ipinarusa sa kanya. May anim
na taon na siyang naglalagalag sa iba’t-ibang lugar. Hanggang sa
masapit ang gubat na kinasasapitan ni Florante at siya’y iniligtas
sa dalawang leon na sa kanya’y sasagpang. Sa kanilang
paglalakad papalabas ng gubat ay may nadinig silang dalawang
tinig ng babaeng nagsasalaysay.

Kabanata 28: Si Flerida (saknong 361-369)


Ang sabi ng isang babae, nang malaman niyang pupugutan ang
kanyang kasintahang nasa bilangguan ay pumayag na siyang
pakasal sa sultan kapalit ng paglaya ng kanyang kasintahan.
Pinawalan naman agad ito, subalit nang gabi ding iyon ay
nagbalat-kayo ang babae ng isang gerero at tumakas sa Persya
upang hanapin ang minamahal niyang si Aladin. May ilang taon
ding siyang naglilibot hanggang sa sumapit sa gubat at
nasaklolohan ang kausap niyang babae.

Kabanata 29: Ang Sinapit ni Laura


(saknong 370-392)
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang
nagsisipag-usap pala ay sina Laura at Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya na
samantalang nasa ibang bayan si Florante – ang pagkakaagaw
ni Adolfo sa trono, ang pagpugot sa ulo ng hari at sa mga kabig
nito. Sinabi niyang pinadalhan niya ng sulat si Florante upang
ipahatid ang nangyari sa Albanya subalit ang natanggap ni
Florante ay isang sulat na huwad sa ngalan ng haring ama ni
Laura na mahigpit na nagbibiling umuwi siyang nag-iisa sa
Albanya. Dumating naman si Florante pagkaraan ng isang buwan.
Ito ang naging paraan kung paano nadakip si Florante ng mga
kawal ni Adolfo. Ikinulong sa piitan at pagkalipas ng ilang araw ay
ipinadala sa gubat at doon ay ipinagapos. Samantala, humingi ng
limang buwang taning si Laura upang isaalang-alang ang
mungkahing pagpapakasal ni Adolfo sa kanya. Sa katunayan ay
inaantala lamang ni Laura ang mga panahon upang makabalik si
Florante. Kaya nang wala ng paraan upang mahimok si Laura ay
dinala ito sa gubat upang sana’y pagsamantalahan kundi lamang
ito naipagtanggol ni Flerida. Sa pagkakapana ni Flerida
kay Adolfo, naging isa siyang bangkay.
Sa nadinig ni Florante at Aladin na kwento ni Laura at Flerida,
nalinawagang hindi nagtaksil si Laura kay Florante at hindi natuloy
ang hanagrin ni Sultan Ali-adab kay Flerida.
Kabanata 30: Masayang Wakas (saknong
393-399)
Habang nag-uusap ang magkakasintahang pinagtagpu-tagpo ng
mahiwagang kapalaran, siya namang pagdating ng hukbo ni
Menandro na ang hanap ay si Adolfo. Nangagsigawan sa tuwa
ang hukbo nang makitang buhay si Florante at Laura. Nagsibalik
ang lahat sa palasyo. Hindi nagtagal at nakasal ang dalawa at
naging hari at reyna ng Albanya. Samantala, sina Aladin at
Flerida, matapos magpabinyag ay pinag-isang dibdib din at umuwi
sa Persya upang doon mamuno sa sariling bayan dahil sa kumalat
na balitang patay na si Sultan Ali-adab. Mula noon ay natigil na
ang pagdirigmaan ng Albanya at Persya. Naging kapuwa
matiwasay at maunlad ang kanilang nasasakupan.

You might also like