Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Region 1

URDANETA CITY UNIVERSITY


San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

(MGA ALOMORP NG MORPEMA)

PINASA NI:
JISELLE A. DE GUZMAN

PINASA KAY:
WARLY T. RAMOS, LPT
GURO SA FILIPINO
Region 1
URDANETA CITY UNIVERSITY
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Banghay Aralin sa Filipino


I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag ang paksang ,mga alomoep ng morpema,
2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng mga uri ng mga alomorp ng morpema;
at
3. Nakapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri ng mga alomorp ng morpema.

II. PAKSANG –ARALIN


PAKSA: “MGA ALOMORP NG MORPEMA
KAGAMITAN: Bondpaper, Marker, Ballpen, Kartolina, Hand-out, PowerPoint, TV, Laptop.
SANGGUNIAN: METALINGGWISTIK pahina- 42-43
III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
*Pagbati
*Panalangin
*Pagtala ng lumiban sa klase
*Paglalahad ng Gawain at Alintuntunin

B. PAGBABALIK-ARAL

Ano ang MORPOLOHIYA?


*Ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.
URI NG MORPEMA SA WIKANG FILIPINO
1. Morpemang Ponema
2. Morpemang Salitang-Ugat
3. Morpemang Panlapi

C. PAGGANYAK
Ang guro ay maghahanda ng palaro para sa kanyang mga mag-aaral. Ang pangalan ng
laro ay “Gulo ko-Buo mo” na kung saan may mga ipapakita ang guro na mga salita at kanila
itong bubuoin. At sa pagtatapos ng talakayin ay kanila itong ihahanay kung saang uri ng mga
alomorp ito na bibilang.
D. PAGLALAHAD NG ARALIN

MGA ALOMORP NG MORPEMA


Ang isang morpema ay maaaring magbago ng anyo dahil sa impluwensiya ng
kaligiran. Bawat alomorp ay may salitang distribusyon.
Ang morpemang {pang-} at {pan-}, Gaano din ang morpemang {kasing-} na maaaring
maging {kasing-}, {kasim-} at {kasin-}.
Region 1
URDANETA CITY UNIVERSITY
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1. {pang-} + {d, l, r, s, t} =pan


HALIMBAWA: {pang-} +dikit = pandikit
{pang-} +laro = panlaro
{pang-} +radyo= panradyo
{pang-} +sampu = pansampu
{pang-} +taksi = pantaksi

2. {pang-} + {b,p} = pam


HALIMBAWA: {pang-} + {bansa}=pambansa
{pang-} + {pito} =pampito

3. {pang-} + {k, g, h, m, n, ng, w, y} = pang


HALIMBAWA: {pang-} + kamay} =pangkamay
{pang-} + {hanapbuhay} =panghanapbuhay
{pang-} + {guro} = pangguro

4. {pang-} + {a,e,i,o,u}= pang


HALIMBAWA: {pang-} + {araro}= pang-araro
{pang-} + {opera} =pangopera
Sa morpemang {kasing-} gaano din ang tuntunin gaya ng sa morpemang pang-}. Sa
morpemang {ika-} naman, mananatili itong {ika-} kapag sinusundan ng salitang ugat kung
saan ang unang titik nito ay nagsisimula sa lahat ng katinig at/o patinig.
Tandaan natin na sa pagsulat natin ng {ika-}, walang gitling na dapat mamagitan sa
morpemang ito at sa salitang ugat. Batay sa ating napag-aralan sa itaas, may naging
pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
Ngunit magkakaroon ng gitling ang {ika-} kung susundan ito ng tambling
E. PAGLALAHAT
Tatanungin ulit ng guro ang mga mag-aaral kung kanila bang naunawaan ang
paksang tinalakay. Kagaya ng mga tanong na:
1. Ano nga ulit ang alomorp?
2. Ano-ano ang mga panlaping may alomorp?
3. Kaillan natin gagamitin ang alomorp ng pang, mang,sang at sing?

IV. PAGTATAYA
KAKAYAHAN, NAPAGURI-URI ANG MGA SALITA AYON SA MGA URI NG MGA
ALOMORP NG MORPEMA.
PANUTO: IHANAY ANG MGA SALITA KUNG SAANG URI NG MGA ALOMORP NG
MORPEMA ITO NA BIBILANG.
Region 1
URDANETA CITY UNIVERSITY
San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

DAMIT GABI IIWAN


DIKDIK ARAW-ARAW ALIS
BANSA WALIS BALOT
BAYAN YAKAP TATAK
PAARALAN WALO LABAN

PAN PAM PANG PANG

V. TAKDANG ARALIN

MAGSALIKSIK PATUNGKOL SA KAYARIAN NG SALITA.

You might also like