Professional Documents
Culture Documents
Admission and Institution Mass
Admission and Institution Mass
Obispo:
Obispo:
2
anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid na ako’y
ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Obispo:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos
patawarin tayo sa ating mga kasalanan at
patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Amen.
Kyrie eleison
Kyrie eleison
Christe eleison
Christe eleison
Kyrie eleison
Kyrie eleison
3
maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan
ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa
amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang
Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos
Ama. Amen.
Manalangin tayo.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Obispo:
Amen.
4
5
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA
6
Magandang Balita!” Ngunit hindi lahat ay sumunod
sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias,
“Panginoon, sino ang naniwala sa aming
ibinalita?” Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng
pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng
pangangaral tungkol kay Kristo.
Subalit ang tanong ko'y ganito: Hindi kaya sila
nakapakinig? Oo, sila'y nakapakinig! Sapagkat
nasusulat,
“Abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
ang sinasabi nila'y nakarating hanggang sa dulo
ng daigdig.”
SALMONG TUGUNAN
18, 2-3.4-5
Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.
Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.
7
Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.
8
MABUTING BALITA
Alleluia, Alleluia
Alleluia, Alleluia
R. At sumaiyo rin.
9
na tinatawag na Pedro, at ang kapatid niyang si
Andres. Sila’y naghahagis ng lambat. Sinabi niya sa
kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong
mga mamamalakaya ng mga tao.” Noon di'y iniwan
nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay
Hesus.
10
ANG PAGTAWAG SA MGA ITATALAGANG LEKTOR
AT AKOLITO AT TATANGGAPIN SA HANAY
NG OORDEHANG DIYAKONO AT PARI
11
Seminarista John Renzon Muega
Parokya ng St. James the Apostle, Paete, Laguna
Diyakono o Pari:
Lumapit ang mga itatalagang Akolito.
12
Parokya ng St. Joseph the Worker, Binan City
13
Homiliya
14
Uupo ang lahat at ang Obispo ay magbibigay ng homiliya na
kanyang wawakasan sa pagsasabi ng sumusunod o
katumbas nito:
Obispo:
Ginigiliw kong mga kapatid na itatalagang
Lektor, sa pagkakatawang - tao ni Hesus,
inihayag ng Amang Maykapal ang kanyang
pagmamahal sa ating lahat. Ipinagaral ito
ni Jesus at ipinagkatiwala sa kanyang
simbahan ang pagpapatuloy ng
pangangaral nito.
Kaya nga kayong itatalagang lektor, ay
makikiiisa sa tungkuling magpahayag ng
mabuting balita ni Hesus. Ang
isininasabalikat ninyo ngayon ay isang
dakilang tungkulin sa kapakinabangan ng
mga anak ng Amang Maykapal, sapagkat
kayo ay aatasang maglingkod para sa
kapakanan ng kanilang pananamapalataya
na nasasalig sa salita ng Diyos.
15
Ang nasabing pagpapahayag ay gagawin ninyo
sa mga pagtitipon ukol sa pagsamba.
Tuturuan ninyo ang mga bata at
matandang Kristiyano at gayundin ang
mga hindi pa Kristiyano. Sa ganitong
paraan, ihahayag ninyo sa kanila ang
Mabuting Balita. Sa inyong
pagsasakatuparan ng tungkulin,
ipakikilala ninyo sa madla ang Diyos Ama
na Lumikha at ang Anak niyang si Hesus,
na nagligtas at nagpalaya sa atin. Sa
gayo’y mapapasakanila ang walang
hanggang buhay. Samantalang tinutupad
ninyo ang mga iniatas sa inyo, dapat
kayong maging masunurin sa Espiritu
Santo ng nagsasalita sa banal na
Kasulatan. Pag-aralan ninyo ito at
isakatuparan sa inyong buhay upang
maging katulad kayo ng ating manunubos
na si Hesukristo.
PAANYAYA SA PANALANGIN
Obispo:
Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Ama
upang pagpalain niya ang kanyang mga Anak
na hinirang na maging lektor. Magampanan
nawa nila nang masigasig at matagumpay ang
kanilang tungkulin. Sa kapurihan ng Diyos Ama
maipangaral nawa nila si Hesukristo sa mga
tao.
16
Sandaling tatahimik ang lahat upang manalangin.
PANALANGIN
Obispo:
O Diyos Amang Lumikha, bukal ng buhay at
kabutihan, sinugo mo ang iyong kaisa-isang
Anak, ang Salita ng buhay, upang ipahayag sa
mga tao ang iyong dakilang pag-ibig.
Pagpalain mo + ang mga kapatid naming
naririto na hinirang na maging mga lektor.
Matutuhan nawa nila ang iyong salita sa
pamamagitan ng masigasig na pagninilay.
Ang buhay nila ay mapuspos nawa ng iyong
aral. Matapat nawa nila itong maipahayag sa
kanilang mga kapatid. Hinihiling namin ito sa
iyo sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon magpasawalang hanggan.
R. Amen.
PAGTATALAGA
Obispo:
17
Ang lektor ay sasagot.
Amen.
18
ANG PAGTATALAGA NG MGA AKOLITO
Obispo:
19
Tatayo ang Obispo gayundin ang lahat ng mga tao.
Bibigkasin ng Obispo ang paanyaya sa panalangin
nang hindi nakasuot ng mitra:
PAANYAYA SA PANALANGIN
Obispo:
Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Ama
upang pagpalain niya ang kanyang mga Anak
na itatalaga sa pagiging akolito. Magkaroon
nawa sila ng matatag na loob upang matapat
na makapaglingkod sa angkan ng Diyos.
PANALANGIN
Obispo:
O Diyos Amang maawain, sa pamamagitan ng
iyong Anak na si Hesus ipinagkatiwala mo sa
amin ang tinapay ng buhay. pagpalain mo +
ang mga kapatid naming naririto na
itatalagang maging mga akolito. Sa hapag ng
banal na salu-salo ng Eukaristiya, sila nawa ay
maging mga tapat na lingkod. Magakaroon
nawa sila lagi ng pagsulong sa pananalig at
pag-ibig upang sumapit sa iyong inaasahang
pag-unlad ang iyong simbahan. Hinihiling
namin ito sa iyo, sa pamamagitan ni
Hesukristo na aming Panginoon
magpasawalang hanggan.
R. Amen.
20
PAGTATALAGA
Obispo:
Tanggapin mo ang lalagyang ito ng tinapay at
alak ukol sa salu-salo ng eukaristiya mamuhay
ka ng naayon sa tungkulin mong maglingkod
sa hapag ng Panginoon at ng kanyang
simbahan.
Amen.
21
ANG PAGTANGGAP SA HANAY NG MGA
OORDENANG DIYAKONO AT PARI
Obispo:
22
Mga kapatid, sa pagtitipong ito ng mga anak
ng Diyos, ang ating mga kapatid ay
inihaharap sa inyo at sa amin upang sila’y
tanggapin sa hanay ng mga oordenahan.
Tayo ay inutusan ni Hesus noong kanyang
sabihin: “Idalangin ninyo sa may-ari ng
aanihin na magpadala siya ng mga
manggagagwa sa kanyang aanihin.”
Nalalaman ng mga kapatid nating ito ang
malasakit ng Panginoong Hesukristo sa
kanyang kawan. Nababatid nila ang
pangangailangan ng Banal na Simbahan.
Ngayon sila ay nakahandang tumugon sa
Panginoon sa pamamagitan ng
pangungusap ni propeta Isaias: “Narito po
ako, ipadala ninyo ako.” Taglay ang pag-
asa sa tulong ng Panginoon, sila ay
tutugon ngayon ng matapat sa kanyang
panawagan. Ang panawagan ng
Panginoon ay dapat dinggin at unawain sa
mga palatandaang ipinahihiwatig ng Diyos
sa mga marunong kumilala sa kanyang
kalooban. Ang pagpapala ng Diyos ay
nagbunsod at tumutulong sa kanyang mga
hinirang na makihati sa makaparing
paglilingkod ni Hesukristo. Gayundin
naman, pinahihintulutan kami ng Diyos
upang sila ay tawagin at ordenan, sa bisa
ng tatak ng Espiritu Santo, para sa
paglilingkod ni Hesukristo sa simbahan.
Sa pamamagitan ng pagoorden,
ipagkakatiwala sa kanila ang gawain ng
pagliligtas na isinakatuparan ni
Hesukristo sa daig-dig. Kapag sila ay
naordenan na, sila ay makakaisa namin sa
tungkulin na maglingkod sa simbahan at
23
magdulot ng buhay at sigla sa
sambayanan ng Diyos sa pamamagitan ng
kanyang Salita at Sakramento. Ang mga
kapatid nating ito ay hinubog na upang
maging handa sa pag-oorden na igagawad
ng Obispo. Sa araw-araw, kanilang
sinisikap na matutuhan kung paanong
magiging taimtim ang kanilang
pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.
Sinisikap din nilang mapagyaman sa
kanilang sarili ang diwa ng panalangin at
malasakit ni Hesukristo para sa
kapakanan ng mga tao. Ngayon, sa
pagbubunsod ng pag-ibig ni Hesukristo, at
sa pagpapala ng Espiritu Santo, sila ay
sumapit na sa sandaling ito ng hayagang
pagsasabi ng kanilang pagnanais na
italaga ang kanilang sarili para sa
paglilingkod sa Diyos at sa mga tao. Kaya
nga, kapag tinawag ang ngalan ng bawat
isa sa inyo, lumapit sana kayo at
magpahayag ng inyong niloob sa harap ng
pagtitipong ito.
PAGSUSULIT
Obispo:
Ang mga pari at mga tagapagturo na
pinagkatiwalaang humubog sa iyo at ang iba
pang tao na may nalalaman tungkol sa iyo ay
nagbigay ng magandang mungkahi para sa iyo.
Kami naman ay may malaking tiwala sa kanila.
24
Bilang pagtugon sa pagtawag ng Panginoon,
ikaw ba ay nakahanda na makiiisa sa kabuuan
ng paghubog sa ino upang sa pagsapit ng
takdang panahon ikaw ay maging handa para
sa ordenasyon?
Obispo:
ikaw ba ay nakahanda upang hubugin ang
iyong sarili para sa wagas na paglilingkod kay
Hesukristo at sa banal na simbahan, na
kanyang katawan?
Obispo:
Buong galak na tinatanggap ng simbahan ang
iyong binigkas na pasya. Bigyan nawa ng Diyos
ng katuparan ang gawaing ito na kanyang
pinasimulan.
R. Amen.
PAANYAYA SA PANALANGIN
Obispo:
25
Mga kapatid, manalangin tayo sa Diyos Amang
makapangyarihan. Igawad nawa niya ang
kanyang tulong at pagpapala sa ating mga
kapatid na nagnanais maglingkod sa Banal na
simbahan.
26
ay tunay na makatulong sa kapwa tao para sa
ikauunlad ng pananampalataya at sigasig sa
pakikiisa sa Eukaristiya, manalangin tayo sa
Panginoon.
R. Isinasamo namin kami’y iyong dinggin.
Obispo:
O Diyos Amang Lumikha, dinggin mo ang
aming panalangin. Alang-alang sa iyong pag-
ibig, pagpalain mo + ang iyong mga anak na
naririto at naghahandog ng kanilang sarili
upang maglingkod sa iyo at sa kapwa ato.
Mamalagi nawa silang matapat sa iyong
panawagan sa pagtahak nila sa landas ng
katotohanan at pagmamahal ni Hesukristo,
gayundin sa pagsasakatuparan ng kanyang
atas na gawain na ipinagkatiwala sa mga
apostol para sa kapakanan ng banal na
simbahan. Hinihiling namin ito sa iyo sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon magpasawalang hanggan.
R. Amen.
O kaya:
O Diyos Ama, tulungan po ninyo ang inyong
mga anak na naririto upang higit nilang
maunawaan at maisakatuparan sa araw-araw
ang iyong dakilang pag-ibig. Itaguyod mo sila
sa kanilang paghahanda ng sarili para sa
paglilingkod sa iyong angkan. Mapuspos nawa
sila ng Espiritu ng iyong pag-ibig upang sa
iyong ikararangal kanilang mapaglingkuran
ang kapakanan ng kapwa tao na tumatahak sa
daan ng kaligtasan. Hinihiling namin ito sa iyo
27
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon magpasawalang hanggan.
R. Amen
28
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
29
Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang
dinarasal niya ng pabulong:
30
na inihahain naming ngayong kapistahan ni
San Andres
ay maging kalugud-lugod kami sa ginagawang
paghahanda
at mabuhay kami sa pagtanggap sa iyong
kaloob
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
R. Amen.
31
Sa pagiging pastol na patnubay ng
sambayanan.
Ama,
isinasamo naming pakabanalin mo
sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu
32
ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.
33
Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
34
Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay
samantalang siya ay nagdarasal:
Ama,
ginugunita namin
ang pagkamatay ng iyong Anak
na sa ami’y nagligtas,
gayun din ang kanyang muling pagkabuhay
at pag-akyat sa kalangitan
samantalang ang kanyang pagbabalik ay
pinananabikan,
kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa
iyo
ang buhay at banal na paghahaing ito.
NAKIKIPAGDIWANG I
35
kaisa ng mga Apostol, mga Martir, ni San Pablo
Unang Ermitanyo
at kaisa ng lahat ng mga Banal
na aming inaasahang laging nakikiusap para sa
aming kapakanan.
NAKIKIPAGDIWANG II
Ama,
ang handog na ito ng aming pakikipagkasundo sa iyo
ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan
para sa buong daigdig.
Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig
ang iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,
kasama ng iyong lingkod na si Papa N.,
ang aming Obispong si N.,
ng tanang Obispo at buong kaparian
at ng iyong piniling sambayanan.
Dinggin mo ang mga kahilingan ng iyong angkan
na ngayo’y tinipon mo sa iyong harapan.
Amang maawain,
kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga
anak
sa bawa’t panig at sulok ng daigdig.
36
sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo
na siyang pinagdaraanan ng bawa’t kaloob mo sa
aming kabutihan.
R. Amen.
ANG PAKIKINABANG
37
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
38
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
R. Amen.
R. At sumaiyo rin.
Ipahahayag ng Diyakono.
Sa pagsasawak na ito
Ng katawan sa dugo ng aming Panginoong
Hesukristo
Tanggapin nawa namin sa pakikinabang
Ang buhay na walang hanggan.
39
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
___________________________________________________
40
Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo
patungo sa buhay na walang hanggan.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Punong tagapagdiwang:
Manalangin tayo,
Amen.
MARINGAL NA PAGBABASBAS
Obispo:
41
Sumainyo ang Panginoon
R. At sumaiyo rin.
Ipahahayag ng Diyakono
Obispo:
Purihin ang pangalan ng Panginoon.
R. Ngayon at magpakailanman.
R. Amen.
Sasabihin ng Diyakono
R. Salamat sa Diyos.
42
43