Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON:DAAN

TUNGO SA TAGUMPAY
Sa araw-araw nating pamumuhay,
mula sa pag gising natin sa umaga, hanggang
matapos ang buong araw, di natin
maitatanggi na tayo’y minsan napapatanong
kung ano ang kahalagahan ng pag pasok sa
paaralan.
Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-
asa ng Bayan” at “Kabataan ang Babangon sa
Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami
sa mga kabataan ngayon ang di makapag-aral at
hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang
…/////
mga dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat
tinatamad gumising ng umaga, ang ilan pa ay
nalulong sa mga masasamang bisyo." Mahalaga ang
Edukasyon", kahit na gasgas na ang linyang ito, ito
ay labis na totoo. Dito nakasalalay ang ating
kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan
natin sa mundong ito.Upang tayo'y magkaroon ng
isang masaganang pamumuhay at kinabukasan,
kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi
natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang at
problema na maaaring pumigil sa atin upang
makamit ang tagumpay, kaya nararapat lang na
tayo'y maging handa nang sa gayo'y malagpasan
natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili
at determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa
kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng
sarili nating kapalaran.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay


sa atin ng importansyang umunlad sa ating
lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan
ng ating mga magulang na maipapamana sa
atin. Isa itong kayamanan na hindi
makukuha ng kahit sino man sa'yo. Ang
edukasyon ang ating sandata para sa
magandang kinabukasan, hindi lamang para
sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan.
Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag
natin kalimutan ang pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos sapagkat sa
kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

You might also like