Sa inyo mga kapatid, mga kamag-aral, manahimik tayo sumandali upang
alalahanin natin ang ating mga kamag-aral na nauna ng umalis, sinundo na ng ating Panginoong Hesukristo. Sa pagkakataong ito ating hilingin na sana ang kanilang mga kaluluwa ay nasa mabuti ng kalagayan sa piling ng ating Diyos. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, amen. Oh Amang Makapangyarihan, kami ay lubos na nagpapasalamat sa iyo sapagkat sa sandaling ito, Panginoon, kami ay tinipon mo upang ang aming Batch 70 ay magkaroon ng pagsasama-sama at maalaala, Panginoon, ang mga magandang araw sa aming buhay noong kami ay mga high school pa. Bagamat marami kaming naririto, Panginoon, ngunit marami na ring wala sa aming mga kamag-aral, marami na rin ang wala sa aming ma guro ngunit kami ay naniniwala na kung saan man sila naroroon sila ay patuloy mong pinagpapala. Masakit man sa kalooban ng kanilang mga mahal sa buhay at may kurot sa aming mga puso ang kanilang pagyao, ang kanilang pagkamatay, ngunit mayroon ding kasiyahan, Panginoon, na kami ay nadarama sapagkat sinabi ng iyong anak na si Hesukriso “sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid, ipaghahanda ko kayo ng matitirhan at kung magkagayon ako ay muling babalik at kayo ay aking sasalubungin.” Sa ganoong pangako, Panginoon, kami ay nalulugod na sapagkat alam namin, Panginoon, alam namin, Oh Diyos Ama, na ang aming mga kamag-aral na yumao na ay kasama mo na sa iyong tahanan, kasama mo na, Panginoon, sa iyong Paraiso. Kaya lahat sila, Panginoon, di ko man isa-isahin ang kanilang mga pangalan ay alam ko, Panginoon, na sila rin ay nasisiyahan, sila man, Panginoon, ay nagagalak doon sa piling ng Diyos Amang mapagmahal at nagagalak din sila, Panginoon, sapagkat nakikita nila na ngayon ang kanilang mga kamag-aral na naririto pa sa lupa ay masayang nagkakatipon at sila ay inaalaala. Ang lahat ng ito, Panginoon, ay buong puso naming ipinagapasalamat sa iyo sapagkat alam namin na kasama mo sila at muli po sa pamamagitan ng iyong anak na si Hesukristo nawa sila ay manatili sa piling mo at sila ay maging gabay namin sa pagpunta sa kaharian mo sa takdang panahon ng aming pagyao. Muli po ang lahat ng ito ay itinataas namin at ipinagpapasalamat namin sa iyo sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesukristo, kasama ng Banal na Espritiu Santo at magpasawalang hanggan, Amen.