Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

TEKSTONG EKSPOSITORI: “PROBLEMA SA MATH, SOLUSYON AY FILIPINO”

Kung iisipin natin ang sitwasyon sa klasrum, mahirap para sa guro at estudyante na gumamit ng
banyagang wika sa paglalahad ng karanasan at mga konkretong halimbawa kaugnay ng mga paksang
tinatalakay sa Siyensa at mas lalo na sa Matematika. Kung kaya’t madalas magreklamo ang estudyante na
hindi niya maintindihan ang tinuturo kaya bagsak ang nakukuha niyang grado. Kailangan ng isang
midyum na komportable ang lahat para maging maayos ang komunikasyon at hindi nagkakaroon ng
kalituhan ang mga mag-aaral dulot ng wikang hindi maintindihan.

Mahirap ipaliwanag sa isang banyagang wika ang kahalagahan ng pagtuturong Matematika na hindi
nahihirapan ang mga estudyante pati narin ang guro. Hindi na kailangang maging teoretikal o isipin ng
malalim dahil simple lang ang argumento para sa promosyon ng Filipino para sa midyum ng pagtuturo.

Bagamat marami ang nanliligaw, halimbawa, na nagpapasikat sa paramihan ng Ingles, aminin nating
Filipino pa rin ang ginagamit natin para malalim na ipahayag ang ating damdamin. Sariling wika pa rin
ang midyum sa mga away at lambing ang nangyayari, pati narin sa panahong kailangan nang tapusin ang
relasyon sa kung anumang dahilan.

Kung kaya’t ganoon din pagdating sa Matematika. Mahirap para sa isang estudyante ang maintindihan
ang itinuturo kung ang gamit na midyum ng guro ay Ingles. Kaya bilang nag-aaral sa larangang ito, mas
madali na maintindihan kung Wikang Filipino ang ginagamit sa pagtuturo para masolusyunan ang
suliranin sa pagbaba ng grado ng mga estudyante sa Matematika.

Url: https://www.google.com/amp/s/jeininallysie.wordpress.com/2016/08/24/blog-post-title-2/amp/

Sa ating buhay, hindi na bago ang pagkakaroon ng adiksyon. Kapag sinabing adiksyon, ito ay ang
pagkalulong sa isang bagay at palaging hinahanap hanap. Maraming uri ng adiksyon at mga bagay na
maaaring kaadikan. Hindi lamang sa Pilipinas ngunti sa buong mundo ay laganap na ang pagkaadik sa
mga ipinagbabawal na gamot. Ang mas nakakabahala pa dito ay ang mga kabataan ay siya na ding
sangkot sa ganitong uri ng gawain o maituturing na ring krimen.
Maaaring magdulot ang ipinagbabawal na gamot ng sari-saring pinsala sa ating katawan, kalusugan, at sa
relasyon ng gumagamit nito sa mga taong nakapaligid sa kanya. Dagdag pa dito ay maaari din nitong
masira ang buhay ng isang kabataan na gumagamit nito at mapapabayaan ang pag aaral at hindi na
muling papasok sa eskwela. Dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, maaaring lumabag ang isang
indibidwal sa mga batas ng ating lipunan at bayan. Kaugnay na rin ng pagkaadik at pagkahumaling sa
droga, humahantong ito sa pagsisinungaling, pagnanakaw, o kung ano man ang gawin nila upang
matugunan lamang ang pangangailangan ng kanilang katawan. Kailangan pa din nating mag ingat dahil
mahirap pa din mapansin kung ang isang indibidwal ay gumagamit ng droga. Mapapansin na lamang ito
kung siya ay gumagawa ng mga bagay na hindi niya pangkaraniwang gingawa at wala sa ayos ang
kanyang sarili.Ngunit may ilang mga sintomas kung ang isang tao ay gumagamit ng droga at ito ay
makikita natin sa katawan nila mismo. Ang pagkakaroon ng mapupulang mata, panghihina ng katawan,
labis na pagkasumpungin at palaging galit sa kung sino man ang kaharap niya kaya ibayong pag iingat ang
kinakailangan.

Mayroon namang ilan na kabataan na idinadahilan ang pagkakaroon ng mga problema kaya nakakagamit
ng ipinagbabawal na gamot. Ako, bilang isang kabataan ay hindi naniniwalang ang droga ay siyang lutas
sa mga problema. Kung may problema, maari natin itong ihingi ng tulong sa ating mga magulang mismo
na siyang nakakaalam at mas nakatatanda sa atin at sanay sa mga problema. Kung ang problema naman
ay tungkol sa mga magulang mismo, nariyan ang mga tunay nating kaibigan na siyang aalalay sa atin sa
tuwid na daan at hindi sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

https://www.google.com/amp/s/goldengoldwordpresscom.wordpress.com/2016/02/27/komposisyong-
ekspositori/amp/

You might also like