Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Layunin
Nakasulat ng iskrip para sa radio broadcasting.

2. Paksang aralin
Paksa: Pagsulat ng iskrip para sa radio broadcasting at
teleradyo.
Kagamitan: blackboard, chalk, tarp papel, mga larawan
Sanggunian: Landas sa pagbasa pahina 134-138 misosa
modyul 18 piksyon at di-piksyon.

3. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Paglalahad ng mga alituntunin
4. Pagbabalik Aral:
Paano maibibigay ang kahulugan ng
matalinghagang salita?
Ano ang mga halimbawa nito?
B. Pagganyak na tanong:
Sinong news anchor ito: Magandang gabi bayan?
Excuse me po..
Soco?
C. Paglilinang ng gawain:
a. Magparinig ng isang balita mula sa TV o radio.
Mga Tanong:
Ano ang paksa ng binasang balita?
Tungkol saan ang balita?
b. Pangkatin ang klase sa apat na pangkat
Ayusin nang sunud-sunod ang mga pangyayari sa
ibaba upang makabuo ng isang magandang balita.
Gawin ito sa sagutang papel.
Liga ng Basketbol
Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Baranggay
Fatima Heneral santos
Sinimulan ang laro saganap na ika-3 ng hapon.
Isang parading nilahukan ng lahat ng lahat ng manlalaro ang
nagbukas ng liga.
Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod.
Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang koponang TEAM SAWI .
Masayang-masaya ang mga nanonood sa basketbol tuwing
Sabado
at Lingngo ng gabi.
D. Pagtatalakay:

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng skrip para sa radio


o teleradyo?
Maikli lamang ang pamagat ng balita. Dito napapaloob ang
kabuuan ng balita. Ang pamagat ay inaayon sa unang talataan ng
balita. Inilalagay sa unahan ng balita ang pinakamahalagang
bahagi nito. Sa gayon, ang sinumang tao,maging siya ay abalang
–abala ay maakit na bumasa ng balita. Ang unang talataan ng
balita ay tinatawag na patnubay. Ito ay sumasagot sa tanong na
ano, saan, at kailan. Ang ikalawang talataan ang mga detalye
lamang ng balita.

Pagsasanay:
Paano mo gagawin ang isang skrip sa radio na hindi
makkasakit sa damdamin ng iyong kapwa? Anong mga pananalita
ang dapat mong gamitin?.

E. Pangwakas na gawain:
a. Naintindihan ba paano pagsulat ng iskrip para sa radio o
teleradyo?
b. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng skrip para sa
radio o teleradyo?
c. Magbigay ng halimbawa.
4. Pagtataya:
Gumawa ng isang skrip sa radio tungkol sa tamang
paraan ng paglilinis sa
katawan o kaya tungkol sa halalan sa inyong lugar.

You might also like