Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Narrator: Dear Charo, Tawagin nyo lamang po ako sa pangalang ___________.

labingsyam na taong
gulang at kasalukuyang working student mula sa isang pribadong paaralan. Ang aking kwento ay
magsisimula sa pagkakaroon ng gusot, isang gusot na tuluyang magbabago sa takbo ng aking buhay at
ito ay nagmula sa matinding pag-aalitan ng aking kaibigan na itatago na lamang natin sa pangalang
_________.

Dialogue:

A.) Bakit mo tinago sakin ang lahat? Napaka-plastik mo! Sa hinahaba-haba ng samahan natin, ngayon
mo pako sasaksakin ng talikuran? How dare you that to me?

B.)Wala kang karapatan para sabihin yan, kakainin mo rin lahat ng sinabi mo! Alam mo naman kung sino
ang dapat sisihin sating dalawa at ikaw yon! Ikaw ang nagsimula ng lahat, ikaw ang unang nagkamali.

A.) Alam mo, simula sa araw na to kalimutan mo na ang pagkakaibigan natin, kalimutan na natin to lahat,
wala kang kwenta!

Narrator: Simula noon Charo, ay hindi na nga kami muli nagkausap pa ni __________. Ngunit sa paglipas ng
mga ilang araw ay nakaramdam ako ng pagkabagabag sa aking puso at mayat-maya akong hindi
mapakali dahil sa nararamdaman kong ito. Dahil dito ay tuluyan na nga akong na-stress at bigla na
lamang nakatulog sa aking kinalalagyan.Sa aking panaginip, ay napadpad ako mula sa isang malayong
gubat, at makalipas pa ang ilang saglit ay sumulpot ang isang ermitanyo at sya walang iba kundi si:

A.) Tata Kalbo! Tata kalbo Pwede ba akong makahingi ng tulong, nagka-alitan po kasi kaming ng
kaibigan ko, matagal nap o kaming magkakilala, nagi-guilty po ako kasi marami po akong mga nasabing
masasakit na salita, ano po ba ang maipapayo nyo sakin, Tata Kalbo ano po ba ang maipapayo ninyo sa
akin.

Tata Kalbo: Iha alam mo, pagdating sa kahit anong relasyon eh ang pag-aaway ay talagang hindi tayo
makakaiwas, yang mga pag-aalitan eh, kasama na nating pamumuhay. Dahil marupok tayo bilang tao at
kadalasang nagkakamali.Ngayon ang maipapayo ko na lamang sa iyo ay magpakatotoo ka. Huwag nga
lang sosobra sa pagkatotoo at baka makasakit ka, at wag ding lalabis at baka hindi mo na masabi ang
nararapat.

A.) Ganun po pala Tata Kalbo! Maraming salamat po ,malaking tulong ito sakin.

Dialogue:

A.) Friend, pinapatawad na kita, at sana mapatawad mo rin ako, alam ko nagkamali rin ako sa mga nasabi
ko sayo noon.

B.) Ano kaba, wala yun, ikaw talaga… wag mo nang isipin yung pag-aaway natin dati. Ang mahalaga
nagkaayos na tayo uli.

Narrator: At dito na nga po nagtatapos ang aking kwento, sana po ay marami kayong napulot ng mga aral
mula sa mga ito. Hanggang sa muli, nagmamahal _________.

Muli ako po ang inyong lingkod Atty. Jomar Sison,

At ako naman ang inyong lingcod Atty. Japeth Sison at lagi po ninyong tatandaan:

Kapag nasa katwiran, Ipaglaban mo.

You might also like