El Fili (Kabanata 1-3)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.

Malvar, Santiago City


3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER
Petsa: Pebrero 13, 2020
Paksa: El Filibusterismo
Pokus: Kabanata 1: Sa Kubyerta
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata 3: Mga Alamat
Layunin:
Pagkatapos ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) nabibigyang-kahulugan ng matatalinghagang salita na ginamit sa
kabanata;
b) natutukoy ang mahahalagang detalye sa kabanata sa pamamagitan ng pag-
uulat;
c) natutukoy ang mga tauhan batay sa kanilang pahayag;
d) naiuugnay sa kasalukuyan ang ilang pahayag mula sa kabanata at;
e) nakasusulat ng mga bunga sa pangyayari sa kabanata gamit ang Cause-
Effect Tree Chart.
Core Values/Pagpapahalaga: Mary’s Fiat, Solidarity
Estratehiya: Pag-uulat, Cause-Effect Tree Chart
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10 nina Emily V. Marasigan, et. al. (pahina 463-492)
Kagamitang: Kagamitang biswal, mga larawan, marker, laptop, LED TV
I. INTRODUKSYON
A. Routine
 Pag-aayos
 Pagpupulot ng mga kalat
 Pagdarasal
 Pagtsek ng attendance
B. Pagganyak
Ilang buwan na lamang ay summer na naman hindi ba? Isa sa mga pangarap
natin ay makapunta sa lugar tulad ng Boracay, Palawan, at iba pang
magagandang tanawin sa loob o labas man ng ating bansa. Kung kayo ay
mabigyan ng pagkakataong makapunta sa mga lugar na tulad ng mga ito, alin
at paano ninyo gustong gugulin ang pagkakataong ito?
Saan man o paano man nating nais gugulin ang ating bakasyon, pare-
pareho lang ang ating hangarin, ang magsaya, makakilala ng mga bagong
kaibigan, maglibang, at matuto kahit paano. Ngunit masiyahan kayo kayo kung
sa inyong paglalakbay ay gaya ng bapor Tabo ang inyong masakyan at gaya ng
mga taong nakasakay rito ang inyong makasabay?
UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.
Malvar, Santiago City
3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER

II. INTERAKSYON
C. Paglalahad ng aralin at layunin

MAHALAGANG TANONG
Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkakahati ng bapor sa
dalawang bahagi? Paano mo ito maihahambing sa kasalukuyan?

 Paglinang ng Talasalitaan
Tukuyin ang kahulugan ng mga nakasalungguhit sa pahayag sa ibaba.
Piliin sa kahon at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Kapag nagnanais ang barkong sumusnod sa agos ng makabagong
panahon, nasisiyahan na ito sa pagkukulapol ng bagong pintura.
2. Ang bapor ay umuusad habang naliligo sa sikat ng araw na
nagpapakinang sa mga alon sa ilog at nagsasayaw sa mga kawayang
nasa may pampang.
3. Si Don Tiburcio de Espadana ay nasindak sa ginawa niyang
pagbubuhat ng kamay sa asawa na parang pagpatay sa magulang ang
nagawa niya.
4. Napag-isip-isip ni Kabesang Tales na siya’y isang palayok na
umuumpog sa kawaling bakal.
5. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at
pinagdimlan ng paningin.
6. Nagmatigas si Tales at sinabing ipagkakaloob lamang niya ang
kanyang lupain sa unang lalaking didilig dito ng dugo.
7. Ang kailangan ay magpanalo ng mga kaso at para magkagayon ay
kailangan ang mga kaibigan, imluwensiya, at dulas ng dila.
8. Nagbalik si Simoun upang bigyan ng huling pitagan ang isang
dakilang kaluluwang sadyang namatay para sa kanya.
9. Sukdulang ako’y gumamit ng luha at dugo upang kunin ko ang
sadyang para sa akin.
UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.
Malvar, Santiago City
3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER
10. Nagbubuklod kayo sa pag-aakalang mapag-iisa ninyo ang Pilipinas
at Espanya sa kuwintas na rosas, ngunit ang katotohanan, kayo’y
nakadenahan ng matigas pa sa bakal.

 Pag-uulat/Pag-unawa sa akda
Makabuluhang pagtalakay, pagbabahagi at pagsagot sa mga gabay na
tanong at pag-iisa-isa ng mga detalye ng akda.
El Filibusterismo
Kabanata 1:

Sa Kubyerta

 Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang naging pagkakaiba sa pakikitungo ng mga taong ito
kay Ibarra na dating tauhan sa Noli Me Tangere at sa ngayong
siya na si Simoun?
2. Ano ang suliranin ng Ilog Pasig? Ano ang panukala ang ibinigay
ni Simoun? ni Don Custodio? Ipaliwanag ang bawat isa.
3. Makatotohanan o kaya bang gawin ang kanyang panukalang
humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang
Maynila o magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating Ilog
Pasig?
4. Paano mo ihahambing ang kalagayan ng mga ilustrisimos at
reverendos sa itaas ng bapor sa kalagayan ng mga taong nasa
ibaba ng kubyerta? Anong mensahe ang nais iparating ni Rizal sa
mga mambabasa sa pagkakahati ng mga mamamayan?

Kabanata 2:

Sa Ilalim ng Kubyerta
 Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit kaya mas pinili nina Isagani at Padre Florentino na
lumulan sa ibabang nahagi ng bapor sa halip na sa kubyerta kahit
pa kaya naman nilang bayaran ang pamasahe rito?
2. Paano naiba sina Isagani at Basilio sa kanilang mga kapwa
kabataang mag-aaral? Bakit sila iginagalang ng mga kapwa mag-
aaral?
UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.
Malvar, Santiago City
3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER
3. Ano ang nangyari sa unang pagkikita nina Simoun at Isagani?
Bakit kaya ganoon ang ikinilos nila sa isa’t isa?
4. Bakit kaya siguradong-sigurado si Kapitan Basilio na hindi
magtatagumpay ang plano ng mga kabataan sa pagtatayo ng
paaralan upang matuto ng wikang Kastila?
5. Paano inihanda ng magkaibigang Isagani, Basilio, at ng iba pang
mag-aaral ang plano sa pagbubukas ng akademya para sa
pagtuturo ng Kastila? Mabuti ba ang kanilang ginawa? Bakit?
6. Anong larawan ng isang lingkod ng Diyos ang ipinakita ni Rizal
sa katauhan ni Padre Florentino? Paano siya naiba sa
naghaharing uri ng prayle sa kanilang panahon?
7. Kung ikaw ay may magandang upang mapaunlad ang sarili at ng
iba pang mag-aaral sa inyong paaralan subalit may mga
nakakikita kang balakid, ano ang gagawin mo para malampasan
ito at maipagpatuloy pa rin ang iyong plano?

Kabanata 3:

Mga Alamat
 Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang nais bigyang-diin ni Simoun sa kanyang mga pag-uusisa
kay Padre Salvi nang sandaling iyon tungkol sa beateryo?
Nagtagumpay ba si Simoun na mausig ng kanyang konsensiya ni
Padre Salvi? Bakit?
2. Paano inilihis at pilit itinago ni Padre Salvi ang kanyang
pagkabigla nang maungkat ang tungkol sa pangalan ng beateryo
ng Sta. Clara? Nalusutan ba ni Padre Salvi ang pag-uusig ni
Simoun? Patunayan.
3. Bakit biglang natahimik, namutla, tila nahilo, at nagmuni si
Simoun nang mapunta ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra
pagpasok sa napakagandang Lawa ng Laguna?

 Gawain 2 – Iugnay sa kasalukuyang kalagayan ang mga pangyayari at


mensaheng taglay ng bawat isa.
1. “Kung ang mga kabataan natin ay hindi matututo ng latin,
hayaan natin silang matuto man lang ng Kastila... ang mga aklat
ninyo ngayon ay nasa Kastila, ngunit hindi kayo tinuturuan ng
Kastila.”
2. “Ang mga matatanda ay lagi nang nakaiisip sa lahat ng mga
bagay. Kahit na anong mungkahi sa kanila ang nakikita nila ay
ang mga hadlang at hindi ang kabutihan. Ibig nilang ang lahat ng
UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.
Malvar, Santiago City
3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER
mga bagay ay maging bilog at makinis na tulad ng bola ng
bilyar.”

 Gawain 3 – Pangkatang Gawain (Apat na pangkat)


Gamit ang Cause-Effect Tree Chart, isulat sa mga dahon ang magiigng
bunga o epekto ng suliraning nakalahad dito sa ibaba.

Mababaw ang lagusan ng tubig sa ilog na dinaraanan ng bapor


na naglalayag mula at patungong Maynila at Laguna

Ang Ilog Pasig at Lawa ng Laguna ay tila naging basurahan na.


Naging tapunan ito hindi lang ng mga nakalalasong kemikal
mula sa mga pabrika, at mga dumi mula sa napakaraming
palaidaan nasa kabuuan ng lawa at iba pang bagay na sumira
at unti-unting pumapatay sa mga katutubong ito.

III. INTEGRASYON
A. Metakognisyon
Isulat ang natutuhan sa aralin sa araw na ito sa pamamagitan ng pagdurugtong
sa talata.

Sa araling ito, natutuhan ko na _______________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________

B. Sintesis

MAHALAGANG TANONG
Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkakahati ng bapor sa
dalawang bahagi? Paano mo ito maihahambing sa kasalukuyan?

Ang bapor Tabo ay isang paglalarawan ng ating pamahalaan at ng bayan


noong panahon ng Kastila at maaari ding ihambing sa kasalukuyang panahon.
Hindi pantay ang pagtingin ng pamahalaan sa mga mayayaman at mahihirap.
UNIVERSITY OF LA SALETTE, INC.
Malvar, Santiago City
3311, Philippines

COMMUNICATION ART DEPARTMENT


UNDERSTANDING BY DESIGN (UbD)
LEARNING PLAN FOR GRADE 10 FILIPINO
FOURTH QUARTER
Sinisimbolo rin nito ang lipunang Pilipino na kasimbagal ng pag-usad ag pag-
unlad ng Pilipinas, at walang katiyakan kung ito ay uunlad o hindi.

C. Takdang-aralin
Itala ang mga suliranin na nakita ng mga pasahero ng Bapor Tabo nang sila ay
naglalayag sa Ilog Pasig. Pakatapos ay magmungkahi ng mga solusyon upang
malutas ang mga ito. Gamitin ang chart sa ibaba at isulat ang sagot sa
kuwaderno.
Mga Suliranin Solusyon sa Suliranin

Inihanda ni:
G. Jon-Jon D. Samiling, LPT

You might also like