Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

Layunin:
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Makabayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang
1. Nakikilala kung anong uri ng pagtulong ang ipinapakita sa larawan.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Pagtutulungan sa Pamayanan
Yunit: Yunit III: Tungo sa Pagkakaisa
Sanggunian: Lahing Pilipino (pahina 159-167)
Kagamitan: Tsart, mga larawan, Manila Paper, chalk at board
Mabuting Asal: Pagkakaisa: ng layunin, ng damdamin at sa gawain

III. Mga Gawain:

1. Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtala ng Lumiban
d. Pagpasa ng Takdang-Aral
e. Pamantayan sa Loon ng Klase
f. Balik-Aral

Panuto: Idikit ang kung dapat gawin ang pangugusap, at kung ito ay
di-dapat gawin.

a. Gawing basahan ang lumang watawat ng Pilipinas.


b. Huminto sa anumang gawain kung inaawit ang pambansang awit.
c. Ikahiya ang pagsasalita ng wikang Filipino.
d. Linangin ang kaalaman tungkol kay Jose Rizal.

2. Lesson Proper/Bagong Aralin


A. Pag-aanyak
Sa lahat ng oras, kailangan natin ang PAGKAKAISA o PAGBUBUKLOD
sa ating komunidad. Sa panahong masaya, kailangan ng pagtutulungan o
pagkakaisa. Ganun din naman sa panahon ng kalungkutan.
- Bakit natin kailangan magkaisa o magtulungan sa ating komunidad?
B. Gawain
Ang guro ay hahatiin ang klasi sa apat na grupo at bibigyan ng larawan ang
bawat grupo at ipapaIiwanag ang larawan na ibinigay. Ang bawat grupo ay pipili
ng isang miyembro upang iulat ang sagot.

C. Pag-aanalisa
Ang guro ay magbibigay ng kahon na may nakasulat na iba’t ibang
numero na may mga tanong.
Ang guro ay magpapatugtog ng kanta at kapag huminto ang kanta at kung
sino ang nakahawak sa kahon ay siyang sasagot sa unang katanungan.
1. Ano ang masasabi mo sa apat na larawan binigay?
2. Alin sa mga larawan ang nagawa mo?
3. Ano ang pakiramdam kung nakatulong tayo sa kapwa?

D. Paghahalaw
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan at tatawag ng mag-aaral upang idikit
ang mga ibinigay na salita na maglalarawan nito.

1. a. Dental Mission

2. b. Bayanihan

3. c. Pagbabahagi ng yaman

4. sds d. Pagtulong sa biktima

5. fdfd e. Medical Mission


c. Paglalapat

Ang guro ay magbibigay ng mga salita at panuto sa bawat grupo.


Ang bawat grupo ay ipapaliwanag ang salita sa iba’t ibang paraan.
Unang grupo - BAYANIHAN - TULA
Ikalawang grupo – DENTAL MISSION - KANTA
Ika tatlong grupo – PAGTULONG SA MGA BIKTIMA NG KALAMIDAD - DRAMA
Ika apat na grupo – PAGBAHAGI NG YAMAN - GUHIT

IV. Ebalwasyon
Panuto: Kilalanin kung anong uri ng pagtulong ang ipinapakita sa mga
sumusunod na larawan.
1. 2.

3. 4.

5.

V. Takdang-Aralin
A. Basahin ang pahina 158-167 ng inyong libro.
B. Sagutin ang pahina 168-171 ng inyong libro.

Inihanda ni: John Gerald B. Cantancio

You might also like