Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Inahing Manok at ang kanyang mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang


naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw,
lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng
taniman at sinabing, “panahon na upang anihin ko ang
aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga
kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani
bukas!”
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa
kanilang ina, “kailangang lumikas na tayo rito at
humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi,
matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at
huhulihin upang patayin!”
“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng
inahing manok. “Kung mga kapit-bahay lamang ang
aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga
iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”
Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat
kinabukasan nga’y walang mga kapit-bahay na
dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.
“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay,
sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi
ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!”
“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-
daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi
nabahala ang inahing manok at sinabing, “kung sa mga
kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipag-sunod
ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin
ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May
panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”
Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing
manok. Walang kamag-anak na dumating ang
magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.
Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang
kanyang anak at sinabing, “bukas na bukas din, tayong
dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala
tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”
Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang
nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi
ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila
sa lugar na iyon, at sinabing, “kung sinabi ng
magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat
tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman
siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!”

You might also like