Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

PANANAMPALATAYANG ISLAM

Balitaan
Pagsasanay
Balik-Aral

Ano ang pagano o paganismo?


Pagbuo ng tanaong
Paglalahad

Ang Islam ay relihiyon ng mga Muslim. Pamana


ito ng mga Arabe sa ating bansa. Ito ay isang uri ng
paniniwalang monoteismo na nangangahulugang
“pananampalataya sa iisang diyos.” Ang salitang Islam
ay nangangahulugang “pagsuko sa kagustuhan ng
Diyos na si Allah.” Allah ang tawag nila sa kanilang
panginoon. Ang koran ang banal na aklat at batayan ng
mga aral ng relihiyong Islam.
Pangkatang Gawain
Pagtalakay

Muslim ang tawag sa mga taong


naniniwala sa pananampalatayng ito.
Para sa kanila, bawat kilos ay maituturing
na pagsamba kung ito ay isasagawa
nang ayon sa mga utos ni Allah.
Pagtalakay

Ang aral ng Islam ay nakapaloob sa Limang


Haligi ng Katotohan o Limang Haligi ng Islam-
1. sahadah ( paniniwalang walang
ibang Diyos kundi si Allah at si Mohammed
ang propeta ng Diyos).
Pagtalakay

2. salat ( pananalangin nang limang ulit


sa loob ng isang araw paharap sa
direksiyon ng Mecca ).
3. zakat ( pagbibigay ng limos sa
mahihirap)
Pagtalakay

4. saum ( pagaayuno mula sa pagsikat


ng araw hanggang sa paglubog nito sa
buwan ng ramadan ).
at 5. haj ( ang paglalakbay sa lungsod ng
Mecca isang beses man lamang sa kanilang
buhay).
Pagtalakay

Ang pag-aayuno ay paraan ng pagsisisi


ng kasalanan ng mga Muslim. Ginagawa
ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
mula sa ika-4:00 ng umaga hanggang sa
paglubog ng araw. Ang pag-aayuno ay
tumatagal nang 29-30 araw.
Pagtalakay

Malaki ang naging impluwensiya ng


pananampalatayang Islam sa buhay ng mga
Pilipinong Muslim. Ligal din sa kanilang
relihiyon ang poligamya o pag-aasawa ng
higit sa isa.
Pagtalakay

Ang mga lalaki ay maaaring makapag-asawa


ng higit sa apat kung kaya nilang bumuhay ng
malaking pamilya. Ang diborsiyo ay ligal din sa
kanila. Mayroon silang pistang panrelihiyon katulad
ng Hariraya Puasa- araw ng pasasalamat o hudyat
pagwawakas ng Ramadan. Nipso- katumbas ng
araw ng mga patay ng mga Kristiyano at Maulud-
araw ng pagsilang ni Mohammed.
Paglalahat

Islam ang relhiyong pamana ng


mga Arabe sa ating bansa. Ito ay
ang relihiyon ng mga Muslim.
Paglalapat

May kamag-aral kayong Muslim, nakita


ninyo siyang nasa isang tabi lamang at
walang kumakausap, anong gagawin ninyo?
Kakaibiganin mo ba siya? Kahit mag-
kaiba ang inyong pananampalataya? Bakit?
Pagtataya
Takdang Aralin

Alamin kung paano lumaganap sa iba’t-


ibang bahagi ng Pilipinas ang Relihiyong Islam.

You might also like