Professional Documents
Culture Documents
Chapter 1
Chapter 1
Panimula
Isa sa mga kaugaliang mayroon ang mga estudyante ay ang madalas nilang ginagawa na
pagpapaliban ng mga gawain o sa ingles ay tinatawag na “procrastination”. Likas sa mga mag-
aaral o estudyante ang magpaliban ng mga gawaing pampaaralan tulad ng mga takdang-aralin o
proyekto. Nangyayari ito sapagkat mas inuuna nila ang mga hindi naman gaanong importanteng
gawain nang dahil sa mas madali, mas nakakasiya o mas kaaya-aya itong gawin kaysa mga
gawaing pampaaralan. (Capinig, 2016)
Kaligirang Pangkasaysayan
Balangkas Teoritikal
Ang Temporal Motivation Theory ay tungkol sa “oras” bilang isang kritikal na kadahilanan
na nakatuon sa impluwensiya ng “deadlines” sa paglalaan ng pansin sa mga partikular na
gawain. Pinapaliwanang ng TMT na ito ay kapaki-pakinabang para sa pag-unawa sa mga pag-
uugali ng tao tungkol sa pagpapalibang ng mga gawain at sa mga layuning nais makamit ng tao.
Halimbawa nito ay ang isang estudyante na may isang buwan upang mag-aral para sa
nalalapit na huling pagsusulit. Mayroon siyang dalawang pagpipilian: Mag-aral o Makipag-
“socialize”. Sa simula ng pag-aaral ng estudyante, (kung saan ay may mahabang antala bago ang
nalalapit na pagsusulit) ang kaniyang pag-aaral ay hindi madalian (kung kaya’t ito ay may
mababang kabuluhan). Dahil dito, mas mababa ang interes ng estudyanteng mag-aral habang
ang “deadline” ay malayo pa, kaysa kagustuhan ng estudyanteng makipag- “socialize”.
Naaangkop ang Temporal Motivation Theory sa pag-aaral na ito sapagkat ang teoryang ito
ay umuunawa sa mga pag-uugali ng mga tao tungkol sa pagpapaliban ng mga gawain na isa sa
mga layunin ng mga mananliksik sa pag-aaral na ito at nakatuon ang teoryang ito sa kritikal na
impluwensiya ng oras sa paglalaan ng panahon sa “deadlines” na nagiging dahilan ng
pagpapaliban ng mga gawain ng tao.
Paglalahad ng Suliranin
Upang maisakatuparan ang pag-aaral, ang mga sumusunod na suliranin ay ang magiging
gabay sa paghahanap ng mga kasagutan sa kung anu-ano ang mga pangunahing nagiging sanhi
ng pagpapaliban ng mga pang-akademikong gawain na nakakaapekto sa pang-akademikong
awtput ng mga mag-aaral:
Upang matukoy ang mga sanhi sa pagpapaliban ng mga gawain ng mga mag-aaral
Upang malaman ang positibo at negatibong epekto sa pang-akademikong awtput ng mga
mag-aaral sa pagpapaliban ng gawain.
Upang ma-ikategorya ang iba’t-ibang uri ng pagpapaliban ng mga gawain
Upang madiskubre ang mga salik na nakakaimpluwensya sa pagpapaliban ng mga
gawain ng mga mag-aaral.
Upang makapangalap ng mga impormasyon tungkol sa maaaring solusyon sa
pagpapaliban ng mga gawain ng mga mag-aaral.
Haypotesis
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mga Mag-aaral. Sa tulong ng pag-aaral na ito ay matutukoy ng mga mag-aaral ang nagiging
dahilan ng kanilang pagpapaliban ng mga gawain at makaisip ng mga paraan upang ito ay
kanilang maiwasan
Mga Guro. Sa pag-aaral na ito ay matutukoy ng mga guro ang dahilan sa pagpapaliban ng mga
gawain ng mga mag-aaral na nakaka-apekto sa kanilang pang-akademikong awtput
Mga Susunod na Mananaliksik. Magkakaroon sila ng panibagong kaalaman ukol sa pag-aaral
ng epekto ng pagpapaliban ng mga gawain sa awtput ng mga mag-aaral at makapangalap ng mga
impormasyong kanilang magagamit sa kanilang isasagawang pananaliksik
Saklaw at Limitasyon
Kaugnay na Pag-aaral
Marami sa kabataan ang may sakit na “manana habit” o ang hindi pagsimula kaagad ng
dapat gawin. Mas gustong laging naghahabol. Ayon sa iba, may mga kabataan na lumalabas daw
ang kanilang galing kapag may "pressure" o kaya kapag naghahapit na ngunit kakaunti lang sila.
Kung di mo rin matatapos ang gawain mo kaagad, sana ay siguraduhin na ang kalidad ng iyong
gawa ay hindi mababa at bara-bara. Hindi na maibabalik ang oras. Kapag sinabi ng guro o
propesor mo na tapusin ang isang "term paper" o proyekto, isipin kaagad at i-panahon ang iyong
paggawa ng mga dapat gawin. Sa gayon, walang magaganap na paghahabol sa oras. (Martinez,
Fernando, & Ramones 2001)
Hindi na siguro magugulat ang mga guro sa mga estudyanteng naghahapit sa kanilang mga
pagsusulit. Siguro, ang medyo nakakagulat dito ay ang bilang ng mga estudyanteng gumagawa
nito na nasa 25 hanggang 50 na persyento depende sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, humigit
kumulang 45 na persyento ng mga estudyante ang umaming sila ay madalas maghapit. (Klein,
Carlos, & Simmons 1998)
Ayon kay (Lasquety, Asret Anne) ang pagpapaliban ng ating mga gawain hanggang sa
huling minute ay talagang mapupuna kung ang isang aktibidad ay ginawa lamang ng mabilisan
sapagkat maaaring may mga pagkakamali na hindi natin naiwasto dahil sa pagmamadali o kaya
naman talagang hindi na naging maayos ang ating pagkagawa at wala na tayong panahon para
ayusin ito. Kung gusto natin ng kaaya-aya at maayos na resulta, kailangang bigyan natin ito ng
karampatang oras o panahon upang makapagsaliksik bago gawin ang atas.
Isa din sa mga nakasanayang kaugalian ng mga mag-aaral ay ang kraming sapagkat ito ay
ang pagpapaliban ng mga gawain na iniatas sa atin. Ang kakayahan na magpokus sa isang
gawain ay isang kahusayan lalo na sa dami ng mga nakapaligid na maaaring umantala ng ating
mga gawain tulad ng mga laro at paggamit ng Internet tulad ng Facebook at iba pa (Rockler-
Gladen, 2008)
Kaugnay na Literatura
Ang Mañana habit ay maituturing din bilang “procrastination virus” dulot ng daming
negatibong epekto sa atin. Sa ugaling ito, tayo ay nagiging mas tamad atnababawasan ang ating
kakayahang makapagtapos ng gawain. Ito din ang isa sa mgahigit na dahilan kung bakit tayo ay
hindi gaanong umasenso at bakit nahuhuli tayo sapagbibigay ng ating gawa, kung saan ito ang
sanhi ng pagpigil ng ating pagunlad bilangtao. Bunga ng ating katamaran, naging dahilan ito sa
atin na hindi gaanong ninais namagtamo kaysa sa magtamo ng mas mataas na hangarin,
samakatuwid nawawalantayo ng mga oportunidad (Biala,C. J., 2014).
Sa isang tao na nasasanay sa Manana habit, kahit may oras pa upang gawin ang isang
bagay, sadyang ipinagpapabukas pa. Habang patuloy namang hinahayaan ang ganitong
kaugalian, lahat ng plano ay hanggang plano na lamang o di kaya’y hanggang umpisa lang at di
na matatapos. Ang masaklap pa nito, habang lumilipas ang panahon ay dumadami din ang mga
plano at mga gawaing di na matapos tapos na siyang dahilan ng pagiging maintin ang ulo at
pagkawalan ng concentration. Ito rin ay magdadala ng pagkakaroon ng pagkabigo at depresyon.
Bumababa din ang tiwala sa sarili, at madalas na kadahilan ng pagkasira ng kanyang karera