Professional Documents
Culture Documents
ESP 8 4th QUARTER
ESP 8 4th QUARTER
ESP 8 4th QUARTER
Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Norte
AMANDO A. FABIO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Cruz, Placer, Surigao del Norte
Ikaapat na Periodikong Pagsusulit
ESP 8
Pangalan:__________________________________ Baitang:_________________ Petsa:_______________
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan ang pinakawastong sagot.
1. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa
kaniya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan
mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, “Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa?” Bilang isang mapanagutang lalaki o babae, ano
ang gagawin mo?
a. Makikipaghiwalay sa kasintahan, dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
b. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
c. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
d. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito.
2. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend,
pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan. Pumayag ka
ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
3. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng
malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang
tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam mong
makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi makabubuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.
4. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais
mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
a. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
b. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
c. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
d. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
5. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang
pagkababae o pagkalalaki.
a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
6. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal
sa mundo – ang likas na nagpapadakila sa tao.”
a. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang pagiging Manlilikha.
b. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang kakayahang magsilang ng
sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
c. Ang tao ay likas na dakila dahil siya’y nilikhang kawangis ng Diyos.
d. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
9-10. Basahin at unawain ang kaso ni Rebecca sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 9-10
Ang unang mga taon sa hayskul ay isang labis na pahirap sa akin. Pinatindi ito ng mga taong walang
ibang pinagkatuwaan kung di ang pambubulas sa kapwa.
May mag-aaral na natuwang sulatan ako ng mga masamang salita, tinuksotukso, sinundan-sundan
pag-uwi at niloko sa telepono.
Isinumbong ko na siya sa aming guidance counselor at ipinaalam ko rin sa aming prinsipal ngunit wala
paring nagbago. Isang araw sa aming klase, sinuntok niya ako, sinaklot ang aking kamay na sobrang masakit
na. Hindi ako nakatiis. Sinampal at minura ko na siya, kaya binitawan niya ako. Mula noon, iniwasan niya na
ako at di na sinaktan.
Ayaw ko ng karahasan, kaya di ko lubos maisip bakit ako gumanti. Dahil dito, kinamuhian ko ang sarili
ko. Sana pinalampas ko na lang ang panggugulo niya. Sa panahon ng pag-aaral kasi, naghahanap ang isang
kabataang tulad ko sa aking sarili, na kahit ganoon kaliit na bagay ay may epekto sa aking buhay hanggang
pagtanda.
Hango sa: www.adelaide.now.com.au/news/south-australia/victims-ofbullying/storye6frea83-1111117332518
10. Ano ang naging epekto kay Rebecca ng pambubulas sa kaniya ng kaniyang kaklase?
a. nahirapan sa pag-aaral b. napilitang gumanti c. kinamuhian ang sarili d. hinanap
ang sarili
11. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
16. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
Kung ang may access sa internet sa Pilipinas ay 16% lang, ano ang implikasyon nito kung:
17. Online ang pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan sa Pilipinas?
a. Nararapat na maging bahagi ng kurikulum sa sekundarya ang paggamit ng computer
b. Ang mga may access lamang ang makapag-aaral sa mahuhusay na pamantasan sa Pilipinas.
c. Isang paraan ng pagsasala ng mga mag-aaral ang online na pag-eenrol sa mga pangunahing pamantasan
sa Pilipinas
d. Obligasyon ng pamahalaan na bigyan ng computer ang lahat ng pamilya sa bansa.
19. Online ang pagpapasa ng mga aplikasyon para sa mga mahahalagang dokumentong personal tulad ng
birth certificate?
a. Magiging mas mabilis ang pagkuha ng mga personal na mahahalagang dokumento
b. Hindi kailangang pumila ng mahaba at maghintay ng matagal sa pagkuha ng mahalagang dokumento
c. Mahihirapang kumuha ng mga mahahalagang personal na dokumento ang taong walang access sa IT
d. Hindi na dapat obligahin ang isang mahirap na tao na kumuha ng mga dokumentong ito
20. Online ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig?
a. Hindi nito maapektuhan ang mga informal settlers dahil wala silang access sa mga pangunahing serbisyong
ito
b. Magiging madali na ang pagbabayad ng mga pangunahing serbisyo
c. Uunlad ang negosyong internet cafe
d. Pipila rin sa mga internet café ang mga Pilipinong nais magbayad ng mga pangunahing serbisyo
21. Online ang pagkuha ng mga mahahalagang pagsusulit tulad ng Professional Board Examination?
a. Mga mayayaman na lamang ang makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
b. Uunlad ang negosyong internet cafe
c. Hindi nito maapektuhan ang mga karaniwang mamamayan na high school lang ang natapos
d. Hindi lahat ng mamamayan ay makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
22. Batay sa mga naging sagot mo sa bilang 17 hanggang 21, nalalabag ng agwat teknolohikal ang batas
moral dahil sa:
a. Nagiging dahilan ito upang manatiling mahirap ang mahihirap
b. Nakahahadlang ito sa pakikinabang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pag-aangat ng
kaniyang kalagayan sa buhay
c. Natatapakan ang mga karapatan ng tao sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang maaaring gawin
d. Pinayayaman nito ang iilan tulad ng mga nagmamay-ari ng mga internet café at mga may pagawaan ng
makabagong teknolohiya at mga nagbebenta nito
23. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino?
a. Makapaglibang b. Makapagtrabaho c. Makapag-aral d. Makapagshopping
24. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo sa
inyong pamilya?
a. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang pamumuhay
b. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa mga anak at asawa, sa kabila ng ito ay para sa kanilang
ikauunlad
c. Kasiyahan dahil makakapamasyal sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila
sa ibang bansa
d. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapagabroad
28. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
a. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
b. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
c. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan
d. Ang pagkakaroon ng hindi pakakaunawaan ng magkakapatid
30. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon
sa pamilyang Pilipino ukol sa paghihiwalay ng magasawa?
a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa
b. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa’t isa
c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers
31. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. Ang asawang naiiwan sa pamilya c. Ang Pamilya
b. Ang mga anak d. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
33. Ito ay bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga pandama at damdamin na tinatawag na sentiment, na
bunsod ng emosyon.
a. tao b. sekswalidad c. pag-aasawa d. kasal
34. Ito ay isang uri ng pambubulas na kung saan idinadaan ito sa pagsusulat ng masasamang salita laban sa
isang tao.
a. pasalitang pambubulas c. pisikal na pambubulas
b. sosyal na pambubulas d. relasyonal na pambubulas
35. Isang uring pambubulas na kung saan nananakit ang isang tao o pangkat at naninira ng pag-aari ng tao.
a. pasalitang pambubulas c. pisikal na pambubulas
b. sosyal na pambubulas d. relasyonal na pambubulas
37. Ang PAS ay isang pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag o abortion. Ano ang ibig sabihin ng PAS?
a. Pre- Abortion Symptoms c. Pre Abortion Syndrome
b. Post Abortion Symptoms d. Post Abortion Syndrome
38.Ang mga sumusunod ay sanhi ng pre-marital sex sa mga babae maliban sa:
a. Nahihirapang tukuyin ang damdamin kung tunay na nagmamahal o pagnanasa lamang
b. Pakiramdam nila ay marumi at nagamit sila
c. Sila ay nalululong sa alak nat bawal na gamut
d. Depresyon o labis na kalungkutan
39. Ayon sa kanya, may mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay
nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
a. Iyoob (2008) b. Dr. Melvin Anchell c. Karin E. Tusinski (2008) d. Papa Juan Paulo II
40. Ayon sa kanya, “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ay makapagsisislang ng
isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal – at maghatid
ng pagmamahal sa mundo – ay likas na nagpapadakila sa tao”.
a. Iyoob (2008) b. Dr. Melvin Anchell c. Karin E. Tusinski (2008) d. Papa Juan Paulo II
41. Ayon sa kanyang pag-aaral, ang dahilan ng pambubulas ng isang tao ay maaring mag-ugat sa
pamamaraan ng pagpapalaki ng kanyang mga magulang.
a. Iyoob (2008) b. Dr. Melvin Anchell c. Karin E. Tusinski (2008) d. Papa Juan Paulo II
42. Isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na ginagamit ng alpabetong Griego na batayan
sa kanilang pangalan.
a. graffiti b. fraternity c. pambubulas d. group identity
43. Ang Silent Generationay ay mga ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya ay tinatawag
ding ______.
a. Generation X b. War babies c.Generation Z d. Generation Y
44. Ito ay henerasyon ng mga tao na ipinanganak sa taong 1965 hanggang 1979 0 kilala sa tawag na Martial
law Babies.
a. Generation X b. War babies c. Generation Z d. Generation Y
47. Ito isang uri ng pambubulas na may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao
a. pasalitang pambubulas c. pisikal na pambubulas
b. sosyal na pambubulas d. sekretong pambubulas
1. C
2. B
3. C
4. A
5. D
6. A
7. B
8. D
9. D
10. C
11. D
12. C
13. D
14. A
15. B
16. D
17. B
18. B
19. C
20. D
21. D
22. B
23. B
24. B
25. B
26. A
27. B
28. D
28. B
29. B
30. B
31. B
32. B
33. D
34. A
35. B
36. C
37. D
38. C
39. C
40. D
41. C
42. A
43. B
44. A
45. C
46. C
47. B
48. A
49. C
50. B