Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 29

UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

UNANG ARAW

PAKSA: PILIPINAS SA PANDAIGDIGANG KALAKALAN:


PAGBUBUKAS NG SUEZ CANAL
CG: AP6PMK-Ib-4

Pagbubukas ng Suez Canal


Ang Suez Canal ay isang artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa
Mediterranean Sea at Red Sea. Ito ay matatagpuan sa bansang Egypt. Mula sa 2
buwan ay naging 30 araw na lamang ang byahe mula sa Pilipinas patungo sa Spain
dahil sa pagbubukas ng Suez Canal. Dahil napabilis ang paglabas-masok ng
mangangalakal at kalakal, bumilis din ang pasok ng mga kaisipang liberal tulad ng
kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan. Nagbunga din ito ng pagpasok ng
mga aklat na naglalaman ng kaisipang liberal at rebolusyonaryo na nagmulat sa ilang
mga Filipino, lalo na ang nasa panggitnang-uri.

The Suez Canal near Port Saïd


ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 30
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

Panaman Canal

Ohio Canal
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 31
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

Mapa ng Suez Canal

Mga Pagbabago sa Pilipinas nang Buksan ang Suez Canal


 Napabilis ang transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at Spain
 napaunlad ang mga produktong agrikultural na iniluluwas ng Pilipinas (tabako,
abaka at asukal)
 napadami ang mga dayuhang pumapasok sa bansa, partikular na ang mga
mangangalakal na may dalang iba't ibang kaisipang galing sa Europe katulad ng
konsepto ng demokrasya at liberalismo
 nagkaroon ng pagkakataon ang mga maalwang Filipino na makapag-aral

IKALAWANG ARAW

PAKSA: PAGPAPATIBAY NG DEKRETONG EDUKASYON NG 1863


CG: AP6PMK-Ib-4

Dekretong Eduksyon ng 1863


 tugon sa mabilis na paglaganap ng kaisipang liberal sa Europe
 paglaganap ng kulturang Hispaniko
 daan ito upang magkaroon ng mga edukadong Filipino na maglilingkod sa
pamahalaang kolonyal

Itinadhana ng dekreto:
 ang pagkakaroon ng dalawang paaralaang primarya sa bawat munisipalidad: para
sa mga lalaki at sa mga babae;
 ang pagkakaroon ng estandardisadong kurikulum; at
ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 32
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

 ang pagtatatag ng escuela normal sa Pilipinas katulad ng mga sumusunod:


o Unibersidad ng Santo Tomas
o Ateneo Municipal
o Colegio de San Juan de Letran
o Ang Colegio de Santa Isabel
o Colegio de Santa Rosa
o Colegio de Santa Rita.

Bunsod ng pagbabago sa sistema ng edukasyon humina ang impluwensiya ng mga


prayle. Nagkaroon ng kakayahan ang mga Filipino na tuwirang makipag-ugnayan sa
pamahalaang kolonyal na dati ay pinamamagitnaan ng mga prayle. Humina rin ang
impluwensiya ng mga prayle sa paglaganap ng siyentipikong pananaw bunga ng
edukasyon sa mga Filipino.

Unibesidad ng Santo Tomas – Main Building

Colegio de San Juan de Letran


ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 33
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

IKATLONG ARAW

PAKSA: PAGUSBONG NG GITNANG URI


CG: AP6PMK-Ib-4

Pag-usbong ng Gitnang Uri


Ang mga tao sa lipunan noong panahon ng mga Kastila ay nauuri ayon sa kalagayan
nila sa buhay. Ang pinakamababa sa pangkat ng tao ay ang karaniwang
mamamayang Pilipino na kilala sa tawag na indio. Ang gitnang uri ay:
 bunga ng paglago ng agrikultura at ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan
 karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish Mestizo na may kakayahan
na pag-aralin ang mga anak sa Maynila at sa Europe, partikular na sa Espanya
upang mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay at magkaroon ng
impluwensiyang Hispaniko
 tinawag silang mga ilustrado na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”

IKAAPAT NA ARAW

PAKSA: LIBERAL NA PAMUMUNO


CG: AP6PMK-Ib-4

Liberal na Pamumuno
Sa pagsiklab ng Spanish Revolution noong Setyembre 19, 1868, nagbunga ito ng
pagpapalit ng pamumuno sa Spain mula sa kamay ng mga konserbatibo patungo sa
kamay ng mga liberal. Sa pagbabagong ito, ipinadala sa Pilipinas si Carlos Maria de la
Torre bilang Gobernador-Heneral.
Si Carlos Maria de la Torre ay nakilala sa:
 pamamahalang liberal;
 pakikinig sa mga suliranin ng lipunan;
 pakikihalubilo sa mga tao;
 pagbabawal sa paghahagupit bilang parusa;
 pagwawakas sa pag-eespiya sa mga pahayagan;
 paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao; at
 pagpapahintulot ng kalayaan sa pagpapahayag.

Carlos Maria de la Torre


ARALING PANLIPUNAN 6 K a l a k i p | 34
UNANG MARKAHAN – IKALAWANG LINGGO

Ang Liberal na Pangasiwaan ni Carlos de la Torre (1869-1871)


Ang tagumpay ng liberalismo sa Espanya ay lubos na nadarama ng mga Pilipino sa
pagkakahirang kay Gobernador Heneral Carlos de la Torre. Ipinakita ni Gobernador
heneral de la Torre ang demokratikong pananaw sa buhay. Naging maganda ang
pakikitungo niya sa Kastila at mga Pilipino. Sa unang pagkakataon ang mga
mamamayang Pilipino ay pinahintulutang dumalo sa salu-salo sa palasyo. Maging ang
mga karaingan ng mga Pilipino ay dininig nito. Sa katunayan, naging panauhin din ng
gobernador heneral ang 3 paring masugid na tagapagtanggol ng sekularisasyon sina
Padre Jose Burgos, Mariano Gomez at Jacinto Zamora.

Di nagtagal bumagsak ang pamahalaang liberal sa Espanya kaya natapos agad ang
panunungkulan niya. Dalawang taon lamang ang panunungkulan ni de la Torre
ngunit nagustuhan siya ng mga Pilipino kaya hindi nakakapagtakang hahanap-hanapin
nila ang gayung pamumuno.

You might also like