Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

2382 Doña Rosario Street

Balibago, Angeles City


Oktubre 13, 2019

Store Manager
McDonalds Corporation
Fields Avenue, Walking Street
MacArthur Highway

Store Manager:

Nalaman ko po sa aking kaibigan na nagtatrabaho rin sa nasabing restaurant, na


nangangailangan ng isang cashier ang inyong fast food chain. Naniniwala ako na ang mga
katangian at mga kwalipikasyon na iyong hinahanap ay tinataglay ko, kung kaya’y ako po’y nag-
aaplay sa naturang trabaho.

Ako po ay isang binata, dalawampung taong gulang, at nagtapos po ako ng Junior High
School sa Rafael L. Lazatin Memorial High School. Ako po’y masipag, matiyaga at marunong
makihalubilo sa kapwa. Sa katunayan ako po ay nagkamit ng mataas na karangalan noong ako’y
nagtapos ng Junior High School. Isa akong aktibong mag-aaral sa Junior High School. Ako po ay
madalas na lumalaban sa iba’t ibang patimpalak laban sa mga iba pang paaralan. Magaling ako sa
matematika, agham at wika. Marunong din akong humawak ng kompyuter. Ako po ngayon ay
nag-aaral ng Technical Vocational Track sa nasabing paaralan. Bunga ng mga karanasan at
kaalamang ito, naniniwala akong magiging isa akong produktibong manggagawa ng inyong
kompanya.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan
para sa isang panayam, sa petsa at oras na inyong nanaisin. Nawa’y dinggin nyo po ang aking
aplikasyon. Maraming Salamat po.

Sumasainyo,

Joshua R. Casem
Aplikante

You might also like