Epekto NG Paggamit NG Wikang Filipino La

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

East Systems Colleges of Rizal

College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino Laban sa


Wikang Ingles sa ESCR

Ang Pananaliksik na Ito ay iniharap ng mga Baitang-11


Sa Pagkatulad ng East Systems Colleges of
Rizal Lalawigan ng Morong, Rizal

Baitang Bahagi ng
Katuparan na Kinakailangan
Baitang-11 ng Senior High School

Calanza, Mary Christine T.


Cayco, Maria Andrea Mae S.
Crispino, Jane C.
Dela Cruz, Leslie Ann S.A.
Naduma, Kent Jay
Ocampo, April Joy P.
Rebollado, Julla Joy B.
Robles, Don James
Pebrero 2018
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

PAHINA NG PAGSANG-AYON

Ang Pananaliksik na Pinamagatang “Epekto ng Paggamit ng


Wikang Filipino laban sa Wikang Ingles” ay inihanda at ipinasa nina
Mary Christine T. Calanza, Maria Andrea S. Cayco, Jane C. Crispino,
Leslie Ann S. A. Dela Cruz, Kent Jay Naduma, April Joy P. Ocampo,
Julla Joy B. Rebollado, at Don James Robles bilang Hinihiling sa
Asignaturang Pananaliksik.

Ika- ng Marso 2018 G. Wllie L. Dela Cruz


Petsa Tagapayo

Inaprobahan bilang bahagi ng katuparan sa mg apangangailangan sa


Baitang-12 ng Senior High School ng East Systems Colleges of Rizal.

Ika- Marso 2018 Gng. Emilinda J. San Antonio


Petsa Punong-Guro
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

PASASALAMAT

Kami po ay nag papasalamat sa mga nag bigay kooperasyon at naging bahagi ng


pag-aaral na ito, dahil sakanila natuto kami at nag karoon ng mga ideya at
kaalaman sa pananaliksik na ito, naunawaan namin ang layunin ng pananaliksik
at ang mga idinulot nito upang matuto kami na magkaroon ng obligasyon at
maging disiplinado na mag-aaral.

Unang-una sa panginoon, na nag bigay gabay at lakas ng loob upang magkaroon


kami ng determinasyon para magawa namin ang pananaliksik na ito.

Kay G. Willie Dela Cruz na nagturo at gumabay saamin lubos kaming


nagpapasalamat sa lahat ng pasensya at pagtitiyaga upang magabayan kami sa
paggawa nito.

Sa aming mga magulang na nag bigay suporta at umunawa sa pag-aaral na


isinagawa namin, sa pag bibigay ng pinansyal na pangangailangan, pagmamahal
at pag bigay inspirasyon saamin.

Sa ESCR at saaming Punong Guro na si Gng. Emilinda J. San Antonio, na nag


silbing gabay upang maisagawa namin ng maayos sa kanyang paaralan ang
aming pananaliksik.

Muli kami ay lubos na nag papasalamat sa lahat na nagging bahagi ng pag-aaral


na ito. Maraming maraming Salamat po!
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

PAGHAHANDOG

Una sa Lahat ako ay nagpapasalamat kay G. Willie Dela Cruz na nagturo


sa amin kung paano gawin ang pananaliksik na ito sa paggabay at
pagbibigay impormasyon niya, sa aking mga kagrupo na nagbigay
kooperasyon upang matapos ang pananaliksik na ito at sa lahat ng nakiisa
at nagbigay ambag sa pananaliksik na Ito Maraming Salamat Po.

Mary Christine T. Calanza

Ako ay nagpapasalamat sa Poong maykapal na gumabay at nagbigay


sakin ng lakas ng Loob at Deteminasyon upang maisagawa namin ng
maayos ang pananaliksik na ito, at sa mga nagging kaparte ng pananaliksik
na ito na nakiisa sa bawat araw na iginugol namin para sa malawakang
Pananaliksik na aming ginawa, sa aking tumayong mga magulang na
nagbigay suportang Pinansyal.

Kent Jay Naduma

Ako ay nagpapasalamat sa panginoon na gumabay sa amin sa paggawa


ng pananaliksik, nagpapasalamat din ako sa mga kasama kung gumawa ng
pananaliksik, nagpapasalamat ako sa aming mahal na guro na si G. Willie
Dela Cruz na nagturo sa amin sa pananaliksik para ito ay aming magawa ng
maayos.

Jane C. Crispino
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Nagpapasalamat ako sa Panginoon at sa aking Pamilya na walang


sawa sa pagsuporta sa akin para makagawa ng aming Pananaliksik pati
narin sa mga kasama naming gumawa ng pananaliksik, nagpapasalamat din
ako sa aming Guro na si G. Willie Dela Cruz na Nagturo sa amin sa
Pananaliksik.

April Joy P. Ocampo

Ako po ay lubos nagpapasalamat sa aming Guro na si G. Willie Dela


Cruz na naggabay sa aamin upang mas matuto sa pananaliksik na aming
nagawa at sa Poong maykapal na nagbigay samin ng lakas at Tamang
panahon upang mas maayos naming magawa ang Pananaliksik na Ito.

Leslie Ann S. A. Dela Cruz

Sa aming ginawang pananaliksik ako po ay nagpapasalamat sa ating


Diyos na nagbigay sa akin ng lakas at kaalam upang sa bawat araw na
ginugol namin sa aming pananaliksik kahit papaano may naiambag kong
kaalaman.

Julla Joy B. Rebollado

Nagpapasalamat ako sa aking mga kagrupo at kay G. Willie Dela


Cruz na nagturo at gumabay sa amin sa pananaliksik na ito at sa
lahat ng tumulong at nag-ambag sa pag-aaral na ito.

Maria Andrea Cayco


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ako ay nagpapasalamat sa aking mga ka grupo at sa mga nakiisa


at nagbigay impormasyon ukol sa aming paksa sa aming guro na si
G. Willie Dela Cruz na nagturo sa amin kung paano gumawa ng
pananaliksik

Donn James S. F. Robles


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

ABSTRAKTO

Pamagat: Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino Laban sa Wikang


Ingles.

Isinulat nina: Naduma, Kent Jay


Calanza, Christine
Rebollado, Julla Joy B.
Cayco, Andrea Mae
Ocampo, April Joy
Dela Cruz, Leslie Ann S. A.
Robles. Donn James S. F.

Gurong Tagapayo Willie L. Dela Cruz

Kurso: Impormasyon Kompyuter Teknolohiya

Taon: 2018

Uri ng Proyekto: Pananaliksik

Paaralan: East Systems Colleges of Rizal

Sinimulan: Pebrero 6, 2018

Natapos:
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Nilalaman Pahina

Dahon ng pagpapatibay

Pasasalamat

Paghahandog

Abstrato

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Lugar ng Pag-aaral

Balangkas na teyoretika

Balangkas ng konseptwal

Paglalahad ng Sulirananin

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kahulugan ng termino
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

KABANATA 2: MGA KAUHNAY NA PAG-AARAL AT


LITERATURA

Dayuhan na Literatura

Lokal na Literatura

Dayuhan na pag-aaral

Lokal na pag-aaral

KABANATA 3: METODOLOHIYA AT PARAAN NG


PANANALIKSIK

Pamaraan ng Pananaliksik

Mga kalahok sa pag-aaral

Instrumento sa Pag-aaral

Balidasyon ng Instrumento

Paraan ng Pagsasagawa

Tritment ng mga Datos


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

KABANATA 1
Ang Suliranin at Sandigan ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay nag lalaman ng panimula, lugar ng pag-aaral, balangkas

na teoretikal, balangkas na konseptwal, saklaw at limitasyon ng pag-aaral,

paglalahad ng suliranin, kahalagahan ng pag-aaral at kahulugan ng termino.

Panimula

Ang paksa ng aming pananaliksik ay ang paggamit ng wikang Filipino sa mga

pang-medisinang asignatura. Matatalakay dito ang suliranin at katanggapan ng

mga kumukuha ng kursong pang-medisinang mga mag-aaral sa wikang Filipino

dahil sa mas napapadaling paggamit ng banyagang wikang Ingles sa mga

asignatura. At dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang pag-

intindi naman sa sariling wika ang kapalit nito o mababang uri ng pag-iintindi ang

nagiging kapalit nito.

Maraming nang nagbago sa panohon natin ngayun mula ng ipinatupad ang K-12

kurikulum sa paaralang East systems colleges of Rizal ukol sa epekto ng paggamit

ng wikang filipino laban sa wikang engles.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Noong 1971 pa po ako nagsimulang gumamit ng Filipino sa pagtuturo ng

kasaysayan, lalong-lalo na sa kasaysayan ng Pilipinas. Noon po ay damang-dama

sa Kamaynilaan ang diwa ng nasyonalismo at ang pag-iingles maging sa loob ng

klase, lalong-lalo na sa mga kurso sa kasaysayan, ay kadalasang sinasalubong

ng simangot ng mga estudiyante o kaya'y masasakit na salitang tulad "Kolonyal",

"Pare, tagasaan ka ba?", "Dayuhan!" o kaya'y tuwirang pagtuya. Marami ang

natatawang napapaiyak nang pinagbotohan sa Constitutional Convention o Con-

Con kung anong wika ang dapat gamitin sa deliberasyon, kung Ingles ba o Filipino.

Nanalo ang Filipino subalit napagkayarian pa rin na Ingles ang magiging wika ng

deliberasyon.

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng

mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa

isang bansa. Ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa

sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng

bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao

ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang Filipino sa makabagong

panahon ay patuloy na umuunlad at nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-

ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang

halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang

paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o tumatayo bilang

kapalit ng salita.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa

pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na

ginagamit noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon ngayon ay ang

paggamit ng mga balbal na salita, ito ang pinakamababang antas ng wika na

karaniwang ginagamit ng mga kabataan at mga bakla. Ang mga mag-aaral sa

urban ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na

nakakaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

LUGAR NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik ay isinagawa sa East Systems Colleges of Rizal,


Lalawigan ng Morong na Matatagpuan sa 619 J. Pascual St. San
Pedro Morong, Rizal. Ito ay kilala noon Bilang “Eastern Academy of
Science and Technology.” Ito ay Itinatag noong 1998.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Pigura Blg. 1

Mapa ng lugar sa Morong at ang Lokasyon ng ESCR


Sa unang pitong estudyante na pumasok upang mag-aral, ay nagsimula na silang
magturo sa kanilang kauna-unahang Paaralan sa 619 J. Pascual St. San Pedro,
Morong Rizal. At hindi nagtagal, dahil sa patuloy na pagdami ng mga estudyanting
nais mag-aral sa kanila ay nagpasiya silang lumipat sa ago at malaking Paaralan
noong taong 2000 na nakapwesto sa R. Palma St. San Pedro Morong, Rizal.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Pigura Blg. 2

Ang Paaralan ng East Systems Colleges of Rizal


Noong Enero 28, 2010
Sa Taong 2010 ay binago na ng TESDA o Technical Education Skills and
Development Authority Ang pangalan ng Eastern Academy of Science and
Technology Bilang East Systems Colleges of Rizal sa kadahilanan na ang maari
ng magturo ang mga Guro ng Apat na Taong Kurso sa mga Estudyante.

At Hanggang ngayun, patuloy pa din itong nakilala at pinapaganda ang Pribadong


paaralan na ito na naglalayong turuan at ihanda ang mga mag-aaral na matutunan
ang mga bagong teknolohiya.

Ang Misyon ng East Systems Colleges of Rizal, “Is to Prepare and Develop
Students/Individuals who are socially responsible component in their Trade and
Guide by the Higher Education that will Value, Use, and Adapt the Latest trends
and innovations in line with Business, Information Technology and Computer
Based Education.”

Ang Bisyon ng East Systems Colleges of Rizal ay, “Is to Become the Leader that
will bring, Adapt and Serves as a Medium in bringing the Equality Business
Information Technology Standards and Will Prepare the Students on the Global
use of the Computer through its Successful Graduates”
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Balangkas na Teoretikal

IPINATUPAD ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong


Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika
sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang
ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga


asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong
baitang ng paaralang primarya. Bukod pa rito, iniaatas ding gawing Ingles ang
pangunahing wikang-panturo sa paaralang sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210
na hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang oras ng pag-aaral sa
loob ng silid-aralan ang ilalaan sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles. Inilabas
din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36 noong Agosto 22, 2006 upang
maipatupad ang nasabing utos.

Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng


dalawang kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong
nagsusulong sa wikang Filipino, sa pangunguna ng Wika ng Kultura at Agham,
Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang kautusan. Anila,
taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV Section 6 ng Saligang
Batas, na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal
na komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-edukasyon.”

Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang paggamit ng


wikang Ingles sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na galing sa mahihirap
na pamilya. Bunsod ng kahirapan, hindi sila nakakapag-aral sa mga pribadong
paaralan na kung saan higit na ginagamit ang Ingles bilang wikang-panturo.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Nahihirapan silang sumabay sa talakayan sa silid-aralan kapag Ingles na ang


midyum ng pagtuturo.

Subalit binasura ng Korte Suprema ang petisyon noong Hunyo dahil sa


kakulangan nito ng ilang impormasyon hinggil sa pagpapatunay ng pagsang-ayon
sa petisyon ng mga miyembro ng mga grupong kasamang nagsampa ng kaso.

Ayon kay Joel Malabanan, guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa


Cavite at dating propesor ng Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa
pagkatuto ng mga mag-aaral ang wikang Ingles sapagkat kinakailangan pa nilang
magsalin ang mga salita sa isip nila.

Aniya, “Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang


Filipino.”

Batay naman sa aking karanasan, higit kong nauunawan ang mga itinuturo ng
aking mga propesor kung ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino ang mga
mahihirap na aralin. Higit rin akong malayang nakapagpapahayag ng aking mga
paliwanag o saloobin sa klase kapag pinahihintulutan akong magsalita sa
nakasanayan kong wika.

Sa kabilang banda naman, hindi maikakailang may pakinabang rin sa mga


estudyante ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang
kanilang kaalaman hinggil sa daigdig, nakatutulong ang pagkatutong gumamit ng
wikang Ingles lalo na’t ito ang wikang ginagamit sa larangan ng komersyo at
agham.

Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung ang mga
mag-aaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na wikang kanilang
nakasanayan sapagkat madali nilang maiintindihan ang mga aralin gamit ito.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Naipakita na ito sa mga pag-aaral, gaya ng ginawa ng Lupon ng Pambansang


Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natuto ang
mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang panturo.

Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng


edukasyon, ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa
pangangailangang pang-ekonomiya. Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito
kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid. Kaya’t
nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang
pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong. Joseinne Jowin L. Ignacio

Para sa KWF na pinamumunuan ang Pambasansang Alagad ng Sining na


si Virgilio Almario, hindi naaayon sa Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang
wika, sa halip na pambansang wikang Filipino, ang gagamitin bilang pangunahing
paraan sa pagtuturo.

Sa position paper ng komisyon na inihanda bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo,


sinabi na muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati nang panukala na inihain
[tulad ng HB 8460 noong 2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo pero ibinasura
na noon ng Senado.

Idinagdag nito na nakasaad sa Saligang Batas na Filipino ang wikang pambansa,


at dapat itong linangin, payabungin at pagyamin.

"Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring


ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang paraan ng
opisyal na komunikasyuon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon," ayon sa posisyon ng KWF.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Tinawag din ng KWF na anti-Filipino ang panukala at sumasalungat sa mga


prinsipyo ng pagtuturo na itinatakda ng UNESCO, na nagsasaad na ang
patakarang pang-edukasyon na ang mga bata, lalo na ang mga nasa mababang
baytang ay mas matututo sa kanilang sinasalitang wika sa halip na banyagang
wika.

Kung pagbabatayan din umano ang implementasyon ng MTB-MLE (Mother


Tongue-Based Multilingual Education) ng Department of Education Order #74,
series of 2009, at ang nakapaloob sa bagong K-12 Curriculum Program sa ilalim
ng Republic Act 10533, at ng Enhanced Basic Education Act of 2013, ang
panukala na isinusulong ni Arroyo ay hindi na umano kailangan.

Paalala din ng komisyon, kung may mga pangamba ang ilan na humina sa wikang
Ingles ang mga Pinoy, higit umanong dapat na ikatakot kung ang sariling wika ng
mga Pilipino ang maglalaho.—FRJimenez
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Balangkas ng Konseptwal

Pigura 2

Batayang konseptwal paradaym (Paradigm)

Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino Laban sa Wikang Ingles sa ESCR”

LAGAK PAMAMARAAN KINALABASAN

•1. Propyl •1. Paghhanda ng •PAGKAKABATID NG


•Wikang Filipino mga Katanungan na PANANAW NG
•wikang Ingles pasasagutan. MGA MAG-AARAL
•2. Pamimigay ng UKOL SA EPEKTO
•2. Ano ang mas
katanungan NG PAGGAMIT NG
Madaling gamitin
•3. Pangangalap ng WIKANG FILIPINO
sa pagtuturo
makatotohanang LABAN SA WIKANG
Wikang filipino o
Impormasyon. INGLES SA
wikang Ingles.
PAARALANG ESCR.
•3. Saan sa •4. Impormasyong
dalawang wika ang pang-istatistika.
mas madalas mong •5.Interpretasyon sa
ginagamit sa mga nakalap na
pakikipag-ugnayan. mga Datos.
•6. Pag-aanalisa.
•7. Pagpapakita ng
mga Resulta.
•8. Pagbuo ng
Konklusyon.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Paglalahad ng Suliranin

Sa Pag-aaral na ito ninanais ng mga mananaliksik na malaman ang mga


sagot sa mga sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang madalas na gamitin sa Pagtuturo sa ESCR, Wikang Filipino o


Wikang Ingles?
2. Ano ang mas dapat gamitin sa pagtuturo sa paaralan wikang ingles o
filipino?
3. Sang-ayon ka ban a ang pangalawang wika natin ay ang ingles?

Sakalaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang mga Paksa ng Pag-aaral na ito ay kasama sa lawak at Limitasyon ukol sa


Wikang Filipino laban sa Wikang Ingles, upang malaman ang pananawa at
Opinyon ng mga Mag-aaral ng ESCR.

Ang mga respondent ng Pag-aaral ay Sampung mga mag-aaral mula sa


Paaralang ESCR.

Ang Tritment ng mga Datos ay Nilimitahan sa Interpretasyon ng mga


pananaw ng mga Sumagot sa mga Katanungan na Ibinigay sa talatanungan na
ginawan ng mga mananaliksik sa naunang Binanggit na mga Paksa.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa pagkakaunawa ng hindi


lamang mga estudyante kundi lahat ng mga tao ang kahalagahan ng
kanilang sariling wika. Malaki ang mabebenipisyo ng aking pananaliksik sa
mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at sa lahat.
Mapapakita at mapaparating sa aking pananaliksik ang mga epekto at
mabuting naidudulotng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral. Sa panahon
ngayon mas nabibigyan importansya ng mga kabataan ang wikang Ingles
at sadyang napapabayaaan na ang sariling wika, pumapangalawa na
lamang ang wikang Filipino sa wikang Ingles. Makakatulong ito sa mga
magulang sa paraang magkakaroon sila ngsapat na kaalaman tungkol sa
pagtuturo ng mga salita gamit ang ating sariling wika, dahil sa paraan na ito
ay madaling matututo ang mga bata atpara sa kanyang paglaki ay
magkaroon siya ng sapat na kaalaman sa atingwika.

Sa mga guro, makakatulong ito sa kanila upang malaman kung anoang


dapat gamitin sa pagtuturo. Mas makakatulong sa pag-iisip ngestratehiya
ang mga guro para mas maunawaan ng mga estudyante angkanilang
pinag-aaralan sa kanilang leksyon.

Sa mga estudyante, makakatulong ito para lubos nilangmaintindihan na


hindi sunodsunod na paggamit ng wikang Ingles angsolusyon sa mabuting
pag ± aaral. Hindi kinakailangan gamitin ang salitang Ingles sa pang-araw-
araw na pakikisalamuha sa buhay. Hindi rin kinakailangan gamitan lagi ng
salitang
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ingles sa pakikipagugnayan sa kapwa Pilipino. Ang paggamit o pagsasalita


sa wikang Ingles ay hindi minamasama dito, maaari rin naman itong
gamitinat may sariling importansya rin ito, ngunit hindi kinakailangan na lagi
itogamitin. Oo, banyagang wika natin ang Ingles, pero pambansang wika
natinang Filipino.

Kahuluguhan ng mga Termino

1. WIKANG FILIPINO- Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa

mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa

Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de

facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog,

bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang

Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang

isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing

ikalawang wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga

185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa

Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at

pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa

iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng

komunikasyon ng mga etnikong grupo." Ang gustong makamit ng wikang

Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't

ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

2. May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa

karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao at Cebu, na bumubuo sa

tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng

Kalakhang Maynila.

3. WIKANG INGLES-Ang Ingles o Inggles ay isang wika na nagmula sa

mga wikang Aleman na isang sangay ng Indo-Europeong pamilya ng mga

wika. May malaking populasyon ng mga nanalita ng Ingles sa Estados

Unidos, Nagkakaisang Kaharian, Canada, Australia, Bagong

Selanda, Nigeria, Irlanda, Pilipinas, Hong Kong, Singapore at ilan pang

mga bansa. Dahil sa impluwensiya ng Kaharian ng Britanya at Estados

Unidos, naging lingua franca ito sa iba't ibang mga bansa. Ito'y ginagamit

pangkalawakan sa mga Komonwelt at mga internasyonal na mga

organisasyon. Tinatala na ang total ng mga nanalita ng Ingles bilang

unang o ikalawang wika ay 500 milyon hanggang 1.8 bilyon na katao.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

KABANATA 2

Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura

DAYUHANG LIERATURA

Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay may language acquisition

Device (LAD Idinagdag niya na “everyone is born with some sort of universal

grammar in their brains--------Basic rules are similar across all language.”

Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang wikang

Filipino ngayin kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga pamilyar na salita ang

luar na naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Katulad na lang ng mga

salitang buhok at ngipin. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa

usapin tungkol sa wika.

Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is language?

Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo sa simbolikong

gawaing pantao. Ang simbolo nito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng

aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa ma klase at pattern na lumilikha sa isang

komplikado at semitrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding

kahulugang arbitrayo at kontrolado ng lipunan.

Ayon kina barker at barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang

kasalukuyan at ang hinaharap din nitio an gating kultura at mga tradisyon.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika

naipapahatid parin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging

ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga

sumusunod pang henerasyon ay naluluto o maaring maluto sa nakalipas na

karanasan at sa gayo’y maliwasan ang muling pagkakamali o di naman kaya

ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating pagkakamali. Masasabi kung gayon na

sa pamamagitan ng wika ay umunlad tayo sa mga aspektong intelektwal,

sikolohikal, at kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan sa

inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan n gating wikang Filipino.

Ayon kay Heanry Gleason (1922) ang wika ay isang sistematkong

balangkas ng mga salitang tunog na pinipili ay isinasaayos sa paraang arbitrayo

upang magamit ng taong may iisang kultura.

Ayon kay Thomas Caryle itinuturing ang wika bilang saplot ng

kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-

kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

LOKAL NA LITERATURA

IPINATUPAD ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong

Marso 17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika

sa pagtuturo sa mga pribado at pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang

ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.

Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga

asignaturang matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong

baitang ng paaralang primarya. Bukod pa rito, iniaatas ding gawing Ingles ang

pangunahing wikang-panturo sa paaralang sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210

na hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang oras ng pag-aaral sa

loob ng silid-aralan ang ilalaan sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles. Inilabas

din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36 noong Agosto 22, 2006 upang

maipatupad ang nasabing utos.

Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang

pagpapatupad ng dalawang kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng

mga grupong nagsusulong sa wikang Filipino, sa pangunguna ng Wika ng Kultura

at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang Batas ang dalawang kautusan.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV Section 6 ng

Saligang Batas, na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan

upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng

opisyal na komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-

edukasyon.”

Dagdag pa ng mga naghain ng petisyon, magiging balakid din ang

paggamit ng wikang Ingles sa paaralan sa pagkatuto ng mga mag-aaral na galing

sa mahihirap na pamilya. Bunsod ng kahirapan, hindi sila nakakapag-aral sa mga

pribadong paaralan na kung saan higit na ginagamit ang Ingles bilang wikang-

panturo. Nahihirapan silang sumabay sa talakayan sa silid-aralan kapag Ingles na

ang midyum ng pagtuturo.

Subalit binasura ng Korte Suprema ang petisyon noong Hunyo dahil sa

kakulangan nito ng ilang impormasyon hinggil sa pagpapatunay ng pagsang-ayon

sa petisyon ng mga miyembro ng mga grupong kasamang nagsampa ng kaso.

Ayon kay Joel Malabanan, guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya

sa Cavite at dating propesor ng Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa

pagkatuto ng mga mag-aaral ang wikang Ingles sapagkat kinakailangan pa nilang

magsalin ang mga salita sa isip nila.


East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Aniya, “Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wika at panitikang

Filipino.”

Batay naman sa aking karanasan, higit kong nauunawan ang mga itinuturo ng

aking mga propesor kung ipinapaliwanag nila sa wikang Filipino ang mga

mahihirap na aralin. Higit rin akong malayang nakapagpapahayag ng aking mga

paliwanag o saloobin sa klase kapag pinahihintulutan akong magsalita sa

nakasanayan kong wika.

Sa kabilang banda naman, hindi maikakailang may pakinabang rin sa mga

estudyante ang pagtuturo gamit ang wikang Ingles. Bukod sa lumalawak ang

kanilang kaalaman hinggil sa daigdig, nakatutulong ang pagkatutong gumamit ng

wikang Ingles lalo na’t ito ang wikang ginagamit sa larangan ng komersyo at

agham.

Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung

ang mga mag-aaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na

wikang kanilang nakasanayan sapagkat madali nilang maiintindihan ang mga

aralin gamit ang mga ito. Naipakita na ito sa mga pag-aaral, gaya ng ginawa ng

Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang 1954 kung

saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na

wikang panturo.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng

edukasyon, ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa

pangangailangang pang-ekonomiya. Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito

kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang kanilang paligid. Kaya’t

nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang

pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong. Joseinne Jowin L. Ignacio

MARAMI ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating


sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya at salitang hiram mula sa Ingles.
Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat
dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw
ng wikang Ingles na lumalabas maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng
Filipino at Ingles.

Istambay na Istandardisasyon

Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang Ingles sa Filipino.
Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na nagsasabing “kung ano ang baybay,
siya ring sulat.” Kaya isusulat ang salitang Ingles gaya ng “magnetic” sa
“magnetik,” ang “” sa “ekwipment,” at ang “census” bilang “sensus.”

Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia, propesor sa Filipino ng De La Salle University-


Dasmariñas, ang paggamit sa binagong alpabeto sa talakayang “2001 Revisyon
ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino:
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Paglilinaw at Paglalapat” sa Elizabeth Seton School-South, Cavite noong 2002.


Sa artikulong makikita sa www.dasma.dlsu.edu, kanyang sinabi na nakasaad sa
rebisyon ang maluwag na paggamit ng apat sa walong titik na dagdag (C, F, J, Ñ,
Q, V, X, at Z). Maaaring gamitin ang mga letrang F, J, V at Z sa mga karaniwang
salita habang limitado pa rin sa mga salitang teknikal, kultural at tanging pangalan
ang nalalabing apat na letra.

Ngunit tila hindi pa rin ito sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang
Filipino upang maging ganap na pambansang wika ito. Para sa iba, walang
kaganapan at linaw ang pamantayan.

“Kinakailangan munang simulan ang pagkakasundo sa kung anong pamantayan


ang gagamitin, bago maging ganap na wikang pambansa ang Filipino,” ani
Reynaldo Candido Jr., propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters at dating
katulong na patnugot sa Filipino ng Varsitarian.

Para kay Vim Nadera, direktor ng Likhaan Institute of Creative Writing ng


Unibersidad ng Pilipinas (UP), matagal na dapat naisaayos ang mga alituntunin sa
wika. Hindi lamang niya maintindihan kung bakit pilit pa ring pinipigil ang pag-unlad
nito.

“Intelektwalisado na ang Filipino dati pa,” aniya. “Ngunit ang masakit nito,
kumukontra sa paggamit ng Filipino ang mismong KWF.”

Ayon kay Nadera, ang KWF ang siya umanong kumakampi sa pagpapatupad ng
Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Dahil dito, naitutulak palayo ang mga Pilipino
sa pagtangkilik sa sariling wika.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Itinanggi ng KWF ang umanong pagkiling nito sa paggamit ng Ingles bilang


midyum sa pagtuturo. Ipinaliwanag ni Ricardo Nolasco, ang tagapangulong
komisyoner, na itinataguyod lamang nila ang multilingguwalismo kung saan
magsisimula ang pagtuturo ng mga asignatura sa wikang sinasalita sa isang
rehiyon. Kasama ang paggamit ng Ingles sa patakarang ito.

“Hindi rin maitatatwa ang kahalagahan ng mga rehiyonal na wika at Ingles sa


pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino.”

Inamin naman ng komisyon na naguguluhan din maging sila sa kanilang nilabas


na rebisyon kaya binawi nila ito noong Hulyo 5 ng taong kasalukuyan. Ayon kay
Nolasco, hindi nila maunawaan ang pagbaybay ng mga salitang-hiram.
Halimbawa, ginawang “soljer” ang salitang “soldier,” “kaf” ang “cough,” at
“vekeyshun” ang “vacation.”

Aniya, “kahit ang mga taga-KWF, hindi ginagamit ang rebisyong ginawa noong
2001”.

Dagdag pa ni Nolasco, pansamantalang ibabalik muna ang alpabetong Filipino ng


1987, kung saan ginagamit at tinatanggap ang walong banyagang letra, ngunit
ibabaybay ayon sa pagsasalita ng Filipino.

Kung gayon, ibabalik din ang mga salitang “soljer” bilang “kawal,” “kaf” bilang
“ubo”, at “vekeyshun” bilang “bakasyon.”

Nakakaapekto rin sa problema sa wika ang iba’t ibang mga patakarang pangwika
ng mga pamantasan, ayon kay Nadera.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

“Iba-iba kasi ang pamantayan sa pagsusulat sa Filipino na ginagamit ng mga


paaralan,” ani Nadera. “Paiba-iba kasi ang paggamit ng alpabeto. Naghahalo-halo
ang mga ito. Kung minsan ginagamit ang alpabeto noong 2001, kung minsan
naman noong 1987. Iba-iba lahat, iba sa UP, sa La Salle, sa PNU at sa Ateneo.
Sa UST, at ESCR.”

Noong 1989, sinimulan ng UP ang paggamit sa Filipino bilang midyum ng


pagtuturo. Dahan-dahang ipinatupad ito hanggang sa kalaunan, maraming
asignatura sa UP ang tinuturo gamit ang wika.

“Patunay ang istandardisasyon sa mga eskwelahan na kayang pag-isahin ang


pamantayan ng wikang Filipino, at higit tayong uunlad kung gagamitin natin ito,”
ani Nadera.

Ibang usapin naman ang kalagayan ng Filipino sa UST. Ani Candido, ang hindi
pagkakaroon ng departamento sa Filipino dito ang dahilan kung bakit
nakakaligtaan ang pagsunod sa iisang istandard sa Filipino. Noong 2004,
nabuwag ang Department of Languages na siyang nangangasiwa dati sa
pagtuturo sa wikang Filipino at pinalitan ito ng General Education Department.

“Dito kasi sa UST, wala tayong ginagamit na alituntunin. Tinuturo ang nirebisang
paggamit ng alpabeto, ngunit mapapansin na hindi pa rin naiintindihan ng lahat
ang paggamit nito,” ani Candido. Halimbawa nito ang pagsulat sa salitang
“alpabeto,” na maaaring gawing “alfabeto”. O “efekto,” sa halip na “epekto.”

Sinabi naman ni Nadera na inanyayahan noong 1994 ang UST na sumali sa


Sanggunian ng mga Unibersidad at Kolehiyo sa Filipinas o SANGFIL kung saan
nagkakaroon ng mga pagpupulong ang mga kolehiyo na talakayin ang kani-
kanilang pananaw at ideya sa pagkaroon ng iisang sistemang pangwika, ngunit
hindi ito lumahok.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Layunin ng grupong SANGFIL ang ibayong pagsasaayos ng mga alituntuning


pangwika at ang pag-uusap sa mga usapin nito sa akademya.

Ani Nadera, “pinalampas ng UST na malinang nito ang sariling polisiya sa


paggamit ng Filipino lalo pa’t wala itong sariling departamento para sa sariling
wika.” Dulot daw ito ng pagkiling sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo.

Hindi rin sumusunod sa itinakdang bagong alpabeto ng KWF ang Ateneo, ayon
naman kay Michael Coroza, propesor ng malikhaing pagsulat sa Ateneo De Manila
University at dating patnugot sa Filipino ng Varsitarian. Aniya, “sinusunod ng
Ateneo ang tradisyon ng panitikang Pilipino, dahil ito ang nakagisnan natin.”

Mag-Ingles na lang ba?

Sa mga problemang kinakaharap ng wikang Filipino, napapatanong tuloy ang


marami kung dapat nga bang gawing lingua franca ito ng mga Pilipino. May mga
nagnanais na gamitin na lamang ang Ingles dahil naniniwala silang higit itong
maunlad at angkop na midyum ng pakikipag-ugnayan lalo na sa panahon ng
globalisasyon at information technology.

Noong 2004, itinakda ng Pangulong Macapagal-Arroyo ang pagbabalik sa


paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Sa kanyang pasinayang talumpati
noong nasabing taon, sinabi niyang nakatutulong sa mga Pilipino ang kagalingan
sa pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa pagiging mabisa umano nito sa pagkatuto
ng mga estudyante.

Pinabulaanan naman ito ni Nadera. Aniya, mali ang paniniwala na tanging wikang
Ingles lamang ang nagsisilbing susi sa kaunlarang pang-ekonomiya.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

“Higit nating kailangan ng wikang makapagbubuklod sa ating lahat at hindi


solusyon dito ang paggamit ng Ingles. Mas dapat pagtuunan ng pansin ang
paggamit ng Filipino dahil ito ang mas naiintindihan, partikular na ang mga masa
sa bansa,” ani Nadera. “Ang mga edukado lamang ang siyang higit na
nakakaintindi ng Ingles, at isinusulong nila ito para mapanatili ang kapangyarihan.”

Ganito rin ang pananaw ni Romulo Baquiran, isang propesor sa UP at manunulat


sa Filipino. Aniya, hindi magagamit ng lahat ng Pilipino ang kahusayan sa
pagsalita sa Ingles. Kahit mayroong pangangailangan sa ibang bansa ng mga
manggagawang magaling magsalita sa Ingles, kagaya ng mga call center agents
at nars, “aabot lamang sa 200,000 na empleyado ang kukunin sa loob ng tatlo
hanggang apat na taon,” ani Baquiran.

Dagdag pa niya, “higit na maigi kung sa mother language natututo ang mga bata
upang mapadali ang kanilang pag-aaral ng mga asignatura.”

Ikinumpara naman ni Nadera ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sa kalagayan


ng mga maliliit ngunit mauunlad na bansa tulad ng Thailand at Japan. Ayon sa
kanya, hindi umaasa ang mga ito sa dayuhang wika upang makamit ang
kaunlaran.

“Malakas ang turismo at ekonomiya ng Thailand at Japan, ngunit hindi sila


gumamit ng banyagang wika,” ani Nadera. “Hindi naman kasi kapag ginagamit ang
wikang banyaga, sisikat at uunlad na. Marahil, mapipigil pa nito ang pagkakaroon
ng pagkakaisa ng mga Pilipino.”

Ayon naman kay Baquiran, hindi sinusunod ng pamahalaan ang isinasaad ng


Saligang Batas tungkol sa wikang Filipino.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ayon kasi sa Artikulo XIV Seksiyon 6: “Sang-ayon sa mga probisyon ng batas at


sa kung ano ang nararapat sa Kongreso, magsasagawa ng hakbang ang gobyerno
upang masimulan at maipagpatuloy ang paggamit sa Filipino bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Ngunit, tila higit na pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang paglinang sa


paggamit ng Ingles. Patuloy ni Baquiran, “halos lahat ng mga asignatura, sa Ingles
tinuturo. Ang Filipino, subject na lamang.”

Iba naman ang pananaw ni Dr. Marilu Madrunio, direktor ng Departamento ng


Wika ng UST. Aniya, hindi nangangahulugang isasantabi na lamang ang wikang
Filipino tuwing gagamitin ang Ingles bilang midyum sa pagtuturo. Hindi rin ito
hudyat na itinutulak papalayo ang sariling wika.

“Nakasanayan na kasing ituro ang Ingles sa UST. At lahat halos ng mga aklat na
ginagamit nakasulat sa Ingles,” ani Madrunio.

Dagdag niya, ginagamit ang wikang Ingles dahil ito ang nakagisnang midyum ng
pakikipag-ugnayan ng bansa sa loob ng isang siglo. Sa pagsulong ng ekonomiya
ng bansa, malaki rin ang naitutulong nito lalo na sa larangan ng negosyo at
turismo.

“Nasanay na ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles kung kaya’t ito ang
inaasahang gagamitin sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Hindi lamang ito
tumutulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa, ito rin ang kinakailangan sa
patuloy na pagsulong ng globalisasyon.”
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Mula sa dyaryo, telebisyon, radyo at internet, mapapansin ang paggamit ng Ingles


bilang paraan para ilahad ang mga mensahe sa mga tao. Nasusulat din sa wikang
ito maging ang mga librong ginagamit sa pag-aaral. Kung kaya’t hindi
nakapagtataka kung bakit marami ang nag-iisip na naghahari ang wikang Ingles.

“Hindi na natin maaalis ang wikang Ingles dahil nakakabit na ito sa ating
bokabularyo,” dagdag ni Madrunio.

Kapansin-pansin ang malaking impluwensiya ng Ingles sa bokabularyo ng mga


Pilipino, lalo na sa paggamit ng Taglish at Enggalog. Laganap ito lalo na sa mga
mensaheng “text” tulad ng “dito na me” at “sino u.” Tinatawag ang ganitong
penomenon na code- switching.

Ayon kay Madrunio, isa itong penomenong panlingguwistika kung saan magkasalit
na ginagamit ang dalawang magkaibang wika.

“Halimbawa, kung magsasalita ako nang tuloy-tuloy sa Filipino tapos biglang may
sasabihing salita sa Ingles, code- switching iyon.”

Dagdag ni Madrunio na hindi dapat itinataguyod ang paggamit ng Taglish at


Enggalog, dahil nagiging sagabal umano ang mga ito sa kakayahang magsalita
nang tuloy-tuloy sa Ingles.

“Noong mga 1950’s, kahit nakapagtapos lamang ng elementarya ang isang tao,
makakapagturo ka na gamit ang wikang Ingles. Ngayon, nahihirapan ang mga tao
na magsulat at magsalita ng tuloy-tuloy kapwa sa Ingles at Filipino.”

Sang-ayon naman dito si Nadera, at sinabing ang pag-usbong ng Taglish ang


siyang nagbibigay patunay na magulo ang paggamit ng wikang Filipino sa bansa.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

“Wala kasing sistema, kung kaya’t natatabunan ang Filipino. Nadadamay pa tuloy
pati ang Ingles. Kung magkakaroon lamang ng sistema at ng pagkakaisa,
malamang maisasaayos ang pagsasalita ng Filipino at babalik ito sa pagka-
elegante nito,” aniya.

“Kung mayroon lamang istandardisasyon ang Filipino, maaaring maghari ito laban
sa Ingles. Doon muna tayo magsimula,” ani Candido.

Tunay na isang hamon sa wikang Filipino ang makasabay sa mga pagbabagong


dulot ng modernisasyon para hindi ito matabunan ng mga dayuhang wika sa
sariling bayan. Gaya ng sinabi ni Nadera, “sana masimulan muna ang pagkakaisa
sa istandardisasyon. Tapos popularisasyon naman. Dapat pambansa muna. Sana
pandaigdigan din balang araw.” R. J. A. Asuncion at R. R. T. Calbay

DAYUHANG PAG-AARAL

“…kaliwa’t kanan ang debate ngayon kaugnay ng mga mungkahing


tanggalin bilang asignatura ang wikang Filipino, bilang importante at mayor na
asignatura sa mga kurso ng Kolehiyo; ang mayor na argumento, dahil daw sa
unibersalidad o pandaigdigang anyo ng komersiyo at kalakalan….. mahalaga daw
na mas aralin ng mga mag-aaral na Filipino ang mga lengguwahe tulad ng
American English, Espanyol at mga lengguwahe ng rehiyon mula sa Indo-Chinese;
dahil komersiyo at kalakalan ang pangunahing argumento ng mga itinuturing na
mga intelektwal ng lipunang Filipino…. sige na nga; aralin nila kung ano nga bang
buod ng kanilang mga SINASABI, yon ang SABI NGA NILA?

Ang bansa bilang “archipelagic” o binubuo ng 7,100 pulo kabilang ang mayor na
pulo ng Luzon, Visayas at Mindanao. Kinakatawan ito ng mga wikang etniko na
naglalarawan ng kani-kanilang mga katutubong kasaysayan; maliban pa sa mga
mayor na wikang Tagalog, Bisaya at Muslim.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ganito kahalaga ang wika, “etniko” man o mayor. Ito ang nag-iisang dahilan…
kung bakit para sa inyong lingkod, nananatiling buo ang integridad ng lipunang
Filipino; sa bawat sulok ng komunidad sa kanayunan, ang mayamang kasaysayan
nito… ay inilalarawan ng pagkakaroon ng etniko at katutubong wika.

Kung Komersiyo at Kalakalan ang itinutulak na dahilan sa pagtalikod sa ating wika,


ano ba ang pangunahing produktong pinagtatalunan sa pandaigdigang
komersiyo….”krudo at bala”. Mayroon ba nito ang bansa? Ang tanging kakayahan
mayroon ang bansa ay ang eksportasyon ng Lakas-Pagggawa o mga Overseas
Filipino Worker (OFW) bilang pangunahing produktong inilalako sa labas, may
General Agreement on Tariff and Trade man at World Trade Organization (GATT-
WTO) o wala. Ang mga guro, narses at iba pang propesyunal sa bansa…. ay
nagbebenta ng lakas-paggawa sa anyo ng “pag-aalaga” ng mga matatanda, taga-
kudkod ng kubeta at kung mamalasin pa; ang tumalon sa mga matataas na gusali
o mga lapnos na balat mula sa mga abusadong dayuhang amo.
Magpapakadalubhasa sa paggamit ng wikang dayuhan… upang makatikim ng
lapnos ng katawan at bali-baling tadyang sa pagtakas sa abusadong amo? Dahil…
Krudo at Bala ang pangunahing produktong ipinag-aalukan sa pandaigdigang
komersiyo…. may bala ba at krudong ipag-aalukan ang ating mga “mag-aaral”
upang magpakadalubhasa sa dayuhang wika?

Hindi maikakaila, para sa maraming bansang gumagamit ng “lokal” na wika sa


pakikipag-talastasan sa loob at labas ng kaniyang bansa….mas itinuturing na
“mayaman” ang kanilang ekonomiya dahil sa paggamit ng kanilang sariling “wika”.
Ang ganitong pananaw ay nakatuntong sa pilosopiya ng “pagpapalakas” ng
kakayahang domestiko ng lokal na produkto; mga bansa ito mula sa Europa,
rehiyon ng Indo-Chinese, Hapon at iba pa.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

SABI NGA NILA….kung ang batayan ng isang mayamang bansa ay ang paggamit
ng dayuhang wika; sandali po…. 333 taung kontrolado ng bansang Espanya ang
bansa; habang 48 taun naman ang bansang Amerika….kung ito ang sukatan….
bakit nananatiling mahirap ang ating bansa? Kung ito ang batayan… simula ng
ang bansa ay sakupin ng mga dayuhan….wala pa ring lupa ang mga magsasaka;
wala pa ring sariling bahay ang mga maralita; nana-natiling sahuran ang mga
manggagawa…. at marami sa mga anak nito ay mas gustong makipag-hagaran
sa mga “bala” ng bansang Iraq at Libya, makakain lamang ang kanilang pamilya.
SABI DIN NILA…. dahil 99% ng mga mamamayang Filipino ay sadlak sa
kahirapan; at ang pulitika at ekonomiya ng bansa ay kontrolado ng 1% pamilya at
mga angkan…. ang pagpapaka-dalubhasa sa dayuhang wika ay mas
pakikinabangan ng 1% populasyon… hindi ng 99% ng mga mamamayan. Maliban
pa dito sa katotohanang maraming “dayuhang kumpanya” ang narito sa bansa…
dahil sa murang halaga ng kaniyang “raw materials” at “sahod” kumpara sa iba.
Kung susundan ko ang lohikang ito…. hindi ang pagpapakadalubhasa sa
dayuhang wika…. ang magga-garantiya sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa;
hinding hindi, yon ang SABI ng marami!

Ang “wika” ay kumakatawan ng ating lahi; kinakatawan nito ang ating pagka-
Filipino; kumakatawan ito ng mayamang kasaysayan laban sa mga dayuhang
minsan at patuloy na nag-iinteres na “sakupin” ang ating bansa. Ito ang
kumakatawan sa maraming “Bonifacio”, GOMBURZA at mga walang pangalang
aktibista sa ibat-ibang panahon…. sa pagtatanggol sa kaniyang “pagka-Filipino”.
Ito ang nagbibigay integridad sa ating pagkakakilanlan…. bilang isang malayang
bansa!
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Ang argumento na bigyang prayoridad ang dayuhang wika sa sektor ng akademiya


ay naglalarawan ng kabulukan ng isang bulok na sistema ng edukasyon; hindi na
ito bago… deka-dekada na itong kontradiksiyon sa pagitan ng “utak-
komersiyalisasyon” sa sistema ng edukasyon laban sa mga makabayang mag-
aaral sa bansa; tunggalian ito sa pagitan ng mga may interes na manatiling baog
ang sistema ng edukasyon sa bansa…. at manatili tayong “supplier” ng lakas-
paggawa; eksportasyon ng mga “katulong” sa dayuhang bansa.

SABI NGA NILA… sa isang banda, hindi rin naman sapat na sabihing “ikaw” ay
Nasyunalista o maka-bayan kung ikaw ay nagpipilit na gamitin ang wikang Filipino;
hindi ito sapat na dahilan….. ang wika ay ang siyang kumakatawan sa tanging
interes ng isang “malayang bansa”; nang isang lipunang umaasa sa kaniyang
sariling lakas at kakayahang lumikha ng produksiyon; nang isang lipunang may
pananaw na “Pambansang Industriyalisasyon at Reporma sa Lupa” bilang
salalayan ng isang “totoong makabayang lipunan!” Ang “wika” at ang “Karakter”
ng pagiging isang makabayang Filipino ay magkatambal na elementong sukatan
ng pagka-Filipino!

Ang esensiyal na usapin ng “pagpapakadalubhasa” at “tuloy ay talikuran” ang


wikang Filipino, pabor sa dayuhang wika ay usapin ng “komersiyo at kalakalan”;
ang pagbabago sa paggamit ng wika para sa pakikipagkalakalan ay malaking
dahilan ng mga nagsusulong nito; magiging lohikal lamang ito ito ay kung mayroon
ang bansa ng mga pangunahing produktong “krudo” at “bala” bilang pangunahing
produkto sa pandaigdigang kalakalan… uulitin ko lang HINDI tayo “major player”
sa usapin ng pandaigdigang komersiyo; ang tanging kaya ng bansa… ay ang
eksportasyon ng lakas-paggawa.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Kung gusto nating abutin ang kinatatayuan ng mga mayayamang bansa sa


ngayon, magpakatotoo tayo, hindi ang malabis na pagkalulong sa produktong
dayuhan at maging ang “pagkopya” ng kanilang “wika” ang sulosyon sa kahirapan
ng bansa.

Ikalawa, ang “wika”, etniko man o mayor na ginagamit ng ating lipunan…. ay


naglalarawan ng mayamang kasaysayan ng ating lahi.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

LOKAL NA PAG-AARAL

ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong


tiyak at malaking epekto sa kasalukuyang ekonomiya nito.

Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang ekonomiya


ng bansa?

Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong Pang-wika,


Pagpaplanong Pang-ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-College of Accountancy
multi-purpose hall, ang tanong na ito ang naging sentro ng talakayan ng mga eksperto
sa wika at ekonomiya.

Ang panauhing pandangal ng nasabing pangyayari ay si Jose Laderas Santos,


tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), kasama ang dalawa pang mga
komisyoner ng KWF na sina Bernard Macinas mula Bicol at Vilma Tacbad mula
Pampanga.

Kinatawan naman ni Tereso Tullao, guro ng ekonomiks sa De la Salle University, ang


diskursong pang-ekonomiya. Bagaman hindi nakarating, nagpadala ito ng kinatawan
upang ipahayag ang kaniyang panig.

Ang pumalit kay Tullao na si Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa


La Salle, ang nagsaad ng reyalidad na hindi na maiwasan ang paggamit ng Ingles sa
pakikipagtalastasan sa mundo ng ekonomiya.

“Ang wika ay isang pamamaraan ng paggawa ng transaksiyon. Dito, hindi tayo


makagagawa ng kahit anong transaksiyon kung hindi tayo magkakaintindihan dahil
lahat ng nangyayari sa ating ekonomiya ay nakabase sa ating pagkakaintindihan.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Kung papansinin naman talaga natin, ang programang pang-ekonomiko pati ang mga
batas ay nakalimbag at nakasalin sa Ingles,” ani Cabuhay.

Ibinahagi rin niya na ang Ingles at Filipino ay hindi magkaaway kung hindi
magkatulong sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Inilatag niya ang mahalagang papel ng
Ingles sa mundo ng ekonomiya tulad ng pang-unawa ng mga konseptong abstract,
paggamit ng mga paraang holistiko, pag-aayos ng mga simbolo, at pagtatrabaho sa
mga dayuhang kompaniya.

“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang
lipunan, walang transaksiyon, wala tayong ekonomiya. . . Ang susunod na
pangunahing papel ng wika ay bilang isang instrumento sa globalisasiyon tungo sa
mga panlipunang layunin o mga social objectives,” ani Cabuhay.

Ibinahagi rin niya na isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang


paggamit ng wika na maiintindihan ng mga maralita at sa ating bansa at wikang
Filipino ang kailangan na gamitin sa pakikipagtalastasan upang mahikayat ang mas
maraming tao na sumali sa mga transaksiyon ng ekonomiya.

Wika: Sandata para sa kaunlaran

Binigyang-diin naman ni Santos ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga araw-


araw na gawain ng mga Pilipino.

“Ako’y tinanggap dahil sa wika. Sa mahabang paglakad ng panahon, natuto akong


magsulat. Nagsulat ako ng komiks, ano ang aking inilapit sa ama ng industriya ng
komiks? Wika. Sabi ko matututo akong magsulat ng komiks bigyan niyo lang ako ng
manuskrito, gagamitin ko ang wika. Ako ay natanggap at nakapagsulat at namuhay.
Ano ang ginamit? Wika,” aniya.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Dagdag niya na ang paggamit niya ng wikang Filipino ang naging paraan upang
mailuklok siya sa posisyon ng tagapangulo ng KWF noong 2008 ng dating pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang wika bilang
“kaluluwa ng ating pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya
kay Carlo J. Caparas, isang kilalang manunulat ng Filipino komiks.

Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa


rurok ng tagumpay.

“Ang sinuman na gumagamit ng wika ng mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng


ating pangarap. Walang sinuman na gumamit ng wika sa pinakamahusay na paraan
ang nabigo. Ang pinakamagagaling na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling
na tao sa bawat bansa, tiyak po ay mahusay na gumamit ng wika,” ani Santos.

Ayon sa isang komisyoner na si Macinas, ang wika ay sumisimbolo ng ating lahi at


kultura.

“Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika [dahil] ito ay nagsisilbing


simbolo ng lahi, kultura ng bansa at sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang bawat
bansa ay may sariling wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng
pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal,” ani Macinas.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Filipino laban sa Ingles

Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang
susi sa kaunlaran ng bansa.

Pinagtibay niya ang kaniyang paniniwalang ito sa pagbibigay ng mga halimbawa ng


mga bansang mayayaman gaya ng Japan, Thailand, at Hong Kong na maunlad
bagaman hindi naman sinasanto ang wikang Ingles.

“Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang
sarili. Hindi ginamit ng Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.

Ibinahagi rin niya ang isang parirala tungkol sa pagpapalakas ng wikang Filipino mula
sa sanaysay ni Conrado de Quiros na nagsasabing ang pagnanais natin palakasin
ang wikang Filipino ay hindi nagsasantabi sa pagnanais din na palakasin ang wikang
Ingles ngunit bilang pangalawang lengguwahe lamang.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga pamamaraan ng


pananaliksik upang matugunan ang lahat ng Pangangailangan sa Pag-aaral
gayundin ang mga Instrumentong ginamit sa Pag-aaral. Inilalahad din dito ang
pamamaraan ng mananaliksik sa paglikom ng mga Datos o tala ng mga
Respondante at ang paglalapat ng estalistika upang bigyang linaw ang mga
nalikom na mga Impormasyon.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Paglalarawang Pananaliksik o Descriptive method ang ginamit sa


pananaliksik/Pag-aaral na ito. Ang paraan ng pananaliksik na ito ay idinisenyo
para sa mga mananaliksik tungkol sa Kalagayan sa kasalukuyan.

Pinaliwanag ni Best (1963), ang paglalarawang pananaliksik ay isang


imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay
o paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kondisyon na mga ugnayang nagaganap,
mga gawaing umiiral, mga Paniniwala, at Prosesong nagaganap, mga epektong
nararamdaman o mga kalakarang nilinang.’

Ang Deskriptibong Pananaliksik ay nagbibigay ng Kwalitatibo at


Kwantitatibong paglalarawan na angkop sa aming Pag-aaral.

Ang descriptive method ang aming napiling pamamaraan upang maisagawa


ang Pag-aaral na ito dahil ito ang angkop na pamamaraang makakatugon at tugma
sa mga nailahad na mga katanungan.

At gumamit din kami na kwantitatibong Pananaliksik na kung saan gumamit


kami ng Sarbey at mga datos upang makuha namin ang mga Resulta.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Mga Kalahok na Pag-aaral


Ang mga Respondante sa Pag-aaral ay ang sampung (10) mag-aaral sa
East System Colleges of Rizal mula sa sa baiting labing isa at labing dalawang
panuruan 2017-2018. Sa pag-aaral na ito kukunin ang bawat resulta sa bawat
Grap.

Instrumento ng Pag-aaral
Sa Isinagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay napiling gamitin ang
pamamaraang talatanungan kung saan madaling makakasagot ang mga Napiling
tagatugon. Ang Resulta ng talatanungan ang magsisilbing basihan ng mga
mananaliksik upang malaman ang Epekto ng paggamit ng wikang Filipino
laban sa Wikang Ingles sa Paaralang ESCR.

Ang talatanungan ay may isang Parte lamang ito ay may Sampung (10)
katanungan sa nagnanais malaman kung ano ang kanilang Pananaw Ukol sa
Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino laban sa Wikang Ingles.

Balidasyon ng Instrumento
Ang bawat kabanata sa pag-aaral na ito ay ipinasa sa Propesor sa Filipino
upang mabago ang kamalian at lagayan ng balidasyon upang maipagpatuloy ang
pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Sa pag-aaral na ito gumawa ang mananaliksik
ng talatanungan na nagsilbing basihan upang maalaman ang pananaw ng mga
kabataan at mag-aral ukol sa Epekto ng paggamit ng Wikang Filipino laban sa
Wikang Ingles na Ipinasa sa Guro, Propesor, Mananaliksik Estadistikal para sa
balidasyon at kaayusan ng nilalaman ang mga mungkahi para sa pagbabago ng
Talatanungan ay inilakip.
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

Paraan ng Pagsasagawa
Ang bawat mananaliksik ay nagbasa at nangalap ng ibat ibang impormasyon
sa banyaga at local na literature at pag-aaral tungkol sa pananaw at opinyon ng
mga kabataan at mag-aaral ukol sa Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino laban
sa Wikang Ingles. Sa pamamagitan ng pagsasagawa na iito na ilahad nila ang
mungkahi, paksa, at sinuri ng isang propesor sa pananaliksik kasama ang kapwa
mag-aaral at pagkatapos ay inaprobahan at binuo ng mga espisipikong pag-
aaralang mananaliksik ay gumamit ng kompyuter at Internet upang mailahad at
malaman ang mga kakailanganinng datos at mga importanteng Dokumento na
kakailanganin upang maisagawa ng mabilisan ang pananaliksik na ito.

Tritment ng mga Datos


Istatistikal Tritment ang ginamit sa Pananaliksik na Ito ang pagkuha ng
porsyento o bahagdan. Ito ang kinailangan gawin ng mananaliksik upang maibuod
at maisaayos ang mga nakalap na Impormasyon at mga Datos.

Bilang ng mga Sumagot


___________________ * 100
Bilang ng Respondente
East Systems Colleges of Rizal
College Department
J. Pascual St., San Pedro, Morong, Rizal

You might also like