Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Araling “Collage Puzzle with the Twist”

Panlipunan 7 Ang guro ay hihingi ng tulong


(Learner-Centered Classroom mula sa kanyang mga mag-aaral
Demonstration Teaching) upang mabuo ang isang collage.
Kailangan lamang masagutan ng
I. Layunin mga mag-aaral ang mga katanungan
A. Panlahat: Nasusuri, naipahahayag at mula sa likod ng bawat piyesa ng
napahahalagahan ang kahulugan ng puzzle. Mula sa mga katanungan,
nasyonalismo, ang mga salik sa pag- kinakailangan lamang hanapin ng
usbong at pag-unlad nito, at maging mga mag-aaral ang kasagutan sa
ang sariling konsepto at kaparaanan paglalagyan ng bawat piyesa at
sa pagpapakita ng nasyonalismong idikit ito.
Pilipino.
B. Tiyak: C. Balik-Aral
1. Nasusuri ang tunay na kahulugan Gabay na Tanong:
ng nasyonalismo at maging ang  Paano ba naapektuhan ng mga
mga salik sa pag-usbong at pag- patakarang ipinatupad ng mga
unlad nito sa Pilipinas sa Kanluraning bansa ang
panahon ng pananakop; kalagayan ng mga bansa sa
2. Naipahahayag ang sariling Silangan at Timog Silangang
konsepto at kaparaanan sa Asya sa panahon ng ikalawang
pagpapakita ng nasyonalismo sa yugto ng imperyalismo?
pamamagitan ng mga malikhaing
pangkatang gawain, at; D. Paglinang na Gawain
3. Napahahalagahan ang
ginampanan at kaparaanan ng
mga nangungunang
nasyonalistang Pilipino na
humingi ng reporma at nang
kinalaunan ng kalayaan mula sa
mga mananakop.

II. Nilalaman
A. Yunit: IV – Ang Silangan at Timog 1. Lunsaran/Pagganyak
Silangang Asya sa Transisyonal at Magpapatugtog ang guro ng
Makabagong Panahon (Ika-16 isang awitin na pinamagatang,
Hanggang Ika-20 Siglo) “Bayan Ko” na inawit ni Lea
B. Paksa: Nasyonalismo sa Pilipinas Salonga at habang ipinapatugtog
C. Sangguniang Aklat: ito, papipikitin ng guro ang mga
“Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng mag-aaral upang hayaang
Pagkakaiba.” pahina 359. madama at magamit nila ang
“Pilipinas – Heograpiya, kanilang imahinasyon sa
Kasaysayan, at Pamahalaan.” pahina pagtukoy sa ipinapahiwatig ng
122-127. awitin. Matapos ang awitin,
D. Kagamitan: magbibigay ang guro ng ilang
Mga Larawan (Picture Collage),
katanungan at ipapakita sa klase
audio speaker, Laptop at projector,
ang isang picture collage na may
visual aids atbp
kaugnayan sa mensahe ng awitin.
III. Pamamaraan Gabay na Tanong:
A. Pang-araw-araw na Gawain  Ano ang mga pumapasok na
1. Panalangin sa inyong isip at maging ang
2. Pagbati
inyong nararamdaman habang
3. Pagtatala ng Liban
4. Balitaan inyong naririnig ang awiting
B. Pagsasanay/Drill “Bayan Ko”?
 Bilang kabuuan, ano ang
ipinapahiwatig ng awitin at
maging ng mga larawang ito?

2. Pangkatang Gawain
Batay sa napagkasunduan ng
klase, hinati ng guro ito sa apat
(4) na grupo na kung saan ang
bawat grupo ay may kaniya-  Sa paanong paraan ang mga salik
kaniyang gawain na itatanghal sa na ito ay nakaapekto sa
malikhaing paraan. Binibigyan pagpapausbong ng
lamang ng guro ang bawat grupo nasyonalismong Pilipino sa
ng dalawa (2) hanggang tatlong panahon ng pananakop?
 Bakit ba naging mahalaga ang
(3) minuto sa pagtatanghal.
ginampanan ng Kilusang
Pangkat I – Ang mga Propaganda at Katipunan sa
Pangunahing Salik sa Pag-usbong pagpapaunlad ng
ng Nasyonalismong Pilipino sa nasyonalismong Pilipino?
Panahon ng Pananakop
F. Paghahalaw/Abstraksyon
Pangkat II – Ang mga Gabay na Tanong:
Mahalagang Ginampanan ng  Bilang kabuuan, Bakit ba lubhang
Kilusang Propaganda sa mahalaga ang ginampanan ng
Pagpapaunlad ng mga nangunag nasyonalistang
Nasyonalismong Pilipino Pilipino tulad ng tatlong paring
GomBurZa, si Jose Rizal, si
Pangkat III – Ang mga Andres Bonifacio at iba pa sa
pag-usbong at pagpapaunlad ang
Mahalagang Ginampanan ng
nasyonalismong Pilipino sa
Katipunan sa Pagpapaunlad ng panahon ng pananakop?
Nasyonalismong Pilipino
G. Paglalapat
Pangkat IV – Mga Paraan ng Babasahin ang pahayag na ito ni
Pagpapakita ng Nasyonalismong Andres Bonifacio na sipi mula sa
Pilipino sa Kasalukuyan kanyang tula sa paraang paawit:

Rubrik Para sa Malikhaing Gawain:


Gabay na Tanong:
 Bakit ba mahalaga at dakila ang
pag-aalay at pagpapamalas ng
pagmamahal sa ating Inang-
bayan?
 Kaya niyo ba mag-alay ng labis
na pagpapahalaga at
pagmamahal sa ating bayan
katulad ng ginawa nila
Gomburza, Jose Rizal, Andres
Bonifacio at iba pang mga
nasyonalistang Pilipino? Sa
simpleng paraan, paano niyo ba
ipamamalas ang inyong
pagpapahalaga at pagmamahal
sa ating bayan bilang isang mag-
aaral at mamamayan nito?
E. Pagsusuri
Gabay na Tanong: IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang iyong mga panata
bilang isang mag-aaral at mamamayan
sa kung paano mo ipamamalas ang
nasyonalismo upang maisulong ang
kaunlaran at maprotektahan ang
kalayaan ng Pilipinas. Matapos mo
itong isulat, ilagay ang iyong papel sa
ipinagawang espesyal na sobre na
nagpapakita ng iyong sariling
konsepto ng nasyonalismo.

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing
pag-uulat batay sa naatasang paksa sa
pangkat. Maliban sa mga
impormasyon na matatagpuan sa
aklat, maghanap pa ng ibang datos at
impormasyon na tutulong upang sa
naatasang paksa.

Pangkat I – Nasyonalismo sa
Indonesia
Pangkat II – Nasyonalismo sa
Myanmar (Burma)
Pangkat III – Nasyonalismo sa
Indochina (Laos,
Cambodia, at Vietnam)
Pangkat IV – Nasyonalismo sa China
Pangkat V – Nasyonalismo sa Japan

Inihanda ni:

JOEY L. LABRADOR
Student-Teacher

BB. HELEN P. SALO


Cooperating Teacher

You might also like