Maikling Kwento NG Rehiyon I at Ii

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

MAIKLING KWENTO NG REHIYON I

Iniwan sa Ilocos
Ni Cielo Amethys
"Sana kayanin mo ang buhay na wala ako. Hindi ko sinasadya ngunit may mahal na akong
iba. Patawad."
Ilan lamang ito sa mga salitang bumasag sa aking pusong isang Biyernes ng gabi. Nawasak
ang buong mundo ko nang marinig ko ang mga salitang ito mula sa bibig mismo ng taong
pinakamamahal ko. Pitong taon. Pitong taon ng buhay ko ay inialay ko sa kanya kasama na ang
buo kong puso. Sinong babae ang hindi iiyak ng sobra at lubos na masasaktan kapag nasabihan ng
ganitong mga kataga mula sa isang lalaki? Sa isang lalaki na inaasahan na niyang makakasama
niya habambuhay? Nakaplano na ang lahat ng para sa kinabukasan namin ngunit nasira ito dahil
sa pagdating ng isang bagong babae sa buhay niya. Pinili niyang tigilan na ang pagmamahal sa
akin at ituon ang buo niyang atensyon sa babaeng iyon na kasamahan niya sa trabaho. Lubos ang
naging pagtitiwala ko sa kanya. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok at nalampasan naman
naming lahat iyon. Ngunit ngayon nga ay naging mahina na siya at nagpadarag sa isang
panibagong pagsubok na sumubok sa aming pagsasama.

"Hindi ko kaya, Aries. Hindi ko kaya ang mawala ka sa buhay ko." Ang siyang naging
tugon ko sa mga masasakit na salitang sinabi niya. "Mahal na mahal kita." Tumatangis kong wika
habang yakap siya ng mahigpit.

Ang gabing iyon na pala ang huli kong pagkakataon na makapaloob sa kanyang mga bisig
na sa tuwina ay nagbibigay komportable sa akin.

Makalipas ang isang linggo ay nagtungo kami ng aking mga kaibigan sa Ilocos upang
magbakasyon. Tatlong araw kaming mananatili roon. Lilibutin namin ang bawat magagandang
lugar na matatagpuan sa Ilocos Sur at Ilocos Norte. Tamang-tama para sa akin ang bakasyong ito
upang makalimot at mapaghilom ang sugatan kong puso. Salamat sa mga kaibigan ko na siyang
dumamay sa akin. Lima kaming magkakaibigan at lulan kami ng isang van. Alas nwebe ng gabi
nang lisanin namin ang Kalakhang Maynila. Mahigit walong oras ang aming binyahe patungong
Ilocos at ang lugar na aming unang narating ay ang Vigan. Paputok pa lamang ang araw at kakaunti
pa lamang ang mga turista nang dumating kami. Tila ba bumalik kami sa lumang panahon dahil
sa mga nakahilerang istraktura sa Calle Crisologo. Bawat tahanan o establisyamento na aming
madaraanan ay nasa modelo pa ng panahon ng mga Espanyol. Doon na rin kami nag-almusal at
matapos kumain ay nagtungo na kami sa iba pang magagandang lugar sa Ilocos Sur gaya ng Plaza
Salcedo, Simbahan ng Vigan, Pagawaan ng mga paso, Bell Tower at iba pa. Inabot kami ng
tanghalian sa pamamasyal. Matapos roon ay padako na kami sa Ilocos Norte na mahigit tatlong
oras ang byahe. Ang una naming tinungo ay ang mausoleum ni dating Pangulong Marcos.
Nagtungo rin kami sa Paoay, Ilocos Norte kung nasaan ang dati niyang tahanan o tinatawag na
Malacanang of the North. Tanaw rin dito ang Paoay Lake. Ang sumunod naming tinungo ay ang
Paoay Sand Dunes. Isa itong malawak na disyerto na maraming bundok na buhangin na nasa tabi
ng dagat. Dito ay sumakay kami sa isang malaking sasakyan o tinatawag na 4x4. Kaming lima ay
nakatayong lahat sa likod na bahagi ng sasakyan habang mahigpit na nakahawak sa mga bakal
nito. Tila isang roller coaster ang aming naging byahe dahil sa mga gabundok na buhangin na
mabilis naming tinatahak. Hindi maiiwasan ang pagsigaw lalo na kung nasa mataas kaming bahagi
at mabilis na bubulusok pababa.

"Elena, isigaw mo ng lahat na nasa puso mo." Payo sa akin ni Jenna habang lulan pa rin
kami ng 4x4.

"Anong isisigaw ko?" Patay-malisya kong sabi. Ang gusto ko lamang ng mga sandaling
iyon ay ang magsaya at huwag ng isipin pa si Aries.
Ngunit muli ko na naman siyang naalala.
Iniwan na niya ako. Hinayaan na niya akong umalis sa buhay niya. Nang gabing
nagmamakaawa ako sa kanya na huwag akong hiwalayan at ayusin namin ang aming relasyon ay
ipinagtabuyan lamang niya ako at pilit ipinapaunawa sa akin na may iba na siyang mahal. Huwag
ko na daw isiksik ang sarili ko sa kanya dahil lalo lamang niya akong masasaktan. Wala na nga
akong ibang nagawa nang gabing iyon kundi ang umuwi ng luhaan kasama ang basag kong puso.

"Isigaw mo na yan, Elen." Payo rin ni Cecilia na siyang umuntag sa pagbabalik-tanaw ko.

"Oo nga. Para mabawasan yang bigat ng nararamdaman mo." segunda pa ni Leni.
Bumulusok na nga ang 4x4 pababa.
"Wala kang kwenta! Hindi na kita mamahalin pa, Aries! Wala ka ng babalikan kahit kailan!
Aaahhh! Maging masaya ka sana!" Sigaw ko ng ubod-lakas. "Pagod na akong mahalin ka! Tama
na! Wala kang kwentang tao! Bahala ka na sa buhay mo! Bwisit ka!" Muli kong pagsigaw at
pinalakpakan ako ng aking mga kaibigan. Naluluha man ay nagawa kong matawa at mukhang
tama nga sila dahil gumaan nga ang pakiramdam ko matapos sumigaw ng pagkalakas-lakas.

Ang sumunod naming destinasyon ay ang hotel na aming tutulugan. Matapos maligo ay
nagtungo na kami ng Laoag City upang doon maghapunan. Napasyalan namin saglit ang Sinking
Tower maging ang plaza at munisipyo ng Laoag. Muli na kaming bumalik ng hotel upang
makapagpahinga.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis para magtungo naman sa Cape Bojeador na isang
lighthouse. Kasunod nito ay sa Kapurpurawan Rock Formations. Pagkatapos roon ay sa Bangui
Windmills naman. Sa tabi ng dagat ay nakahilera ang mahigit isandaang malalaking windmills na
siyang napagkukunan ng kuryente para sa ilang bayan sa Ilocos. Nananghalian kami sa isang
restaurant na malapit sa Bantay-Abut Cave. Maganda ang tanawin rito at nakakamangha ang
kuweba na tumatagos sa dagat.

Sumunod naming dinayo ay ang Kabigan Falls. Kalahating oras ang kailangan naming
ilaan patungo sa talon. Maaaring maligo sa talon at mababaw lamang ito ngunit hindi na kami
naligo. Bagkus ay nagpahinga lang kami saglit at namamanghang tinignan ang may kataasang
talon. Napaisip tuloy ako habang nakatitig dito. Sana katulad ng sa tubig ay umagos na rin palayo
ang pagmamahal ko para kay Aries. Nais ko ng kumawala mula sa lahat ng sakit na dinulot niya
sa akin. Itigil ko na sana ang pagmahahal para sa kanya at nawa'y mawala na rin ang pag-asa sa
puso ko na magkaayos pa kami at magkabalikan. Kailangan ko na siyang kalimutan. May iba na
siyang mahal at wala na akong magagawa sa bagay na iyon kundi ang palayain na lamang siya ng
tuluyan. Pinunasan ko ang aking mga pisngi na may bahid na ng luha bago pa ako makita ng mga
kaibigan ko. Nakilala nila akong malakas at masayahin. Mula kolehiyo ay magkakaibigan na kami
at ngayon nga ay limang taon na kaming may mga iba-ibang pinagkakaabalahan sa buhay. Limang
taon na nga ang lumipas mula nang magtapos kami sa kolehiyo ngunit kami-kami pa rin ang
magkakasama kapag may okasyon o mga galaan na gaya nito. Salamat sa Diyos at may mga
kaibigan akong nasasandalan at nasasabihan ko ng aking mga saloobin bukod pa sa aking pamilya.
Iniwan man ako ng isang tao na lubos kong minahal ay alam kong may mga tao pa rin na hindi
ako iiwan at sasaktan kailan man.
"Huwag ka ng mag-drama jan, Elena. Tara na sa van dahil may susunod pa tayong
pupuntahan. Maliligo na tayo sa beach!" Masayang wika ni Leni. Nakangiti naman akong
sumunod sa kanya. Sa Pagudpud nga kami naligo. Ang dagat nito ay napakaganda at
napakalawak. Puting-puti at pinong-pino ang buhanginan sa tabing dagat. Isa itong paraiso!
Kakaunti lamang ang mga tao nang mga sandaling iyon kaya naman libre ang sumigaw. Muli
kong isinigaw ang nilalaman ng aking puso.

"Kakalimutan na kita! Hindi na kita mahal!"

Tinapik ako sa balikat ni Jenna, "Maaaring sa ngayon ay hindi pa totoo yang mga sinasabi
mo pero pasasaan ba't magiging totohanan rin yan. Kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo ang
lahat at huwag ka ng aasa pa." Payo niya.

May pait sa aking ngiti nang tanguan ko siya. Itinuloy na namin ang paglangoy at
pagbabad sa ilalim ng araw. Napuno ang aming oras na nakalaan para sa paglangoy ng kulitan,
asaran, kwentuhan at tawanan. Nang magtatakipsilim na ay muli na kaming bumalik ng hotel para
maghapunan at magpahinga dahil maaga pa kaming luluwas pa-Maynila kinabukasan. Alas syete
ng umaga ay handa na ang lahat para sa isa na namang mahabang byahe. Nakakain na rin kami ng
almusal. Pagkalipas ng apat na oras ay muli kaming dumaan ng Vigan upang mamili ng
pasalubong. Naglaan kami ng isang oras para doon. Kung dati sa tuwing pupunta o
magbabakasyon ako sa ibang lugar ay lagi kong binibilhan ng pasalubong si Aries sampu ng
pamilya niya ay hindi na ngayon.

Mga ka-opisina, kasama sa bahay o pamilya ang mga tao na nasa isip ko na bibilhan ng
pasalubong. Pati na rin pala ang matalik kong kaibigan na hindi nakasama sa amin dahil sa kanyang
trabaho. Ibinili ko si Mark ng isang t-shirt na Vigan na katulad ng sa akin. Mukha siyang couple’s
shirt ngunit para sa akin ay wala itong malisya. Isa si Marky sa mga taong pinahahalagahan ko sa
buhay. Maging siya ay dinadamayan ako kahit pa gaano siya kaabala sa kanyang trabaho.
Napagtanto ko na kaya ko naman palang mabuhay nang wala si Aries sa loob ng aking
mundo. Sabi ko sa kanya hindi ko kaya, pero nagkamali ako. Dahil kayang kaya ko! Sa tulong ng
Diyos at ng mga tao sa aking paligid ay kaya kong magkaroon ng panibagong buhay na wala siya.

Habang lulan ng van na pabalik ng Maynila ay ito ang aking nasa isip:
Iniwan ko na sa Ilocos ang basag kong puso at dala-dala ko ngayon ang isang buo at panibagong
puso na magmamahal muli ng isang taong karapat-dapat. Hindi pa man iyon agaran ngunit alam
kong darating din ang tamang panahon para sa isang panibagong pag-ibig.

Lumipas ang kalahating taon at naging masaya ang buhay ko nang wala siya. Marami
akong bagay na nagagawa ngayong malaya na ako mula sa isang nabigong pag-ibig. Mga bagay
na hindi ko nagagawa noon sapagkat halos ang buong mundo ko ay umikot lamang sa kanya. Lahat
ng aking oras na bakante ay ibinubuhos ko sa kanya. Nagkaroon ako ng panibagong mga plano
para sa aking sarili. Marami pa akong mga lugar na gustong puntahan at mga nais gawin sa
hinaharap. Bukod sa pagbuo ng sariling pamilya- na nais ko na sanang mangyari noon, ay marami
pa palang pwedeng mangyari sa aking buhay. Ang mga pangarap ko noon bago ko pa man makilala
si Aries ay muling nanumbalik sa aking dugo. Muli kong naging mithiin ang mga ito. Ilan sa mga
pangarap ko noon ay malibot ko ang buong Pilipinas at maakyat ang mga matataas na bundok.
Ninais ko rin noon na makatulong sa kapwa bilang myembro ng anumang organisasyon na
naglalayong makapagbigay ng serbisyo sa ibang tao na walang hinihinging kapalit o
kabayaran. Sa mga libre kong oras ay ito ang aking mga pinagkakaabalahan at masaya ako sa
aking mga ginagawa na sa wakas ay nakalimutan ko na ng tuluyan ang pagmamahal ko para sa
kanya. Maaaring malinaw pa rin sa aking memorya ang mga pinagdaanan namin kasama na ang
araw na lubos akong nasaktan ay wala na akong maramdamang kahit anong pait o saya o lungkot.
Masasabi kong ang isang kabanata ng aking buhay ay nagsara na at masayang masaya ako tungkol
sa bagay na ito.

Paunti-unti ay may mga bago akong tao na nakikilala at nagiging parte ng aking buhay. Isa
na rito si Miguel. Nagkakilala kami mula sa isang tao na pareho naming kakilala at kaibigan.
Aaminin kong masaya ako kapag kausap ko siya. Napapatawa niya ako ng malakas at magaan
talaga sa aking pakiramdam kapag magkasama kami. Halos lahat ng bagay ay napagki-kwentuhan
namin at walang patay at nasasayang na sandali sa tuwing kami ay magkasama.
Isang araw ay inamin niya sa akin ang totoo niyang nararamdaman. “Mahal kita, Elena. Isa
kang babae na may ginintuang puso at masasabi kong ikaw na ang nais kong makasama
habambuhay.” Pagtatapat niya ng saloobin. “Bukod sa maganda ka ay maganda rin ang iyong
kalooban. Isang malaking tanga si Aries dahil pinakawalan niya ang katulad mo. Sana ay mabigyan
mo ako ng pagkakataon na mahalin ka sa habang panahon.”

Ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binitiwan ni Miguel. Ngunit naghahari ang
takot at pangamba sa aking puso. Handa na nga ba akong magmahal ulit at tumanggap ng isang
panibagong lalaki sa buhay ko ng higit pa sa isang kaibigan?

Handa na nga ba akong masaktan ulit kung saka-sakali?

Mukhang hindi pa. Walong buwan pa lamang ang nakakalipas mula ng makipaghiwalay
sa akin si Aries at kung papayagan ko si Miguel na pumasok sa aking puso ay baka muli na naman
itong mabasag.

Pinili ko ang iwasan muna si Miguel. Lumayo ako sa kanya para makapag-isip-isip.
“Maghihintay ako sa’yo Elena, hanggang sa kaya mo na ulit ang magmahal, hanggang sa mawala
na ang lahat ng takot diyan sa puso mo.” Aniya sa naging huli naming naging pag-uusap.

“Maraming salamat, Miguel. Espesyal ka sa akin, tatandaan mo iyan.” Tangi kong naging
tugon sa kanya.
Gusto ko siya, oo. Ngunit natatakot ako.

Lumipas ang ilang linggo na hindi kami nag-usap at aaminin ko sa sarili ko na na-mi-miss
ko si Miguel. Tila ba araw-araw ay may kulang sa buhay ko ngunit tiniis ko ang pangungulila
upang malaman ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Baka kasi hindi ko naman talaga
siya gusto at ginagamit ko lamang siya upang tuluyang makawala sa mga ala-ala ko kay Aries.
Hindi ko alam. Nalilito pa ako sa kasalukuyan.

Dahil sa trabaho ay kinakailangan kong magtungong muli ng Ilocos. May itatayong bagong
sangay ang aking kumpanyang pinagtatrabahuhan doon at ako ang inatasan na magtungo roon
upang ayusin ang mga papeles ng establisyemento.
Sa pagbabalik ko sa Ilocos, habang lulan ng aking sasakyan, ay muli kong naalala ang
basag kong puso na iniwan doon. Marahil ay kailangan ko iyong balikan sapagka’t iyon ang klase
ng puso na matapang, dakila at handang masaktan dahil marunong iyon magmahal ng lubos. Sana
sa pagbalik ko ng Maynila ay handa na ulit akong umibig at mawala na ang lahat ng takot na
naghahari sa aking puso. Gabayan sana ako ng maykapal.
GULGOL
Mula sa aklat ni Alejandrino G. Hufana

“Diyos ko, Diyos ko!” buntunghininga ni Tiya Reling. Kanina pa pinapagpag ang kanyang
dibdib. Parang may nakadagang di matanggal ng kanyang pagpapagpag.
Huminga nang malalim. Muli bumalik sa isip niya ang pakikipagtalo niya sa tatlo niyang
kapatid kagbi. Boong isang araw lamang dumating ang mga ito mula sa Hawaii.
“Ako ngayon ang masusunod!” pasigaw na sinabi niya sa kanila.
At siya’y maluluha na naman. Parang bumigat na naman ang dibdib niya.
Dapat kayang pasigaw ang pagkabulalas niya sa mga binigkas niya sa kanila?
Nagreklamo si Tiya Nining na bunso nila kung bakit siya na panganay na lang lagi ang
masusunod.
“ Ay, masyado naman sila!” nasabi niya sa isip niya sa pagkaalala niya sa panggugulo niya
sa kanila. “Palalo itong mga kapatid ko”
Muling dinungaw ang kabaong. Ingat na ingat niyang pinunasan ng laylayan ng kanyang
palda ang salamin sa tapat ng mukha ng parang natutulog lamang na nanay nila si Lola Flora. Di
mapagkakailang sila talaga ni Tiya Reling ang magkahawig. Parang natutulog lamang ang
matandang babae. Tulad ng pagtulog niya kapag katatapos lang niyang managhalian.
Ngayon, siya’y mananatili ng tulog. Di na niya aabalahin pa “anak ko, pagtiyagaan mo
sana ako,” sinabi noon ni Lola Flora. “sapagkat wala naman ang mga nakakabata mong kapatid na
mag-aalaga sa akin. Diyos na lamang ang bahala sa mga ginagawa mong pagtitiyaga sa akin.
Ipagdarasal kita palagi, anak ko.”
“Oo, alam ko na ‘yan,” lagi naman sinasambit ni Tiya Reling ngunit di alam noon ni Lola
Flora kung ano ang nilalaman ng puso ni Tiya Reling. Di na siya maglalambing na hihingi ng
gintong papel o kaya’y sasabihing may nagsasayawang mga bata sa ulunan niya. Para bang
pinagpahinga niya si Tiya Reling sa pagsigaw sa kanya kapag nagsasawa na siya sa pakikinig ng
kanyang Dung-aw. Kundi naman ay ang paglalambingniyang humilingng eroplanong sasakyan
niyang muli papuntang Hawaii. Maluluha na naman si Tiya Reling. Maski papaano alam ng Diyos
na minahal niya ang nanay niya noong buhay pa ito. At maninibago siya kapag wala nang mang-
aabala sa kanya sa gabi dahil naihain na naman ng nanay niya ang higaan niya at di naman ganun
kadali bumili ng pampers sa Laoag. At naalala niya kapag dinadalhan niya ng pagkain sa kuwarto
nito. Di na siya makabangon noon.
“ako ngayon ang masusunod”
Ano ba kasi ito na nararamdaman niya sa mga kapatid niya? Tampo? Awa? Galit?
Ganti? At bakit?
Lumabas siya. Gusto niyang makasagap ng sariwang hangin. Upang hindi na lang palaging
amoy-balsamado ang naamoy sa loob.
Naamoy niya ang usok mula sa harap ng bahay. Sinusundot-sundot kasi ng mga bata.
Dinagdagan pa ng tuyong dahoon ng niyog. Naging sanhi ito upang lumaki ang apoy at napaurong
ang mga bata.
“Lumayo kayo riyan, mga anak!” pagalit na sabi ni Tiya Reling. Mayroon pang bakanteng
mesang iniwan ang mga napuyat na nagsugal kagabi. Nagkalat ang mga upos ng sigarilyo sa tabi
maski winalis na kanina ni Tiya Saring, ngunit sinita ng mg a matatandang babae. Ipinagbabawal
ang pag walis dahil masama raw. Pinigilan nila pagkat mayroon daw susunod na mamatay
pagkalibing ng patay.
“ Ay, Flora . Ayaaaa……. Tingnan mo mga anak mo, narito na sila sa harap mo, lahat sila.
Ay, kapatid aya. Susunod din kami…”
Nagtakbuhan ang mga batang sumilip sa bintanang may dyalosi sa sala ng bunggalo upang
tingnan ang mga umamtungal na iyak. Ngunit maski di nila tingnan, alam nilang si Lola Minang
iyon dahil siya ang taga-Dung-aw kapag may namamatay. Parang napilitan gumising sina Tiya
Nida at Tiya Nining sa pag-atungal na iyo ni Tiya Minang. Lumabas sila sa Kuwartong tinulugan
nilang dalawa. Kinukusot sila ang mga mata nila paglabas. Kagigising lang din kanina ni Tiyo
Paniong; naroon nang nakikipagpulutunan ng kilawin na kambing sa likod ng bahay.
Parang nagdahilan lang si Lola Minang sa pag-atungal dahil wala naming makitang luha
ang mga bata sa mata niya. Suminga pa at ipinunas ang palda niya. Umupo sa tabi ng ataul.
“wala man lamang mag “dung-aw” na ina n’yo Reling. Parang kunwari lang ang pagpanaw
niya. Di niyo alam ang halaga nito , mga anak. Ang dami niyang dinanas na hirap sa inyo, para
lamang wala sa inyo ang pagkamatay niya. Ipagpaumanhin niyo kung nasabi ko ito” sabi niya.
Hindi matahimik ang bunso. Basta na lang nakaupo pasandal sa tabi ng kabaong na parang
malayo ang iniisip. Bakit parang nakalimutan niya ang mga pinagsasabi niya kagabi sa mga
kapatid niya?
“Wala man lang akong kapangyarihan bilang kapatid niyo. Maski sinong Poncio Pilato
ngayon ang haharang, ako ang masusunod.”
Bakit niya nasabi ‘yon?
“Buti naman mga anak at nakauwi kayong lahat. Upang makita n’yo ang ina ninyo sa
huling pagkakataon. Samahan niyo ang kapatid niyong magligpit sa ina n’yo at nang makaalwan
na rin siya,” sinabi na naman ni Lola Minang patungkol kina Tiya Nida at Tiya Nining; hinawakan
niya ang malambot na braso ni Tiya Nining.
“Ito lamang ang pagkakataon ng pagkikita naming ng aming Ina. Ang mahalag sa amin si
Nana. Matagal na ‘yung pagkamatay ni Tata. Kung malapit lang sana ang Hawaii rito sa Paoay,
maski araw-araw kaming umuwi,” sagot ni Tiya Nida papalapit sa may kabaong ng patay. Di
kalayuan ang inuupuan ni Tiya Reling na nagbabantay. Bumubukas pa lang ang mga mata niya.
Di malaman kung namaga ito sa paghihinagpis o sa pangyayari kagabi.
“Wala kang magagawa. At, kung kami ang magsasabi ng nararapat sa libing ni Nana. Bakit,
ikaw lang ba ang anak upang ikaw lang ang magdesisyon?” yan naman ang sinasabi ni Tiya Nida
kagabi.
“Hindi pwede! Bigyan niyo rin ako ng importansya bilang kapatid niyo. Hindi dahil nasa
inyo na lahat!” yan naman ang sagot ni Tiya Reling at umiyak na siya.
Napakaiyakin pa man din ni Tiya Reling. Maski kunting salita lang ng mga kapatid niya,
iiyak na. siya ang nagmana sa ina nila. Mababaw ang luha sabi nila. Konting paninita o konting
nararamdaman sa katawan, iniinda na. Atongal pa na animo’y may babagsak na bundok sa dibdib
niya.
“Buti nariyan ang ate ninyog umaasikaso sa ina niyo. Hala nagawa naman na siya sa buhay
sa walumpo’t edad niya. Susunod na rin kami, anak. Maraming hirap si Reling sa kanya at ulayanin
na siya. Maghahanap ng berde na kawali. Hihingi ng pulang gatas,” sabi uli ni Lolang Minang.
Walang imik si Tiya Reling habang nagpupunas ng salamin ng kabaong. Parang lalong
umitim ang itim niyang damit. Nakabelo at may taling itim bilang simbolo ng pagluluksa niya.
Nang mapagtanto niya ang kanyang sarili, hinila niya ang karton sa ilalim ng kabaong , inilabas
ang belo at telang simbolo ng pagluluksa. Iniabot kay lola Minang.
“Ina, ilagay mo ang belo at itim na telang simbolo ng pagluluksa,” sabi niya. Napalingon
agad sina Tiya Nida at Tiya Nining sa kanya.
“Ano ba ang mga yan? Hayaan mo na ‘yan. Sasakit na naman ang ulo ko. Di sa pagsusuot
ng itim at o paglalagay ng itim na telang simbolo ng pagluluksa naipapakita ang paghihinagpis
para kay Nana,” sabi ni Tiya Nida.
At tumulo ang luha ni Tiya Reling sa kanyang naririnig. Bakit kaya ganun na lamang ang
sakit na nararamdaman niya para sa mga kapatid niya? Mula pa noong dumating sila. At lalong-
lalo na kagabi sa pagtatalo nila ng salita.
Hindi sila pinapaniwalaan. Maski sa pagsusuot lang ng hindi nila pinapahalagahan.
Kagabi, sinabi pa kasi ni Tiya Reling na ibenta na sila ‘yong lote nila sa dulo at di naman
nasasaka para may panggastos sa pagapapalibing kay Lola Flora. Di naman napapakinabangan ang
lupang iyon at walang inaani kasi bundok nga. May mga tumubong singkamas ngunit iba naman
ang kumukuha. Kung minsan, walang makapunta sa kanila roon upang mangahoy. Ngunit, sabi ng
mga kapatid niya. Lalo na si Tiya Nining na di sila papayag.
“E, ‘yun na lang ang alaala natin sa mga magulang natin,” wika ni Tiya Nining. Mahalaga
ang minanang lupa. Sino ang makapagsasabi kung ditto rin kami titira pag nagretiro kami sa
Hawaii. Kung doon naming gustong magpatayo ng bahay. Di natin masabi ang kapalaran, ate.
Kaya huwag natin ibenta iyon. At huwag kang mag-alala at may nakalaan para sa pagpapalibing
kay Nana.”
Diyan nagsimula ang palitan ng salita kagabi at kung saan-saan na nakarating ang usapan
– na parang batong gilingan na nakadagan pa rin sa dibdib ni Tiya Reling.
“Pagnamatay ang tao, wala na, Ina. Tayong mga buhay ang mahalaga ngayon. Sa oras at
kagustuhan ng Diyos tayo mamamatay. Lalong masakit ang paghihinagpis pag naka itim tayo.
Parang masyadong mabigat ang pakiramdam pag ganun,” wika ni Tiya Nining dahil ipinipilit din
ni Lola Minang ang paglalagay ng itim tulad ng bilin ng ate niya.
“Kailangan pa ring magsuot tayo ng itim sapagkat ito ang nakasanayan. Masama ba ‘yan?”
nakapagsalita naman si Tiya Reling.
“Sapat naman na siguro, ate, na umuwi kami uli para mailibing nating lahat si Nana. Iniwan
naming ang trabaho naming sa Hawaii, nagsakripisyo kami pagkat pinapahalagahan naming si
Nana. Alam naming magpapahinga na si Nana sa piling ng Diyos sapagkat siya ay mapagkalingang
ina. Masakit ang pagpanaw niya, ate, ngunit pinipigilan lang naming. ‘yang pagsusuot ng itim,
magpapabigat lang sa dibdib natin,” sabi ni Tiya Nining.
“’Yan lang paglalagay ng itim na telang simbolo ng pagluluksa mahirap sa inyo. Isaalang-
alang na lang ninyo sa namatay nating ina. At hindi sakripisyo ang pag-uwi ninyo rito, obligasyon
ninyo ‘yan bilang anak” isinagot ni Tiya Reling na di pa tumatayo sa inuupuan niya.
“Ang mahalaga, ate ang maayos na pagkalibing ni Nana. Narito tayong lahat na
magkakapatid upang ihatid siya sa huling hantungan. Maski huwag na nating pagkaabalahan ang
magsuot ng itim. Hindi iyan ang magpapakita hg paghihinagpis natin. Isa pa, upang narito lamang
si Nana sa isip natin, i-video naming ang pagkakaburol at pagkakalibing niya. At kapag maalala
at ma-miss naming siya pwede naming panoorin pag nasa Hawaii na kami.”
“ ‘yan ang hindi pwede!” parang kinurot na naman si Tiya Reling. “Noong bago mamatay
si Nana, Ibinilin niyang huwag ninyong ibi-video ang libing niya na tila isang artista tulad ng
ginawa ninyo kay Tata. Wala man lang kayong paggalang sa kagustuhan niya. Hindi dahil sa
marami na kayong kuwarta magagawa na ninyo ang lahat ng gusto niyo.”
“Bakit kayo ganyan mga anak?” tanong ni Lola Minang. “Hala magtigil kayo. Nining, anak
ko, kung pagbigyan mo kaya ang ate niyo…”
“Ay, noong namatay si Tata, di nila kinumpleto ang padasal sa kanya. Di pa tayo nag-
gulgol dahil ayaw rin nila noon. Kaya nga parang laging mabigat ang bahay at katawan ng may
bahay mula noon. Aywan ko kung naramdaman ninyo yan noon,” suminga pa si Tiya Reling.
“Tulad ng sinabi ko, ate huwag mong dibdibin ang lungkot. Kaya lagi na lang ganyanang
nararamdaman mo kasi ayaw mong magrelaks. Baka diyan mo na rin makuha ang high blood mo.
Di ka naawa sa sarili mo. Mamamatay tayong lahat, tandaan mo yan. Dinagdagan mo lang ang
hirap mo sa kakaisip ng kung ano ano. Sinasabi nanga naming sa iyo magrelaks ka upang di natin
maramdaman ang lungkot ng pagkamatay ni Nana dahil matanda na siya. Dapat nang mamahinga
sa kanyang edad. Kung lahat tayo’y masyadong malungkot, walang mangyayari sa atin. Iba na ang
panahon nagyon ate,” si Tiya Nining muli; talagang mahusay magsasagot kay Tiya Reling. Lihim
na sinisiko ni Tiya Nida para itigil na niya ang pakikipagdebate sa ate nila. Buti na lang wala silang
kasamang iba sa sala nagying bukod kay Lola Minang.
“Ala, ipagdasal na lang natin ng siyam na gabi upang di tayo magkasala sa kanya. Dahil
yan ang bilin niya”
“Ang dami mo naming pang-aabala sa sarili mo, ate. Maliligtas si Nana pagkat mahal siya
ng Diyos. Nagpupuyat lang tayo masyado. Pati mga kapitbahay, napeperwisyo rin.”
“Huwag n asana nating ulitin ang nangyari kay Tata na saka lang nadasalan noong papunta
na sa simbahan. Dahil ‘yan ang gusto ninyo noon. Nang siya’y mailibing, hindi gumagaling ang
sakit ng katawan namin, hugpungan at lahat na. Sabihin ko muli, ang bigat ng pakiramdam ng
bahay.”
“Hindi kailangan ‘yang paulit-ulit na dasal…” di naituloy ni Tiya Nining dahil tiningnan
siya nang masakit ni Tiya Nida.
“Noong namatay si Tata, ipinilit ninyo ang gusto n’yo. Hindi napadasalan. Hindi nagsiyam.
Di kayo nagsuot ng itim na damit dahil di na uso, sabi n’yo. Nagtishirt lang kayo ng puti, di kayo
nag-gulgol na para bang di tayo namatayan. Mas pinag-ukulan ninyo ng panahon ang
pagbabakasyon n’yo na pinaggastusan ninyo nang Malaki. Mayaman na kayo kaya nagagawa
ninyo lahat ng gusto n’yo. Ngunit di na kayo nagyon ang masusunod. Ako naman ngayon ang
masusunod.”
“Huwag ganyan ang sabihin mo. Mahal naming si Nana. Sino ba ang nagsabi na hindi?”
“Madaling magsabi ng pagmamahal. Maraming bilin si Nana bago siya namatay. Kayo ba
ang nakaramdam ng paghihirap sa kanya? Naranasan niyo bang gumising ng hatinggabi upang
pigain ang hinain niyang higaan? Magpalit ng pampers? Magbuhat? Magbihis? Tinatahulan pa
ako ng aso. Ngunit nagtiyaga ako dahil ina nga natin siya. At ako naman ang naririto. Kami lang
ang nakasama niya. Kaya kami na ngayon ang masusunod kung ano ang gagawin sa pagpapalibing
sa kanya. Ibinilin niyang mapadasalan siya. Magsuot tayo ng itim. Pero parang walang kuwenta
sa inyo ‘yan. Mag-gulgol din tayo. Maigawa ng kakanin na maialay sa mga ispiritu sa ika-9 na
araw. Maigawa ng sarisaring kakanin, tulad ng butsi, atb. Gusto niya yung sigarilyong parsik kaya
gawin natin at wala naming masama. Hindi ‘yung gusto n’yo lang ang nasusunod. Tulad ng ginawa
n’yo muli kay Tata?” napakahaba ng litanya; hinihingal pa nang masabi niya lahat iyan.
“Napakaraming abala ang nais mo, ate. Ano ang kahalagahan ng itim na damit sa
pagluluksa? Bakit nagyo ka lang nagpupumilit nang ganyan? Noong namantay si Tata, hindi natin
pinagkaabalahan ang mga ito. Maayos naman ang lahat, sa awa ng Diyos. Inilibing natin ng wala
tayong pinagtalunan. Tayo-tayo lang na magkakapatid, di pa magkakaintindihan. Masyado kang
atat sa pagpapaalala sa mga iyan. Sana kung masolo natin ang pagsasakatuparan ng mga yan.
Parang may ibang bagay kang kinaiinisan,” ani Tiya Nining na sumunod kay Tiya Reling na
nagtungo sa kusina. Nahihiya rin ako kay Lola Minang.
Sinasabi ko lang ang ibinilin. At iyan ang isasagawa. Lagi niyo na lang kinikontra ang
gusto naming mangyari. Wala naming masama sa pagsusuot ng itim at para naman na kayong di
tagarito.”
“Ano , ate ayaw mo pa ring ipa-video? Anong silbi ng iniuwi naming video? Kung di
naman magamit upang may mapanood kaming alaala pagdating namin sa Hawaii? Wala naming
masama e.” umupo sila sa mga plastic na upuan na nakapaikot sa mesa sa kusina. Ngunit di sila
magkaharap . sapagkat kahit hinarap ni Tiya Nining ito, inihilera naman ni Tiya Reling ang upuan
sa korner ng mesa at ang gilid ang hinaharap ni Tiya Nining.
“Para naming hindi seryoso ang pag-asikaso niyo sa bangkay ng ina natin. Parang
ikinatutuwa ninyong panoorin ang pangyayaring ito. Imbis na alaala ika niyo, panonoorin ninyo
ang nakakalungkot na kamatayan niya. Mga nakababata kong kapatid, ang tiniis kong hirap kay
Nana na di niyo alam. Nasaan kayo noong siya’y dumudumi sa gabi? Maski isanlibo’t isang
pampers, kuwarta at ensure ang ipinadadala n’yo sa kanya, hindi mapapantayan ang mga ginagawa
kong pag-aaruga sa kanya. Na hanggang ngayon, di pa ako nakabawi sa dami ng dinanas kong
hirap. Di ko man lang yata maranasang maging maalwan ang buhay ko. Na tulad din sana sa inyo
na magagawa ko ang gusto ko. Ngunit alam kong malupit ang kapalaran sa akin. Gayon pa man,
mayroon ding darating na suwerte sa akin at sa aking mga anak. Kami na ngayonang masusunod
sa pagpapalibing kay Nana.?
“Bakit ganyan ang pinagsasabi mo? Sinisingil mo ba ‘yan sa amin, ate?” may hinanakit sa
tono ni Tiya Nining. At dina niya mapapalampas ang mga ganito. Kailangang idepensa na rin ang
sarili niya. “dahil kung kami naman sana ang naririto, gagawin din namin iyan kay Nana. Dahil
mahal nga natin siya, ate. Ngunit nakaguhit siguro na magkakalayo tayo sapagkat may trabaho ang
bawat isa sa atin. Kaya’t huwag ka na sanang maningil nang ganyan.
“Hindi sana ang pagpanaw ni Nana ang kaguluhan natin, Ate,” giit ni Tiya Nida. Di na niya
napigilang pumasok sa kusina. Tumayo sa may pintuan.
“Sinasabi ko lang ang bilin ni Nana. Sapagkat di n’yo man lang ako binigyan ng
pagpapahalaga bilang ate n’yo. Kayo na lang ang nasusunod pagkat kayo ang makapangyarihan.
Ngunit ako ang masusunod ngayon!
“Bakir ganyan kang magsalita, Ate?”
“May Karapatan ba ako bilang ate n’yo sa desisyon n’yo? Kayo na lang ang nagsasabi ng
gusto n’yo. Sumusunod na lang ako sa nais niyo. Ngunit nagyon, ako ang masusunod sa mga bilin
ni Nana. Sa ayaw at sa gusto niyo!”
Tumayo na si Tiya Nining na tila nagpantig ang tainga niya. “ Aywan ko, ate, kung totoo
ang mga bilin ni Nana sa ito. Palagay ko, sanhi ng sama ng loob mo sa amin ang pagkontra mo sa
nais naming gawin dahil sa hindi naming pagkuha sa iyo sa Hawaii. Ngunit paano ka naming
kukunin e over-age ka na at may asawa ka na.”
Umatungal na si Tiya Reling. Hinawakan niya ang dibdib niya at bumalik na sa sala; tila
hindi niya nakita si Tiya Nida sa may pintuan at muntik na niyang mabangga; agad na sumandal
sa gilid ng kabaong. Nagdung-aw siya “ay Nanang kooo, patawarin mo sana kaming mga anak
mo. Ay, Nanang kooo, mapagmahal… hinihilinh naming ang pagpapatawad mo sa amin. Tingnan
mo kaming magkakapatid at ni hindi nila ako pinakikinggan. Marami kaming pagkukulang sayo.
Di na kami nagkakaintindihan. Nana… ang mga naisangla at naibenta kong mga lupa, wala na at
pinagpaaral ko sa mga anak ko. Dahil hindi alam ng mga kapatid ko ang lahat ng paghihirapa ko
na iniwan nila. At pati ang loteng kinatitirikanng bahya ay naisangla ko na sa bangko. Patawarin
mo kami. Nanang ko ang mga ito, Nana, ang nagpapabigat nang husto sa dibdib ko. Pagkat ako
ana nag nakakaawang naiwan sa pagtitiis at paghihirap. Ay, naki naman, kung nakarating din sana
ako roon sa sariwang pastulan, Nana, nagbago na rin sana ang buhay naming. Ngunit, Nana,
patawarin mo sana kami a…?
At nahawa sa pag-iyak si Lola Minang.
“grabe naman tio. Nakit sinabi mo pa iyan? Sani ni Tiya Nining.
“malulungkot lang siguro ang kapatid ninyo. Hayaan niyo muna . ipahintulot niyong
mailabas niya lahat nga nararamdaman niya. Upang dina naman siya manghina. Sinaklolohan lang
nga naming noong wala pa kayo,” isinagot ni Lola Minang na tumabi sa kanila. Pagkaraay
nilapitan niya si Tiya Reling na humihikbi pa rin. “Reling, anak, tama na.”
“paulit-ulit na sinasabi ni Ate ang mga iyan. At palagi niya isinisisi ang di niya pagkapunta
sa Hawaii. Kung iyan ang nais niya, huwag niya isabay ang sama ng loob niya sa pagkamatay ni
Nana. Kung iyang di niya pagpunta sa Hawaii, huwag idawit sa oras na ito ang kalungkutan niya”
nagagalit na rin si Tiya Nida pero hindi niya nilalakasan ang boses niya.
May pumasok. Si Lola Bibing na kapatid ng yumaong Lola Flora.kuba na siyang maglakad
at nakatungkod. Sapagkat maski pinadadalhan din nila noon ng Ensure na iniinom niya, mahina
na rin ang kalusugan niya. Katatapos lang niyang magpausok ng kakanin sa labas at lumapit sa
mga kapatid niya.
“Ala, anak ko, isaalang-alang niyo na lang sana sa ina n’yong nakaburol. Hindi sana
maging sanhi ng pagkaabala ng pag-akyat sa langit ng kaluluwa niya ang pag-aaway niyo ngayon.
Hinfi naman siguro masama kung susundin natin ang nakaugalian natin tuwing may namamatay.
Hindi dahil iyon ang bilin ng ina niyo. Anong masasabi mo, ate?” lumingon siya kay Lola Bibing.
“anong bilin ate?” tinanong ni Lola Bibing at lalong kumulubot ang noo niya.
“alam nasa sa inyo na iyan, Tiya,” sinabi ni Tiya Nida. “kayo na lang bahala.”
Nagsama-sama ang matatandang babae sa sala nang gabing iyon. Nakaharap silang lahat
sa may ataul. Humarap sila sa larawan ni Jesus na nakasabit sa itaas ng ataul. Si lola Minang ang
nagpagsimunong dasal. Dahil siya lagi ang taga-dasal sa pook nila. Si tiya Reling lamang ang
naroon sa kanilang magkakapatid. Nakasalampak sa lapag ang ilan sa mga nakipagdasal. May mga
ina ring nagkandong ng mga bata na nakipagmagdamagan din. Makikita rin ang matatandang
babaeng inaantok na kunwnag nagdarasal din sa pagbuka ng mga bibig bula. Maski inaantok na
rin si tiya Reling, nagtitiyagang sumasagot kapag dinarasal ang “Ama Namin”. Nasa kusinang
nakikpagkwentuhan ang mga kapatid niya. Nakikipaghalakhakan sa mga kwento ni Lito Wallit na
kanina pang umaga nakainom. Ikinukuwento ang mga karanasan nila noon nina Tiya Nining sa
Comcomloong at ang sama-sama nilang pakikipagsayawan sa Anggapang.
“Aba, Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang panginoong Diyos ang sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anka na si Jesus.”
“Santa Maria na ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan. Ngayon at kung
kami’y mamamatay, Amen.”
“Salviari na Ina ng awa, buhay at tamis pahinga naming. Patawarin n’yo po ang kasalanan
naming…”
“Ama Namin, sumalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo ditto sa lupa para ng sa langit.”
“tanggapin niyo po sana ang kaluluwa ni Flora upang makarating sa kaharian niyo. Ganoon
din ang kaluluwa ni Basilisa, Pacifico at Constantino…”
Dinasalan din ni Lola Minang ang telang itatali ng mga naulila ng namatay. “HAla, lumapit
na kayo, mga anak, at ilalagay ko na ang telang simbolo ng pagluluksa. Huwag kayong tititgil o
magpapabalik-balik at masama. Kung sino mauna, halika na.”
Hinipo ni Lola Minang nang noo ng mga kamag-anak at pamilyang naulila pagkatapos ay
inikot at itinali ang telang itim sa noo nila. Hinilot-hilot niya nag noo ng mga ito ng ilang sandali
upang maginhawaan at maaliw ang nakasuot nito. Nakaluhod ang mga ito nakaharap sa ataul. May
ibinulong siyang dasal. Nilagyan niya rin ang mga apo at malapit na kamag-anak.
Nang mailagay ang mga telang itim, isinawsaw ni Lola Minang ang hintuturo niya sa suka
at hinaplos sa mga daliri niya upang di siya akaramdam ng ano man pagkatapos hilutin ang noo
ng mga nilagyan niya ng telang itim.
Sinabi pa ni Lola Minang na bawal ang maghinuto sa lamayan.kahit ang oagsindi ng
sigarilyo sa baga at paghinuko.
Ipinagbawal pa ang pagsuklay sa loob ng bahay. Pag kasi nagsuklay ka raw, maraming
malalagas na buhok na nangangailangan ng pagkaubos ng kamag-anak mo.
Sa bawat pagdarasal ng siyam na gabi, laging may nakahandang pagkaing alat sa patay at
iba pang kaluluwang dadalaw sa kanya. Di nawawala riayan ang pinadis niya. Mayroon pang ikmo,
bunga, alak at isang maliit na hiwa ng kalmnan ng alagang hayop. Di rin mawawal ang kandilang
nasindihan sa gitna ng alay na nagpapakita ng liwanag sa lugar niya. Sinabi ni Lola Minang, pag
nagmagdamagan ang alay, puwede ng kainin ng mga may gusto at mawawala ang mga
nararamdamang sakit.
Nagpahanda si Lola Minang ng dalawang manok. Tandang at inahing kakyatin nila pag
paalis na ang patay patungong sementeryo upang makarating daw ang kaluluwa nito sa langit.
Ipinasaalang-alang ni Lola Minang na darating ang pamangkin nilang si Lisa na galing Pagudpud,
dajil buntis, siya ang unang lalabas na susundan ng bangkay upang wala nang sususnod na
mamatay pagkatapis ng pumanaw. Iniatas pa ni Lola Minang nap ag nailibing na ang patay, dapat
bukas ang pinto hanggang gabi dahil babalik pa’t dadalaw ang kaluluwa ng namatay sa pamilya.
Kahit nakalapat lang ang pinto. Gagawin ‘yan sa loob ng isang Buwan.
Araw ng libing. Nakaitim si Tiya Reling. Nakatalukbong. Kahit ang ilang sumama sa
libing. Ang mga kapatid lang ni Tiya Reling ang nakaputi at walang talukbong. Hawak nila ang
kamera at Video nila. Kahit ipinagbawal ni Tiya Reling na huwag i-video si Lola Flora, wala
siyang magawa.
Salitan silang humalik at nagmano sa ina nila bilang simbolo ng mainit na pamamaalam
nila, pasasalamat at paggalang sa minamahal nilang ina. Nang palabas na sa bahay ang patay,
sinundan ito nang walng puknat na iyakan ng mga magkakapatid at nahawa rin ang mga
nakipaglibing. Parang asong ulol si Tiya Reling na ayaw pakawalan ang bangkay. Gayon din ang
mga kaptid niya. Di nila binitiwan ang ataul at saby-sabay nag iyakan nila. Ipinasok na ang ataul
sa sasakyan ng punerarya. Isinabay ang pagpugot ng ulo ng dalawang manok na natilamsikan ang
dugo sa lupa. Hanggang maghinalo sila. Sumunod ang miyembro ng pamilya, kamg-anak at mga
kapitbahay sa paglakad ng sasakyan habang pinatutugtog ng naninigarilyong Drayber ang
nakkaiyal na tugtog na “Ave Maria.”
Malamig ang tubig ng Paoay Lake. May matatandang babaeng nakalubog na sa tubig ang
nagbabanlaw ng mga damit, kurina, talukbong at iba pang nagamit ng mga naulila. Tumulong sa
paglalaba ang lahat ng mga kapitbahay. Inilabas lahat ang mga nagamit sa loob ng bahay upang
baguhin na naman. Kahit an mga sasakyang ginamit sa libing, pinaliguan din. Tinawag lahat ang
mga taong gusting mag-gulgol. Tulad ng paniniwala nila, mawawala ang pananamlay pagsumama
ka sa gulgol pagkatapos ng libing.
Nakapambahay na blusa at shorts si tiya Reling. Parang lalong lumiit at pumayat sa edad
niyang animnapu. Di tulad ng mga kapatid niyang walang bahid ng nagdaang panahon dahil
malulusog ang pangangatawan nila lalo na si Tiya Nining na mahigit nang apatnapu.
Inihanda ni Lola Bibing ang posporo, arutang at nakatasang suka na pang-gulgol sa mga
naulila. Lahat ng humawak sa bangkay, nagbuhat ng ataul at nagsilbi sa burol, sumama sa gulgol.
Lungkot na lungkot si Tiya Reling dahil di sumama sa kanya ang mga kapatid niya. Di
naman masyadong malayo ito sa bahay nila para sabhing tinatamad silang maglakad o ayaw nilang
matagtag sa dyip dahil bako-bako ang kalsada patungo sa lawa.
Inilabas ni Tiya Reling ang sama ng loob niya kina Lola Bibing at Lola Minang na nasa
tabi niya.
“totoo, masama ang lob ko dahil wala man lang ginawa ang mga kapatid ko upang
makarating ako sa Hawaii. Sapat na ‘yung sinasabing lagpas na ang edad ko. Bakit di man lang
nila niremedyuhan? Maganda na rin sana ngayon ang buhay ko. Ngunit ang sama ng loob ko’y
unti-unti na ring Nawala sa pagdaan ng panahon. Di dahil binibigyan nila ako ngunit lalo na noong
dinala nila rito si Nana upang ditto na manirahan. Napag-isip-isip ko na rin noon na marahil ay
nais ng Diyos na dito ako sa Paoay manirahan para may matirhan ang mga magulang naming
pagtanda nila. At ganyan nga ang nangyari. Nang magretiro sa Hawaii ang mga magulang naming
at nais nilang manirahan sa Pilipinas, sa piling naming mag-asawa sila tumira… hanggang
mamatay sila… wala na akong tampo sa mga kaptid ko.”
“Hala, anak, Mabuti naman… at wala ka nang tampo sa mga nakababata mong kaptid.”
“Kung ano man ang nasabi ko sa kanila, pinagsisihan ko na lahat. Marahil, nasabi ko ang
mga ‘yon dahil wala na si Nana na pagsasabihan ko ng mga sama ng loob ko sa di ko pagpunta sa
Hawaii para sana di kaawaawa ang mga anak ko sa pag-aaral nila noon…” humihikbi na naman si
Tiya Reling. At humagulgol: “ay, Nana…ay, Nana…”
“Hala, tama na, Reling anak… magpasalamat ka at mabait ang asawa mo… tahimik…
kahit awayin ka ng mga kapatid mo, hindi siya nakikialam dahil alam niyang di siya data makialam
sa away ninyong magkakapatid,” sabi naman ni Lola Minang.
“At magpasalamat ka dahil sa kabila ng hirap ninyong mag-asawa, napagtapos n’yo na ang
mga anak n’yo,” pang-aliw naman ni Lola Bibing. “Hala, anak, itapat mo na ang ulo mo sa arutang
at mag-gulgol ka na.”
Sinunog na arutang ang nasa loon ng baki na naksabit sa sang ng kakawati na ibinaon sa
lupa. Pinatuluan kanina ng suka mula sa basyo ng langis ng caltes na pinagbabaran ng mga lumang
barya. Pag nabasa nang konti ang abo ng arutang, ang aruyot nito’y tamang-tama sa ulo ng mag-
gulgol, bubula na parang siyampu pag kinusot.
“Ano, di sila pupunta rito?” tanong ni Tiyo Ben na nakalusong na rin sa tubig. Pinsan ni
Tiya Reling ito. Ang mga kapatid ni Tiya Reling ang ibig niyang sabihin.
Bago sumagot si Tiya Reling at maitapat niya ang uko sa pang-gulgol, may parating
patungo sa lugar nila. Paparating sina Tiya Nida, Tiyo Paniong at Tiya Nining. May mga kasama
silang magpapa-gulgol.
Napatayo si Tiya Reling. Dumating kaya ang mga kapatid upang inisin siya o ano?
Ngunit hindi yata. Naka-shorts at naka-t-shirt din sila at may dala silang tig-iisang tuwalya.
Nariyan na si Tiya Nining, inunahan niya sina Tiya Nida at tiyo Paniong. Naiiyak si Tita
Nining na yumakap sa nagulat na si Tiya Reling. “ate, patawarin mo sana kami kung nasaktan ka
naming. Marahil, dahil aburido kami sa di pagkaunawa sa sitwasyon mo. Mahal ka naming, Ate.
Bakit naman hindi…?”
“Kapatid ko…” ‘yun na lang ang nasabi bi Tiya Reling. Di niya pinuna ang tumulo niyang
luha. Itinapik ni Tiya Reling ang payat niyang palad sa malapad na likod ng nakakabata niyang
kapatid.
“Bakit ba kayo ganyan…?” ani Tiya Nida. Nakangiti siya. Kinakamot naman ni tiyo
Paniong ang ulo niya. Siya ang pangalawa mula sa panganay. “Mag-gulgol ba tayo o ano?”
“Hala, Nining, mauna ka na, anak, para maginhawa ka. Iaagos ng tubig lahat ng sakit ng
katawan at isip, lahat ng lungkot ninyo a pagyao ng ina n’yo. Ganyan talaga ang buhay, Anak.”
Ani lola Bibing. “Hala, anak, itapat mo ang ulo mo sa gulgol, Reling. Anak, hilutin mo ang mga
braso at likod ng nakababata mong kapatid upang maginhawaan…”
Umupo si Tiya Nining; itinapat ang ulo sa gulgol. Tumulo ang tubig sa ulo niya mula rito,
nakakaginhawa ang tubig sa ulo niya, sa mukha , sa batok niya.
Habang pinatutulo ni Loka Bibing ang tubig sa nasunog na arutang hinilot naman ni Tiya
Reling ang mga braso ni Tiya Nining. Tapis sa batok niya, sa likod niya. Maingat, puno ng
pagmamahal tulad ng pagmamahal noon ng mga magulang nila sa kanilang magkakapatid.
MAIKLING KWENTO NG REHIYON II
Entablado
Ni Eva Angel Leo
(pen name)

Dilim, tahimik. Maririnig pang may perdibleng mahuhulog sa samentadong kalsada.


Pagkaraan ng ilang sandali, dahan-dahang kakalat ang malabong ilaw hanggang magliwanag.
Makikita ang malapad na puting tela na bilog-bilog na kahong may iba’t ibang sukat at yangkad
sa harap nito. Sa gitna, may isang bilog na kahon. Sa kanan, may tatlong iba pang bilog na kahon
na iba’t ibang sukat. Sa kaliwa, dalawang iba pang kahon na malapad at mas matataas kaysa sa iba
pa.
Magsisindi ang malaking ilaw sa likuran ng nasa loob na telon. Mananatiling ganyansa
ilang sandal hanggang sa makilala ang anino ng tao sa mga bilog na kahon sa harap. Pagkatapos,
unti-unting maririnig ang banayad na musika.
Magiging kulay-asul ang ilaw sabay bukas ng telon sa harap. Gagalaw ang anino sa kanang
bahagi ng entablado.
Ako si Jhonny Panganiban, sabi ng anino na may edad na humigit-kumulang labinsiyam.
Kapangalan ko ang ama ni Lam-ang na si Juan Panganiban. Oo, sa kabila ng kaalaaman ng lahat,
may apelyido rin si Lam-ang. Panganiban. Pinagmumulan ng maraming kapangyarihan o anting-
anting. Saan niyo gustong umpisahan ang kwento ng buhay ko? Sa pamilya naming? Sa ama’t ina
ko? Wow, badtrip! Hindi. Ayaw ko. Hindi ko maituro. Kung gusto niyo, sa karanasanko na lang
dito sa loob.
Maglalakad-lakad si Jhonny tapos hihinto. Ano itong loob na sinasabi ko? Pagpapatuloy
niya. Ito ang rehab. Rehabilitation Center. Iikot ang tingin niya sa kapaligiran. Mabuti sila sa akin,
ituturo niya ang mga aninong di gumagalaw na nasa ibabaw ng mga bilog na kahon. Ngunit alam
niyo kung paano ang mga unang gabi ko rito? Wow badtrip talaga . animal treatment! Diyeta sa
omads, di pwedeng magkarga . naging masikip ang mundo ko sa mga ‘yan! Kahalintulad niya sa
mga bilog na kahon. Namimilipit ako sa sobrang lamig maski pinagpapawisan ako ng malapot.
Parang mababasag lahat ng bahagi ng katawan ko! Unggoy! Unggoy na nahihingutuhan! Kita niyo
ang kuwartong ‘yon? Ituturo niya. Di ko na mabilang kung ilang beses ko naikot pagulong na
parang gulong. Umaga , Tanghali, Gabi……
Palakad -lakad muli tapos hihinto. Paano ako napasok dito? Sabi niya. Huwag, huwag niyo
na sanang tanungin. Hangga’t maaari, ayoko nang isipin, ayaw ko nang alalahanin. Ayoko!
Biglang tatahimik. Tapos, maglalakad-lakad muli, nanggigigil. Si Santa, paos ang tinig
niya. Si Santa na nakakaawa kong kapatid. Punyeta! Di sana nagkaganyan si Santa kungdi dahil
sa mga magulang ko!
Bumibilisang lakad niya, tapos hihinto at haharap. Saan si Santa? Halos isigaw niya.
Naging abo na ang pangarap! Nilamukos ng mga marahas na palad ang abang kalagayan. Si Santa,
isang makulay na pangarap na binuo ng mga mapapait na iba’t ibang karanasan. Inihalintulad si
Santa sa mga mura’t bagong sibol na bulaklak na nilamukos ng mga mapanirang insekto, tag-init
man o tag-ulan si Santa. Ang kaawa-awang kapatid ko.
Magdidilim ang liwanag hanggang sa maging mapanglaw na ilaw. Maitatapat ang
cyclorama sa mukha ni Jhonny Panganiban. Lumuluha si Jhonny.
Mula naman sa mapanglaw na liwanag sa dilim, umaalingawngaw ang tinig mula sa mga
anino.
Kami ang mga gula-gulanit na pangarap! Iguguho ng mga anino. Kami ang mga nabunot
na panaginip na ngayo’y
Sumigaw at umungol si Jhonny na sinundan ng mga iba’t ibang tinig – malakas, mahina,
mahaba maigsi, malambot, garalgal – hanggang papalit ang tinig ni Santa.
Kuya Jhonny! Kuya Jhonny! Saan ka?
Bigla, magiging tila estatwa ang mga anino sa ibabaw ng mga kahon. Didilim sa lugar ni
Jhonny. Mula sa harapan, aakyat si Santa, edad labing-anim sa sumisigaw habang hinahabol ng
tatlong kabataang lalaki na mukhang lulong sa droga. Hihinto si Santa sa gitna, piikutan ng mga
kabataan.
Huwag! Huwag! Sabi ni Santa. Maawa ka sa akin!
Maawa! Humagalpak ng malakas ang unang lalaki. Anong maawa? Huwag ka nang
tumanggi.
Huwag mo na kaming pahirapan! Sigaw ng pangalawa. Halika na iduduyan kita sa mga
braso ko!
Huwag! Sigaw ni Santa. Naghihintay sa akin si kuya Jhonny!
Astang tatakbo si Santa. Ngunit haharangan ng mga lalaki. Bigla, madadapa. Hahagalpak
ng tawa ang mga kabataan na tila mga baliw. Pinagtutulungan nila na animo’y lalamasin si Santa.
Huwwaagg! Maawa kayo sa’kinnnn! Ayyyyy!
Bigla, magkukulay-dugo ang liwanag. Matatapat ang cyclorama kay Jhonny.
Santaa! Walang kasawaang sigaw ni Jhonny. Santaaaaaaa, kapatid kooooo!
Magkukulay-dugo lahat ng ilaw sa paligid. Tapos, magdidilim.
Maghahari ang katahimikan. Tutugtog nang malumanay ang musika na unti-unting hihina
habang dumidilim ang ilaw. Matatapat ang ilaw kay Jhonny na nakaupo sa gilid ng kuwadradong
kahong sa gitna.
Tatayo si Jhonny. Magandang gabi sa inyo, pagbati niya. Ako, apo, ni Jhonny Panganiban.
Kapangalan ko ang am ani Lam-ang na si Juan Panganiban. Oo, sa kabila ng lahat, may apelyido
rin si Lam-ang, Panganiban. Pagmumulan ng maraming kapangyarihan o anting-anting. Kumitil
ako ng buhay dahil sa pagpapahalaga at pag-aalaga ng isang pangarap na sinira ng mga mababangis
na hayop sa lungsod. Ako, apo, ni Jhonny Panganiban. Sisikapin kong makalaya rito sa
kuwadradong mundo upang ____ sa mga nasirang saya na ipinaglihi ng isang panaginip na naging
parang abo na inilipad at tinunaw ng mapanirang allawig. Mahigit nang dalawang taon ako rito sa
loob ng bilog na mundo ng rehabilitation center. Sinikap kong di makagawa ng ano mang mali…
Totoo yan ‘yan! Tuloy balibag ng mga anino kasabay ng pagdilim ng mga ilaw. Totoo
‘yan!
Gaya ng ano mang nakakulong, pagpapatuloy ni Jhonny Panganiban, gusto kong
makalabas. Gusto kong lumipad gaya ng ibon sa kalawakan. Ikakampay ko ang mga pakpak ko
hanggang sa nilalabasan ng araw!
Tama ‘yan balibag ng mga anino. Tama ‘yan!
Si Santa, isa ring pangarap, sabi ni Jhonny. Talagang isang pangarap na bago sinira ng
malulupit na hayop ng lungsod. . .
Biglang magkukulay-dugo ___ ang liwanag. Maririnig muli ang pag-iyak ni Santa. Mahina
sa umpisa at unti-unting lalakas. Magliliwanag sa likod ng telon, makikita ang anino ni Santa na
nilalamas ng mga lalaki. Samantala, itatapat naman ang cyclorama sa mukha ni Jhonny. Magiging
matapang ito habang pinagmamasdan ang pagkalamas ni Santa sa likod ng telon.
Akin ka ngayon! Sabi ng isa sa mga anino sabay halakhak. Ngayong gabi, ipagkakaloob
mo sa akin ang ligaya upang isama kita sa Paraiso. Ha -ha -ha!
Biglang magkukulay-dugo ang liwanag.
Huwag! Huwag! Sigaw ni Santa. Maawa kayo sa akin! Kuya Jhonny!
Tila di malaman ni Jhonny ang gagawin niya. Itatakip niya ang mga palad niya sa
magkabila niyang tenga. Titingnan niya si Santa sa likod ng telon. Patakbo siyang lalapit.
Santaaaaaaa! Sigaw ni Jhonny.
Magkukulay-dugo ang liwanag sa telon. Sa paglapit ni Jhonny sa telon, biglang
mamamatay ang pulang liwanag. Uupo sa gilid ng bilog na kahon sa gitna. Takip ang mukha ng
mga palad niya. Magliliwanag ang kapaligiran.
Mula sa mga bilog na kahon sa kaliwa, lalabas si Ismael, kaedad ni Jhonny. Uugain nito
ang balikat ni Jhonny.
Jhonny, gumising ka! Sabi ni Ismael. Nananaginip ka! Humahalinghing ka!
Dumilat si Jhonny. Ha? Kita ang kawalang-paniniwala sa mukha niya. Napakasamang
panaginip!
Binabangungot ka, Jhonny!
Takip ni Jhonny ang mukha sa mga palad niya. Si Santa, ungol niya. Ang nakakaawa kong
kapatid. . .
Anak ng diyablo!
Isa sa mga anino ang maya-maya’y lalabas sa gitna
May edad dalawampu’t dalawa.
Bakit Nick? Tanong ni Ismael. Malaki yata ang problema mo?
Talagang Malaki! Matigas na tinig ni Nick. Matagal na akong nagpipigil, upang malaman
niyo! Ituturo nito ni Jhonny. Araw at gabi na lang na ganito ito. Bakit, di mo nasanay ang sarili
mo rito, ha? Wala ka nang ibang sinasabi kundi –
Ako, apo, ni Jhonny Panganiban, sasaluhin ng ibang anino ang iba pang, sasabihin ni Nick.
Inuulit nila ang laging sinasabi ni Jhonny. Kapangalan ko ang am ani Lam-ang na si Juan
Panganiban. Pagmumulan ng maraming kapangyarihan o anting-anting. Nakapatay ako dahil sa
pagpapahalaga at pangangalaga ko sa isang pangarap na sinira ng mga malulupit na hayop sa
lungsod. Ako, apo ni Jhonny Panganiban. Sinisikap kong makalaya sa bilog na mundo upang
makalipad sa mga gulanit na kasiyahan na ipinaglihi ng isang panaginip na naging abo na inilipad
na tinunaw ng mapanirang allawig. Mahigit nang dalawang taon ako rito sa bilog na mundo ng
rehabilitation center. Sinikap kong di makagawa rito ng ano mang mali –
Putang-ina mo, Panganiban! Sigaw ni Nick. Kahit kamag-anak ka ni Lam-ang, wala akong
pakialam. Kundi ka makatulog, manahimik ka!
Bakit, Kulas? Sagot ni Ismael. Inaano ka ba ni Juan at lagi mo na lang kinaiinisan? Bakit?
Dahil isang katulad mo ang mga pinatay mo ha?
Manahimik ka riyan, Mael, sigaw ni Nick. Huwag mo akong tawagin ng kulas, basagin ko
‘yang mukha mo!
Bakit ayaw mo na sa tawag na Kulas ha? Nang-aasar ang tinig ni Ismael.
Ikaw Mael, panduduro ni Nick, Hanggang dito, kasama mo pa rin ang—
Oo, nagbebenta ako ng laman, sambit agad ni Ismael. At binabayaran nila ako. Hindi tulad
mo Kulas. Libre na nga, pinatay mo pa. . . .
Punyeta ka! Sigaw ni Nick. Huwag mo akong tawagin ng Kulas, sabi ko na nga!
Ngunit ‘yan ang angkop na palayaw mo! Pang-aasar ni Ismael. Kulaspiro, hindi Nick!
Neknek mo! Nicolas ang tunay mong pangalan!
Biglang hahatawin ni Nick si Ismael ngunit agad na napigilan ng ilang anino.
Tarantado ka! Sabit ni Nick. Ang pangalan kong Nick na lang ang masasabing maganda
sa’kin, gusto mo pang sirain. Pag sinabi kong babalatan kita, talagang babalatan kita!
Kawawa ka naman, Kulas! Sabi ni Ismael. Kahiy ang pangalan mo’y walang
nagpapahalaga. Kahit isang totoong kaibigan…
Tama na ‘yan! Awat ng isa sa mga anino. Panaginip na nga lang ang kaya nating gawin
dito. Magkunwang Malaya. Gusto niyo pang sirain! Magsitigil kayo!
Huminto ang lahat. Babalik sila sa dati nilang puwesto. Tinungangaan nilang lahat si
Jhonny.
Ako, apo ni Jhonny Panganiban, sabi ni Juan. Kapangalan ko ang am ani Lam-ang. . .
Maburiri lagi ang ama mo, sabay-sabay na tugon ng mga anino. Ang ina mo lagi mong
iniiwan. Katulong lamang ang nag-aalaga sa’yo. Kayo ni Santa, laging nag-iisa!
Ismael, sabi ni Jhonny, mabait ba ang ina mo? Si tatang mo, lagi ka rin bang pinapalo?
Tandaan mo, iniwan ka ng ina mo! Sabi ng mga anino. Itinakwil ka ng tatay mo! Iniwan
ka niya! Kayo ni Santa, iniwan nila!
Habang nagsasalita ang mga anino, nagkulay-dugo ang liwanag. Tatapang ang itsura ng
mga anino. Animo’y galit na nakatingin kay Jhonny.
Haharap si Jhonny. Bakit niyo ako pinapagalitan? Aniya. Bakit niyo ako pinaparusahan?
Bakit? Bakit? May naituro ba kayong Mabuti sa akin? Kalian nyo pa naiparamdam na mahalaga
kami sa inyo? Ilang pasko at mahahalagang okasyon ang di’ n’yo binigyang kahulugan?
Nagdadalaga na si Santa? Marami na siyang tinatanung sa sarili na di ko kayang sagutin. Kahit
ang pagbabago ng porma ng katawan niya, ikinababahala ko. Sapat na lang ba, itay, na maibigay
n’yo ang pang araw-araw na pangangailangan naming? Sapat na ba, inay, ang pag-upa niyo ng
katulong na mag-aalaga sa amin? Paano na ang lambing at haplos ninyo na hinahanap-hanap
namin? Kalian pa’yung sabi niyo sa amin na: “mahalaga ka sa amin anak ko? Kalian, itay? Kalian
inay? O, naging ulyanin na ba ako? Ito ba ang pinangako niyo noong humaharap kayo s altar? Ito
na ba ang pinangako niyong magsasama sa hirap at ginhawa? Nakapilipit na tila hinahagupit si
Juan. Ayoko na! di ko na uulitin itay! Inay, tulungan niyo ako! Nagawa ko ‘yun pagkat… umungol
na parang nasasaktan. Agh! Itay, ginawa ko ‘yun upang mapansin niyo ako, upang mabigyan niyo
ako ng sapat na pagtingin, inay ko, di ko sinasadyang saktan kayo! Itay, Inay…
Sumisigaw na parang nagmamakaawa si Jhonny. Di ko na uulitin. Hindi na. Pangako…
Nagtakit ng mga palad si Jhonny na parang nagdadasal. Nagawa ko ‘yun sapagkat sabi
nila… masarap daw. Isang sipsip lang, malilimutan ko na ang problema ko. Mararanasan ko raw
ang kakaibang ginhawa.
Biglang magliliwanag ang mukha ni Jhonny. Totoo inay, itay! Para akong naglalakad sa
ibabaw ng ulap. Isang stick lang, nasa akin na ang pabor ng langit!
Kikilos na tila sinasampal si Jhonny. Namimilipit , umuungol.
Pagpapahalaga at pag-aaruga, wala sa mga magulang mo! Damba ng mga anino habang
umuungol si Jhonny. Hanapin mo ‘yan sa barkada at sa bawal na gamot! At maihahalintulad ka
sa mga barkada mo! Baliw! Baliw! Baliw!
Biglang tumawa si Jhonny. O, boy, may joints ba iyan? Sindihan mo na kaibigan! Isang
blow pa para sa akin. Akina! Dito na oh! Wow, fifty-fifty, kosa! Oo, ako ang bahala sa inyo. May
iskor ba riyan , Drigo? Ano? Kontakin mo si Kardong Aswang!
Biglang magiging tila hilo si Jhonny.
Ang tahanang tila nanunubok, padambang bigkas ng mga anino. Saan ba galing ang
kasamaan at katigasan ng ulo ko? Ang kinagisnan ko, ano ang katapat ng panghihinayang sa poder
ng bahay na magulo ay pabaya?
Mag-iiba ang hitsura ni Jhonny. Kawangis ako ng isang lumilipad na nakikita sa
makukulay na pangarap.
Habang binibigkas ng parang lasing na si Jhonny ang mga ito, kita ang mga slides o
pelikula na nasa loob ng telon ang mga magagandang palabas na tulad ng mga lumilipad na ibon
sa kalawakan, kagubatan, tahimik na alon sa dagat at ng mga magkakahawak-kamay na bundok.
Ilipad mo ako lampas-ulap. Sigaw ni Jhonny na puno ng saya. Dalhin moa ko sa kandungan
ng langit na maaabot! Wow, ayos! Isa ankong kali na lumilipad ng malayo sa kalawakan! Kali!
Kali! Isa akong Kali!
Tuntong si Jhonny sa isa sa mga mataas na khon at tila lumilipad na kaling tatalon.
Tutumba si Jhonny, parang kali na nabali ang pakpak, nasaktan, namimilipit sanhi ng matinding
kirot.
Sa pagbagsak ni Jhonny, bigla namang magpapalit ang hitsura ng mga slides o pelikula sa
telon ng mga nakalbong bundok. Maruming ilog at dagat, mga patpating bata, nalalangaw nab
asura, mga lalaking nag-iinuman na tadtad ng tattoo ang katawan.
Ayoko na! ayoko na! sigaw ni Jhonny na namimilipit pa rin sa kalsada. Papaluin na naman
ako ng tatay ko! Pagagalitan na naman ako ng nanay ko. Huwag!
Sumisigaw si Jhonny. Lalapitan ng mga anino. hahawakan nila ang magkabilang braso
niya. Matutumba ngunit bibitbitin ng mga anino. mamamatay ang mga slides o pelikula sa telon.
Sa pagkabata at murang-isip mo, Jhonny Panganiban, sasabihin nang malakas ng isa sa
mga anino, pinagsisisihan ng mga magulang mo ang mga pagkakamali’t pagkukulang nilang di na
mabilang. Ang kahihiyang gusto nilang takpan ng dilim, naging parusa para sa’yo.
Biglang magiging estatwa sina Jhonny at mga anino. walang gumagalaw.
Bubukas ang kulay-asul na liwanag ng telon. Maaaninag ang mga anino sa likod ng telon
na tulad ng posisyon nina Juan at ang mga aninong kasama niya.
Sa mga maaaninag, tila nais nilang ipamalas ang isang ritwal ng mga adik. Ano mang galaw
nina Jhonny at ng mga anino, siya ring galaw ng mga naaaninag sa likod ng telon.
Ipinapakita ng mga naaaninag ang pag-inom sa mga bawal na gamot, pag-indyeksiyon ng
mga ito, pagsinghot ng gamot, paggamit ng shabu.
Pagkaraan ng ilang sandali, makikita sa knila ang pagpasok ng isang babae sa sumasayaw
ng nakakaakit. Lalapitan ito ng mga lalaki. Gagalaw na parang gusto nilang lamasin ang babae.
Magugulat ang mga naaaninag sa pagkakitang may hawak ng baril ang humihiwalay na
anino.
Biglang maririnig ang outok ng baril.
Kasabay ng pagputok, magkukulay-dugo ang ilaw sa kapaligiran. Siisgaw ang babae.
Dahan-dahang tutumba ang lalaking nabaril. Sisigaw. Uli ang babae.
Gagalaw si Jhonny sa tulad ng naaaninag. Sa ikalawang pagsigaw ng babae, parang
maaalimpungatang gagalaw si Jhonny, iiyak at sisigaw, Santaaaaaaa!
Sa pagsigaw ni Jhonny, mamamatay ang ilaw sa likod ng loob ng telon. Gagalaw ang mga
anino, babalik sa posisyong hawak nila ang magkabilang braso ni Jhonny.
Nang magliwang ang lahat, napatay ko na sila, sabi ni Jhonny na lumuluha. Lahat sila, wala
akong itinirang buhay. Pinatay ko ang mga lumamas sa kaptid ko. Umiyak ako nang makita kong
wala nang hininga si Santa. Santaaaa! Sigaw niya.
Pagkatapos, humarap si Jhonny. Tumalim ang mga mata niya. Bakit niyo ako tinititigan?
Bigkas niya. Bakit? Dahil isa akong adik-adik, akala niyo di ko kayang gawin ang katungkulang
pinabayaan at di ginampanan ng mga magulang ko? Sino pa ang magpapahalaga sa aming
magkapatid?kundi kami rin? Kami ni Santa, nahulog sa kumunoy ng kasawiang palad dahil sa
kapabayaan. Walang masamang anak kung matino at mapagmahal ang mga magulang. Huwag
niyo akong husgahan! Pakiusap niya. Naging ganito ako nang di ko ginusto. Huwag niyo akong
sisihin pagkat kayo man, kayo ang dapat masisi kung pabaya kayo sa mga anak niyo. Di niyo sila
iniligtas sa mga tukso ng kapaligiran nila. Huwag niyo akong usigin pagkat tila matutunaw ako sa
labis na kahihiyan. Hindi itoang daot kong kinalabasan. Dati, isa akong aktibo, malusog na bata.
Isa akong dating miyembro ng matiwasay na lipuan. Huwag niyo akong pintasan dahil sa kahinaan
ko, marupok ako. Mahina ako sa mga pang-akit at tukso sa marijuana, koreks, shabu. Sa kabila
niyan, tulungan ninyo ako. Huwag ninyong ipagkait ang mga palad niyo. Ipagkaloob niyo sa akin
ang mga ‘yan sapagkat nalulunod na ako!
Magiging Malabo ang ilaw. Maipapakita ng mga slides o pelikula sa telon ang iba’t ibang
anggulo o aspeto ng drug addiction.
Samantala, ipapakita nila Jhonny at ng mga anino ang madalas mangyari sa mga adik pag
may tama sila. Mapupuno ang paligid ng halinghing, atungal at iba’t ibang pag-ungol.
Biglang mamamatay ang ilaw. Susunod ang karaniwang liwanag na tatapat kina Jhonny at
sa mga anino.
Umaga na! sabi ng isa sa mga anino. umaga na. gising na kayo!
Gagalw ang mga anino. magmamartsa sila. Maghihilamos sila. Magmumumog sila. Kakain
sila. Magsesepilyo sila. Pagkatapos, magmamartsa sila.
Manahimik kayo!
Tatayo sila Jhonny, Ismael at Nick, ganoon din ang mga kasama nilang anino. di lang
gumagalaw.
Maririnig ang tatlong tunog ng pukpok ng malyeteng hukom.
Pumasok ang tatlong hukom na nakaroba. May hawak na tig-isang folder.
Binuklat ng unang hukom ang hawak na folder. Ismael Dimasupil! Tawag niya.
Humiwalay si Ismael sa lugar ng mga anino. ano ito? Tanong niya, palalayain na ba tayo?
O, ikukulong tayo sa mas masikip pang bilog na mundo? A, may bilog na mundo ang sino mang
nahatulang miyembro ng samahan!
Maririnig ang tatlong pukpok ng malyete. Bubuklatin ng pangalawang hukom ang folder
na hawak nito.
Juan Panganiban!
Ako po si Jhonny Panganiban, bigkas ni Jhonny. Kapangalan ko ang ama ni Lam-ang na
si Juan Panganiban. Sa Kabila ng kaalaman ng lahat, may apelyido rin si Lam-ang…
Hihinto si Jhonny. Di niya maituloy ang nasi niyang sabihin.
Tinitigan ng mga hukom. Sa ikalawang pagkakataon, tatawagin ng ikalawnag hukom. Juan
Panganiban!
Ako po si Jhonny Panganiban, uulitin ni Jhonny. Kapangalan ko ang ama ni Lam-ang na
si Juan Panganiban. Sa Kabila ng kaalaman ng lahat, may apelyido rin si Lam-ang. Panganiban .
pagmumulan ng maraming kapangyarihan at anting-anting. Nakapatay ako…
Di na uli maituloy ni Jhonny ang nais sabihin. Tititigan muli ng mga hukom.
Magbubulungan ang mga anino.
Muling maririnig ang tatlong pukpok ng malyete. Sa ikatlo at huling pagkakataon,
ultimatum ng pangalawang hukom. Juan Panganiban!
Ako po si Juan Panganiban, sabi ni jhonny. Kapangalan ko ang am ani Lam-ang sa si Juan
Panganiban. Sa kabila ng kaalaman ng lahat, may apelyido rin si Lam-ang. Nakapatay ako dahil
sa pagpapahalaga at pag-aalaga sa isang pangarap.
Gumaralgal ang tinig ni Jhonny. Napatungo, itinakip ang mga palad sa mukha.
Maririnig ang tatlong pukpok ng malyete.
Bubuklatin ng pangatlong hukom ang folder na hawak nito, Nicolas Agcabus!
Humiwalay si Nick mula sa mga anino. lalapitan niya si Jhonny.
Ako si Nicolas Agcabus, sabi ni Nick. Ngunit ikaw, ikaw si Jhonny Panganiban. Nakapatay
ka dahil sa pagprotekta sa isang pangarap na sinira ng mga malulupit na hayop sa lungsod!
Inilagay ni Nick ang isang palad sa balikat ni Jhonny.
Ikaw si Jhonny Panganiban, ipinagpatuloy ni Nick. Pinagsisikapan mong makalaya sa
bilog na mundo upang makalipad sa mga gula-gulanit na kasiyahang ipinaglihi ng isang panaginip
na naging tila abong tinunaw ng mapanirang ____.
Lumuluha si Jhonny, niyakap si Nick. Tinapik-tapik ni Nick ang likod niya. Tamalon at
pumapalakpak ang mga anino.
Maririnig ang tatlong pukpok ng malyete. Mamamatay ang mga ilaw maliban ang nasa
gitna. Haharap si Jhonny.
Kalayaan? Ibig bang sabihin niyan ang paglabas ko rito sa bilog na mundo ng rehab?
Ngunit kung lalabas ako, sino ang babalikan ko? Ang mga magulang ko? Mahigit dalawang taon
ako rito sa rehab, dalawang taon ding tiniis nila ako. Maski anino lang sana nila, di ko Nakita.
Sino ang alam niyong tatanggap sa akin sa labas, ako na may rekord na criminal. Dito ang mundo
ko. Hawla ‘yan , sabihin niyo. Bilog na hawla. Ngunit ako ‘yung ibon na maski pakawalan mo,
babalik sa hawla pagsapit ng dilim at ang sinasabi niyong labas? Bilog din ‘yan na walang rehas!
Magliliwanag. Magmamartsa ang mga naino. Pagkaraa’y babalik sa puwesto nila tulad ng
dati. Didilim tapos magkukulay-asul ang paligid. Maririnig ang banayad na musika.
Ako po si Jhonny Panganiban. Kapangalan ko ang am ani Lam-ang na si Juan Panganiban.
Oo, sa kabila ng kaalaman ng lahat. May apelyido rin si Lam-ang. Panganiban. Pagmumulan ng
maraming kapangyarihan ang anting-anting. Nakapatay ako dahil sa pagpapahalaga at pagprotekta
sa isang pangarap na sinira ng malulupit na hayop sa lungsod…
Dahan-dahang magdidilim, kasabay ng paghina hanggang sa di na marinig ang banayad na
musika.
SUGAT NA DIBDIB NG LUPA
Ni Rogelio A. Aquino

Bumilis ang mga hakbang ni Elias, 23, nang matanaw niya ang nag-iisang puno ng nara sa
tabi bulaos. Tanghaling-tapat na. Sumilong siya sa puno. Huminga siya ng malalim at ibinaba ang
patig sa namimitig na ring balikat. Inalis ang natitira pang pagkakabutones ng kamisadentrong
tigmak na rin ng pawis. Ipinaypay ang gora sa mainit na katawan at pagkuwa’y isinuklay ang
kamay sa basa na ring buhok. Hinipan ang maskuladong dibdib.
Naupo siya pagkaraan sa nakatikwas na ugat ng puno. Sumisipol siya habang lumilinga sa
paligid. Tuyo na ang mga dayami sa mga bitak-bitak nang palayan. Sa dulo nito sa silangan, tila
nakaguhit ang tumpok ng mga talahib at tanubong sa gilid ng sapa.
Pagkuwa’y ipinagpag ang alikabok sa pantalong maong. Itinukod ang kamay sa lupa.
Maligasgas at mamula-mula ito.
Naisip niya ang burol na bahagi ng kanilang lupa. May punso roon. Na kinatatakutan niya
noong siya’y bata pa; dito raw nananahan ang mga lamang-lupa. Subalit wika noon ng kanyang
ama, si Tala Isaac: Diyan nagmumula ang lakas ng kalikasan. Ngayon, siya’y binata na. Hindi
niya natanto kung maniniwala rin siya sa ganoong paniniwala ng ama. Ikalawang baiting lamang
daw ang natapos nito sa pag-aaral sa elementary. Mas ginusto pang maging magsasaka.
Tumayo siya sabay dampot sa patig na bag. Sinalat niya ang nakaumbok at matigas na
bagay sa bag: ang kanyang baril. Pagkuwa’y tumingin sa dakong kanluran sa pook ng kanyang
Tiyo Hobono. Hindi siya tutuloy roon.
Ilang sandali pa’y binagtas na niya ang bulaos na pagsilangan. Sa kanilang pook nina Tata
Ananias.
“Akala nami’y isa ka na sa mga namatay nang lusubin ng mga rebelled ang kampo n’yo,
Elias,” ani Tata Ananias na nagagalak.
“Awa po naman ng Diyos, nakaligtas ako, Tata,” pakli niya. Nilingon ang luma na nilang
bahay sa kalapit. At umantak na naman ang kirot. Masidhi. Naramdaman niyang nag-init ang
kanyang mga mata. Pinigil niya ang pamumuo ng luha. A, hindi siya luluha. “Wala na si Tatang…”
May bikig sa kanyang lalamunan.
“Mula nang mapabalitang nilusob kayo, tila mandin nawalan na ng gana pang mabuhay
ang Tatang mo,” dagdag ni Nana Laling. “Wala kaming alam na sakit niya. Inaaliw naming siya
noon at sinasabing kung may nangyari nga sa ‘yo sana’y may abiso na sa kanya. Ngunit hindi siya
naniwala.”
“Nagpadala rin ako ng telegram sa inyong batalyon.” Muli, si Tata Ananias. “Pero wala ka
man lang sagot.”
“Sinamahan namin siya nang gabing iyon dahil masakit daw ang dibdib,” agad ni Nana
Laling. “Ngunit bago mamatay, nabanggit niyang kinuha raw sa kanya ang iyong Tiyo Hobono
ang mga papeles ng lupa n’yo, tulad ng nabanggit sa sulat sa ‘yo ng Tata Ananias mo.”
“Natanggap mo ba ang sulat ko o ‘yong telegram?”
“Natanggap ho, pero huli na. Kahigpitan noon ng pagsalakay namin sa kuta ng mga
rebelled.” Huminga siya nang malalim. “Di naroroon pa kay Tiyo Hobono ang mga papeles, Tata?”
Tumango si Tata Ananias. “Mula nga noong nabalita na kayo’y nilusob ng mga rebelled,
ladi na lang dinadalaw noon si Hobono ang Tatang mo. Sinasabing hindi na nila natagpuan ang
bangkay mo. Dahil wala ka ngang sulat. Doon na nagsimulang maging tila tulala ang Tatay mo.”
“Pitong ektaryang lahat ang lupa n’yo, Elia,” si Nana Laling. “Kasama na rin ang burol.
Balita nga naming e paaalisin na rin kami ni Hobono rito pati ang bahay n’yo ay ipinagbibili.”
Napatiim-bagang si Elias. “Sana’y hindi niya pinag-intresan ang papeles ng lupa. Wala
siyang karapatan. At sana’y hinintay ako. Hindi naman ako patay, a?” at muli, nilingon niya ang
kanilang bahay. Luma na ngunit damdam niya’y matibay pa ito kahit ilang bagyo pa ang dumaan.
Mga primerang klase ng kahoy ang haligi, sahig, at iba pang bahagi nito. Dalawang palapag.
“Ano ang binabalak mo ngayon?” si Tata Ananias.
Muling huminga nang malalim si Elias. “Kakausapin ko ang Tiyo Hobono. Gusto ko lang
na ibalik niya ang nararapat sa akin.”
“Huwag ka sanang maging marahas,” may pag-aalala ang tinig ni Tata Ananias. “May mga
tauhan ang tiyong mo.”
Tumukoy si Elias sa sementeryo. Sa libingan ng kanyang ama, umusal siya ng maikling
dasal. Tuyot na ang dahong-halaman sa koronang nakasandal sa kahoy na krus. Yumuko siya’t
dumapot ng tigang na ring butil ng lupa sa ibabaw ng libingan. Dinurog ito sa kamay. Napapailing.
Hamak na libingan, usal niya. Hindi na niya masisisi ang sarili sa hindi niya pagkakauwi
noong ilibing ang ama. Mayroon siyang tungkulin sa bayan at kailangan tuparin niya ito.
Maluwag ang bakurang kinatitirikan ng bahay na may dalawang palapag. Mataas ang
bakod na napapalibutan ng alambreng may tinik. Kakaiba ang pagkakatayo nito sa iba na meron
pa mandin sentinel sa kulumpon ng mga bahay-bahay na naatipan ng kugon o kalawanging yero.
Na ang iba’y giray na. A, umaasenso na ang kanyang tiyuhin na galing sa pinagpawisan ng iba!.
Isang katulong ang nagbukas ng pintuang bakal. Nagpakilala si Elias. Pinapasok siya.
Nakita niyang ang nagkakape sa mababang beranda ang kanyang Tiyo Hobono. May
kausap na dalawang matitipunong lalaki. Mukhang malakas pa ang kanyang tiyo sa edad nitong
mahigit na animnapu. Lumayo sa matanda ang dalawang lalaki nang magbigay-galang si Elias.
Magkasalubong ng mga kilay ni Tiyo Hobono na tumitig sa kanya. Hinawakan ang makinis
na basting laniti kapagkuwan. “Akala ko’y patay ka na!” gulat na sabi nito. Namumula ang tangos
ng ilong. Tila tumatagos kay Elias ang talim ng mga matang mangasul-ngasul.
“Naparito ako, Tiyong, tungkol sa papeles ng lupa,” wika ni Elias sa mababang tinig.
Dumampot ng tinapay si Tiyo Hobono. Kinagat at sinundan ng tungga ng laman ng tasa.
Muling tinitigan si Elias. Hinawakan na naman ang baston na kanina’y ipinatong sa pandak na
mesa. “Dadalawa kaming magkapatid ni Isaac,” aniya sa mataas na tono.
“Ngunit anak po ako ng kapatid n’yo,” tila nag-painit ang pakiramdam ni Elias.
“Punyeta! Pamana, ‘ka mo? Wala kang karapatan! Ipinagkatiwala ni Isaac ang lupa niya
sa akin. Mayroon siyang pinirmahan!” tumunog sa baldosa ang baston.
“Buhay pa ako, Tiyong. May karapatan ako sa papeles.”
Matunog ang halakhak ng matanda. “Wala kang mapapala. Nasaan ka nang mamatay si
Isaac? Sino ang nagpalibing? Lahat, ako’ng gumasta. Huwag mo akong patawanin, loko! Kung
tutuusin, ikaw pa ang may utang sa akin. Dapat lamang nakumabig ako. Kinuha ko ang papeles.
Kung gusto mo, tubusin mo ang gusto kong halaga!”
Nakuyom si Elias ang palad. Ang ugaling ito ng tiyuhin ang iniiwasan niya kahit noong
bata pa siya. Malayo ang kanyang damdamin, kahit sa kanyang mga pinsan ditto.
“Hindi ako namamalimos, tiyong.” Aniya sa mahaba pa ring tinig. “ngunit para sa akin ang
lupa…”
Lalong lumakas ang halakhak ng matanda. Nayugyog ang mga balikay. “Isipin mo,
magkapatid lamang kami sa ina ni Isaac!” at idinuro ang baston kay Elias. “Wala kang mamanahin
dahil ang ama ko ang nagpundar sa mga sinabi mo. Huwag mon ang igiit ang kabalatugang ‘yan!”
Tumayo.
“Alam ko naming man rin ng Tatang ang lupa sa Lola,” agad ni Elias. “ang para sa akin
ang hinahanap ko.”
“Nasabi ko na, wala kan karapatan. Kahit saan tayo makarating!” humigit ang hawak ng
matanda sa baston. “naibigay ko na sa aking abogado, kay Atorni Sales, ang papeles. Kahit
puntahan mo siya.”
“Maliwanag na mana ko ‘yon Tiyong,” muling huminga nang malalim si Elias upang
pigilin ang naglalatang na damdamin. “kung ipinagkaiwala man ni Tatang ang papeles, wala ka pa
ring karapatang angkinin ito. Hahanapin ko ‘yan.
“Punyeta tinatakot mo ako?” muling itinuro ang baston kay Elias. Lumingon sa dalawang
lalaki nang mapansin akmang lalapit sa kanila. “ Huwag niyo kaming pakikialaman.” Umatras ang
dalawa. Muling tumuon ang mga mata kay Elias. “kahit ano ang ranggo mo, ‘di ako tako!”
Umikilkil sa utak ni Elias sa labanan, kailangan mong malaman ang kakayahan ng kalaban
mo. Alamin mo rin ang kanyang kahinaan. “ano ba talaga ang balak mo, Tiyong?” aniya
kapagdaka.
“Layas na!” iknumpas ng matanda ang baston. “baka gusto pang ihagis ka ng tauhan ko sa
labas!”
Tiim-bagang na marahang tumalikod si Elias at tinungo ang tarangkahang bakal.
Pinuntahan niya si Atty. Sales. Sinabi ng abogado na wala nang magagawa ang binate dahil
pirmado raw ni tata Isaac ang dokumentong nagsasaad na itinalaga na niya ang papeles ng lupa
kay Tiyo Hobono.
“Peke ang nilalaman ng dokumentong sinasabi mo, Atorni,” ani Elias na bahagyang tumaas
ang tinig.
“Huwag kang magsasalita ng ganyan,” palki ni Atty. Sales. “Baka makapagsalita ka pa ng
laban di sa’yo”
Umalis si Elias a mabigat ang dibdib. Nang makalabas siya sa bakuran ng manananggol,
napansin niya ang dalawang tauhan ng tiyuhin sa kalapit ng ponda. Naisip niya, ibig siyang takutin
ng amain. Naisip din niyang siya’y sundalo at madali lamang na palabasin na siya’y iniligpit ng
mga taong-labas. Sinalat niya ang baril sa baywang. Nagpatuloy sa paglalakad. Napansin niyang
sinundan siya ng dalawa. Nang makarating siya sa magkakrus ng landas, tumigil siya. Hinintay
niya ang mga ito. Ngunit tumigil din ang mga ito sa di kalayuan. Dagli, binunot niya ang kanyang
kalibre .45 at ikinasa.
“kung gusto n’yo akong takutin, sumige lang kayo!” sigaw niya. “sabihin n’yo kay Tiyong,
sa tamang paraan lamang ako!”
Mabilis na tumalikd ang dalawa.
Hatinggabi na’y gising pa rin si Elias. Hindi mawaglit sa isip niya ang kanyang Tiyo
Hobono. Ang problema nilang dalawa.
Bigla ang ihip ng malamig na hangin. Tila nanginginig ang tunog ng bukas na bintanang
kapis. Nagliwanag ang kanyang higaan sa magkasunod na kulog at kidlat. Sumunod ang tikatik na
patak sa yerong atip. Bumangon si Elias. Tiningo ang bintana. Tumingala. Madilim ang kalangitan.
Kapagkuwa’y sunod-sunod na ang buhos ng ulan. Ulan sa pagtatapos ng tag-araw, asul
niya. Abiso ng pagdating ng tag-ulan. Umalimbukayb kapagdaka ang alimuon na nagmumula sa
dibdib ng lupa sa pagkakatigmak ng alikabok. At sumalibay ang kokak ng mga palaka sa paligid.
Dahan-dahan niyang isinara ang bintana.
Maaga siyang nagbangaon kahit masakit ang kanyang ulo sa hindi pagkakatulog nang
nagdaang gabi. Iniawang ang bintana. Umaambon pa rin sa labas.
Lumapit siya kina Tata Ananias. Naratnan niyang nagluluto ng agahan si Nana Laling.
Itinanong niya si Tata Aninias.
Lilinisin daw ang tumama sa burol,” sagot ng matandang babae. “aniya’y nagkalakas-loob
daw sa pagdating mo. Sige magkape ka muna. Kailan ka ba babalik sa destino mo?”
“Dalawang lingo ang pases ko. Nana pero puwede ko pang patagalin” tugon niya. “Alam
ng aking commanding officer ang problema ko. Ipinabasa ko noon sa kanya ang sulat n’yo. Iniisip
ko ngang umalis na sa hukbo pag nalutas ang problema naming ni Tiyong.”
“Sana naman, maliwanagan na ang isip ng tiyuhin mo,” ani Nana Laling. “Teka , bago ka
dumating noon, nagpunta siya rito. Doon naming nalaman na balak nga niyang ipagbili ang bahay
n’yo.”
Napailing si Elias. Inubos ang kanyang kape. Nagpaalam. “susundan ko sa burol ang tata,
Nana,” Aniya.
Nakayapak siyang nanaog. Dumikit ang makpal na putik sa kanyang mga paa. Tila mandin
may kakaibang damdaming lumukob sa kanya , parang lalo siyang lumakas.
Kahit na magdamag na umulan, napansin niyang nakanganga pa rin ang mga bitak sa mga
tigang na palayan.
Natatanaw na niya ang burol. Parang nakikita na naman niya ang kanyang amang
nagsusunog ng mga tinabas at pinatuyong talahib at kugon sa mga pilapil. A, subalit si Tata
Ananias ang naririyan ngayon at nakatingin din sa kanya na maluwag ang pagkakangiti. Sa
bandang itaas ng burol, naroroon pa rin ang punso. Animo’y munting kahariang luwad na
nakatunghay sa mga palayan sa ibaba. Nangingibabaw ang kulay tsokolate nito sa nakapaligid sa
sunog at mamula-mulang lupa.
“nagbakasakaling na akong maglinis, Elias,” salubong ni tata Ananias.
“Okey lang ho,” palki ng binate. Matamang tiningnan ang matanda. “Alam n’yo, mayroon
akong nawari kagabi. Nang magpunta ako sa battalion headquarters naming bago ako umuwi rito,
nasabi roon ang tungkol sa mga magkakasunod na telegrama na nagtatanong kung ako raw ay
namatay nga sa paglusob ng mga rebelde sa aming detachment. Dahil nag sa lasipikado ang misyon
naming kontra-salakay, negatibo namanang isinagot daw ng himpilan. Hindi ko na rin inalam kung
sino ang nagpapadala ng mga telegrama, dahil ibig ko nang makauwi. Ngayon, talos ko na. ang
tiyo Hobono ang may kagagawan. Talagang inaalam niya kung patay na nga ako. “humihinga siya
nang malalim. “inisahan niya ang Tatang.”
Napailing din si Tata Ananias, habang ang binate nama’y nadako ang tingin sa punso.
“Tila lumaki at tumaas ang punso, Tata?” aniya
“Yan ang mahigpit naipinagbabawal noon ni Isaac; huwag ko raw papuksain.”
Iginalang muli ni Elias ang paningin sa mga tinabas na matanda “nakarami pa pala…”
“huwag kang mag-alala, tata, bahagi pa rin ito ng mga mana ko.”
Itinuro ng matanda ang hangganan ng lupa ni Elias mula sa kinaroroonan nila: mga palayan
itong pasilangan na hinahati ng sapang humahanga s alibis ng bundok sa dako pa roon.
Tinulungan na rin ni Elias ang matanda sa paglabas ng kugon, talahib, at iba pang mga
nagtataasang damo. Pagkaraan nito’y inakyat niya ang kinaroroonan ng punso. Patay-pusod niya.
Nalingon niya ang pinakamalapit na pinutol na punongkahoy. Tuyo na ito at napansin niya ang
mahabang linyang kulay-tsokolateng nakabalatay sa kahabaan nito. Bumalik siya kay Tata
Aninias.
“Elias!”
Napalingon sila sa pinanggalingan ng galit na tinig. Si Tiyo Hobono! Kasama ang
dalawang tauhan. Papaakyat na sila sa burol.
Nakatingin sina Elias at tata Ananias. Mababakas sa mukha ng matanda ang matinding
takot. Tumayo sila.
Nagmamadali ang pag-akyat ng nakabastong si Tiyo Hobono. Kasunod ang mga tauhan.
“Punyeta, sino’ng nagsabi sen’yong linisin at araruhin ito?” nanggagalaiting si Tiyo
Hobono na idinuro ang baston sa kanila nang makalapit.
“pati ba naman itong burol ay aangkinin mo pa rin, Tiyong?” mababa ngunit tuwid ang
tinig ni Elias.
“Bahagi ito ng ipinagkatiwala ni Isaac! Nasabi ko na sa’yo, wala kang karapatang
angkinin!” nilingon ang mga tauhan sa kanyang likuran.
“Huwag mo akong takutin, Tiyong…”
Nagsalubong ang kanilang mga mata: may tila baga sa matanda; nanatiling kalmado si
Elias.
“Hindi ko malaman kung Bakit gusto mong mawala s akin ang mana ko, Tiyong.”
“Sa ama ko nanggaling ang mga ito! At hindi kay Isaac. Ang ama ko ang naghirap. Wala
na si Isaac. Patay na rin. At hanggang doon na lamang ang sa kanya. Wala kang karapatang
magmana dahil wala kang pagod ditto!” namaywang ang matanda.
“Dugo mo pa rin ako, Tiyong. Bahagi pa rin ako ng lahi niyo. Hindi mo maitatatwa ‘yan.”
“Punyeta, huwag mo akong sagutin ng puro kalokohan. Tingnan mo ang balat mo!” at
idinuro na naman ang hawak na baston.
Naging mailap ang mga mata ni Elias. Tila balak lumapit ng mga tauhan ng tiyuhin. Naisip
niya kaya niyang talunin ang sukong kinalalagyan ng kanyang baril bago sila makalapit. “Alam
n’yo may batas tayo riyan Tiyong,” aniya pa ring kalmado. “ngunit makasarili kayo.”
Sa isang iglap, itinaas ni Tiyo Hobono ang kanyang baston; magkakasunod na hataw at
utos ang ginawa sa binate. Na nailagan naman ito. Tila huramendota na ang matanda.
Umatras nang umatras si Elias na panay ang ilag. Hanggang mapadako at masukol siya sa
punso. Nariyan na naman ang ahataw ng baston. Mabilis niyan sinalo ang kamay ng tiyuhin at
hinila. Subasob si Tiyo Hobono sa punso!
Dali-daling dinampot ni Elias ang batson at iniumang sa tiyuhin, habang nakatingin sa mga
tauhan ng matanda na anyong susugod. Huli na kung tatalunin niya ang sakong kinalalagyan ng
Baril. “mamamatay tayong lahat pagkumilos kayo!” banta niya sa mga tauhang akmang bubunot
ng baril sa baywang.
“Elias maghunos dili ka, anak!” sigaw-pakiusap ni Tata Ananias. “Amain mo pa rin siya!”
Huminga nang malalim si Elias ngunit hindi inalis ang pagkakatingin sa tiyuhin at mga
tauhan.
Napilit bumangon ang matanda. Puno ng lupa ang mukha at humahagok. Anyong
tutulungan ito ng mga tauhan nang ito ay makatihaya.
“Bayaan niyo ako! Sigaw sa mga ito at itinukod ang mga kamay upang makabangon.
Humugos ang natibag na punso sa katawan. Nakita ni Elias ang sumama ang hugos: mga anay!
“akin na ang baston ko!” anang matanda sa pagitan ng mga paghamok.
Bigla, dinampot ni Elias ang kanyang itak. Humigpit ang hawak niya sa baston. Tinitigan
ang amain.
“Itinaya ko na ang buhay ko sa lupang sinilangan,” aniya sa matigas na tinig. “pati sa rin
ditto sa mga mana kong Lupa. Nilinlang mo ang tatang. Gusto mo ring gawin ito sa akin. Ngunit
nagkamali ka. Handa akong ipaglaban ang karapatang iyan. Kahit saan tayo makarating.” At
itinasaas ang itak ng baston. At sunod-sunod na inundayan ng taga ang baston. Mandi’y ditto
ibinuhos ang umaalimpuyong galit. Umilindang ang mga pira-pirasong bahagi ng baston. At ang
natitirang kapiraso’y buong lakas na ibinato sa natibag na punso.
“Sige Tiyong, gawin mo na ang gusto mo. Nakahanda ako!” nakataas pa rin ang itak.
Painut-inot tumayo si Tiyo Hobono. Nang makatayo’y nagpauna nang lumakad, nakayuko
at paisa-isa ang mga hakbang palusong sa burol. Kasunod ang mga tauhang parang mga asong
bahag ang buntot.

---isinalin ng may-akda

You might also like