Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mantiquil Masaligan High School

Mantiquil, Siaton, Negros Oriental


Unang Markahan sa Araling Panlipunan III

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipi-
lian. Titik lamang ng wastong sagot ang iyong isulat sa sagutang papel.

1. Isa sa mga limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa


daigdig.
A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

2. Ang tanging kontinenting hindi natirhan ng tao.


A. Asia B. South America C. Europe D. Antarctica

3. Ito ay ang mahalagang gawain ng tao na nagtulak sa kanya upang manirahan ng perma-
nente sa iisang lugar.
A. paghahayupan B. paghahabi C. pangangaso D. pagsasaka

4. Sa kasalukuyan, ang tao ay nagsusuot ng makapal na damit bilang pananggalang sa


taglamig. Sa tag-init naman, gumagamit sila ng bentilador at pamaypay. Mabubuod sa
sa talata na
A. Ang klima ay nagdudulot ng kasaganaan
B. Ang pagbabago ng klima ay minsan lang naganap
C. Ang klima ay sangkap ng kapaligiran
D. Ang pagpapalit ng klima ay nakaapekto sa buhay ng tao

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng mga relihiyon noon sa mga
pangunahing relihiyon sa kasalukuyan?
A. May sinasambang diyos ang kasalukuyang mga relihiyon
B. Walang pagkakaiba ang mga relihiyon noon at sa kasalukuyan
C. Mas organisado ang mga doktrina o aral ng malalaking relihiyon sa kasalukuyan
D. Walang sinusunod na mga tradisyon ang mga sinaunang relihiyon

6. Panahon ng kasaysayan ng daigdig kung kailan naganap ang rebolusyong agrikultural


o sistemang pagtatanim.
A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Metal D. Paleolitiko

7. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Greenland?


A. Tropikal na klima B. Nakararanas ng apat na klima
C. Buong taon na nag-iinit D. Maladisyertong init

8. Bakit napalitan ng agrikultura ang pangangaso bilang paraan ng pagkuha ng pagkain


ng mga tao noong panahong Neolitiko?
A. Mas mahirap ang pangangaso kaysa pagtatanim
B. Nagkaroon ng palagiang suplay ng pagkain ang mga tao
C. Naging kaunti ang mga hayop na ginawang pagkain ng mga tao.
D. Mas nasiyahan ang mga tao na kumain ng mga prutas at gulay sa halip na karne

9. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Egyptian?


A. feng shui, Ramayana, halaga ng pi, hieroglyphics
B. ziggurat, code of Hammurabi, pyramid, sexagesimal system
C. Epic of Gilgamesh, sewerage system, Hinduism, Great Wall
D. Hieroglyphics, mummification, pyramid, kalendaryong may 365 araw

10. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog


A. Mesopotamia B. China C. Indus D. Egypt

11. Ang kabihasnang kinikilala sa pagkakaroon ng unang urban o city planning o pagpa-
planong panlungsod.
A. China B. Indus C. Egypt D. Mesopotamia

12. Ano ang pinakamalapit na kongklusyon sa pahayag na karaniwang umunlad sa mga


lambak-ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Nakasanayan ng mga sinaunang tao na manirahan malapit sa ilog
B. Malaki ang pakinabang ng ilog upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang
mga sinaunang tao
C. Hindi lahat ng mga sinaunang kabihasnan ay umunlad sa mga lambak-ilog
D. Maraming dayuhan ang naghangad na sakupin at makontrol ang mga lupain
13. Bakit mahalaga ang wika sa kultura ng tao?
A. Ito ang batayan ng mga relihiyon ng tao.
B. Ito lamang ang batayan ng kultura ng tao.
C. Ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng mga tao.
D. Ito ang pinakamahalagang element ng kultura ng tao.

14. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na sitwasyong nagpapakita ng kahalaga-


han ng metal sa mga tao sa kasalukuyan?
A. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng mga metal.
B. Lahat ng kagamitan ng tao sa kasalukuyan ay gawa sa mga metal.
C. Ang mga metal ang naging dahilan para lumago ang sector ng kalakalan ng bansa.
D. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga impraestruktura tulad ng
gusali.
15. Bakit tinatawag na able man o handy man ang Homo habilis?
A. dahil nakapaglalakad na ito ng tuwid
B. dahil may katangian na itong lumikha ng kagamitang bato
C. dahil ito ay may nakakaalam na
D. dahil it ay may kakayahan nang magsaka

16. Ano ang tawag sa pag-aaral ng kapaligirang pisikal ng ibabaw ng mundo?


A. globo B. mapa C. equator D. heograpiya

17. Ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at


Timog.
A. Meridian B. Parallel C. Ekwador D. Longhitod

18. Ano ang tawag sa paliwanag sa anumang bagay, proseso, o pangyayari?


A. paniniwala B. kultura C. teorya D. kabihasnan

19. Ano ang tawag sa panahon ng matandang bato?


A. Paleolitiko B. Neolitiko C. Asia Minor D. New Age

20. Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.


A. Lugar B. lokasyon C. rehiyon D. paggalaw

21. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural.


A. Interaksiyon ng tao B. paggalaw C. rehiyon D. lugar

22. Paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito
ang paglipat ng mga bagay at lika na pangyayari; tulad ng hangin at ulan.
A. Paggalaw B. interaksiyon ng tao at kapaligiran
C. klima D. kabihasnan

23. Matigas at mabatong bahagi ng daigdig. Umaabot ang kapal nito 30-65 kilometro palalim
mula sa mga kontenente.
A. Mantle B. plate C. core D. crust

24. Kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon sa matagal na panahon.


A. klima B. latitude C. hemisphere D. tropic of cancer

25. Pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.


A. isla B. kontenente C. Panthalasa D. Pangaea

26. Sino ang nagsulong ng Continental Drift Theory, ayon sa kanya, dati magkakaugnay
ang mga kontenente sa isang super kontenente
A. Herodotus B. Alfred Wegener C. Charles Darwin D. Pericles

27. 240 milyon taon, mayroon lamang isang super continent na pinaliligiran ng karagatang
Panthalassa Ocean. Ano ang tawag sa super continent na ito?
A. Astrolabe B. Gondwana C. Laurasia D. Pangaea

28. Pinakamataas na bundok sa buong daigdig na matagpuan sa Nepal, Tibet.


A. K2 mountain B. Everest C. Makalu D. Manaslu

29. Austronesian ang isa sa mga pangunahing pamilya ng wika sa buong daigdig.
Nagbibigay ito ng identidad sa mga taong kabilang sa pangkat maliban sa…
A. Israel B. China C. Guam D. Philippines
30. Kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga tao tungkol sa
isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.
A. mithiin B. relihiyon C. doktrina D. dasal

31. Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao, gayon din ang pisikal o ba-
yolohikal na katangian ng pangkat.
A. lahi B. pinagmulan C. mamamayan D. kultura

32. Itinuturing na Homo sapiens ang mga Neanderthal na may kakayahan sa pamumuhay,
paggawa at kaalaman sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining
A. sa pag awit B. sa pagpipinta sa kweba
C. sa pagtayo ng mga landmark D. sa paggawa ng mga luwad

33. Pangkat ng tao ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya(1500B.C.E.).


Natutunan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
B. Sumerian C. Phoenician C. Hittite D. Persian

34. Mesopotamia ang kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahan


Ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao maliban sa___________.
A. Egyptian B. Elamite C. Chaldean D. Babylonian

35. Ang potamos ay salitang Greek na nangangahulugang_______________.


A. Hayop B. Isda C. Ibon D. Ilog

36. Pinakamatandang kabihasnan nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.


A. Egypt B. China C. India D. Mesopotamia

37. Noon pa mang unang panahon, tinawag na bilang Gift of the Nile ang__________.
A. Phoenicia B. Alexandria C. Kush D. Egypt

38. Rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa
Katimugan ng El Salvador.
A. Indus B. Mesoamerica C. Agaean D. Huang Ho

39. Nangangahulugang marangal sa wikang Sanskrit.


A. Vedas B. Arya C. Atharva D. Yajur

40. Ano ang tawag sa sistemang caste ang pangkat ng tao na naglilinis ng kalsada,
nagsusunog ng mga patay, nagbibitay ng mga criminal.
A. Pariah B. Brahmin C. Ksatria D. Vaisya

41. Ang China ay biniyayahan ng mga natural na hadlang na nagbigay-daan sa pagpapana-


tili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnan.
Isa sa mga ito ay ang______________________.
A. Bulubundukin B. Great Wall C. Oracle Bone D. Mandate of Heaven

42. Umusbong noon ang mahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino maliban
sa_. A. Confucianism B. Taoism C. Legalism D. Rig Vedas

43. Bakit dumaan ng Pax Mongolica ang dinastiyang Yuan sa kasaysayan ng China?
A. Sapagkat ang China ay pinamumunuan ng dayuhang barbaro
B. Sapagkat maayos ang sistema ng komunikasyon, kalakalan at kapayapaan
C. Sapagkat pinabagsak ang dinastiya ng pag-aalsa
D. Sapagkat ang China ay may magandang hadlang laban sa dayuhang mananakop

44. Tinaguriang Ama ng Kasaysayan.


A. Alexander the Great B. Darius I C. Herodotus D. Pharoah

45. Nanganaghulugan ang kataga o salitang ito “tirahan ng Diyos”.


A. Olmec B. Ziggurat C. Teotihuacan D. Toltec

46. Ang templo na matatagpuan sa bawat lungsod sa Mesopotamia.


A. Pyramide B. Forbidden City C. Ziggurat D. Hanging Garden
47. Lalawigan ng Imperyong Persian.
A. Nome B. Satrap C. Ahimsa D. Satrapy
48. Pamamahala ng mga miyembrong nagmula sa iisang pamilya o ankan.
A. Dinastiya B. Aristokrasya C. Monarkiyang hindi namamana D. satrap

You might also like