Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HEKASI IV

Date: _____________

I. Layunin
 Nasasabi ang mga katangian ng mga guhit latitud .(parallels) na kaagapay ng ekwador
 Nakikilala ang mga espesyal na guhit latitud na kaagapay ng ekwador tulad ng Tropiko ng Kanser at
Tropiko ng Kaprikornyo, Kabilugang Arktiko, at Kabilugang Antartiko
 Nasasabi ang kahalagahan ng mga espesyal na guhit latitud (parallels)

II. Paksang-aralin
Mga Espesyal na Guhit Latitud
Sanggunian: BEC-PELC 1. A 3,1. A 3.11, 1. A 3.2
Batayang Aklat sa HEKASI 4
Kagamitan: globo, mapa ng daigdig, krokis ng mundo at lente
Pagpapahalaga: Pagiging maingat sa pagsusuri

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Pagbabalitaan tungkol sa mga pangunahing isyu sa ating bansa
2. Pagsasanay
Ano ang globo? mapa? Ano ang naiisip mo kapag nakikita ang salitang globo?
3. Balik-aral
Tukuyin ang ipinakikita ng larawan at sabihin ang mga nalalaman tungkol dito.
a. Ito ang ekwador.
b. Ang ekwador ay guhit na pahalang na matatagpuan sa pinakagitnang bahagi ng globo.
c. Hinahati nito ang mundo sa hilagang hatingglobo at timog hatingglobo.

B. Panlinang na Gawain
1. Paghahanda
Ipasuri ang globol/krokis ng mundo. Ipatuon ang pansin sa mga pahalang na guhit. Sabihing
ang mga pahalang na guhit sa globo ay tinatawag na mga guhit latitud o parallell. Inilagay ang mga
ito sa globo at mapa upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar.
Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga guhit latitude o parallels? (Pabilog na guhit sa globo
mula kanluran patungong silangan, ekwador ang pinakamalaking bilog sa mga parallel,
pabilog na guhit na lumiliit habang papalayo sa ekwador at papalapit sa mga polo.)
Sabihing may mga espesyal na parallel na gumaganap ng mahalagang papel sa paglibot ng
mundo sa araw.
2. Pagbubuo ng Suliranin
a. Anu-ano ang mga espesyal na guhit latitud o parallels?
b. Saan-saan ito matatagpuan?
c. Anu-ano ang mga kahalagahan ng mga guhit latitud?
3. Pananaliksik
4. Pangkatang Gawain
Pangkat I
a. Suriin ang globo.
b. Linyahanng sinulid ang hangganan ng bawat espesyal na parallel
c. Lagyan ng tanda ang Pilipinas.
Pangkat II
a. Pasinagan ng lente ang globo.
b. Anu-anog mga espesyal na guhit ang naabot ng diretsong sinag ng araw.
c. Anu-anong espesyal na guhit ang naaabot ng philis na sinag ng araw?
5. Pag-uulat/Pagtalakay sa Paksa

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Gabayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat o batayang kaalaman tungkol sa paksa.
Halimbawa: Ang ekwador ang guhit na humahati ng mundo sa hilaga at timog hatingglobo.
2. Paglalapat
Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal na parallel. Lagyan ng disenyo ang bawat isa,
kulayan at ileybel ito.
IV. Pagtataya
Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. Saang hatingglobo makikita ang kabilugang arktiko?
a. Hilaga b. timog c. silangan d. kanluran
2. Anong espesyal na parallel ang nasa 23 ½ o timog latitud?
a. Tropiko ng Kanser c. Kabilugang Antartiko
b. Tropiko ng Kaprikornyo d. Kabilugang Arktiko
3. Nasa zero digri latitud ang ____________ _
a. ekwador c. International Date Line
b. prime meridian d. guhit latitud

V. Kasunduan
Gumuhit ng bilog. Ipakita ang mga espesyal naparallel. Itala ang mga bansang matatagpuan dito.

You might also like