Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bakit makati ang Gabi?

Noong unang panahon ang gabi ay hindi pa makati.Ito ang paboritong laruin ng mga
bata noon dahil sa malapad na dahon nito.Araw-araw ay kumukuha ng mga dahon ng gabi ang
mga bata para paglaruan.Pagkatapos nila itong paglaruan ay itinatapon nalang ito kung saan-
saan.Laging nagmamakaawa ang gabi sa mga bata upang hindi siya sirain at paglaruan.

Pero ang mga bata ay sadyang matitigas ang kanilang mga ulo at tuloy parin sila sa
paglalaro sa dahon ng gabi.Kada araw ay ganon na lamang ang kanyang nararanasan.Nakiusap
siya kay Bathala na huwag na siyang sirain at paglaruan ng mga bata.Dininig naman ni Bathala
ang kanyang pakiusap dahil na din sa awa niya na lagi nalang nasisira at pinaglalaruan ng mga
bata.Ginawang makati ni Bathala ang dahon ng gabi upang di na ito laruin ng mga bata dahil kung
hahawakan mo ang dahon nito ay mangangati ang iyong kamay.

Isang araw nagpunta ang mga bata sa kinaroroonan ng gabi at nagsimulang


laruin,sirain,at apk-apakan.Ilang sandali lang ay biglang nangati ang katawan ng mga bata at dali-
dali silang umuwi ng umiiyak dahil sa kati.Sinumbong ng mga bata ang nangyari sa kanila at
sinabihan sila ng kanilang mga magulang na huwag na nilang laruin ang dahon ng gabi dahil ito
ay makati.Simula noon ay di na pinaglaruan pa ng mga bata ang dahon ng gabi at namuhay ng
payapa ang gabi.

You might also like