4.4 MLP 4 - Baitang 9

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Holy Family School of Quezon City, Inc.

SIERVAS DE SAN JOSE CENTER OF EDUCATION


#66 Maginhawa Street, U.P. Village, Quezon City 1101
Telefax: 9216274 / 9203733 / 9261930

Blg. sa klase:
FILIPINO 9 – Aralin 4 Iskor:
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Mahabang Lagumang Pagsusulit

Pangalan: ______________________________ Petsa: _____________ Baitang at Pangkat: ______________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa kabanata 26 na “Bisperas ng Pista,” ang planong pagpapatayo ni Ibarra ng paaralan ay sinuportahan nang marami.
Ngunit, may iisang nag-aagam-agam tungkol dito. Sino ito?
A. Padre Salvi
B. Maestro Juan
C. Pilosopo Tasyo
D. Kapitan Basilio

2. Ano ang ibig ipakahulugan ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kay Ibarra na: “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay
masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong kaingata’t kaaway na lihim?”
A. Hindi lahat ng iyong kakampi ay ngingitian ka.
B. Hindi lahat ng iyong kaaway ay ngingitian ka.
C. Hindi lahat ng nakasimangot sa iyo ay tunay mong kaaway.
D. Hindi lahat ng pumupuri o nakangiti sa iyong harapan ay tunay mong kakampi.

3. Sa kabanata 27, ano ang ibinigay ni Maria Clara sa lalaking ketongin?


A. Agnos
B. Hikaw
C. Pulseras
D. Brooch

4-6. Sa kabanata 28:Ang Mga Liham ay walang gaanong pangyayari ngunit mayroong tatlong liham na ipinakita at may
iba’t ibang nilalaman. Ilagay kung pang-ilang liham ang bawat isa sa ibaba.
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo
_____ 4. Liham ni Maria Clara kay Ibarra tungkol sa nangyari sa pista
_____ 5. Liham na naglalarawan kung paanong ipinagdiriwang ang Pista sa San Diego
_____ 6. Liham ni Kapitan Martin sa kaibigang si Luis Chiquito

7-10. Isulat ang A, B, at C ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kabanata 29:Araw ng Pista.
_____ 7. Ang pagdating ng isang bata na tumawag kay Padre Salvi na “Papa.”
_____ 8. Pagpaparada ng mga imahen ni San Diego Alacala, San Francisco, at iba pang santo.
_____ 9. Pag-uusap tungkol sa isang report na may kinalaman kay Padre Damaso tungkol sa panaginip na
nagkatotoo.
_____ 10. Pag-uusap ng bise alkalde at ni Don Filipo Lino tungkol sa kalagayan ng pista.

11. Saan tunay na nagmula ang “oras-Filipino” o Filipino time?


A. Sa mga Hapon
B. Sa mga Kastila
C. Sa mga Filipino
D. Sa mga Amerikano

12. Sa kabanatang “Ang Sermon,” napakahaba ng sermon ni Padre Damaso at halos ang lahat ay inaantok na at
nagtitingin tingin na lamag sa palagid. Nangyayari pa rin ba ito sa kasalukuyan?
A. Hindi. Dahil marami ang nakikinig sa sermon ng paro.
1|HAGN
B. Opo. Dahil may ilan pa rin ang tinatamad nang makinig kapag humaba na ang sermon ng pari.
C. Maaari. Dahil hindi naman lahat ay tinatamad sa pakikinig kapag mahaba na ang sermon ng pari.
D. Hindi. Dahil masisipag makinig ang mga tao at kahit mahaba ay nagtitiyaga pa rin sa sermon ng pari.

13. Sa Kabanata 31: nagsermon si Padre Damaso sa dalawang wika, ang una ay Kastila ang ikalawa ay Tagalog. Ano-ano
ang tinalakay sa una at ikalawang bahagi ng sermon?
A. Ang unang bahagi ay kinapalooban ng mga salita ng Diyos samantala, ang ikalawa ay patungkol sa mga kasalanan at
pagpapasaring sa buhay ni Ibarra.
B. Ang unang bahagi ay kinapalooban ng mga salita ng mga kagandahan ng pagiging Prayle samantala, ang ikalawa ay
patungkol sa mga kasalanan at pagpapasaring sa buhay ni Ibarra.
C. Ang unang bahagi ay kinapalooban ng mga salita ng Diyos samantala, ang ikalawa ay patungkol sa mga kabutihan
ng angkan ni Ibarra.
D. Ang unang bahagi ay kinapalooban ng mga salita ng Diyos at kabutihan ng mga prayle samantala, ang ikalawa ay
patungkol sa mga kasalanan at pagpapasaring sa buhay ni Ibarra at Elias.

14. Ano ang pag-uugnay sa kasalukuyan ng kabanatang binanggit sa bilang 13?


A. Sa haba minsan ng misa ay naiinip na ang mga tao sa pakikinig at kung minsan ay nakakalimutan na ang tunay na
layunin ng misa.
B. Nasisiyahan ang mga tao sa misa ng mga pari dahil sa kahabaan nito sa pagmimisa.
C. Ang mga tao ay mahilig sa pagpaparinig kahit pa sa paggamit ng relihiyon at pagmimisa.
D. Ang mga tao ay mabilis mainip at minsan ay nababagot kaya’t umaalis na lamang ang mga tao.

15. Sa ika-32 kabanata ay pinagtangkaan ang buhay ni Crisostomo Ibarra, sino kaya ang may kagagawan nito?
A. Elias
B. Padre Salvi
C. Maestro Nol Juan
D. Taong Madilaw/Maputla

16. Ano ang nagbunsod sa taong tinutukoy sa bilang 15 na gawin ang bagay na iyon kay Ibarra?
A. Ang personal niyang galit kay Ibarra dahil hindi siya kinilalang tagagawa ng paaralan.
B. Ang personal niyang galit kay Ibarra dahil hindi siya pinasweldo nang sapat para sa trinabaho niya.
C. Ang personal niyang galit kay Ibarra mula sa tatay niyang pinahirapan ng lolo ni Ibarra na si Don Saturnino.
D. Ang personal niyang galit kay Ibarra mula sa tatay niyang tinulungan ng lolo ni Ibarra na si Don Saturnino.

17. Ano ang nais iparating ni Elias sa mga pahayag niyang “Lahat po tayo ay may kaaway. Mula sa pinakamaliit na insekto
hanggang sa tao . . . at mula sa pinakadukha hanggang sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihan. Ang
pakikipag-away ay batas ng buhay.”?
A. Ang pakikipag-away ay normal na sa tao dahil ang tao ay likas na masama ang pag-uugali.
B. Ang pakikipag-away ay hindi dapat nating tularan bagkus ito ay dapat na iniiwasan.
C. Normal sa isang tao ang magkaroon ng kaaway o lihim na nagagalit dito kahit gaano pa siya kabait dahil sa mga
inggit na nararamdaman ng iba.
D. Normal sa isang tao ang magkaroon ng kaaway o lihim na nagagalit dito kahit gaano pa siya kabait dahil lihim rin
namang nagagalit ang isang tao at nagpapanggap lamang na mabait.

18. Mula sa kabanata 34: Pananghalian, ano ang puna ni Rizal sa paraan ng mga Pilipino sa pagpapalaki ng kanilang mga
anak?
A. Ang mga magulang ay hinahayaang mamili ang kanilang mga anak ng anomang naisin nilang kurso paglaki nila.
B. Ang mga magulang ay sinusuportahan ang kanilang mga anak sa landas na tinatahak ng mga ito.
C. Ang mga magulang ang namimili ng kurso para sa kanilang anak na nagdudulot ng pagpigil sa iba pang potensyal
ng bata.
D. Ang mga magulang ang namimili ng kurso para sa kanilang anak na nagdudulot ng magandang simulain sa pag-
aaral.

19. Mula sa ika-35 na pinamagatang Reaksyon ay nagbunga ang pagtatalo ni Ibarra at P.Damaso, sa dami ng sabi-sabi ay
ipinahayag dito ang pagpapataw ng parusa at pagpapatawad ng mga prayle sa makasalanan. Naniniwala kaya si Rizal sa
mga prayle?
A. Opo, dahil mabubuti ang ginagawa ng mga Prayle.
B. Opo, dahil tumutulong ang mga Prayle sa kabataang Pilipino.
C. Hindi po, dahil hindi masasayang kausap ang mga Prayle at masyadong seryoso.
2|HAGN
D. Hindi po, dahil ang kinikilos ng mga prayle ay kabaliktaran na dapat ay kabutihang dulot nila sa lipunan.

20-23. Ang naganap sa kabanata 34 ay nagkaroon ng unang mga resulta sa kabanata 36, ano-ano ang mga ito? Bilugan
ang tatlong epekto ng pagtatalo nina P.Damaso at Ibarra.
A. Labis na katuwaan ni Maria Clara
B. Labis na kalungkutan ni Maria Clara
C. Pagpapatigil ni P. Damaso sa kasal ni Ibarra at Maria Clara
D. Pagpapatuloy ng kasal ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara
E. Pinatawad ang nagawang kasalanan ni Ibarra
F. Sinampahan si Ibarra ng pagiging excomicado

24. Sa kabanata 37 ay ipinakilala ang Kapitan Heneral at tumuloy ito sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ano ang sinisimbolo ng
Kapitan Heneral?
A. Ang pagiging gahaman sa kapangyarihan
B. Ang pagiging malupit na lider ng isang bansa
C. Ang pagiging makatarungan at busilak na puso ng isang lider
D. Ang pagiging makatarungan at mapagpanggap na isang lider

25. Sa kabanata 38: Ang Prosisyon, maliban sa pagdadaos ng prosisyon noon hanggang ngayon, ano pang kaugalian ang
pinuna ni Rizal sa kabanatang ito?
A. Ang pamamalo sa sarili ng mga nagpipinetensya
B. Ang paghahanda ng mga karo para sa mga sagala
C. Ang paghahanda ng magagarbong arko sa Santacruzan
D. Ang pamamalo ng mga magulang sa kanilang mga anak na malikot sa pila

3|HAGN

You might also like