Professional Documents
Culture Documents
Talumpati Ghan
Talumpati Ghan
Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”.
Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa,
mag aalaga at andyan para sayo.
Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo,
mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na
makakasama, diba malungkot? Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno
ka ng yaman sa pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan
naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin.
Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan kung sino at kung
ano tayo. Sabi nga nila “Tell me who your friends are, and I tell you who you are”. Kung
titingnan natin ang ganitong pananaw, masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon
ng kaibigan.
Lahat ng tao pwede mong tawaging kaibigan, pero hindi lahat masasabe mong tunay.
Sila ba yung kasama mo sa inuman? Pag liban sa klase? Pag gagala? Ang tunay na kaibigan
ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng
totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at
kabiguan sa buhay. Mahirap makanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mag tunay
na mananatili sa iyo. Ang tunay na kaibigan ay magtatayo sa iyo sa araw na bumagsak ka at
magsisilbi mong inspirasyon sa pag papatuloy sa buhay. Malaking bahagi sa buhay ng tao ang
pagkakaroon ng tunay na kaibigan, sino bang ayaw?
Para sa akin ang isang tunay na kaibigan ay kasama mo sa panahon nang iyong kaligayahan at
higit sa lahat sa iyong pangangailangan. Hinding hindi ako iiwan sa panahong pakiramdam ko
mag-isa ako sa mundo. Hindi ako ipagpapalit kahit kanino. Masasabe kong hindi man ako
kaswerte sa buhay pag-ibig, napaka-swerte ko naman sa mga kaibigan ko.