Pagsasalin-Rel Lit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang pagsasaling-wika ay ang masining na pagsasalin sa pinakamalapit na katumbas na

ideya o kaisipang inilalahad sa wikang isasalin. Samakatuwid, ito ay paraan ng paglilipat-wika

mula sa isang banyagang wika patungo sa wikang palasak ng isang bansa.

Kahalagahan ng pagsasaling-wika

1. Makapagpalaganap ng kaalaman o kaisipang nakapaloob sa akda.

2. Makapagbigay-liwanag sa kasaysayan at kultura ng ibang bansa o panahon.

3. Maipakilala ang mga bagon mambabasa ng isang akdang itinuturing na makabuluhan ng

isa o ilang tao.

Hakbang sa pagsasaling-wika

1. Pagbasa sa buong tekstong isasalin bago simulan ang pagsasalin. Mahalagang makuha

muna ang buong mensahe.

2. Pagkuha ng impormasyong saligan tungkol sa pagsasalin.

3. Paghahambing ng mga salin sa nagawa tungkol sa tekstong ito,kung mayroon na.

4. Paghahanda ng unang burador nang may katamtamang saklaw sa mga unit.

5. Pagrerebisa sa unang burador pagkalipas ng katamtamang panahon.

Mahalaga ang pagsasaling-wika sapagkat dahil dito’y nagkakaroon ng pagkakataon ang

mas maraming tao upang makabasa, makapag-aral, at matuto mula sa mahahalagang sulatin o

akdang nasusulat sa iba’t ibang wika. Higit na napapahalagahan ang pag-aaral sa mga sulatin

at akda kapag nasalin ang mga ito sa wikang nauunawaan at nasa kalagayang mas malapit sa

karanasan , kapaligiran, at kultura ng mga mambabasa.


Dahil sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng isang tagasaling-wika , narito ang ilang

mahalagang gabay na dapat niyang isaalang-alang upang maisalin ang dokumento sa

pinakamalapit na katumbas na diwa ng orihinal:

1. Lubos na pagkaunawa sa nilalaman o kahulugan ng akdang isasalin

2. Malawak na kaalaman sa wikang isasalin at sa wikang pagsasalinan

3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

4. Pagtukoy sa Mambabasang Pinaglalaanan ng Isasalin

5. Pag-iwas sa litral na pagsasalin o ng pagsasalin ng salita sa salita

6. Pagsasaalang-alang ng tagapagsalin sa kakanyahang taglay ng bawat wika

You might also like