Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 1 - Sa Ibabaw ng Kubyerta

Narrator: Isang umaga ng Disyembre, hirap na umaandar sa paliko-likong Ilog Pasig ang Bapor Tabo.
Lulan nito sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Padre Sibyla, Simoun,
Kapitan-Heneral, at Padre Camorra sa ibabaw. Pinag-uusapan nila ang pagpapaganda sa Ilog Pasig.

Padre Salvi: Ang mga siyentipiko, Ben Zayb alam ba ninyo kung sino sila? Dito sa probinsya ay may tulay
sa Puente del Capricho na ginawa ng isang kapatid namin at hindi natapos dahil pinintasan ng mga
siyentipiko na nakasandig sa kanilang mga teorya, na mahina at 'di matatag ang tulay. Subalit, tingnan
ninyo, nalampasan ng tulay ang lahat ng mga bagyo at lindol.

Padre Camorra: Iyan, iyan mismo, iyan mismo ang sasabihin ko. Iyan ang tulay ng Puente del Capricho at
ang mga siyentipiko. Padre Salvi, iyan ang sasabihin ko.

Padre Salvi: Pero hindi ko naman gustong sabihin na wala kayong katwirang talaga gaya ni Padre
Camorra. Ang lawa mismo ang may problema.

Donya Victorina: Kasi, wala talaga ni isang disenteng lawa sa bansang ito.

Simoun: Napakasimple ng remedyo. Sa totoo lang, hindi ko nga maintindihan kung bakit wala kahit sino
ang nakaisip nito. Napakasimple lang ng solusyon, at walang gagastusin ni isang salapi! Maghukay ng
isang diretsong kanal mula sa bukana ng ilog hanggang sa dulo nito na dadaan sa Maynila, na ang
mangyayari ay magkakaroon ng isang bagong ilog na dadaan sa kanal na ito at masasara ang lumang
Pasig. Makatitipid ng lupa, mapabibilis ang komunikasyon, at mapipigilan ang pagbuo ng mga burak.

Ben Zayb: Isang planong Yankee!

Don Custodio: Ipagpaumanhin ninyo Senyor Simoun, ang iginagalang kong kaibigan kung sasabihin kong
hindi ako sang-ayon sa inyong opinyon. Magkakagastos diyan ng malaki at baka sisira ng maraming mga
poblasyon.

Simoun: Puwes, sirain!

Don Custodio: At ang perang pambayad para sa mga trabahador?

Simoun: Hindi sila kailangang bayaran. Gamitin ang mga preso at mga kriminal.

Don Custodio: Aba! Kulang sila, Senyor Simoun!

Simoun: Di kung kulang, pagtrabahuhin ang lahat, ang mga matatanda, ang mga binata, at ang mga bata
sa lahat ng mga bayan. Sa halip na labinlimang araw ang obligadong pagtatrabaho, gawing tatlo, apat, o
limang buwan na pagtatrabaho para sa estado. Obligasyon nila ang kanilang kakainin at gagamiting mga
instrumento!

Don Custodio: Pero, Senyor Simoun-


Simoun: Huwag mong lokohin ang iyong sarili, Don Custodio. Iyan lang ang paraan kung paano
mapatutupad ang mga kamangha-manghang obra sa matipid na paraan.

Don Custodio: Pero, Senyor Simoun, puwedeng pagmulan ng kaguluhan ang ganoong paraan.

Simoun: Kaguluhan? Nagrebelde ba ang mga taga-Ehipto noong panahong sila'y sapilitang
pinagtrabaho? Nagrebelde ba ang mga presong Hudyo laban sa maawaing si Tito? Hoy lalaki, ang akala
ko pa naman ay mas marami pa ang alam mo tungkol sa kasaysayan.

Don Custodio: Ngunit, hindi naman mga taga-Ehipto ni ang mga Hudyo ang ating pinag-uusapan dito!

Padre Sibyla: At hindi miminsan nang nagrebelde ang bayang ito. Noong panahong inobliga silang
pumutol ng mga malalaking troso para sa konstruksiyon ng mga bapor, kung wala lang ang mga prayle.

Simoun: Matagal na ang panahong iyon. Hindi na magrerebelde ang bayang ito kahit na gaano karaming
trabaho o mga buwis ang ipataw sa kanila. Hindi ba ipinagyayabang ninyo sa akin, Padre Salvi, ang bahay
at ospital sa Los Baños na tinitirahan ngayon ng Kaniyang Kamahalan? O, hindi ba sinabi ninyo sa akin na
naitayo ang dalawang gusaling iyo sa sapilitang pagpapatrabaho sa mga manggagawa sa pamamagitan
ng latigo ng isa sa inyong mga kapatid? Ganoon din siguro ginawa ang tulay sa Puente del Capricho! At
tapos sasabihin ninyong lahat na baka magrebelde ang mga bayan? Me kaguluhan bang naganap noon?

Padre Sibyla: Ang punto e, nagrebelde na dati. At iyon na nga, baka mangyari uli ang nangyari na minsan.
Wika nga ay ab actu ad posse valet illatio!

Simoun: Wala, wala, wala iyan! Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. At ikaw, Padre Sibyla huwag mo
akong sabihan ng Latin o mga katunggakan. Ano pa ang silbi ninyong mga prayle kung puwedeng
magrebelde ang mga bayan?

Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!

Ben Zayb: Isang Indiong Ingles!

Don Custodio: Amerikano ang sabi ko sa iyo, at bakit ko alam? Ikinuwento sa akin ang lahat sa kaniya ng
Kaniyang Kamahalan. Walang dudang naniniwala ang lalaking iyan, dahil siya ay Amerikano, na ang mga
pulang Indio ng Amerika ang ating pinag-uusapan. Ang magsabi ng ganoong bagay sa isang bapor!
Obligahin! Puwersahin ang mga tao! Matanong ko nga kayo, ano ang alam ng isang mag-aalahas,
mayaman at ilustrado man siya, sa paggawa ng mga bapor? Sinasabi ko sa iyo, Ben Zayb, ang masama
rito ay ang hindi pagkonsulta sa mga taong matagal nang nakatira rito. Ang marangyang proyektong
ginamitan ng magagandang salita at may malaking guguguling gastos na may patong na, ay nakasisilaw
at agad na tatanggapin... dahil dito!

Ben Zayb: May kasong ganiyan, may kasong ganiyan!

Don Custodio: Nakakita ka na ba ng mga pato?

Ben Zayb: Palagay ko, nakapamaril na kami ng ganiyan sa lawa.


Don Custodio: Hindi ang mababangis na pato ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay iyong inaalagaan sa
Pateros at sa Pasig. Alam mo ba kung ano ang kanilang kinakain?

Padre Camorra: Mga susong maliit, lalaki ka, mga susong maliit! Hindi na kailangang maging Indio para
malaman iyan, basta may mata lang!

Don Custodio: Tama, nga suso! At alam niyo ba kung saan sila makukuha? Kung matagal ka nang narito
sa bansang ito gaya ko, malalaman mo na marami sila sa mga mabababaw na bahagi ng ilog na nahahalo
sa mga buhangin.

Padre Camorra: At ang iyong proyekto?

Don Custodio: Bueno, diyan ako papunta. Oobligahin ko ang lahat ng mga barangay na nakapaligid
malapit sa parteng ito na mag-alaga ng mga pato at makikita natin kung paano maghanap ng mga suso
ang mga pato... walang labis, walang kulang.

Ben Zayb: Papayagan ba ninyong sumulat ako ng isang artikulo tungkol diyan? Sa bayang ito, kakaunti
ang nag-iisip.

Donya Victorina: Pero, Don Custodio, kung mag-aalaga ang lahat ng pato, dadami ang balut. Uy!
Nakakadiri! Pabayaan na lang magsara ng tuluyan ang gulud-guluran ng lawa! Tapos na ang Pakikipag-
usap sa Chat Mag-type ng message...

You might also like