Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGDIRIWANG NG PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI 2019

HIMIG PILIPINO: AWIT NG BAYANI


(Makabayan Song)

PETSA: AGOSTO 22, 2019


ORAS: 1:00PM - 2:00PM
LUGAR: AUDIO VISUAL ROOM (AVR)

PROGRAM

Isang magandang hapon po sa inyong lahat, mga ginigiliw po naming mga ka-guro, sa aming mga mag-aaral, mga magulang at
mga kaibigan. Ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani tuwing sasapit ang ika-apat ng Lunes ng buwan ng Agosto taon-taon.
At ang ating paaralan, Doña Asuncion Lee Integrated School, sa pangunguna po ng Departamento ng Araling Panlipunan, tayo
po ay kaisa ng DepEd at ng ating pamahalaan sa pagdiriwang ng natatanging araw na ito.

Kaya amin po kayong binabati at pinasasalamatan sa pagdalo at pakikiisa sa isang aktibidad na ito, ang HIMIG PILIPINO: AWIT
NG BAYANI

I. Pambansang Awit
II. Panalangin
Upang pormal na umpisahan ang ating palatuntunan at kompetisyon, tayo po ay mananalangin pagkatapos awitin ang “Ang
Bayan Ko”. Tumayo po ang lahat.

III. Pambungad na Pananalita – Ma’am Julie Lavarias


Maaari na po kayong umupo. Maraming salamat po. At ngayon atin pong pakinggan ang pambungad na pananalita mula sa
pinakamasipag at maaasahang Ulong Guro sa Araling Panlipunan, si Gng. Julie A. Lavarias, palakpakan po natin.

IV. Presentasyon ng mga Hurado


Maraming salamat po Ma’am Julie, sa napakasigla at nagbibigay inspirasyong pananalita. Ngayon naman po, tulad ng ating
nalalaman, sa lahat ng kompetisyon o patimpalak hindi maaaring mawala ang mga pinipitagan at ginagalang na mga hurado.
At sa kompetisyon na ito, malugod ko pong ipakikilala sa inyo ang masisipag at magaganda at guwapo nating mga hurado. Akin
po uumpisahan…
a. Noemi Gomez
Isang guro ng asignaturang Ingles at isang napakahusay na mang-aawit, siya po ang tagapayo ng Himig DALIS,
palakpakan po natin, Bb. Noemi Gomez.
b. Luisa Maycong
Ang susunod po nating hurado ay isang guro sa Edukasyong sa Pagpapakatao, siya rin po ay isang napakahusay
na mang-aawit, wala pong iba kundi ang napakabait at napakamahinahon po nating Guidance Counsellor, Gng.
Luisa Maycong.
c. Isagani Tique
At ang huli ngunit hindi papahuli nating hurado, na di matatawaran ang galing sa larangan ng sining at musika,
ang Ulong Guro sa Edukasyong sa Pagpapakatao, si G. Isagani Tique.

V. Pagbasa ng Panuntunan
Ilang sandal na lang at makikilala at mapapanood na din po natin ang pinaghandaang pagtatangkal ng bawat kalahok
ngayon sa ating paligsahan. Bago po iyan ay hayaan po ninyo na aking basahin ang panununtunan sa ating paligsahan.
Narito naman po ang kriterya o pamantayan sa pagtatanghal.

VI. Pagsisimula ng patimpalak


Kanina din ay bumunot ang mga kalahok ng numero para sa pagkakasunod sunod ng magtatanghal. Ngayon po ay umpisahan
na natin ang paligsahan… Tandaan… Kung lahat ng makakaya mo ay iyong ibibigay, tagumpay mo’y walang kapantay.

Narito ang unang kalahok, mula sa Baitang.. si… Ang kanyang aawitin ay.. palakpakan po natin.
Ang ikalawang kalahok na magpapamalas ng kanyang galing sa pag-awit.
Hindi magpapahuli.

Pangalan ng Kalahok Baitang Pamagat ng Piyesa

Kyla Joy Yaptin Chay 7 I sang Lahi


Stephanie Q. De Jesus 7 Dakilang Lahi
Saylyn Joy Diaz 8
Syren Gail W. Martinez 8 Tagumpay ng Ating Lahi

Joy Anne Gueco 9 Ako ay Pilipino


Maria Nicole Ojero 9 Bayan Ko
Ariel Joshua Espiritu 10 I sang Lahi
Manny Miranda Jr. 10
Maraming salamat sa lahat ng ating mga kalahok. Napakahusay at siguradong nahihirapan na an gating mga hurado.

VII. Natatanging Bilang – Ma’am Noemi Gomez


Habang kinukuha ang kabuuan ng mga iskor, ay bibigyan tayo ng isang natatanging bilang ng isa sa ating mga hurado, walang
iba kundi si Bb. Noemi Gomez, palakapakan po natin.

VIII. Paggawad ng Parangal


Maraming salamat po Ma’am Noemi sa napakahusay na pag-awit. At ngayon, natapos na po ang pagkuha ng kabuuan ng mga
iskor. Amin na pong ilalahad ang mga nagwagi sa ating paligsahan. Pero para sa amin, lahat kayo ay panalo.

Para sa…

You might also like