Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maagang Pagbubuntis

Ano nga ba ang maagang pag bubuntis? Bakit mataas ang bilang ng populasyon ng mga babae na
nakaranas ng maagang pag bubuntis? Ano-ano ang mga dahilan kung bakit marami ang maagang
nabubuntis? Ano ang epekto nito sa buhay ng mga nakakaranas nito?

Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae kung saan ay wala pa siya sa hustong
gulang ng pagbubuntis. Masama ito sa mata ng diyos sapagkat ang pakikipagtalik ng hindi pa dumadaan
sa sakramento ng kasal ay matatawag na isang kasalanan. Sa aking nakikita, marami na sa aking mga
kamag-aral at kaibigan noon ay nakaranas na ng maagang pagbubuntis. Karamihan sa kanila ay nasa
edad pa lamang na 17, 18 hanggang 21 taong gulang pa lamang.

Sa aking pag susuri isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga maagang nabubuntis ay dahil
sa hiwalay na pamilya. Uhaw sila sa atensiyon at pagmamahal na dapat ang mga magulang at mga
kapatid nila ang nag papadama. Nakukuha nila ang atensiyon at pag mamahal na yun sa kanilang
kasintahan at bilang sukli ibinibigay nila ang lahat ng bagay kahit na hindi naman dapat ibigay. Na
kalaunan ay nagiging sanhi ng maagang pag bubuntis.

Sa kabilang dako, isa sa mga matinding dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang kuryosidad. Nang dahil
sa kuryosidad nagagawa nilang makipag talik sa kanilang kasintahan sapagkat gusto lamang nilang
sumabay sa uso at dahil binabalot sila ng kanilang kuryosidad na malaman ang pakiramdam ng
pakikipagtalik. Ngunit isa sa mga nakakalungkot na dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang "RAPE". Ang
iba sa kanila ay biktima lamang ng pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang
balak na magkaroon ng anak sa murang edad pa lamang.

Mayroon ding epekto ang maagang pagbubuntis sa buhay ng tao. Isa dito ay nahihinto sila sa pag-aaral
sa kadahilanang kailangan nila kumayod para sa pambili ng mga pangangailangan ng kanilang anak. Isa
pang epekto nito ay ang hindi mapapalaki ng maayos ang bata sapagkat wala pang sapat na kaalaman
ang mga magulang sa pagpapalaki ng tama. Maaring lumaking payat at hindi malusog ang
pangangatawan ng bata. At ang huling epekto ay hindi mabigay na pangangailangan ng bata kapag ito ay
lumaki sapagkat walang magandang trabaho ang mga magulang. Maaring wala silang makuhaan ng pera
na panggastos at pambili ng pangangailangan ng bata. Makikita natin na maraming masamang epekto
ang maagang pag bubuntis.

Ang maagang pagbubuntis ay isang komplikadong sitwasyon sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan
mo at ng magiging anak mo. Mahalaga na isipin muna ang kahihinatnan ng lahat bago sumubok ng isang
bagay sapagkat sabi nga nila matangkad ang pag sisisi kaya lagi itong nasa huli.
"Hindi masamang pumasok sa isang relasyon.

Ang masama ay sumuway sa inyong limitasyon" -Larrize

Posted 14th September 2017 by Larisme

You might also like