Replektibong Sanaysay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

The Remaining

(replektibong sanaysay)

Taong 2014 nang ipalabas ang pelikulang “The Remainnig,” na pinangunahan ng


direktor na si Casey La Scala. Ito ay pumapatungkol sa isang grupo ng mga kabataan na
masayang nagdiriwang ng kasal ng isa nilang miyembro o kaibigan. Sa kalagitnaan ng
pagdiriwan, isang malaking kaguluhan ang naganap na nagpatigil ng kanilang mundo.

Nagsimula ang kuwento sa ganap na araw ng kasal nina Skylar (Alexa PenaVega) at Dan
(Bryan Dechart). Si Tommy (Johnny Pacar) ang videographer na nag-rekord ng lahat ng mga
nangyayari sa mismong araw na iyon. Isang napakasayang araw para sa kanilang lahat. Sa
pagpapatuloy, habang kinukuhaan ni Tommy ng bidyo ang mga magulang ni Skylar sa loob ng
elebeytor ay bigla na lamang bumagsak ang mga ito. Kasabay nito ang biglaang pagputi ng
kabuuan ng mga mata nila. Nang makalabas si Tommy ay dito na niya nakita ang
nakagugulantang na nangyayari. Lahat ng mga tao’y nagkakagulo habang ang iba’y wala na rin.
Dito nagsama-sama ang magkakaibigan upang tumakas at alamin ang nangyayari. Agad na
umalis ang kanilang grupo at naghanap ng mas ligtas na tutuluyan. Habang nasa kalagitnaan sila
ng kaguluhan, dito napa-isip si Skylar. Naalala niya bigla ang mga sinabi ng mga magulang niya
patungkol sa paghuhukom ng Diyos. ‘’Rapture,” ang unang bahagi, kung saan mabilisang
kukunin ng Diyos ang mga mabubuting kaluluwa’t isasama sa kaniyang kaharian, at ang mga
matitira’y mga makasalanan; kanilang pagdudusahan ang hirap sa ibabaw ng mundo hanggang
sila’y tuluyang mawala. Napadpad ang kanilang grupo sa isang gusaling may silid-aklatan. Dito
naghanap si Skylar ng Biblia upang basahin ang huling yugto nito: ang paghuhukom. Dito nila
nakilala si Sam (Liz Morgan), ang nag-abot ng Biblia kay Skylar.

Hindi makapaniwala sina Dan, Tommy at Jack (Shaun Sipos) sa sinasabi ni Skylar. Ayaw
nilang paniwalaan na iyon na nga ang paghuhukom ng Diyos. Nabasa nila mula sa Biblia ang
mga susunod pang mangyayari sa mga susunod na araw at oras. Kinagabiha’y napagpasyahan
nila, kasama si Sam na pumunta sa isang maliit na simbahan. Dito na nga nila nakilala si Pastor
Shay (John Pyer Ferguson), pastor ngunit naiwan sa lupa. ‘di katagala’y sinabi rin ni ng pastor
ang dahilan kung bakit siya hindi napasama sa kalangitan. Inihayag niya na hindi sapat ang
titulo’t tanging pagdalo sa mga misa, turo at aral. Tunay na pananampalataya lang ang tanging
daan papuntang paraiso. Upang mapaikli na lamang, isa-isa silang namamatay sa iba-ibang
dahilan. Si Allison (Italia Ricci) ang isa sa mga huling namatay. Ang tanging huli sa mga
nangamatay ay sina Tommy at Sam. Napagtanto nila kung ano ang maaaring kalabasan ng
sariling pananampalataya’t hindi pagkapit sa Diyos Ama.

Nang mapanood ko ang pelikulang ito, napagtanto ko ang mga posibleng bagay na
maaaring mangyari ano mang oras. Napagisip-isip ko kung gaano kagulo an gating mundo’t
gaano na karami ang mga taong nakakalimot tumawag sa kanilang Diyos Ama. Nakatatakot
kung ating iisiping mabuti. Sa oras ng paghuhukom at maiwan ang isang tao sa ibabaw ng
mundo, wala na itong oras upang magsisi’t magbalik loob. Hirap at pasakit na lamang ang
mararanasan niya sa mga susunod na oras. Mas naintindihan ko ang pamamaraan ng Diyos
patungkol sa kaniyang muling pagbabalik nang mapanood ko ito. Hindi man ako ‘sing buti’t
‘sing linis tulad ng iba. Pipilitin kong ituwid ang landas ko upang kalugdan at biyayaan ako ng
aking Diyos Ama.

You might also like