Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa simula ng 600 BCE, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan

sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang


buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa
mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa
ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat.

Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga


tyrant na noon ay nangangahulugang mga pinunong
nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan.

Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng


asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng
maharlika. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na
pinaburan naman ang mga may kaya sa lipunan.

Hindi nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisan at mga


mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng
mga nasisiyahang karaniwang tao, nagpagawa ang
mayayamang tao o aristokratang nakasulat na batas kay Draco,
isang tagapagbatas.
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BCE sa
pangunguna ni Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na
yumaman sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan. Kilala din
siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga
pagkakautang ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin
nang dahil sa utang. Nagsagawa rin siya ng mga repormang
pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at
mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap. Sa kasalukuyan,
ginagamit ang salitang solon bilang tawag sa mga kinatawan ng
pambansang pamahalaan na umuugit sa batas.

Noong mga 546 BCE, isang politikong nag-ngangalang


Pisistratus, ang namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat
mayaman siya, nakuha niya ang suporta at pagtitiwala ng
karaniwang tao.

Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang


politikal ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Dahil sa ang
pangalan ay isinulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na
Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang
tao ay tinawag na ostracism. Sa pagsapit ng 500 BCE, dahil sa
lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens, ang
pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa
Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

You might also like