Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pigsa Na Naman: Anong Dahilan?

May pasyente akong buwan-buwan ay nagkakapigsa. Inis na inis siya at


hindi na niya alam ang gagawin. Parang buong katawan niya ay
pinipigsa.
Ang tawag sa pigsa ay Boils. Ang medikal na termino ay Furuncles. Ang
pigsa ay galing sa bacteria na Staphylococcus, na nabubuhay sa ating
mga balat. Madalas tumubo ang pigsa sa leeg, suso, mukha, binti at
puwit. Mapula at malambot ang bukol ng pigsa at sa katagalan ay may
lumalabas na nana at dugo dito.
Sino ang nagkakapigsa?

(1) matatabang tao


(2) may matagalang sakit
(3) hindi malinis sa katawan
(4) may diabetes.

Kailan pupunta sa doktor?


Ang mga pigsa sa harap ng mukha at sa may bandang ilong ay dapat gamutin
kaagad. May tsansa kasing pumasok ang nana sa loob ng ulo natin.
Kapag malaki or marami na ang pigsa, puwedeng lagnatin at manghina ang
pasyente. Hindi ito magandang senyales. Kumonsulta agad sa doktor.

Paano iiwas sa pigsa?


1. Panatilihing malinis ang katawan. Maligo araw-araw.
2. Gumamit ng antibacterial na sabon panligo.
3. Linisin maigi ang inyong kama, upuan, bahay at paligid.
4. Magbaon ng alcohol at gamitin ito palagi. Punasan ng alcohol ang kamay,
braso at binti.

You might also like