Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Ang Mahiwagang Tandang”

Naging tanyag ang bathala dahil sa mga payo niyang nakalutas sa maraming
sigalot dapat sana'y pinagmulan na ngmaraming digmaan. Dahil dito'y maraming
datu ang laging sumasangguni sa kanya. Sa tuwina'y mahaba ang pila ngmga
datung nais humingi ng payo kay Sidapa.Sa mga pagkakataong labis siyang
nagiging abala at hindi agad nakakausap at nakapagbibigaypayo sa mga datu
aysumsiklab ang digmaan at maraming dugo ang dumadanak. Labis itong
nakapagpapalungkot kay Sidapa. Ayaw naayaw niyang namamtay nang dahil lang
sa mga digmaang walang kapararakan.Subalit tila namihasa na ang sundalo sa
masamang nakasanayan. Saglit lang ang pagsunod nito sa kanyang pangakoat
katagala'y nakalimutan na naman niya ito. Madali siyang nahihikayat ng mga
kaibigan upang makipag-inuman. Athindi basta patagay-tagay lang. Maramihan at
matagalan sila kung mag-inuman. Noong unang panahon sa malayong lalawigan
ng Antique ay naninirahan ang isang iginagalang at minamahal na bathala. Siya'y
si Bathalang Sidapa, ang bathalang lubos na nagpapahalaga sa kapayapaan kaya't
madalas siyanghingan ng payo ng mga datu upang maiwasan ang pakikipagdigma
at mapanatili ang pakikipagkaibigan sa kani-kanilang mga nasasakupan. Dahil sa
dami ng mga pinuno at maging ng mga karaniwang taong lumalapit kay Sidapa at
nagdudulog ng kani-kanilang mga problema ay kailangan na rin niya ng taong
magpapaalala sa kanya ng mga nakalaang gawin para sa bawat araw. Ang
nasabing tao ay siya na ring gigising sa kanya tuwing madaling araw.!inulong niya
ang kanyang mga sundalo at tinanong ang mga ito kung sino sa kanila ang
maaring makagawa ngganung responsibilidad para sa kanya. "Ako po kayang-kaya
ko pong gawin iyan" ang may himig pagmamalaking sabi ng isang matikas na
sundalo. "Sige yamang ikaw ay nagpriprisinta, tatanggapin kita," ang malugod na
wika bathala sa sundalong tinawag niyang Sundalong Orasan. Labis naman niyang
ikinatutuwa kapag napagkakasundo niya ang mga pinuno at naiiwasan ang
anumang madugongdigmaan. $sa sa kanyang mga pangarap aya ang tuluyan nang
mapalitan ng respeto, pakikipagkaibigan at pagmamahalan ang galit at
karahasang nagbubunga ng di pagkakaunawaan at digmaan sa mundo. Alam
niyang malaki ang papel na ginagampanan ng pagiging mahinahon, ng pag-uusap,
at ng pagkakasundo upang maisagawa itokaya naman lagi siyang naglalaan ng
panahon sa sinumang datu o pinunong nais humingi ng payo sa kanya. Sa mga
unang araw ay naging masigasig si Sundalong Orasan sa pagtupad ng kanyang
mga tungkulin subalit habangtumatagal ay nahihirapan siyang gumising ng
madaling-araw dahil na rin sa pagpupuyat niya sa mga gabingnagkakatuwaan sila
ng kanyang mga kaibigan. Kapag nahuli siyang gumising ay nahuhuli rin siya sa
paggising kay Bathalang Sidapa. Madalas sa tuwina'y nagpapasensiyan ni Sidapa
ang ganitong mga pagkukulang ng Sundalong Orasan. Nag-isip siya ng paraan
upang higit na sipagin ang sundalong panggising sa kanya at isang bagay na naisip
niyang gawin ay ang pagbibigay pa rito ng karagdagang pilak bilang insentibo.
Tuwang-tuwa naman ang sundalo at nangakong pagbubutihin na niya ang
kanyang tungkulin. Dahil sa kalasinga'y nagiging matabil pa ang sundalo at
naikukuwento sa mga kainuman ang mga sikretonginilalahad ng mga
sumasangguni kay Bathalang Sidapa na dapat sana'y di na nalalaman ng iba. Dahil
sa labis na kalasingan ng Sundalong Orasan ay maraming mga umagang hindia
niya nagigising si Sidapa. Dahil dito'y may mga digmaang sana'y naaganapan dahil
sa mahuhusay na payo ni Sidapa ang natuloy kaya'tmaraming sundalo na rin ang
nagbuwis ng buhay. Naging sanhi rin ng pagkakaroon ng mga digmaan ang
pagkalat ngmga lihim na isiniwalat ng Sundalong Orasan kapag siya'y nalalasing.
Dahil dito ipinatawag ni Bathalang Sidapa ang Sundalong Orasan. Humarap itong
lasing na lasing sa bathala." Sundalo dahil sa kapabayaan mo'y nagkaroon ng
madugong digmaang dapat sana'y napayapa at napigilan kungnakausap ko lang
ang mga pinuno ng mga kasangkot na baranggay," ang nagpipigil na wika ng
bathala."!a... patwarin muli ako... mahal na bathala" ang nagkakadauntal-utal na
sagot ng sundalo dahil sa labis niyang kalasingan. "Ang kapabayaan mo'y
nagbunga ng pagkawala ng maraming buhay dahil sa digmaan. Ang mga lihim
naipinagsasabi mo sa lahat ay lalo pang nakapagtulak sa mga pinuno upang ituloy
ang digmaan. Ang hindi mo paggising sa akin sa mga umagang dapat sanang
nakausap ko ang mga datung nasasangkot ay nakaaapekto rin nangmalaki sa mga
usaping pangkapayapaan" halos manginig sa galit na wika ng bathala. "!a...
pasensiya na po. Di ko lang po talaga maiwasan..." Hindi nagawang tapusin ng
sundalo ang sasabihin sapagkat sumambulat ang pagtitimpi ng bathala sa mga
pagkukulang ng sundalo. "Sapat na ang pagbibigay ko sa iyo nang ilang beses,
Sundalo. Bilang parusa sa iyong mga kapabayaan, ikaw ay magiging isang hayop
na tagagising ng lahat ng tao tuwing madalingaraw" ang umaalingawngaw na sabi
ng galit nagalit na bathala sa sundalo. Pagkawika nito'y ikinumpas ng bathala ang
kanyang kanang kamay at kasabay nito'y umalimbukay ang makapal nausok na
bumalot sa buong silid. Nagkahawi ng usok ay nakita ang pagbabagong-anyo ng
pabayang sundalo. Lummitsiya at ang mga bisig ay napalitan ng mabalahibong
pakpak. Ang buong katawan ay nabalutan din ng balahibo. Nagbago rin ang
kanyang mukha at ang mga labi'y naging tukang nilalabasan na lamang ng tilaok
sa halip na mgasalita. "Ang lahat ng pagbabago sa iyo ay TANDA ng iyong
kapabayaan. Hinding-hindi mo na malilimutang manggising ngayon at bilang
TANDA ng iyong mga kasalanan ay tatawagin kang TANDANG upang maipaalala sa
lahat ng taona sa bawat paggising nila sa umaga ay mayroon silang misyon o
tungkuling dapat tuparin ng maayos" ang wika ng Bathala. Magmula nga noon ay
maririnig na ang malalakas na tilaok ng tandang sa madaling-araw bilang TANDA
na oras nang pagising ng mga tao.

You might also like