Module

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Module

"Ikalawang Digmaang Pandaigdig"

Panimula:

Ang Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na
nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya at unang
araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito
hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng bansa sa
daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.Tinuturing
ito na pinakamalawak,pinakamahal at pinakamadugong
labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maalalang ang
mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng
napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat
kalaban.
Sa modyul na ito,tatalakayin ang:
Aralin I:
Dahilan ng Ikalawang digmaang pandaigdig
Aralin II:Digmaan sa Europa
a)Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado
b)Pagkawagi ng Alyado
Aralin III:
Digmaan sa Asya.

Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan ang


sumusunod:

 Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa


Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Nasusuri ang mahahalagang pangyayari naganap sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
 Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa tungo sa
kapayapaang pandaigdig at kaunlaran
Gawain 1.
Sa pagsisimula ng aralin,sagutan muna ang mga kunting
katanungan na nakapaloob sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.Ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero.
Mga pagpipilian:
a.League of Nations
b.United Nations
c.Hiroshima
d.National Socialism
e.Fascism

__1.Isa sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United


States
__2.Ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
__3.Tawag sa samahan ng mga bansa na naitatag
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

"Aralin I"

Ang Dahilan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay natapos sa
pagkatalo ng Alemanya at ng mga kanyang kasapi noong
1918. Nabago ang mapa ng Europa at bilang resulta
nito,nasipagsulutan ang mga bagong bansa kasama ang
bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan
sa nasabing bansa, dulot nito. Naniniwala ang mga
Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan;
sila ay ginamit bilang
pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya na nagwagi sa
digmaan. Binigyan ang unang nasabing bansa ng mga
pagbabawal at sangksyon,kabilang na rito ang Kasunduan
sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng
hukbong katihan na umabot sa sandaang libong
kawal para maiwas ang karagdagang gulo sa Europa at
upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang
dulot ng nasabing digmaan.
Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923
sa lungsod ng Munich sa Alemanya kasama ang mga
kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang kanilang
kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito ay pumalpak at
marami sa kanyang kasamahan ang nabihag ng mg
awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila
ang magiging pinuno ng bansa.

Gawain 2.Right Angle Approach


Tukuyin kung ano ang Facts at Views sa mag tinutukoy na
pahayag tungkol sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.Gamitin ang Right Angle Approach.

FACTS:
1. __
2. __
3. __
4. __
VIEWS:
1. __
2. __

A. Isa sa mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


ang pamumuno ni Hitler sa Germany.
B.Fascism ang tawag sa Ideolohiyang pinairal ni Benito
Mussolini sa Italy.
C.Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii,
lubhang nagalit ang United States at nagdeklara ito ng
Digmaan laban sa Japan.
D.Humiwalay ang Germay sa League of Nations.
E.Idiniklarang Open City ang Maynila noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
F. Lumaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
halos lahat ng lupalop ng daigdig.
"Aralin II"
Digmaan sa Europa:

Idinagdag ni Adolf
Hitler sa mga alemanyang Nazi ang mga bahagi ng
Awstriya at Sudetenland isang lugar na pinamumugaran
ng Tseka. Nakipagsunduan din siya sa pinuno ng Unyong
Sobyet na si Joseph Stalin para magdeklara ng digmaan
sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang
Polonya, sa tulong ng Unyong Sobyet noong ika-1 ng
Setyembre 1939 dahilan upang magdeklara ng digmaan
ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang
araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang
digmaan. Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng
taktikang blitzkrieg o digmaang kidlat na malugod na
ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga iba't ibang yunit
ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong
panahong yaon. Ang Dinamarka,Noruwega, Belhika,
Olanda at Pransiya ay mabilis na napabagsak ng blitzkrieg
habang dumadanas ng maliliit ng mga kawalan sa tauhan
at materyales.
Sa kabila ng pagkawala ng pagkawala ng Pransiya sa
kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na
lang ang mananatiling malaya at kung saan ay nasa
digmaan pa ang laban sa kanila. Gusto ni Hitler na
wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya
bago sakupin ang bansa noong 12 Agosto 1940,binomba
ng Alemanya ang katiogang baybayin ng Inglatera,
pinagsamasama ni Prime Minister Winston Churchill ang
kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay
tinulungan ng lihim na imbensyon na radar na ginagamit
para malaman kung may hukbong himpapawid na
papunta sa bansa at sa tulong nito natablahan ng mga
eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming
eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya ,pinatigil
ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya
sanhi sa kawalan sa mga eroplano at hindi nasakop ng
Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.

Noong Hunyo 1941 sinisimulan na ni Hitler at ng kanyang


mga Heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang
pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga
mananaysay at mga iskolar , ito ang pinakamalaking
pagkakamali ni Hitler.gusto niya ng bakanteng lugar para
sa kanyang lahi at makontol ang kayaman ng rehiyon.
Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin
ang kanyang pinakamapangyarihang karibal na si Joseph
Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang
pinasugod ni Hitler sa Rusya. dahil dito nagkasundo ang
Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan.
Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Alemanya.
Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang
namatay sa kamay ng mga Aleman, sa kabila nito walang
balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng
kanilang bansa. Muntikan ng maagaw ng Wehrmacht ang
Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa ngunit sa
pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga
Sobyet ng isang malawakang pag atake laban sa kanila
at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa
tarangkahan ng lungsod.

Ang pagbago ng takbo ng digmaan para sa


mga Alyado:
Sa unang bahagi ng taong
1942,naging matagumpay ang hukbong Axis sa Europa
sa iba't ibang larangan ng digmaan. Napasakamay ng
mga Aleman at Italyano ang kuta ng Briton sa Tobruk
Libya pagkatapos ng pagtatangka muli ng mga Aleman sa
pagkatalo nila sa Moscow ilang linggo na ang lumipas ay
bumalik sila sa paglulusob naagaw nila ang tangway ng
Kerch at ang lungsod ng Kharkov at pinagpatuloy nila ang
pangunahing misyon nila na maagawa nag masaganang
kalangisan sa Caucasu at sa lungsod ng Stalingrad. Dito
nagsimula ang madugong labanan sa Stalingrad. Isang
malaking insulto at kawalan kay Stalin ang pagkawala ng
lungsod lalo't lalo na't pangalan niya ang nakaukit sa
lungsod kaya ang utos niya sa kanyang mga
kasundalohan tumatanggol salungsod ay bawal umatras
ng walang utos sa kataas taasan okundi'y sila'y papatayin.
habang nahihirapan ang hukbong Axis sa pag agaw sa
lungsod dahil sa mga namamril na nakatago sa mga
gusaling nasira ang mga kanyon at eroplano na kagitingan
ng mga lokal nitong mamamayan,lumusob naman ang
mga Sobyet sa mga giliran ng hanay ng hukbo at
napakaraming yunit ng hukbo kabilang na yaon ang mga
Romaniyani, Italyano, Unggaryano at iba pang kaalyado
ng Alemanya,ang nawasak napaligiran ang mahigit
300'000 aleman sa lungsod ,Pebrero 1943 sanhi ng
pagkaubos ng kanilang tauhan,nateryales at pagkain
kasama na ang napakaminsalang taglamigang
Ruso,napilitan silang sumuko sa mga Sobyet,ito ang
hudyat ng simula ng pagbagsak ng hukbong Axis sa
digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang Wehrmacht sa
labanan hindi na ito naibawing muli ang dati nitong sigla
pagkatapos ng labanan sa Kursk na siyang
pinakamalaking labanan ng tangke sa kasaysayan na
napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan ng wala ng
kakayahan ang Alemnaya na magsagawa ng panlulusob
sa mga teritoryo ng Rusya.

Pagkawagi ng mga Alyado:


Noong ika-6 ng Hunyo 1944 naglunsad ang mga
sundalong Amerikano,Briton at Kanadyano ng
pagsalakay sa baybayin ng Normandy Pransiya na sakop
ng mga sundalong Aleman at ito ay bahagi ng operasyong
tinawag na D-Day o Operasyong Overload na siyang
pinakamalaking paglusob mula dagat sa .kasaysayan.
Mahigit 175,000 na Alyadong sundalo ang lumapag
sa baybaying-dagat ng Normandy sa mga unang araw
nito at lumagpas sa humigit isang milyon pagkatapos ng
ilang araw. Makalipas ang ilang buwan, sa tulong ng mga
Pranses matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado
ang
Pransiya,makalipas ang ilang buwan nagsagawa ang
mga Aleman ng isang paglusob laban sa mg hukbong
Alyado sa mga kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya
ito at dahil dito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.
Noong 16 Abril 1945, pumasok ang hukbong pula ng
Unyong Sobyet sa lungsod ng Berlin ang kabisera ng
Nasiyunalistang Alemanya at nilbanan nito ang mga
kahulihuliang mga yunit ng sundalong Aleman. Nawasak
ang kabiserang lungsod at may higit 700,000 sundalong
Aleman at sibilyan ang namatay, nasugatan at nabihag sa
kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945 sumuko ang
Alemanya at nagwagi ang puwersang Alyado at Unyong
Sobyet sa digmaan.

Para mas maunawaan ang D-Day o Operasyong Overload ito ang isang
dokumentaryo ukol sa nasabing taktika na ginamit ng Hukbong Alyado. Habang
nanonood itala ang mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa napanood na
bidyo:
Panuorin:

Gawain 3: Reaction Paper


Gumawa ng Reaction paper patungkol sa kaganapan sa
Digmaan sa Europa. tulad ng ibat ibang gerang naganap,
at tungkol sa mga naglalabang alyado.

"Aralin III"
Digmaan sa Asya:

Sumiklab din ang digmaan


saPilipinas at Asya. Dulot ng pagsabog ng Pearl Harbor
sa Hawaii,sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa
ngayon) mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong 3
Disyembre 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang
pagdeklara ng giyera laban sa bansang Hapon ngunit
nagdeklara din ang Almanya at Italaya laban sa Estados
Unidos. Idiniklara ni Hen. McArthur bilang open city ang
maynila. Ngunit hindi ito sinunod ng Hapon at itinuloy
parin ang pag atake. Dahil sa palala ang kondisyon ng
Pilipinas ,ango pamahalaang komonwelt ni Manuel L.
Quezon ay inilikas mula Malinta tunnel Corregidor
papuntang Washington D.C. sa Estados Unidos at iniwan
ang pamamahal kay Jose P. Laurel at Jorge Vargas
humirap ang kondisyon ng bansa malakas umatake ang
mga hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil
dito humina ang pwersang SAFFE at tinuluyang isuko ang
Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen.King at
Hen. Wainwright. Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at
nasakop lahat ng lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina,
Myanmar, Malaya,Dutch East Indies, at ang Pilipinas.

Noong 20 Oktobre 1944, bumalik si Hen. Douglas


McArthur at mga kasamahan ni dating pangulo Sergio
Osmena,Heneral Basilio J. Valdez,brigedyer Heneral
Carlos P. Romulo ng sandatahang lakas ng Pilipinas at si
Heneral Richard Sutherland ng hukbong katihan ng
Estados Unidos ay dumaong ang puwersang Amerikano
sa Palo,Leyte. At nagsimula ngpagpapalaya sa bansang
Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin ng mga tropang
Pilipino at Amerikano kabilang ng mga kumilalang pangkat
ng mga girelya noong 1944 hanggang 1945 at ang
pagsalakay ng puwersang hapones. Nagsimula ang
labanan ng pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3
hanggang Marso 3 1945 ay nilusob ng magkasanib na
puwersang Pilipino at Amerikano na isinalakay at
pagwasak ng pagbobomba ng kabiserang lungsod laban
sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at
mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang namatay
sa kamay ng hukbong Hapones noong 2 Setyembre 1945
sumuko si Heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang
Pilipino at Amerikano sa Kiangan lalawigang bulubundukin
(ngayon ay Ifugao) sa hilagang Luzon. Nagsimula ang
mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda sa
pagsalakay sa Hilagang Luzon ay lumaban ang hukbong
Imperyong Hapones noong 1945. Natapos lang ang
digmaan sa buoong mundo pagkatapos ng pagpirma ng
pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong
Amerikano.
Pamprosesong tanong,pagktapos ng pagbobomba sa
Hiroshima at Nagasaki noong Agosto 6, 1945 sa Look ng
Tokyo,Hapon.

Gawain 4: TIME LINE


Petsa (Araw, Buwan, Taon)/ Mga Pangyayari
___________________________________ ________________________________________
___________________________________ ______________________
__________________
__________________________________ _______________________________
_________
__________________________________ _______________________________
_________
___________________________________ ______________________
__________________

Pamprosesong Tanong:

1.Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?


2.Ano ang dahilan kung bakit sumali ang United States sa
digmaan?
3.Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong
iyon,haharapin mo rin ba ang panganib? Bakit?

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:

1. Pagbagsak ng Ekonomiya ng mga bansa


2. Pagkalagas ng puwersang militar
3. Sirang mga imprastraktura
4. Pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan

Mga Sagot sa bawat Gawain:


Gawain 1.
1.C. Hiroshima
2.D. National Socialism
3.B. Fascism

Gawain 2.
FACTS: B,D,E,F
VIEWS: A,C

Gawain 3.
Reaction paper
Halimbawa ng isang Uri ng Rubric para sa isang papel
Pamantayan Superior (54-60 Sapat (48-53 puntos) Minimal (1-47 Hindi Katanggap-
puntos) point) tanggap (0 puntos)
Lalim ng Tugon ay Tugon ay nagpapakita Tugon ay Tugon ay nagpapakita
Reflection nagpapakita ng ng pangkalahatang nagpapakita ng ng kakulangan ng
isang malalim na sumasalamin sa, at pag- isang minimal na pagmuni-muni sa, o sa
(25% ng TTL sumasalamin sa, at personalize ng, ang pagmuni-muni sa, pag-personalize ng, ang
Mga puntos) pag-personalize ng, teoryang, konsepto, at / at pag-personalize teoryang, konsepto, at /
ang teoryang, o mga diskarte iniharap ng, ang teoryang, o mga diskarte iniharap
___ / 15 konsepto, at / o sa mga materyales sa konsepto, at / o sa mga materyales sa
mga diskarte kurso sa petsa. Pananaw mga diskarte kurso sa
iniharap sa mga at interpretations ay iniharap sa mga petsa. Pananaw at
materyales sa kurso suportado. Naaangkop materyales sa kurso interpretations ay
sa petsa.Pananaw na mga halimbawa ay sa petsa.Pananaw at nawawala, hindi
at interpretations ibinigay, bilang interpretations ay naaangkop, at / o hindi
mga pakinabang at naaangkop. hindi suportado o suportadong. Mga
mahusay na hindi suportado Halimbawa, kapag
suportado.I-clear, gamit ang flawed naaangkop, ay hindi
mga detalyadong mga ibinigay.
halimbawa ay argumento. Mga
ibinigay, bilang Halimbawa, kapag
naaangkop. naaangkop, ay
hindi ibinigay o
walang kinalaman
sa ang pagtatalaga.
Kinakailangang Tugon Kasama sa Tugon Kasama sa lahat Tugon ay Ibinubukod ng Tugon
Bahagi lahat ng mga ng mga bahagi at nawawala ang ilang mahalagang bahagi at /
bahagi at natutugunan ang lahat mga bahagi at / o o ay hindi matugunan
(25% ng TTL natutugunan o ng mga kinakailangan hindi ganap na ang mga kinakailangan
Mga puntos) lumalagpas ang na nakasaad sa mga nakakatugon sa na nakasaad sa mga
lahat ng mga tagubilin. Ang bawat mga iniaatas na tagubilin. Maraming
___ / 15 kinakailangan na tanong o bahagi ng nakasaad sa mga bahagi ng pagtatalaga
nakasaad sa mga pagtatalaga Naka- tagubilin. Ang ay natugunan Nagnais,
tagubilin. Ang address. Ang lahat ng ilang mga inadequately, at / o
bawat tanong o mga attachment at / o katanungan o mga hindi sa lahat.
bahagi ng mga karagdagang bahagi ng
pagtatalaga Naka- dokumento ay kasama, pagtatalaga ay
address gaya ng iniaatas. hindi
lubusan. Ang lahat natugunan. Ang
ng mga attachment ilan sa mga
at / o mga attachment at mga
karagdagang karagdagang
dokumento ay dokumento, kung
kasama, gaya ng kinakailangan, ay
iniaatas. nawawala o hindi
angkop para sa
layunin na ang
pagtatalaga.
Istraktura Pagsusulat ay Pagsusulat ay Pagsusulat ay hindi Pagsusulat ay hindi
malinaw at kadalasang malinaw at malinaw at / o malinaw at ginulo.Mga
(25% ng TTL madaling madaling maintindihan, ginulo. Mga iniisip ramble at
Mga puntos) maintindihan, at at mahusay na nakaayos saloobin ay hindi gumawa ng maliit na
mahusay na na may mahusay na ipinahayag sa isang kahulugan. Maraming
___ / 15 nakaayos na may konstruksiyon lohikal na spelling, grammar, o
mahusay na pangungusap / paraan.Mayroong mga syntax error sa
pangungusap / talata. Pag-iisip ay higit sa limang buong tugon.
talata ipinahayag sa spelling, grammar,
construction.Pag- magkaugnay na at o mga syntax error
iisip ay ipinahayag lohikal na bawat pahina ng
sa magkaugnay na paraan. Walang higit sa pagsulat.
at lohikal na limang spelling,
paraan.Walang grammar, o mga syntax
higit sa tatlong error bawat pahina ng
spelling, grammar, pagsulat.
o mga syntax error
bawat pahina ng
pagsulat.
Ebidensiya at Ipinapakita ng Ipinapakita ng Tugon Ipinapakita ng Ipinapakita ng Tugon
Practice Tugon malakas na katibayan ng synthesis Tugon kaunti walang katibayan ng
katibayan ng ng mga ideya na ebidensiya ng synthesis ng mga ideya
(25% ng TTL synthesis ng mga ipinakita at mga synthesis ng mga na ipinakita at mga
Mga puntos) ideya na ipinakita pananaw nagkamit sa ideya na ipinakita pananaw nagkamit sa
at mga pananaw buong kurso.Ang mga at mga pananaw buong kurso.Walang
___ / 15 nagkamit sa buong implikasyon ng mga nagkamit sa buong mga implikasyon para
kurso. Ang mga pananaw na ito para sa kurso. Ilang sa pangkalahatang mga
implikasyon ng pangkalahatang mga implikasyon ng kasanayan sa pagtuturo
mga pananaw na kasanayan sa pagtuturo mga pananaw na ang tumutugon ay
ito para sa ang tumutugon ay ito para sa ipinakita, kung
pangkalahatang ipinakita, kung pangkalahatang naaangkop.
mga kasanayan sa naaangkop. mga kasanayan sa
pagtuturo ang pagtuturo ang
tumutugon ay tumutugon ay
lubusan ipinakita, kung
detalyadong, bilang naaangkop.
naaangkop.

Gawain 4:Time line


Petsa (Araw, Buwan, Taon)/ Mga Pangyayari
-3 Disyembre 1942- Sumiklab din ang digmaan saPilipinas
at Asya. Dulot ng pagsabog ng Pearl Harbor sa
Hawaii,sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa
ngayon) mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa
-20 Oktobre 1944, bumalik si Hen. Douglas McArthur at
mga kasamahan ni dating pangulo Sergio
Osmena,Heneral Basilio J. Valdez,brigedyer Heneral
Carlos P. Romulo ng sandatahang lakas ng Pilipinas at si
Heneral Richard Sutherland ng hukbong katihan ng
Estados Unidos ay dumaong ang puwersang Amerikano
sa Palo,Leyte
-1944 hanggang 1945- nagsimula ngpagpapalaya sa
bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin ng mga
tropang Pilipino at Amerikano kabilang ng mga kumilalang
pangkat ng mga girelya.
-Pebrero 3 hanggang Marso 3 1945- ay nilusob ng
magkasanib na puwersang Pilipino at Amerikano na
isinalakay at pagwasak ng pagbobomba ng kabiserang
lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong
Hapones
-2 Setyembre 1945- sumuko si Heneral Tomoyuki
Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa
Kiangan lalawigang bulubundukin (ngayon ay Ifugao) sa
hilagang Luzon.
- lumaban ang hukbong Imperyong Hapones noong 1945.
-Look ng Tokyo,Hapon.

"Hindi ang kasaysayan ang umuulit sa sarili niya.


Kundi ang tao ang umuulit sa kasaysayan"
-Sir Robert Go
"PAGTATAPOS NG MODYUL"

You might also like