Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Yamit, Angelyka Daniel E.

FILIPINO 44-A Ika-18 ng Mayo 2017


BSED-4
POSISYONG PAPEL TUNGKOL SA ABORSYON

Maraming tao ang nagiisip ng mabuti tungkol sa isyu ng aborsyon. Ang

argumento na ipiniprisenta ng pagsang-ayon sa buhay o "pro-life" ay ang bawat

bata na bubuhayin ay ginusto at kailangan alagaan, at bawat batang

ipinagbubuntis ng kanyang ina ay kailangan mabuhay. Samantalang, sa

kabilang panig naman ay ang "pro-abortion" o tuwirang karapatan ng mga

kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili; kung ang batang nasa

kanilang sinapupunan ay gusto o hindi ba nila ito gustong buhayin.

Ang batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay kanyang pagmamay-

ari at nasa kanyang sariling pangangatawan at ang buhay ay hindi nagsisimula

hanggat ang bata ay hindi pa nailuluwal sa mundong ibabaw.

Ang pansariling karapatan ng mga kababaihan at sariling kabuuang kalayaan

ay nagbibigay pahintulot sa mga kababaihan na magdesisiyon para sa kanilang

sarili kung nais ba nilang ilaglag o ituloy ang kanilang pagbubuntis.

Ang karapatan sa pagpili ng aborsyon ay personal at napaka-halaga sa

buhay ng kababaihan; na kung wala ang karapatan na ito sa pagpili at

pagdedesisiyon ay hindi tuwirang naisaisagawa at natutupad ang iba pang

pundamental na karapatan at kalayaan na tiyak na nararapat lamang nilang

matamo.

Sa ganitong sitwasyon, ang estado ay walang direktong karapatan at hindi

maaring makialam o sumalungat sa bawat pribadong buhay ng mamamayan


Yamit, Angelyka Daniel E. FILIPINO 44-A Ika-18 ng Mayo 2017
BSED-4
sa kaniyang bansa. Sa pagkakaroon ng karapatan ng pagpili ng aborsyon, ang

mga kababaihan ay maaaring makapag-saya at magawa ang kanilang plano

sa buhay ng kanilang buong kagustuhan at pagdedesisyon; Ang kapangyarihan

ng bawat nilalang na gamitin ang lakas at impluwensiya ng kanilang isip at

pangangatawan.

Kagaya na lamang ng mga kalalakihan, mayroon silang karapatan na

mamili at gustohin ang mga bagay-bagay sa kanilang buhay. Ang mga lalaki ay

maaaring umayaw o umalis sa isang relasyon ng kasing dali at bilis ng kanilang

pagdedesisyon na iwanan ang babae sa madaling panahon na malaman nito

ang tungkol sa isang pinagdadalantao. Walang animo tanung-tanong o

kinalaman ang mga ito ukol sa naganap na pangyayari. Pinili nila ang ganitong

desisyon. Ginawa niya ang kanyang gusto. Maaari lamang natin sabihin na patas

o parehas ang pinaglalabanang karapatan kung ang mga kababaihan ay

maaari rin bigyan ng parehas at kaayon na pagdedesisyon.

Kung ang isang babae ay ayaw humawak ng responsibilidad at akuin ang

kanyang tungkulin bilang isang ina at humarap sa isang pananagutan,

samakatuwid, naaayon sa kanya ang aborsyon; ang pagdedesisiyon sa pagpili

ng aborsyon bilang isang pagpipiliang opsyon. Hindi lahat ng "contraceptives" o

gamot sa pagapapalaglag o mga alternatibong paraan ng hindi pagbubuntis

ay epektibo at sigurado. Hindi sa lahat ng oras ito ay nasa kamay o pwedeng

gamitin (availability of the object). Ang aborsyon ay kinakailangan sa mga


Yamit, Angelyka Daniel E. FILIPINO 44-A Ika-18 ng Mayo 2017
BSED-4
kababaihan na alam at may kakayahang malaman kung gusto at kailan

magbubuntis o ipalalaglag ang isang bata. (whether and when to "bear or beget

a child").

Ang pagkakaroon ng aborsyon ay hindi lamang posible upang

magkaroon ng sapat na karapatan sa pagpili ng dami ng numero ng anak na

gusto sa isang pamilya kundi, ang pagbuo ng uri at klase ng pamilya na kanilang

ginusto sa kanilang mga sarili kasabay ng pagkamit ng kanilang mga

responsibilidad. Kung ang isang babae ay hindi makapili o makpagdesisyon sa

kanyang sarili na hindi ituloy o ipalaglag ang kaniyang dindala na hindi naman

niya ginusto o ayaw nitong buhayin, siya mismo ay maitatanggi at maitatatwa

sa pansariling karapatan sa “posisyon at control” ng kaniyang sariling

pangangatawan.

Isa sa pinakasagradong karapatan ng isang batas ay ang pagpili, at kung

ang isang babae ay hindi ito kayang gawin, kung gayon, ang pinaka-

importanteng posisyon ay inaalis at pinawawalang halaga. Ang aborsyon ay

hindi lamang pangkababaihang karapatan, ito ay karapatan ng mga

kababaihang pumili.
Yamit, Angelyka Daniel E. FILIPINO 44-A Ika-18 ng Mayo 2017
BSED-4
RESOURCES:

The Incidence of Induced Abortion in the Philippines: Current Level and Recent

Trends. (2016, December 06). Retrieved May 17, 2017, from

https://www.guttmacher.org/journals/ipsrh/2005/09/incidence-induced

abortion-philippines-current-level-and-recent-trends

ABORSYON (takot. kahihiyan. kasalanan.). (2010, November 25). Retrieved May

17, 2017, from

https://theteenagemom.wordpress.com/2010/11/25/aborsyon-takot-

kahihiyan-kasalanan/

You might also like