Lesson Plan in MTB (Javen)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Aralin 10: Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya (Mother Tongue Based

Multilingual Education III)

Inihanda ni: Rina V. Zaide

I. Layunin
a.Natatalakay ang iba’t ibang uri ng panghalip pananong..
b.Nakagagawa ng mga tanong na nagsisimula sa sino, ano, saan at kailan.
c. Nauunawaan ang gamit ng panghalip pananong.

II. Paksang Aralin

a. Aking Pamayanan: Tahanan, Kapaligiran, at Pamilya

b. Kagamitan: Mga Larawan, Manila paper, Marker at Kartolina

c. Sanggunian : Mother Tongue Based Multilingual Education. Pp.113 hanggang


121

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag aaral


A.Panimulang Gawain
a.Panalangin
b.Pagtetsek ng liban at hindi liban, pag
sasaayos ng loob ng silid aralan.
c.Pagbati
1.Pagganyak
(Magpapakita ng larawan)

“Ano ang nahihinuha ninyo sa unang


larawan?”.
“Nagpapakita po ng isang batang babae na may
hawak ng isang bulaklak”.
“Mahusay! E itong pangalawang larawan?”.

“Nagpapakita po ng isang guro”.


“Sa inyo bang palagay, may ugnayan ang
dalawang larawang aking pinakita?”
“Opo”
“Ano itong ugnayan na ito? Mieca?
“ Sa tingin ko po ibibigay ng batang babae ang
bulaklak sa kanyang guro”.
“Magaling Mieca, ang ating aralin sa araw na
ito ay may kaugnayan sa mga larawang aking
pinakita”.

“Handa na bang makinig lahat?”. “Handa na po titser”.

B. Paglalahad
Matalakay ang gamit ng panghalip
pananong na ano, sino, saan, at kalian.
Pagbasa sa maikling salaysay ng guro.

C. Pagtatalakay Sa Aralin

“Ang panghalip pananong ay mga salitang


ginagamit upang magtanong”.

“Ang pananong na Sino ay ginagamit sa ngalan


ng tao”.

“Halimbawa, Sino ang aawit para sa akin?”.

“Osige mga bata sino makakapagbigay ng


halimbawa ng pananong na ginagamit na
sino?”.
“Titser ako po!”
“Sige Mariel”
“Sino ang ating panauhin?”.
“Magaling Mariel”

“Susunod naman ay, ang pananong na Saan na


ginagamit upang sagutin ang mga tanong ukol
sa lugar”.

“Halimbawa, Saan mo gustong tumigil?”.

“Sino pa ang makakapagbigay ng halimbawa”.

“Ako po titser!”
“O, Ikaw Fely”.
“Saan ka pupunta?”.

“Magaling Fely,

Ang sumunod naman ay pananong na Kailan


na ginagamit upang sagutin ang mga tanong
tungkol sa oras”.

“Halimbawa, Kailan natin bibisitahin sina lolo


at lola?”.

“Ikaw nga KC magbigay ka nga ng halimbawa


ng tanong tungkol sa oras”.
“Kailan ka pupunta sa maynila?”.

“Magaling KC, susunod naman ay ang


pananong na Ano na ginagamit upang sagutin
ang mga tanong tungkol sa bagay o
pangyayari”.
“Halimbawa, Ano ang masasabi mo sa
exhibit?”.

“Ikaw Rea, magbigay ka ng halimbawa na


ginagamit sa tanong na bagay o pangyayari”.
“Ano ang ginagawa mo?”.

“Magaling Rea”.

“ Ngayon naman ay may babasahin ako na


maikling salaysay”.

“Ang pamagat ng salaysay na aking babasahin


ay ANG PANGAKO NI MIlA”.

“Ano nga ba ulit mga bata ang pamagat na


babasahin ni titser”
“Ang pangako ni mila”

“Magaling mga bata”

“Isang umaga, habang naglalakad si mila


papunta sa paaralan, naisip niya na matutuwa si
Bb. Romero kung bibigyan niya ito ng
bulaklak para sa kaniyang plorera.”

“Ano daw mga bata ang gustong ibigay ni mila


kay Bb.Romero?”.
“Bulaklak titser”

“Magaling mga bata’

“Nadaanan ni Mila ang hardin sa plasa.


Maganda at namumukadkad ang mga
gumamela. Nabasa niya ang babala, BAWAL
PUMITAS NG BULAKLAK. Ngunit nang
magkaroon siya ng pagkakataon, palihim
siyang pumitas ng gumamela.”

“Ano nga ba yung nabasa ni mila sa hardin


mga bata?”
“Titser, Bawal pumitas ng bulaklak”

“Bawal pumitas ng bulaklak, yung bang


ginawa ni mila tama ba?”
“Mali po titser, kasi po pinagbabawal na
pumitas ng bulaklak”

“Magaling mga bata, dapat sumunod tayo sa


mga pinagbabawal upang hindi tayo
mapahamak. Mahalaga rin na sundin natin ang
mga Karatula na makikita sa ating komunidad
sapagkat ito ay batas na dapat sundin at hindi
dapat suwayin.”
“Ibinigay ni Mila ang bulaklak sa guro at
nagpapasalamat ito. Nagkataon na ang
kanilang aralin sa araw na iyon ay tungkol sa
pagpapahalaga at pagsunod sa mga babala sa
pampublikong pasyalan. Isa dito ay BAWAL
PUMITAS NG BULAKLAK.”

“Pagkatapos ng paliwanag ni Bb.Romero,


naisip ni Mila na mali ang kaniyang ginawa.
Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hindi na
niya uulitin ang pagkakamali niya.”

“Mga bata tama ba yung disisyon ni Mila na


hindi na nya gagawin ang kanyang maling
ginawa”.
“Opo titser, tama po yung naging disiyon ni
Mila”
“Magaling mga bata, Ngayon nalaman ko na
lahat kayo nakikinig at nakikiisa sa ating
aralin”.

D. Paglalapat
Panuto: Hanapin ang mga salita na may
kaugnayan sa salaysay na makikita sa loob ng
kahon.

Mila Romero Paaralan Umaga

Bulaklak Hardin Plasa Guro

S P A A R A L A N G K
A L S A A N M O U U A
H A R D I N S I N R I
R S R O M E R O L O L
I A U M A G A R K A A
N B U L A K L A K S N
A M A H A L A G T O A

E.Paglalahad
(Igrugrupo ng guro ang mga mag-aaral sa
dalawang grupo, at kailangan magpaunahan na
makasagot ng limang tanong ang bawat
representatib ng grupo. Ang aktibiti na
ipapagawa ng guro ay nahahalintulad sa quiz
bee na kung saan ang guro ay magpapakita ng
larawan at magbibigay ng tanong ukol dito na
kailangang sagutin ng dalawang kalahok)

Gawain:
Ang bawat representatib ng grupo ay
magpapaunahan na makasagot ng limang
tanong at ang grupo na mananalo ay
magkakamit ng gantimpala na inihanda ng
guro.
V. Ebalwasyon/ Pagtataya
Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop
na panghalip pananong para sa pangungusap.
1. …… ang sasama sa amin?
2. …… ang mga bagay na kailangan?
3. …… tayo magkikita?
4. …… tayo pupunta sa bukid?
5. …… mga bagay na dapat nating isaisip
upang maging ligtas an gating paglalakbay?

VI. Takdang Aralin


Basahin ang maikling kwento.
Habang naghahapunan kagabi, hindi
sinasadyang nabasag nu Gerald ang baso. Agad
na inilayo ni Kuya Luis si Gerald sa mga
bubog. Nagmamadali naman si Jane na
kumuha ng tambo, pandakot, at basahan upang
malinis kaagad ang kalat. Nakita nina tatay at
nana yang maganda nilang ginawa. Nasiyahan
sila sa pagtutulungan ng magkakapatid.
Guhitan ang panghalip na pananong at sagutan
ang mga tanong.
1. Ano ang paksa ng maikling salaysay?
2.Sino ang nakabasag ng baso?
3. Saan nangyari ang kuwento?
4. Kailan tumulong si Gerald at Jane?
5.Ano ang nararamdaman ng kanilang
magulang nang Makita ang kanilang ginawa ?
Bakit?

You might also like