Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

DON SERVILLANO PLATON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Sta. Cruz, Tinambac, Camarines Sur

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

TEST I: PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT.


1. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a.umunawa b. mag-isip
c. magpasya d,magpili

2. Sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang___________.


a. kabutihan b. kaalaman
c. katotohanan d. karunungan

3. Ang tao ay may tungkuling ________________ ang isip at kilos-loob.


a. sanayin,paunlarin,at gawing ganap b.kilalanin,paunlarin at gawing ganap
c. kilalanin,sanayin at gawing ganap d. wala sa nabanggit

4. Binigyang direksiyon ng likas na batas moral ang pamumuhay ng tao ayon kay_____________.
a. Lipio b. Esteban
c. Santo Tomas de Aquino d. Dr. Manuel Dy Jr.

5. Ang likas na batas moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao, anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy nito?
a. di-nagbabago b. pangkalahatan
c. obhetibo d. walang hanggan

6. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy nito? Ito ay nagmula sa mismong katotohanan –ang Diyos.
a. obhetibo b. pangkalahatan
c. walang hanggan d. di-nagbabago

7. Ito ay umiiral at mananatiling iiral. Ito ay walang katapusan at walang kamatayan. Anong katangian ng likas na batas
moral ito?
a. walang hanggan b. di-nagbabago
c. pangkalahatan d. obhetibo

8. Sinasaklaw nito ang lahat ng tao. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi,kultura at sa lahat ng lugar at sa lahat ng
pagkakataon.
a. pangkalahatan b. walang hanggan
c. obhetibo d. di-nagbabago

9. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.


a. puso b. kamay o katawan
b. isip D. balat

10. Ito ay may kakayahang alamin ang diwa at buod ng mga bagay.
a. isip b. puso
c. balat d. kamay o katawan

TEST II: TAMA O MALI: SAGUTIN ANG PANGUNGUSAP NG TAMA KUNG SA IYONG PALAGAY TAMA ANG ISINASAAD
NG PANGUNGUSAP AT MALI KUNG SA PALAGAY MO AY MALI.

11. Tama ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali.
12. Pagsasauli sa nagmamay-ari ng pitakang iyong napulot sa mesa.
13. Mali ang konsensiya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali.
14. Ang likas na batas moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain.
15. Ang unang prinsipyo ng likas na batas moral ay gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
16. Ang konsensiya ay nakadikit sa isip ng tao.
17. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng tama o mali.
TEST III: A. PUNAN ANG PATLANG; Isulat sa patlang ang angkop na sagot.
Ang tao ay18. ______________ na nilalang dahil siya ay may isip na19. ________________at kilos-loob
na20.______________ na ang gamit ng isip ay21. ____________________ na ang gamit ng kilos-loob ay 22. ______________
ang tunguhin ng isip ay 23. _________________ ang tunguhin ng kilos-loob ay 24____________ Kaya, nararapat na 25.
______________, 26. ______________, at 27.____________________ ang isip at kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang
kakayahang ito ng tao.

TEST IV: PAG –ISA- ISAHIN ANG MGA SUMUSUNOD.

28-30 (3) Ano ang tatlong mahalagang sangkap ng tao ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.
31-33 (3) Tatlong nilikhang may buhay sa mundo.
34-35 (2) Dalawang mahalagang sankap na nagpapabukod-tangi sa tao.
36-37 (2) Dalawang uri ng konsensiya.
38-41 (4) Katangian ng likas na batas moral.

TEST V: IPALIWANAG ANG MGA SUMUSUNOD.

42-45 (4POINTS) Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at kilos-
Loob?
46-50 (5points ) Bakit natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral?
KEY TO CORRECTION
TEST I:
1-10 LAHAT TITIK A
11-17 LAHAT TAMA
18.NATATANGI
19. NAKAKAALAM
20. NAGPAPASIYA /PUMIPILI
21. UMUNAWA
22. KUMILOS/GUMAWA
23. KATOTOHANAN
24. KABUTIHAN
25. SANAYIN
26. PAUNLARIN
27. GAWING GANAP
28-30 ISIP, PUSO, KAMAY O KATAWAN
31-33 TAO, HAYOP, HALAMAN
34-35. ISIP AT KILOS-LOOB
36-37. TAMA O MALI
38-41. OBHETIBO,PANGKALAHATAN(UNIBERSAL),WALANG HANGGAN(ETERNAL), DI-NAGBABAGO(IMMUTABLE)

You might also like