Banghay-Aralin MCHS Filipino Karagdagan (Pebrero 3-7, 2020)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG LUNGSOD NG DAVAO
MINTAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Taong Panuruan 2019-2020

BANGHAY-ARALIN

Petsa: Pebrero 3, 2020


Paksa: Saknong 1-10 ng awiting Florante at Laura
Baitang: Ikawalong Baitang
Guro: G. Lethjazz B. Cabales
Kagamitan: video clip ng teleseryeng Make It With You, jpeg images ng mga pahinang naglalaman ng mga
tampok na aralin

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng isang (1) piryud, ang mga mag-aaral ay:

A. nakapagbigay ng kanilang reaksyon hinggil sa napanood na kagyat na bahagi ng teleserye (PK);


B. nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag sa binasa (F8PT-IVa-b-33; PK, PU);
C. nakapagtalakay sa tampok na saknong sa pamamagitan ng intonational reading (PK);
D. nakapagsagot sa mga ipinukol na tanong (PU, PL, PS); at
E. nakagawa ng isang tableau hinggil sa sitwasyong ipinagagaya (PB)

II. Pamamaraan:

A. Introduksyon:

 Magbabalik-aral ang klase hinggil sa tinalakay sa nakaraang piryud.


 Papanoorin ng mga mag-aaral ang isang video clip ng teleseryeng Make It With You (kung saan si Gabo
ay naglalagalagg na lamang at wala nang makain hanggang nakahanap siya ng pagpaparausan ng
gutom – ang pamamasura). Bibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong ilahad ang kanilang reaksyon
hinggil dito.

B. Interaksyon

 Bago magsimula ang klase, papasahan muna ang mga mag-aaral ng jpeg image ng mga nasabing
saknong. Dahil naroon na ang mga kahulugan ng mga matatalinghagang kataga at pahayag, gagawa na
lamang sila ng pangungusap mula sa mga ito.
 Babasahin ng klase ang saknong 1-10 sa paraang intonational reading. Papaalalahanan ang mga mag-
aaral na bibigyan sila ng karampatang puntos para rito.
 Pupukulan ang mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa binasang mga saknong.
Mga Tanong;
1. Ilarawan ang lalaking nakagapos sa puno ng Higera.
2. Bigkasin ang ilan sa mga bagay na naalala ng lalaki habang siya ay nasasadlakan. Paano
niya ginugunita ang mga yaon
3. Ano kaya ang sinisimbolo ng gubat na kinasasadlakan ng lalaki sa mga nasabing saknong?
4. Ipagpalagay na ikaw ay bumagsak sa dalawa o higit pang asignatura sa ikatlong markahan.
Ituturing mo ba ito bilang mga kabiguang dadalhin mo sa iyong buong buhay?

C. Integrasyon

 Ipapakita sa klase ang kasabihang “Problems are blessings in disguise.” Bibigyan ang mga mag-aaral
ng pagkakataong ilahad ang kanilang tugon o saloobin hinggil dito. Maaari ring magbigay ang mga mag-
aaral ng mga panukala kung paano gawing positibo ang mga pagdurusang nararanasan sa buhay.

D. Pagtatataya
 Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang bawat grupo ay gagawa ng isang tableau batay sa itinalagang
sitwasyon. Mamarkahan ang kanilang performance sa pamamagitan ng rubriks.

Unang Pangkat  tableau hinggil sa pagkakalarawan ng akda sa kagubatang tampok


Ikalawang Pangkat  tableau hinggil sa pag-alala ni Florante sa nangyayari sa Albanya
Ikatlong Pangkat  tableau hinggil sa pag-alala ni Florante sa kasintahan at ang lagay niya

KAILANGANG PUNTOS
MGA MAHUSAY KATAMTAMAN PAG-
PAMANTAYAN (3) (2) IBAYUHIN
(1)
Pagganap (x3) Isinasabuhay nang Naisasabuhay sa halos Kalimitan, tila wala sa
maayos ng mga mag- lahat ng pagkakataon sarili ang aktor; hindi
aaral ang kani- ang mga karakter ng akma o walang
kanilang karakter; mga mag-aaral; ekspresyong makikita
makikinita nang lubos kalimitan, ipinapalabas sa kanilang
ang ekspresyong ng mga nagsipagganap pagganap.
angkop sa daloy ng ang ekspresyong akma
pangyayari. sa pangyayari.
Kaisahan ng Maayos ang Maayos ang Laging nagsisingitan
Pangkat (x2) pagkakaposisyon ng pagkakaposisyon ng ang mga
mga nagsipagganap mga nagsipagganap sa nagsipagganap; hindi
sa entablado; entablado; kalimitan, maayos ang transition
singkronisado ang singkronisado ang mula sa isang eksena
ginawang aksyon ng ginawang aksyong ng tungo sa susunod.
mga mag-aaral. mga mag-aaral.
Kabuuang Sa kabuuan, mabuti Sa kabilang mga Kailangan pa ng
Ganda ang isinagawang kaunting pagkakamali, kaunting paghahanda
tableau. mabuti pa rin ang upang mas mapaigi
kabuuan ng tableau. ang tableau.
KABUUAN

III.Takdang-Aralin:

PANUTO: Basahin ang ipinasang jpeg image hinggil sa susumod na saknong na tatalakayin.

You might also like