Professional Documents
Culture Documents
Yamang Tao
Yamang Tao
Ang mga magsasaka ang nagtatrabaho upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan sa pagkain. Kailangan dito ang bigas, gulay, prutas at pagkaing ugat tulad ng
kamote, patatas, ube, at iba pa. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga produktong ito ay
nabibili sa mga pamilihan.
2. Mangingisda
Hinuhuli ng mga mangingisda ang mga isda at mga pagkaing dagat tulad ng hipon,
alimasag at pusit.
3. Arkitekto
Inihahanda ng arkitekto ang mga plano ng bahay, gusali at mga disenyo na bahagi ng iba't-
ibang konstruksyon. Katulong niya ang inhinyero upang mapabuti at maayos ang plano sa
anumang gagawing konstruksyon.
4. Panadero
Ang panadero ang gumagawa ng tinapay at iba pang mga produktong gawa sa arina tulad
ng cake, biskwit at cookies.
Manggagawa
Ang mga manggagawa naman ang gumagawa sa maraming produktong kailangan ng mga
mamamayan. Sa mga pabrika sila nagtatrabaho. Sila ang taga-gawa ng mga bagay na nabibili sa
mga pamilihan tulad ng sabon, asukal, kape at iba pa.
1. Mananahi
Gumagawa ng mga damit para sa mga mag-anak ang mananahi. Kabilang din sa
kanilang ginagawa ang kurtina, punda ng unan, sapin sa kama at mantel.
2. Minero
Kinukuha ng minero ang mga likas na kayamanan tulad ng ginto, pilak, bakal at iba pa. Ang
mga ito'y ginagawang alahas. Sila rin ang nagmimina ng semento, buhangin, apog at marmol ng
ginagamit sa paggawa ng bahay.
3. Magtotroso
Pinuputol ng magtotroso ang mga katawan ng punong malalaki at matatanda. Gingamit ang
troso sa paggawa ng bahay at iba pang mga bagay.
Nagbibigay rin ng mga serbisyo o paglilingkod ang yamang tao upang matugunan ang
panagngailangan ng pamayanan.
1. Doktor, Nars, Dentista
Gawain ng mga doktor at nars ang panganaglaga sa kalusugan sa panggagamot sa may sakit.
Ang dentista naman ang nangangalaga sa ngipin ng mga mamamayan.
2. Guro
Mahalagang serbisyo ng mga guro ang turuan ang mga batang magbasa, magsulat at
magkwenta. Tinuturuan din ng yuro ang mga bata na maging mabuting mamamayang at
lumaking may magandang asal.
3. Pulis
Tumutulong ang mga pulis upang maging ligtas sa panganib ang mga tao. Pinangangalagaan
nila ang katahimikan at kaayusan ng pamayanan. Sila ang humuhuli sa mga taong hindi
sumusunod sa batas.
4. Kaminero
Magkatulong ang kaminero at tagahakot ng basura sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan
ng pamayanan. Sa tulong nila, naiiwasan ang pagkalat ng mga sakit na dulot ng maruming
paligid.
5. Tsuper
Ang pagmamaneho ng dyip, bus, traysikel at taksi ang serbisyong ibinibigay ng mga tsuper.
Sa tulong nila, nakararating sa iba't-ibang lugar na pupuntahan ang mga mamamayan.
6. Karpintero
Pangunahing gawain ng mga karpintero ang pagtatayo ng mga bahay at iba pang mga
gusali. Kinukumpuni rin nila ang mga sirang muwebles.
7. Tubero
Ang pagkukumpuni ng sirang gripo ay serbisyo ng mga tubero. Sila ang katulng ng pamayanan
sa pagkakaroon ng tubig sa kabahayan.
8. Bumbero
Serbisyo naman ng mga bumbero ang pagsagip ng mga bahay at gusali sa sunog. Buhay ang
puhunan ng mga bumbero. Peligroso ang ganitong gawain.