Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Pagtatalo

Dalawang magkasalungat na panig ang nagkakatuwiran ukol sa isang paksang pinagkaisahang talakayin ang
pagtatalo. Samakatuwid, katulad ng pagtatalumpati, sa pagtatalo ay mahalaga ang kaalaman sa tamang
pagmamatuwid. Ang pagtatalo ay maaaring nakasulat o kaya ay binibigkas. Ang mga Pilipino ay may isang uri
ng pagtatalo na ginagawa nang patula. Ito ay ang Balagtasan.

Pagpili ng Paksa o Proposisyon


Ang proposisyon ay isang paninindigang inihayag sa isang anyong pangungusap na nilalayong patunayan ng
tagapagtaguyod nito sa pamamagitan ng mga argumento. Nagsasaad ang proposisyon ng mga bagay na maaaring
tutulan at pagtalunan.
Ang pangkat ng sang-ayon (affirmative) ang nagpapatunay sa proposisyon samantalang ang panig ng salungat
(negative) ang nagpapabulaan sa proposisyon.

Mga Katangian ng Mahusay na Proposisyon


1. Magkasinlakas na panig ang nagkakasalungatang palagay. Samakatuwid, walang kinikilingan ang
proposisyon.
2. Kailangang hindi gaanong malawak at hindi rin naman gaanong makitid ang larangan ng paksa.
3. Mahalaga at napapanahon ang paksa.
4. Dapat may masasaliksik na mga katibayang batay sa katotohanan.
5. Kawili-wili ito sa nagtatalo at sa mga nakikinig.
6. Hindi pa ito napagpapasiyahan.
7. Mahalagang pagtaluhan.

Isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagpapahayag ng proposisyon.


1. Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.
2. Gawing payak at paturol ang pangungusap na may isa lamang suliraning patutunayan.
3. Ipahayag na walang salitang mapag-aalinlangan ang kahulugan.
4. Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.

Paghahanda sa Pagtatalo
Ang paghahanda sa pagtatalo ay nangangailangan ng mga hakbang na ito:
1. Pangangalap ng kinakailangang mga datos
2. Paggawa ng balangkas
3. Pagpapatunay ng mga katuwiran

Pagtitipon ng Datos
Ang pangangalap ng mga kinakailangang datos na gagamitin sa pagmamatuwid ay dapat na gawin sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga tunay na pangyayari buhat sa mapaniniwalaan at napapanahong mga aklat,
sanggunian, at magasin.
Dalawang sanggunian ang karaniwang pagkunan ng datos: ang ating sariling pangmasid at ang pagmamasid ng
iba na awtoridad sa paksang pinagtatalunan.
Banggitin sa tala ang pamagat ng aklat o magasin, ang may-akda, ang pahina at petsa na pinagkunan ng tala.

Ang Balangkas
Ang balangkas ay ang paghahanay ng mga katuwiran. Ito ay masasabing pinaikling pakikipagtalo. Ang mga
bahagi ng balangkas ay panimula, katawan at wakas.
Sa panimula, ihayag ang paksa ng pagtatalo, kahalagahan sa kasalukuyan gn paksa, ang mga kinakailangang
pagbibigay-katuturan ng mga talakay o termino at ang pagpapahayag ng isyu.
Ang katawan ng balangkas ay binubuo ng mga isyung dapat na bigyang-katuwiran. Pumili ng mga tatlo o apat na
isyu at ilagay sa wastong ayos. Bawat isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga katuwirang
siyang magpapatotoo sa panig na pinanghahawakan o pinapanigan.

Ang Wakas
Ito ay ang mga pangungusap na siyang nagbubuod sa mga isyung binigyan ng mga patunay. Inuulit dito ang
mahahalagang katuwiran na binanggit sa katawan ng balangkas.

Paraan ng Pagtatalo
Ang Oregon-Oxford na uri ng pagtatalo ang madalas na gamiting paraang ng pagtatalo.
1. Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat koponan.
2. Walo o sampung minuto ang oras ng talumpati ng bawat tagapagsalita.
3. Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minuto ng pagtatanungan.
4. Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon namang tatlong sandali ng
pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi, ngunit limang minuto naman ang para sa pagtuligsa at pagbubuklod
ng puno ng bawat koponan.

Ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga magsasalita sa pagtatalong ito:


1. Unang tagapagsalita (sang-ayon) pagtatanggol sa panig.
2. Unang tagapagsalita (salungat) pagtatanong.
3. Unang tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
4. Unang tagapagsalita ng sanga-ayon (magtatanong).
5. Ikalawang tagapagsalita ng sang-ayon (pagtatanggol sa panig).
6. Ikalawang tagapagsalita ng salungat (magtatanong).
7. Ikalawang tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
8. Ikatlong tagapagsalita ng sang-ayon, magtatanong.
9. Ikatlong tagapagsalita ng salungat, talumpating ganting-matuwid (rebuttal speech).
10. Ikatlong tagapagsalita ng sang-ayon, talumpating ganting-matuwid.

Mga Dapat Malaman sa Pagtatanong:


1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo o hindi.
2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.
3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa pagtatanong.
4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong niya.
5. Kung lumabag sa alintuntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong ipaalam sa Tagapangasiwa
ng pagtatalo.

Mga Dapat Banggitin sa Pagtuligsa (Rebuttal)


1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban.
2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.
4. Ipaalam na labas sa buod ang katuwiran o katibayan ng kalaban.
5. Magtapos sa pagbubuklod ng sariling mga katuwiran at katibayan sa sariling buod.

You might also like