Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Rerum Novarum

Layunin:
1. Maunawaan ng mga mananampalatayang Katoliko na ang Simbahan ay may misyon na
magpapairal ng katarungan at hustisya lalo na sa usaping pampulitika at pang-ekonomiya.
2. Maunawaan na ang Simbahan ay may Catholic Social Doctrine (Panlipunang Doktrina ng
Simbahang Katolika) na naglalayong pangalagaan ang dignidad ng bawat tao at ang kabutihang
panlahat.
3. Maunawaan na ang Simbahan ay tagagising at tagakalampag upang gumawa ng ingay kapag
naabuso ang dignidad ng bawat tao at ang kabutihang panlahat.
4. Maimulat ang mata ng mananampalataya sa usaping pampulitika at pang-ekonomiya sa
pamamagitan ng liwanag na hatid ng Rerum Novarum.
5. Maunawaan at malaman ang mga magagandang itinuturo ng Rerum Novarum-ang nagbukas ng
kamalayan ng Simbahan na kumilos at makialam sa usaping sosyal at sa isyung panlipunan.

Magandang araw po sa ating lahat at napakabuti ng Diyos sapagkat binigyan niya tayo ng isang
panibagong buhay upang magkatipon sa sandaling ito. Bayaan ninyong magsimula ako sa isang kwento.
May isang bata na laging nagtatanong sa kaniyang ina, “Inay pogi po ba ako”? ‘Oo anak pogi ka at ikaw
ang pinakagwapo sa lahat ng nilalang ng Diyos”, tugon ng ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ang batang
iyon ay ang batang nasa inyong harapan. Wala pong kokontra.
Ano nga ba ang ipinunta natin ngayon. Maaaring lahat tayo ay nagtataka. Gusto kong simulan ang
talakayan natin ngayon sa katagang “Ang Simbahang Nagmimisyon”. Ano po ba ang Simbahan para sa
inyo? Ito po ba ay Istraktura lamang? Tayo pong mga binyagan ang Simbahan

You might also like