Professional Documents
Culture Documents
Report Pagbasa
Report Pagbasa
Report Pagbasa
LAYUNIN
PANIMULA
Pangangalap ng Datos
Ang pananaliksik ay mawawalan ng halaga kung wala itong sustansya-nilalaman, diwa, bigat at
katatagan.
Ang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa mga nailatag na datos at mga patunay sinasabing
isa ito sa pinakamasining na bagahi ng pananaliksik ang pangangalap ng datos, ang Datos ang
pinakamahalagang tipak ng impormasyon na kailangang iproseso at suriin sa pananaliksik.
Ang mga nakalap na datos ay inihahanay ng isang maayos na paraan.
PEOPLE TRAIL – tawag sa mga uri ng pinagmulan ng datos na tuwiran o di-tuwirang nagmula
sa mismong isipan at pagsagot sa mga tanong sa isang indibidwal na paghahanguan ng
impormasyon na paraan ng isang panayam.
Ang tanong ay nakalahad nang tiyak, nakasulat ito bilang gabay sa pakikipanayam
interview guide. Ang nakikipanayam ay nagtatanong nang walang labis at walang kulang ayon sa
pagkasunod-sunod sa talaan batay sa suliraning binibigyang pananaliksik.
Bagamat ang magsasagawa ng panayam ay may listahan ng mga taong, hindi niya kailangang
sundin ang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Malaya niyang ulitin ang tanong at tumalakay ng
ibang punto na sa tingin niya ay may kapakinabangan sa isinasagawang pananaliksik.
Mahalaga ang pagsasagawa ng isang panayam, ang paglikha ng isang mabisang katanungan
ay makatutulong upang makakalap ng mga kakailanganing datos, imprormasyon, ang mga
sumusunod ang mga paraan ng pagbuop ng katanungan:
Tinatawag na open-ended dahil ito ay maaring sagutin ng OO o HINDI. Ang mga katanungan
ay nagsisimula sa sino, ano, kalian, saan, bakit at paano, ang ganitong mga katanungan ay matatamo
ang mga imprmasyong mahalaga para sa layunin.
Ang mga katanungan ay nabubuo habang isinaagawa ang panayam, ito ay higit na mahalaga
kausa sa mga naihandang katanungan. Kung ang naihandang katanungan ay hindi nagtamo ng
malalim na kasagutan tulad ng inaasahan na nagasagawa ng panayam, isasagawa pa rin ito. Tiyakin
na ang follow-up ay hindi magiging mahaba at matatamo sa itinakdang oras.
Di-pormal na obserbasyon
Itinatala rito kung ano lamang ang nais obsrbahan at ang mga posibleng kasagutan ay
binalangkas. Limitado ang mga impormasyong makukuha ngunit ito ay mas sistematiko kaysa sa di-
pormal na obserbasyon.
PAPER TRAIL
Tawag sa mga uri at pinagmulan ng datos mula sa opisyal na mga papel at dokumento pribado
man o pampubliko.