Document

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamilya; ang mga guro na hindi matutumbasan ng

anumang halaga. Isang katotohanan na hindi

kailanman maitatanggi ay ang lahat ng ating unang

pagkatuto ay nagmumula sa pamilya higit kanino

man ay sa mga magulang. Kaya naman bago pa

tayo tumuntong ng paaralan ay nahubog na tayo sa

kabutihang asal at tamang pag uugali.

Ang pamilya ang bumubuo ng aking pagkatao. Kung

wala ang mga magulang at kapatid hindi mabubuo

ang pagkatao ng isang tao sapagkat siya ay walang

pagkakakilanlan at walang tiyak na pinanggalingan.

Ang mga batang inabandona ng kanilang pamilya ay

nakararanas ng matinding hirap, sakit, at

nananatiling kulang kung walang pamilyang

umaaruga sa kanila.

Ang pamilya ang pumupuno ng aking mga

kakulangan at pangangailangan. Sapagkat, ako sa

aking sarili ay may mga kakulangan at kahinaan,

ang pagkakaroon ng pamilya ay mahalaga upang

hindi ko maramdaman na ako ay mahina at hindi

sapat. Ang mga magulang ang karaniwang

nagbibigay ng mga pangangailangan ng mga anak

habang sila ay bata pa.

Ang pamilya ang kasama ko sa lahat ng bagay at

masasayang pangyayari sa aking buhay. Mula sa

pagsilang, ang pamilya ang kasama ng isang tao at

maging sa lahat ng mga pangyayari sa kanyang

buhay maging ito man ay masaya o malungkot. Ang


mga magulang ang tumutulong sa mga anak upang

maunawaan ang mga pangyayari sa kanilang buhay

lalo pa kung ito ay nagdulot sa kanila ng mapait na

karanasan.

Ang pamilya ang kakampi sa lahat ng laban. Ang

lahat ng pagsubok na kailangang pagdaanan ng

isang tao ay mas nagiging madali sa tuwing

kasama ang pamilya. Sila ang nagsisilbing gabay at

inspirasyon sa pagharap sa lahat ng hamon ng

buhay. Tulad ng isang walis tingting na binigkis,

mas matibay ang pamilya kapag sama sama sa

pagharap sa pagsubok.

Ang pamilya ang kayamanan na hindi mapapantayan

at hindi mananakaw ninuman. Ang pagkakaroon ng

pamilya ay higit pa sa pagiging mayaman.

Maraming kilala at makapangyarihang tao sa mundo

na iniwan ang pamilya o namumuhay ng hiwalay sa

pamilya kapalit ng kanilang kasikatan at kayamanan

ngunit hindi sila masaya at hindi magiging masaya

kailanman sapagkat may nananatiling kulang sa

kabila ng kanilang kayamanan.

You might also like