Professional Documents
Culture Documents
GEFILI2 Scholarly Digest PDF
GEFILI2 Scholarly Digest PDF
ONG GEFILI2
AB Psychology and BS Applied Corporate Management February 26, 2020
Pamagat ng pananaliksik:
Ugnayan ng National Service Training Program at Pagiging Makabayan ng Mag-aaral na
ID 118 ng De La Salle University (2020)
Titulo/Pamagat:
Personal Assessment of the Social Awareness Level of Freshmen National Service Training
Program (NSTP) Students of Lorma Colleges for the School Year 2014-2015
Tesis:
Natugunan ang inaasahan na pagiging socially aware ng mga mag-aaral.
1. “One of the most effective ways to prepare students to be more responsible leaders is
to give them opportunities to get engaged in activities in their school or in
communities where they could interact with other persons be of service to others.”
(p.1) SSA o “student social responsibility” ay ang pagiging aware at pag unawa ng
mag-aaral sa kanyang kilos. Sa pamamagitan ng mga programa kung saan ang mga
mag-aaral ay nakikipag ugnayan sa iba, sila ay natututo maging responsable.
2. Ang National Service Training Program (NSTP) ay programa upang mas mapahusay
ang civic consciousness, social awareness and defense preparedness ng mga kabataan
sa pamamgitan ng pagsanay o pagbuo ng etika sa serbisyo at pagiging makabayan.
Ang NSTP ay may tatlong components, ang CWTS, ROTC, at LTS. .
3. Sa Lorma Colleges, CWTS ang programang inaalok dahil mas marami sa mga
mag-aaral ang nasa paramedical courses. Ang kurikulum ay nakatutok upang
ma-ensayo ang mag-aaral sa pagtulong at pabutihin ang kalagayan ng mga
komunidad. (p.2)
4. Ang social awareness ay isang katungkulan o responsibilidad sa isang indibidwal.
Hindi lamang ito tumutukoy sa mga business organizations, ngunit sa bawat tao at
kilos na nakakaapekto sa lipunan.
5. Inaalam ng pagaaral na ito kung saang antas ang kaalaman ng mga mag-aaral
pagdating sa kanilang social awareness. Sinusuri din dito ang bawat profile ng mga
mag-aaral base sa kanilang mga aktibidad sa pamilya, komunidad, at paaralan. Ang
sakop ng pag-aaral na ito ay sa freshmen students lamang ng NSTP program, school
year 2014-2015.
Metodong Ginamit
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng Input-Output approach. Ang input ay ang mga
sagot o datos na nakuha sa survey questionnaire, habang ang proccess naman ay ang
statistical analysis. Ang output sa pag-aaral na ito ay ang personal awareness ng antas ng
social responsibility ng mga mag-aaral padating sa mga aktibidad kaugnay sa paaralan,
pamilya, komunidad at relihiyon.
Mga Teorya
Ang Lorma Colleges ay isang komunidad na mayroong apat na main core values, ito
ay ang Christian Values, Teaching Excellence, Concern for Others at Social Awareness.
“Though there are no specific standards in developing these core values, this study came up
with standards for the core value on social awareness based from informal interviews
conducted among the faculty and students.” (p.1)
Base naman sa mga resulta na nakuha, ay nakakamit naman ang inaasahan na antas ng
kaalaman ng mga mag-aaral, pagdating sa social awareness. Rekomendasyon na ipagpatuloy
ang programa ng NSTP-CWTS dahil ito ay may magandang epekto. Nakatutok ang pag-aaral
na ito sa pagiging socially awareness ng mga mag-aaral, pero sa aking opinyon isa sa
magandang rekomendasyon ay ang magpropose ng plano o proyekto sa kurikulum upang mas
mapalakas ang pagiging socially aware ng mga mag-aaral. Lalo na at makikita sa
pananaliksik na isa sa mga tumutulong sa pagiging responsable ng mag-aaral ay ang
pakikipag ugnayan nito sa komunidad.
SUZANNE NICOLE B. ONG GEFILI2
AB Psychology and BS Applied Corporate Management February 26, 2020
Pamagat ng pananaliksik:
Ugnayan ng National Service Training Program at Pagiging Makabayan ng Mag-aaral na
ID 118 ng De La Salle University (2020)
Titulo/Pamagat:
Benefits and Difficulties of the National Service Training Program in Rizal Technological
University
Tesis:
Pagtukoy ng demographic profile ng mga sumasagot, ang mga benepisyo ng programa sa
tuntunin ng pagpapatupad, pang-unawa sa mga benepisyo, ang pagkakaiba sa mga benepisyo
na napupuna ng mga sumasagot, ang mga kahirapan ng programa sa pagpapatupad, at ang
mga iminungkahing solusyon sa mga problema.
Metodong Ginamit
Ginamitan rin ang pag-aaral na ito ng normative survey approach upang makukuha ng
mga datos. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay causal-comparative design na aplikado sa
piling 463 respondents na enrolled sa pangalawang semestre ng school year 2014-2015.
Mga Teorya
Isa sa mga nakita kong teorya na nabanggit sa pag-aaral na ito ay ang “Teorya ng
Leadership Effectiveness” ni F.E. Fiedler. Ang basic leadership ay sinukat sa pamamaraan
ng: Ability to communicate; Better interpersonal relationship Ability to empathize; Ability to
be a team player; Ability to prioritize others’ needs; Knowledge of the key roles of a leader;
Ability to listen; Involving others decision making.
Mahalaga ang pag-aaral na “Benefits and Difficulties of the National Service Training
Program in Rizal Technological University” dahil ito ay pwede maging source upang
suportahan ang mga pag-aaral sa hinaharap kaugnay ng National Service Training Program.
Ito ay nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng programa sa ating bansa. Nakalahad din
dito kung paano nakakaapekto ang National Service Training Program sa mga kabataan.
Sa pag-aaral na ito ay makikita natin kung saang aspeto o anong kakayahan ang
napapalakas ng National Service Training Program. Makikita din dito na magkaiba ang
paraan kung paano nakaapekto ang programa sa lalake at babae, makikita sa datos na ang
babae ay lumalamang sa aspeto ng kakayahang makipagusap, kakayahang makinig, at
kakayahang intrapersonal. Sila din ay mas naging aware sa kahalagahan ng health education.
Ngunit pagdating sa aspeto ng Recreation, Environmental Resource Management,
Entrepreneurship, First Aid at Emergency ay wala naman masyadong pinagkaiba.
Masinop at detalyado ang paglalahad ng mga datos sa pag-aaral na ito, inisa-isa din
ang mga iba’t ibang aspeto tulad ng leadership, health education, entrepreneurship at iba iba
pa. Masasabi ko na ito ay isang reliable at magandang pag-aaral.