Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hindi ko maipagkakaila

na kahit hindi kita kilala


Hindi maalis ang pagtingin
kahit ano pa man ang aking gawin.

Gusto kitang tawagin


Isigaw ang pangalan mo nang mahinhin
At sa’yong paglingon sa akin
Kakawala ang ngiting ‘di mapigil-pigil.

Hindi ko na alam ang gagawin


Natataranta, nagugulumihanan, natotorete
Ngunit nang magtama ang ating paningin
Nakita ko sa’yong mga mata ang mapayapang langit

Mga salitang ‘di ko maisambit


Puno ng kaba ang aking dibdib
Ngunit sa aking paghingang malalim
Aking pinilit, makausap ka sa huling sandali

Aking sinabi ang nararamdaman kong totoo


Napahinto ang Ginoo, napalingon sa gawi ko
At muli, ibinigkas ko ang pitong salitang ikagagalak naming dalawa
“Bukas po yung bag mo, kuya.”

Your Bag is Tomorrow

CHERIE KWON C.

You might also like