Professional Documents
Culture Documents
Alamat NG Mangga
Alamat NG Mangga
Ang madalas magpahinga sa punong manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila
ng pagkakataong magkausap palagi ng puno. "Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-rati'y init
sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan
mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang pumutol, humanda sila sa sungay kong
matutulis." "Salamat sa iy, Kalabaw at ako ay iyong ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na
ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan," nahihiyang wika ng mangga. Hindi nagtagal, sa dalas ng
kanilang pag-uusap ay nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga. Samantala, nagkaroon na rin
ng kagustuhan ang punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si "manggang pahutan" na malapit
sa kanyang kinatutubuan. Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay palaging sumisilong sa lilim niya ang
isang magsasakang may dalang "piko" at ewan kung bakit gustong-gusto ng mangga na titigan ang piko.
Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko
ang magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga punong mangga ay pawang nagbunga. Nang bumalik ang
matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay lubhang nagulat. Ang dalawang puno na hiwalay
sa karamihan ay magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga. Hindi maisip ni Tandang Isko kung
bakit nagkaganoon. Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at... "Sapagkat ang malalaking mangga ay
bunga ng pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin itong Manggang Kalabaw.
Bagama't magkawangis sa laki ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa rin sa
hugis at sa anilang sukat. Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa tawag na Manggang Piko."
"Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?" "SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA
PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang nawala. Ang sinabi ng diwata ay paulit-ulit ding ikinukuwento ni
Tandang Isko sa mga namimili ng mangga. Datapuwa't hindi na mahalaga iyon kahit pahutan, manggang
kalabaw o manggang piko basta ag mga ito ay pare-parehong mangga: Pusong bibitin-bitin mabangong
amuyin, Masarap kainin, lalo na't hinog.